Tahimik ang buong hapag-kainan kahit na kumpleto kaming nakapalibot sa parehabang mesa. Magkatabi si Mommy Ria at ang asawa nitong kanina pa pasulyap-sulyap sa ‘kin pero hindi naman makatingin kung nakatingin ako. Pinapagitnaan naman namin ni Xeonne si Xenon sa kabilang gilid ng mesa kaharap sina Mommy Ria. Sa magkaibang dulo ng mesa nakaupo si Lolo Luxio at Victoria.“That’s Nana’s seat.” Tukoy ni Xeonne sa inuupuan ni Victoria nang hindi ito tinitingnan. “My Nana Leonor’s seat,” dagdag niya pa.Lalong nadagdagan ang tensyon sa paligid. Hindi ko siya sinita. I don’t want to invalidate his feelings. Hindi naman umimik si Victoria at lumipat na lang sa bakanteng upuan sa tabi ni Mommy Ria. Muling tumahimik ang silid.“Dada, pototo.” Paghingi ni Xenon ng patatas.Nilagyan naman ni Xeonne ng isang piraso ng patatas mula sa adobo ang pinggan ni Xenon. Tanging si Xenon lang ang nakakapagsalita sa kabila ng matinding tensyon.“Xeonne, Anastasia, kalian niyo planong magpakasal?” tanong ni Lo
Hinaplos ko ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Binaling ko ang tingin sa digital clock na nakarating sa bed side table. Mag-aalas sais na pala Ng umaga pero ni isang minuto hindi ko nagawang makatulog. With all the secrets and revelations. I feel like something more terrifying is yet to come. The happy hours is about to end.Binalik ko ang tingin kay Xeonne. Kinabisado ko ang bawat sintemetro ng mukha niya. Napangiti ako. Kung may mangyari man sa ‘kin, sa ‘min, ay gusto ko ganito pa rin katahimik at kahimbing ang tulog niya.Inabot ko ang pisnge niya. Humilig ako pababa at nilapat ang labi sa labi niya. Sa pagpikit ko ng mga mata ay tumulo ang aking mga luha. I savoured his warm breath blowing on my face. I savoured his heartbeat against my chest. I savoured his soft lip against mine. I savoured every seconds with him because I know one day I might not be able to stare at him this close, I might not be able touch him, kiss him, feel him.“I love you always, Xeonne Sage Monteverd
Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko.“Hubby, answer the phone,” sabi ko nang nakapikit. “Please…” pahabol ko.Inaantok pa rin ako dahil sa ilang gabing hindi ako nakatulog. Bumabawi yata ngayon ang katawan ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumigil ang tunog. I was about to go back to sleep but it rang again.“Xeonne…” tawag ko at hinarap siya.Napamulat ako ng mga mata when I found the space next to me empty. Wala na si Xeonne. Binaling ko ang tingin sa digital clock sa bed side table. Alas nuwebe na pala ng umaga. Umupo ako at mabilis na napahawak sa ulo nang makaramdam ng hilo. Nasobrahan yata ako sa tulog.Nang bumuti ang pakiramdam ko ay saka ko lang kinuha ang cellphone na kanina pa ring nang ring. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Lumaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Drizelle. Dali-dali kong sinagot ang tawag.“Hawak ko ang kaibigan mo, Anastasia.”Bumilis ang kabog ng d*bdib ko. Hindi ko mawari kung sino ang nasa kabilang linya dahil sa sobrang lalim ng b
Nakatitig ako sa kamay nitong nakalahad. Para akong nabingi sa narinig.Sia...Xeonne’s fiancée...Parang sirang plaka ang boses nitong paulit-ulit sa tenga ko. Bumalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Luciano. Sila naman talaga dapat. They are still engaged.They got engaged first Is she? His first love? Parang may kung anong tumusok sa d*bdib ko. Hinuli ko ang mga mata ni Xeonne.“Kung finacée mo siya, ano mo ako?” nanginginig ang mga labi kong tanong.Walang kibo siyang napatitig sa mga mata ko. Napangiti ako nang mapakla. He could simply say He loves me but he didn’t. He couldn’t. Not in front of her. Kung ano-anong mga sagot sa sarili kong tanong ang pumapasok sa isipan ko. Panakip butas lang ba ako? Pansamantala habang wala siya? Nanay lang ng anak niya?“Sia?”Nagmula sa labas ng kuwarto ang boses. Alam kong boses iyon ni Luciano.“Sia!” nakangiting tawag ni Luciano at pumasok ng kuwarto.Malayo pa ay nakaabang na ang mga bisig para yakapin si Sia.“Dad!” nakangiting tamakbo si
Pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Lucero ay mabilis akong bumalik sa itaas buhat-buhat si Xenon. Dumiretso ako sa kuwarto namin ni Xeonne at naabutang nakabukas ang pinto at nawawala ang doorknob. Wala ring tao sa loob. Sakto namang napadaan ang isa sa mga katulong sa bahay.“Manang, ano pong nangyari rito?” Tinuro ko ang iniwang butas ng nawawalang doorknob.“Sinira po ni sir Xeonne, ma’am,” sagot ni Manang.Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit naman niya ito sisirain?“Bakit naman po?” nagtatakang tanong ko.“Nagwala po siya, ma’am.” Kinabahan ako sa sinabi ni Manang. “Ang alam ko lang po ‘nong lumabas po kayo ng kuwarto ay sumunod po si sir Luciano. Naiwan po sa loob sila sir Xeonne at ma’am Alesia. Naka-lock po ang pinto mula sa labas.”Mas lalo akong kinabahan sa narinig. Xeonne and Alesia locked in a room alone? Baka napag-usapan nila ang hindi pagkakaintindihan nila noon. Baka bumalik ang naramdaman nila para sa isa’t isa. Maraming pwedeng mangyari. Baka may nangyari sa kanila. U
I was ready for bed when I heard a knock. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa ‘kin si Xeonne na yakap-yakap ang puti at malambot na unan. Nakatingin siya sa ‘kin na parang nagpapa-cute at nagpaawang tut ana gusting maglakad-lakad sa labas. Ang pinag-iba lang ay gusto nitong pumasok.Tinupi ko ang mga braso sa dibdib at m*****a siyang tiningnan. “Ano’ng ginagawa mo rito?”“Can I have a sleep over?” aniya at sadyang kumurap pa nang maraming beses.“Go sleep in your room,” masungit kong tugon.Umiling siya. “It’s on lock down. It’s being disinfected.”“Excuses.” I sneered.“I’m telling the truth. No one should enter our room but us and Xenon.” He emphasized the words our and us.Maka-disinfected. Ginawang germs sina Alesia at Luciano. Si Luciano pwede pa. Hindi lang basta germs ‘yon kundi peste pa. Peste sa buhay ko.“Then sleep on one of the guestrooms.” Pagmamatigas ko sabay sandal sa hamba ng pinto.“There are no guestrooms-”“Another excuse.” Pinaikutan ko siya ng mga mata.
Nagising akong nasa kama na nakahiga. Bumangon ako tiningnan si Xenon pero wala na ito sa crib. Nilingon ko ang couch at wala na rin si Xeonne doon.“Duck! Duck!”Boses iyon ni Xenon na sinundan ng tilamsik ng tubig at hagikgik. Sinundan ko ang tunog at dinala ako nito sa playroom. Nagsalubong ang mga kilay ko nang madatnang walang katao-tao ang silid. Sigurado ako sa narinig. Nandito iyon nanggagaling.“More ducks!” sigaw ng anak ko at sumunod ang palakpak.Napalingon ako sa slide na nasa sulok ng silid. Nilapitan ko ito. Nakapamewang ko itong inusisa. Parang may kakaiba sa slide na ito pero hindi ko matukoy. Parang nag-iba ang laki at kulay nito. Napatingin ako sa kabilang gilid ng silid. Sa pagkakaala ko bago kami mag-beach ay roon pa ang puwesto nito.“Paano ito napunta rito?” Napakamot ako sa ulo.Narinig ko na naman ang halakhak ng anak ko. Dali-dali akong umakyat ng slide. Nang marating ang kubo-kubo sa tuktok ng slide ay napahinto ako. Pabalik-balik ang tingin ko sa tatlong sl
"Sis!"The next thing I knew she was already clinging unto me."Where are you going?" she asked leaning against my arm."Work." I removed her grasp on my arm and walked away."I'm coming with you!" She wrapped her arm around mine again.I gritted my teeth. Buong araw na akong nagtitimpi sa isang 'to. Hindi ko alam kung may lahi ba 'tong linta, tarsier o unggoy. Ang lakas makakapit akala mo naman close kami. Kung saan ako ay bigla-bigla nalamang siyang sumusulpot. Kahit siguro tinatawag ako ng kalikasan ay sasama 'to kung may pagkakataon."Sia, where are you going?"I didn't bother to look back to who was talking despite him mentioning my secret nickname. Boses pa lang alam ko nang kay Luciano 'yon. Sigurado akong hindi ako ang tinawag niya."Dad, it's Ali and not Sia," pagtatama niya."Right, you only want Xeonne to call you that." He chuckled.I know he said that on purpose. Ramdam ko rin ang mga mata nito sa direksyon ko at nakikita ko sa labi nito ang malapad na ngisi kahit na naka