تسجيل الدخولHABANG isinasawaga ng doctor ang operasyon ay nasa labas lang si Mayumi naghihintay ng mga posibilidad, maganda man o masama. Agad na lumapit sa kanya sina Michelle at Auntie Maya na kitang-kita ang pag-aalala at pagtataka sa mukha.“Yumi! Ano ba talagang nangyari?!” bungad ni Michelle habang hawak ang braso ni Mayumi. “Sino yang lalaking yan? Bakit duguan? At bakit dito mo pa dinala sa isla? Delikado ba siya? O may humahabol sa kanya?” Sunod-sunod ang mga nito.Hindi masisi ni Yumi ang mga ito dahil sobrang bigla nga ng nangyari. Kahit siya, hindi pa rin makapaniwala na nasa harap niya ngayon ang CEO ng Ayala Entertainment na halos kalaban niya palagi.Huminga nang malalim si Mayumi at sinubukang pakalmahin ang sarili bago sumagot.“Mich, Auntie Maya... siya si Kalel. Si Sir Kalel... ang boss ko at anak ni Sir Sebastian,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Yumi.Nanlaki ang mga mata nina Michelle at Auntie Maya sa gulat. “Ha?! Si Kalel?! Yung boss mo na sinasabi mong sobrang sungit?!
ISANG gabi, nagbar sina Mayumi at Bunny para mag-bonding. Matapos ang nakakapagod na schedule sa taping at sa opisina, naramdaman nilang kailangan nila ng pahinga—kahit saglit lang. Doon sa isang private lounge kung saan hindi masyadong matao at safe, doon sila nagtungo para kumain, uminom, at magkwentuhan.Matapos ang ilang oras na jamming at tawanan, medyo tipsy na silang pareho. Hindi naman lasing na lasing, sapat lang para mawala ang stress at gumaan ang pakiramdam.“Yumi, uuwi na ako, ha? Inaantok na ako oh,” sabi ni Bunny habang humihikab at inaayos ang bag niya. “Sobrang bigat ng talukap ng mata ko, baka kung ano pa mangyari sa akin kung magtatagal pa ako dito.”Tumawa lang si Mayumi. “Sige na Bun, ingat ka sa daan. Mag-drive ka nang dahan-dahan ha.”“Oo naman! Ikaw din ha? Huwag ka nang magtagal dyan. Umuwi ka na rin agad pagkatapos mo,” paalala ni Bunny bago tuluyang umalis.Naiwan si Mayumi sa mesa. Tinitigan niya ang natitirang isang shot ng vodka sa harap niya. “Isa na lan
NATAPOS na ang anim na buwang bakasyon ni Mayumi sa Batangas. Anim na buwan ng kapayapaan, ng mga ngiti ng matatanda, hiyawan ng mga bata, at simoy ng sariwang hangin sa isla. Panahon na para bumalik sa Maynila at harapin ang reyalidad ng trabaho. Umaasa siya na baka nagbago na ang ihip ng hangin at baka naging mabait na si Kalel.Ang katotohanan ay, sa bawat araw na lumilipas sa Batangas, may bahagi ring nag-iisip siya kung paano na ang mga proyekto sa Ayala Entertainment, kung paano na si Kalel—kung nagbago na ba ito. Nami-miss niya nga ba ang masungit na boss? Hindi niya masabi, pero may kuryosidad.Ngunit, nagkamali siya.Pagpasok niya sa opisina, sinalubong siya ng malamig na tingin ni Kalel. Walang "welcome back" o ngiti, tanging seryosong ekspresyon na parang hindi siya umalis ng kalahating taon."Late ka ng limang minuto. Start working now," malamig na sabi nito at tinalikuran siya, ibinalik agad ang dating realidad.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Wala talagang pin
ANG pagbabalik ni Mayumi sa Batangas ay para sa paglanghap ng sariwang hangin matapos ang mahabang pagkakakulong sa mausok na siyudad. Hindi na siya ang stressed at laging busy na tao. Ngayon, siya si Mayumi – ang babaeng may malaking ngiti, ang babaeng masaya sa simpleng mga bagay, masayang makasama ang mga tao sa isla, ang makatulong sa nursing home at sa mga bata. Masaya siyang makabalik at manatili ng matagal dito sa isla Verde. Marami siyang magagawang makabuluhan kasama sina Michelle at Auntie Maya. Bukod sa pagiging malapit sa mga tao ang pinakagusto niya sa lugar ay ang bahay nina Michelle, na nasa tabi mismo ng dalampasigan, na parang isang paraiso. Ang tunog ng alon, ang amoy ng dagat, at ang sariwang simoy ng hangin ang palaging hinahanap ng sistema niya.Dito niya tunay na natagpuan ang kapayapaan. Tahimik ang buhay, presko ang hangin, at ang pinakamahalaga, wala si Kalel. Pangalan pa lang nito ang maririnig niya ay inis na inis na siya. Ngayon kinalimutan muna niya an
