Fenced by the Billionaire

Fenced by the Billionaire

last updateLast Updated : 2025-05-22
By:  Sham CozenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
36 ratings. 36 reviews
185Chapters
70.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Akin ka lang, Anastasia, kaya babakuran kita.” Engr. Anastasia Veda Sullivan was set-up by her best friend and twin sister who was having an affair with her fiance. She was forced inside a stranger’s room in the cruise and things got hot! After that one steamy night, she was fenced by the billionaire and CEO, Xeonne Sage Monteverde.

View More

Chapter 1

Chapter 1: ID

ANASTASIA’s POV

“Sa ‘kin ang proyektong ‘yon, Dad. Ako ang nagpanalo ng bidding. Handa na rin ang lahat. In fact, magsisimula na ang clearing ng site sa Lunes,” paliwanag ko pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni Daddy.

“Nagtatrabaho ka sa ilalim ng Sullivan Incorporated. Technically, the project is owned by SI and not by you, Anastasia. Ako ang nagmamahala sa kompanya kaya ako ang magdedesisyon kung kanino mapupunta ang proyekto,” depensa niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

“Pero naasikaso ko na lahat. Pinaghirapan ko ‘yon, Dad,” giit ko.

Pinagpuyatan ko ‘yon, pinag-isipan, nilaanan ng oras.

“Hindi naman mapupunta sa wala ang sinimulan mo dahil kapatid mo naman ang magpapatuloy nito. Besides, I have a new project for you.” May kinuha siyang folder sa loob ng drawer ng desk niya at inilahad ito sa ‘kin.

Kinuha ko ito at tiningnan. Napaismid ako sa nakita. “Seriously, Dad? Housing project? Sa ‘kin? Hindi ba dapat kay ate mo ibigay ‘to?"

“You don’t have the right to tell me what to do, Anastasia Veda Sullivan.” Bawat salita ay binanggit niya nang may diin.

Judging by his tone and the way he called me, I could tell he’s pissed off.

“Pero, Dad! Kakapasa lang ni Ate sa board exam last month! Ni wala pa siyang experience. Giving her a twenty-storey hotel as her first project is a bad idea.” Pilit kong ipinaliwanag sa kanya ng sitwasyon.

Not just a bad idea but a disaster.

“Kaya ka nga nandito para gabayan siya. Ituro mo sa kanya lahat ng nalalaman mo–”

Hindi ko siya pinatapos at malakas na ibinagsak ang folder sa mesa niya.

“What am I? Her stuntman? Nagpakahirap ako ng ilang taon habang siya nagpakasaya lang sa ibang bansa bitbit ang Hermes bags niya tapos siya ang paparangalan? Parang pinag-aral niyo lang ako para turuan siya ahh. Edi sana education na lang ang kinuha ko at hindi engineering.” Huminga ako nang malalim para kontrolin ang galit at inis na nararamdaman ko. “Dad, naman... nagtrabaho ako ng tatlong taon sa kompanyang ‘to at nagsimula sa pinakamababa. Why don’t you let her do the same?”

“Hindi siya nagpakasaya lang sa ibang bansa, Anastasia. Your sister was depressed. Alam mo naman ang pinagdaanan niya. She graduated magna cum laude yet she failed the board exam. She couldn’t handle the humiliation,” pagtatanggol niya kay ate.

She graduated magna cum laude in the university we both attended. She also graduated valedictorian in both elementary and highschool. She bagged all the recognitions that was supposed to be mine. I may sound envious or greedy but it’s the truth. Sino ba naman kasi ako? Isa lang naman akong anino ng pinakamamahal nilang Cindy Ella ‘Everyone’s Favorite’ Sullivan.

Kinagat ko ang ibabang labi. Umiinit ang mga mata ko dahil sa bumabadyang pag-agos ng mga luha ko.

“Bakit parang kasalanan ko, Dad? Was it my fault that she chose to hangout with random guys instead of reviewing–”

Napahawak ako sa pisnge pagkatapos bumagsak nang malakas ang palad ni Daddy dito. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya.

“How could you talk ill about her? She’s your twin sister!” Dumagundong ang boses ni Dad sa buong silid.

“And I am also your daughter!” Sandali akong tumingala para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. “Am I?” dagdag ko.

Kinalkal ko ang bag at pinatong sa table niya ang resignation letter ko. Tumalikod ako paalis at saka lamang nagsiunahan sa pagbagsak ang mga luha ko.

Mabilis kong pinahid ang mga luhang patuloy sa pag-agos pababa ng pisnge ko. Dumiretso ako sa Construction and Design Department para iligpit ang mga gamit ko. Laking gulat ko nang matagpuang magulo at walang ingat na pinasok sa isang kahon ang mga ito.

“Sino ang gumalaw ng mga gamit ko?” Umalingawngaw ang boses ko sa buong kuwarto ngunit walang ni isa sa kanila ang nangahas na sumagot. “Sino?!” pag-uulit ko.

“Ako!” sagot ng babaeng kakapasok lang bitbit ang kanyang pinakamamahal na Hermes bag.

She was wearing an LV heather effect choker dress and a platinum two-band stilettos that has diamond encrusted circles at top of her foot and a platinum band crossing over her toes. It’s a half million worth stilettos, Stuart Weitzman Diamond Dream stilettos.

“Bakit mo pinakialaman ang mga gamit ko?” malamig kong saad.

