Share

3: In Tied

Warning: MUST READ.Some scenes are not allowed for minors. Read at your own risk. Thank you.

“Maupo ka kasi ng maayos. Hindi pa ako tapos sagutin ang tanong mo.” Pagpigil nito sa dapat niyang sabihin. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapanguso at sundin ito. Narinig pa niya ang pagtawa ng mahina ng kaniyang kasama na ikinangiti naman niya. 

Ngayon ay nakatanaw na siya sa tanawin kung saan nakikita nila ang malawak at maunlad na bayan ng Casa Serrie. Isama pa ang maaliwalas at asul na kalawakan. Hindi gaanong maalinsangan dulot ng mga puno sa buong paligid. Sariwang-sariwa ang hanging nilalanghap nila.

“Ikaw iyong babaeng bukod tangi sa lahat. Paano ko iyon nasabi? Kasi hindi ka lang isang Prinsesa sa isang fairy tale kundi isa ka ring hero sa komiks. Kung noon ay nakuha mo na ang atensyon ko, ngayon ay nakuha mo maging ang puso ko. Nagsimula ang lahat ng ito nang tinulungan mo ang batang gusgusing b-inu-bully.” Niyakap siya nito ng mas mahigpit pa. Ipinaparating kung paano siya nito ipinagmamalaki. “Iba ka. Napamulat kang nasa mataas na antas na ng lipunan at pinalaki sa layaw ng marangyang buhay ng iyong mga magulang, ngunit kaya mong ibaba ang sarili mo para sa kanila. Hindi nakapikit ang mga mata mo sa mga nangangailangan. Kaya nasabi ko sa sarili ko na ‘gusto ko pang mas makilala ng lubusan ang babaeng ito.’”

“Maliban doon ikaw lang din ang kaisa-isang babae na nagpabahag sa akin. Pakiramdam ko kasi ay hindi tatalab ang karisma ko sa isang katulad mo. Kaya napakalaking bagay ang ginawang pagtulong sa akin ng mga kaibigan ko. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko malalaman na matagal na rin palang patay na patay sa akin ang babaeng noon ay hanggang tingin lang ako.”

Hindi na niya napigilan at humarap siya sa lalaking minamahal. Namumulaklak sa kagalakan ang kaniyang puso sa tuwing kaharap at tinititigan niya ito sa mga mata. Iba ang ligaya na tila ba lumulutang siya sa alapaap. Unti-unti ay nilalapit nito sa kaniya ang mukha at bumaba ang tingin sa kaniyang mga labi. 

“Napakayabang mo rin, ’ano?” Naiharang niya ang kaniyang palad sa mukha nito bago pa man dumampi ang mga labi ng lalaki sa kaniyang mga labi, at inilayo sa kaniya ang mukha nito gamit ang nakaharang na palad.

Bumusangot na lang ang katipan sa ginawa niya at pabirong pinanlisikan ang mga matang tinitigan siya. Natawa siya roon. Imbes na matakot ay ginawa niya itong katatawanan. 

“Ah! Gano’n pala, ha. Dahil pinagtawanan mo ako ay humanda ka sa akin,” wika nito na ikinatili niya at tumayo. “At magpapahabol ka pa.” At umikot-ikot na nga sila ng habulan sa mga puno na naroroon.

Sa huli rin ay naabutan siya nito. Basta na lang hinablot ng binata ang kaniyang baywang at hinila siya papalapit—payapak. Pinaharap siya ng kasintahan upang magkaharap silang dalawa. Nagkatinginan sila panandalian bago inulanan siya nito ng kiliti na halos ikinahiyaw niya sa pagmamakaawa. Malakas rin ang naging paghiyaw niya nang matalisod siya. Bago sila matumba na dalawa ay niyakap siya ng nobyo. Napapikit siya dahil ayaw niyang makita kung saan siya babagsak, ngunit ng matumba ay anong pagtataka niya dahil hindi man lang siya nakaramdam ng sakit. Tanging ang mga bisig lamang ng nobyo na nakayakap sa kaniya ang kaniyang nararamdaman. Kaya pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay doon lamang niya nalaman ang sitwasyon nilang dalawa. Nakapikit ang kaniyang nobyo kung saan kinaibabawan niya ito at mas sumorpresa ang pagkakadikit ng kanilang mga labi. Nang magmulat si Vicente ay doon na lang nanlaki ang kaniyang mga mata na tila ba batang naabutan ng ina na kumupit ng barya sa bulsa.

Tatayo na sana siya upang paghiwalayin ang pagkakadikit ng kanilang mga labi. Ngunit hinawakan ng lalaki ang kaniyang ulo upang mas lalong diinan ang pagkakalapat ng kanilang mga labi sa isa’t isa. Nagulat siya roon ngunit wala na siyang nagawa kundi ang mapapikit nang pumikit ulit ito. Hindi akalain ni Katalina na ang halik na iyon ay maghahatid sa buong sistema niya ng kakaibang sensasyon. Ngayon lang niya naranasan ang ganoon kasayang pakiramdam na tila ba inilulutang siya sa alapaap. Hindi niya rin namalayan ang unti-unti niyang pagtugon sa mga yakap at halik ng lalaking minamahal. This is her first kiss and there’s no regrets because she gave it to the person she loved.