MATAPOS isulat at pirmahan ang resignation letter, malalim na bumuntong-hininga si Mayumi. Tinitigan niya ang papel na nasa mesa at ngumiti nang mapait pero puno ng determinasyon."Bye-bye na sa trabaho, bye-bye na sa sungit at antipatikong boss na 'yan! Hindi ko na kaya! Sobrang nakaka-drain na," bulong niya sa sarili habang pinapatungan ng stamp ang papel.Buong-buo na ang loob niya. Alam niyang ito na ang tamang desisyon para sa kanyang sarili. Hindi na niya kayang manatili sa lugar na puro stress at away lang ang hatid sa kanya. Enough is enough.Kinabukasan, maaga pa lang ay pumunta na siya sa opisina. Suot niya ang pinakamaganda niyang outfit, parang wala lang sa kanya pero deep inside, kinakabahan din naman siya. Dumiretso siya sa opisina ni Sebastian at ibinigay ang envelope na naglalaman ng kanyang resignation letter.Nang mabasa ito ni Sebastian, napahawak siya sa kanyang sintido. Alam niya ang ugali ng anak niyang si Kalel at alam niyang hindi naging madali para kay Mayumi
BUONG-BUO na ang isipan ni Mayumi na bumalik ng Maynila. Isang linggo na siyang nasa probinsya at sa tingin niya ay sapat na iyon para magpalamig ng ulo at mag-isip nang malalim tungkol sa mga nangyari. Kahit na masaya at payapa ang buhay doon, alam niyang kailangan niyang harapin ang mga responsibilidad at mga taong naiwan niya sa siyudad.Pagdating niya sa Maynila, dumiretso siya sa Ayala Entertainment dahil ipinatawag siya ni Sebastian. Gusto ng boss niya na maliwanagan ang lahat tungkol sa nangyari sa Ifugao at sana ay magkaayos na sila ni Kalel. Alam ni Sebastian na may pinagkakaabalahan sila at gusto niyang ayusin ito bago pa lumala ang sitwasyon.Pero bago pa dumating si Sebastian, nagkasalubong na sila ni Kalel sa lobby ng opisina. Agad na sumama ang itsura ng mukha ng lalaki nang makita siya."Talagang may mukha ka pang magpakita pagkatapos mo akong iwan sa Ifugao. At ngayon mo lang din naisipang bumalik?""Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. Nandito ako para makausap si Sir
MAAGANG nagising si Mayumi upang maghanda ng sarili para sa Imbayah festival. Nagsuot siya ng katutubong damit na bagay sa kaniya. "I'm excited," maikli niyang sabi saka naglagay ng kaunting makeup. Pinasadahan ang mukha sa malaking salamin, "perfect!"Lumabas na siya ng banyo at nakita niyang gising
WHEN MAYUMI entered the bar, she immediately sit at the table that she always seated and ordered a vodka. Mapait ito pero balewala sa kaniya. Gusto niyang malasing kaagad. Gusto niyang mawala ang inis sa nangyari kanina. Kahit saan siya at anong project, nandoon si Briana na palaging nakikigulo. She
"ARE you okay?" tanong ni Kalel kay Mayumi nang makapasok siya. Umirap siya ng mga mata, malamang hindi siya okay. Sinugod ba naman siya at inaway ni Briana ng wala naman siyang ginagawa sa babaeng 'yon, oo, umawat si Kalel pero hindi siya thankful dahil mas lalong nagalit ang bruha. "Bakit? May pak
"HUMINTO KA! Huwag kang tumakas kung talagang matapang ka. Harapin mo ako," sigaw ni Mayumi sa kaaway niya. Nasa shooting siya ngayon. Siya ay si Clarisse sa bago niyang role, isang bodyguard ang ginagampanan niya. Nasa habulan ang scenes na kinukunan nila ngayon. Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng







