Share

Chapter 164: Naaalala

“Hi!” Lumapit ako sa mahabang bata na mag-isang nakaupo sa gilid ng playground. “Ano’ng pangalan mo?” Umupo ako sa tabi niya.

“Don’t talk to me,” masungit na sagot niya.

“Don’t English me. Sungit.” Inirapan ko siya at tumakbo para makipaglaro sa ibang bata.

Nakipaglaro ako sa ibang bata ng sawsaw suka at habulon.

“Tabachoy!”

“Tabachoy!”

“Alien na tabachoy!” Tinulak ng isang bata si Sungit.

Tumakbo ako sa grupo ng mga batang inaaway ang batang masungit. Tumayo ako sa paanan niya at ginawang kalasag ang sarili.

“Sinong tinatawag niyong tabachoy?” Nagpamewang ako. “Ha, tulo sipon, maraming kuto at, ‘di naliligo.” Isa-isa ko silang tinuro.

“Isusumbong ka namin kay, Sister Esther!” Iyak ng tatlong bata.

“Mga duwag naman pala!” Inirapan ko sila. Nilapitan ko si Sungit at tinulungang tumayo. “Are you okay?”

“I’m fine,” maikling sagot niya at pinagpagan ang sarili. “I’m Xeonne by the way.” Nilahad niya ang kamay.

“Siyon?” Napakamot ako sa ulo sa pangalan niya.

Binaba niya ang kamay. “Not Siyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary ann Cornel
thanks po Ang Ganda next po ulit
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status