Share

15: Angielyn’s Resemblance

“P’wede po ba tayong bumaba sa ’baba, Tito Vicente?” Pagtingala ni Angielyn kay Vicente.

“Oo naman. Para makita ninyo ng mama mo sa malapitan ang farm.”

Kahit hindi man iyon sabihin ni Vicente ay bababa talaga siya’t gusto niyang makita nang malapitan at mahawakan ang mga ito.

“Mama, tara po!” nasasabik na paanyaya sa kaniya ng anak. Gaya niya ay hindi rin makapaghintay ang kaniyang anak. Hindi lang kasi siya ang mahilig sa halaman dahil maging ang anak ay kinahihiligan din ang mga iyon.

“Let’s go.” Paghawak niya sa kamay ni Angielyn.

“Careful, ate. Medyo madulas.” Si Katarina nang magmadali silang dalawa ng kaniyang anak sa pagbaba.

Ngunit namalayan na lang niyang nakababa na sila ng kaniyang anak. Pagdating sa ibaba ay agad din silang nagkahiwalay nito para lapitan at tingnan ang kani-kaniyang gustong hawakang halaman o pananim. Sa kalagitnaan ng paghanga niya sa mga dahon ng gulay na malalago at bungang sariwa ay naagaw nina Vicente at Katarina ang kaniyang tingin. Malawak an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status