Natigil lamang ang kanilang ginagawa nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kung kaya ay nagmamadali silang napabitaw sa labi ng isa’t isa.

“Halika, maghanap tayo ng masisilungan,” wika ni Vicente at hinila ang kamay ni Katalina upang maghanap ng mayabong na puno na maaaring masilungan.

Lakad-takbo ang kanilang ginawa hanggang sa may makita silang maliit na kubo sa hindi kalayuan. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at kaunti na lang ay tuluyan nang mababasa ang mga panloob nilang kasuotan.

Nang siyasatin nila ang maliit na kubo ay wala namang tao roon. Halatang ginagamit lang ang kubo na iyon tuwing anihan dahil malapit lang iyon sa taniman ng palay. Marahil ay tuluyan iyon ng mga magsasaka tuwing kakain o hindi kaya ay silungan na rin tuwing matindi ang init ng araw.

Pumasok silang dalawa sa loob ng munting kubo at nanginginig na sumilong. Medyo maalikabok na ang loob niyon kung kaya ay hinubad ni Vicente ang suot na damit at pinagpagan ang papag na naroroon.

“Ayan malinis na. Puwede na tayong maupo sa sahig,” nakangiting bigkas ng lalaki.

Bantulot na naupo sa papag si Katalina habang yakap-yakap ang sarili. Totoong giniginaw na siya at nag-aalala na rin dahil hindi siya puwedeng umuwi ng ganoon ang hitsura. Tiyak na malalagot siya sa kaniyang ama.

Dahan-dahang nilapitan ni Vicente si Katalina at unti-unting hinawakan ang kasuotan nito.

“Nilalamig ka na. Pasensiya na pero hayaan mo sanang gawin ko ito,” anang lalaki at hinubad ang kasuotan ni Katalina. Tanging panloob na lamang nag natitirang saplot sa itaas na bahagi ng kaniyang katawan.

Hinila siya ni Vicente papalapit sa katawan nito. Pakiramdam ni Katalina ay biglang nag-init ang katawan niya nang maramdaman ang mainit na yakap ni Vicente. Punong-puno ng kaba ang puso niya nang mga oras na iyon ngunit lamang pa rin ang kakaibang pakiramdam na lumulukob sa buo niyang katauhan sa mga oras na iyon.

“Mahal na mahal kita, Katalina,” mabining bulong ni Vicente sa kabilang tainga niya.

Napapikit si Katalina at ninamnam ang tamis ng pagkakataong iyon. Hinawakan ng lalaki ang baba niya at iniangat upang magkasalubong ang paningin nila.

Mapupungay ang mga matang tinitigan nila ang isa’t isa. 

“Mahal na mahal din kita, Vicente,” bulong ni Katalina. Napangiti ang lalaki at kasunod niyon ay ginawaran siya nito ng mainit na halik sa labi.

Hindi akalain ni Katalina na muli niyang mararamdaman ang kakaibang sensasyon na iyon. Ngayon ay higit na kakaiba iyon at mas nag-alab kumpara kanina. Ang kanina’y nag-aalinlangang halik ay natutong tumugon. Nakikipagsabayan sa katunggali dahilan kung bakit mas lalong pumusok ang pagsasalong iyon. Nag-aalab ang kanilang mga katawan dulot ng kakaibang pakiramdam. Isang damdaming lumunod sa mura nilang isipan at kamalayan. Hindi na namalayan pa ni Katalina ang paglakbay ng mga kamay ni Vicente sa buo niyang katawan. Unti-unti ay naalis ang mga saplot na tanging sagabal sa kanilang katawan. Tinugon ang pag-ibig na nais ibigay sa isa’t isa. Ang mga labi ay tila ba nakikipagkumpetensya sa katunggali. Ang mga kamay na naging malikot na’t kung saan-saang parte na ng katawan gumapang.

“Pangako. Iingatan ko ang pag-ibig mo at iingatan kita, Mahal ko,” bulong ni Vicente na tuluyang nagpalimot sa buong sistema ni Katalina. 

Wala na siyang ibang maisip pa kundi ang ibigay sa lalaking minamahal ang sarili sa mga oras na iyon. Mahal na mahal niya ang lalaki kung kaya’y walang puwang ang pagtanggi sa buong sistema niya.

Nagulat si Vicente nang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata habang nakikipagniig dito. Halos hindi ito makapaniwala sa nararamdaman ngunit sa kabilang banda ay nakaramdam rin ng pagkatuwa sa kaalamang siya ang kauna-unahang lalaki sa buhay ni Katalina.

“Mahal na mahal kita, Katalina.”

Walang ibang ginawa si Vicente kundi ang bumulong ng matatamis na salita sa babae habang sumasailalim sila sa ritmo ng pagkahumaling. Saksi ang munting kubo na iyon sa maalab na pag-iibigan ng dalawang taong pigil ang pag-alpas ng mga ungol at halinghing. Nakalimutan na ni Katalina ang lahat lalo na nang marating nila ang r***k ng langit.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status