Share

Chapter 25

Via

"Guys! Final practice na natin to! Ayusin niyo naman!" naiinis nang sigaw ni Trisha sa amin.

May ilan kasi sa aming nagkakamali pa at hindi nakakasabay sa action. Kitang kita sa mukha ni Trisha na nagpipigil ito sa inis. Ayaw sigurong masira ang poise nito. Nagmamaganda kay Kian eh. Kanina pa.

Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa tuwing lumalapit siya kay Kian. Parang nangangati ang kamay ko at gustong manabunot ng buhok.

"Inhale, exhale." pagpapakalma ko sa sarili at tinuon nalang sa iba ang mata ko.

Nang matapos kami sa praktis at medyo handa na para bukas ay nagsiuwian na kami.

Ilang araw din ang lumipas nang mapanood ko ang video at ngayon ay nasa likod ako ni Lalaine na naglalakad papuntang gate.

"Sigurado ka bang susundan natin si Lalaine?" bulong ni Gail na ngayon ay nasa tabi ko.

Hindi ko kwinento lahat sakanya at baka madulas ang dila at masabi sa iba. Sinabi ko lang na hindi na niya ako pinapa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status