“Sissy!” matinis niyang sigaw sabay yakap sa ‘kin. “I missed you so much!” wika n‘ya na nanggigigil at hinigpitan ang yakap. Inilapit niya ang labi sa tenga ko. “I got the project you’ve been working so hard. Next will be your fiance,” bulong niya at pakiramdam ko ay nakangisi s‘ya ngayon.

Kumalas ako sa pagkakayakap at bahagya s‘yang tinulak palayo. Napangiwi ako nang lumagapak siya sa sahig. Hindi naman ako kasing lakas ni Hercules sa pagkakaalala ko.

“Didn’t you miss me?” mangiyak-ngiyak niyang usal habang nakaupo sa sahig. “Are you mad because dad gave me the project? Don’t worry I‘ll talk to him.” Tumayo s‘ya at pinagpagan ang damit.

Why would I even help her? Hindi ko na kasalanan kung may pagkalampa s‘ya.

“Ayaw kong magkalamat ang relasyon natin dahil lang sa proyektong masmahal pa ang sapatos ko,” aniya at naglungkot-lungkutan saka lakad-takbo na umalis.

Napaismid ako sa inasta n‘ya. Hindi niya ako maloloko. Simula pagkabata namin ay santa-santita, bida-bida at pa-victim na s‘ya.

Binaling ko ang atensyon sa mga gamit ko. Habang inaayos ang mga ito ay nakarinig ako ng bulungan mula sa mga kasama ko sa team.

“Akala ko talaga mabait s‘ya.”

“Siguradong pinaplastik n‘ya lang tayo. Mismong kambal nga n‘ya binastos n‘ya. Tayo pa kaya?”

“Halos apat na taon din silang hindi nagkita tapos ginano’n n‘ya lang?”

“Pakitang-tao talaga.”

“Sabi ko sa inyo una pa lang eh...”

Ramdam ko ang pagsulyap nila sa direksyon ko. Bumusangot ang mukha ko. Kaya naman pala. Ang bruhang ‘yon ginawa akong masama sa paningin ng mga katrabaho ko!

Napabuntong hininga ako. Katrabaho ko sila ng tatlong taon. Nakisama ako nang maayos sa kanila, hindi ko sila pinagmalupitan at naging maluwag ang pamumuno ko tapos ako pa ang pakitang-tao? Pinaniwalaan nila ang ilang minutong pagpinta ng marumi ni Ella sa ugali ko kesa sa tatlong taong pagsasama namin? Ang galing!

Napahawak ako sa dibd*b sa gulat nang may kung anong bumagsak sa tabi ko. Binagsak ni Reneigh ang kahon ng gamit niya sa desk ko.

“Tara na,” aya n‘ya sa ‘kin nang nakangiti. “Kung saan ka, doon din ako,” dagdag pa n‘ya.

“Reneigh...” naluluhang sambit ko at niyakap s‘ya. “I appreciate it, Reneigh, pero ‘di mo ‘to kailangang gawin.” Kinuha ko ang box n‘ya at ibinalik sa desk n‘ya. “You’re the breadwinner of your family. Pinapaaral mo pa ang mga kapatid mo.” Isa-isa kong binalik ang mga gamit n‘ya.

“Will you be alright, Tasya?” Puno ng pag-aalala ang mga mata n‘ya.

“I will.” I gave her a small smile.

Muli n‘ya akong niyakap bago ako umalis dala ang mga gamit ko. Taas-noo akong lumabas ng gusali. I topped the Civil Engineering Licensure Exam, I am a Sullivan, and I have a three years experience. Siguradong madali lang para sa ‘kin ang makahanap ng trabaho.

Pinatong ko sa balakang ko ang kahon at hinawakan ito ng isang kamay habang kinakalkal ang loob ng sling bag ko para hanapin ang cellphone ko. Napatampal ako sa noo nang maalala kung saan ko ito nilagay. Kinuha ko ang cellphone sa likurang bulsa ng pantalon ko at tinawagan si Zander. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi siya sumasagot.

Napatanga ako nang may bastos na lalaking bumangga sa kamay ko kaya nabitawan ko ang kahon. Nagkalat ang mga gamit ko sa lapag. Tumigil ang lalaki at sandali akong sinulyapan saka nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko s‘ya namumukhaan dahil sa suot niyang salamin at itim na facemask. Sumunod naman sa kaniya ang dalawang malaking lalaking nakaitim na suit.

“Hoy!” Binulsa ko ang cellphone at mabilis s‘yang sinundan. “Bastos!” Inabot ko ang tenga n‘ya at pinikot ito.

“F*ck!” mura n‘ya dahil sa ginawa ko. “Let me go, lady, or else– f*ck!” Hinigpitan ko ang pagpikot sa tenga n‘ya.

“Aba! Pinagbabantaan mo pa ako ah...” Hinila ko ang tenga n‘ya kaya wala s‘yang nagawa kundi ang sumunod sa ‘kin.

Umaktong susugod ang dalawang lalaki sa ‘kin ngunit tiningnan ko sila pareho nang masama.

“Sige... subukan n‘yo at mapipigtas ‘tong tenga ng alaga n‘yo,” banta ko nang hindi inaalis ang matalim na tingin sa kanila.

“Don’t you dare move,” he warned his men.

Nagtinginan ang dalawa at nanatili sa kanilang mga puwesto. Hinila ko s‘ya pabalik sa mga gamit ko. Pinagtitinginan na kami at pinag-uusapan ng mga tao pero wala akong pakialam.

“Ibalik mo nang maayos ang mga gamit ko sa loob ng kahon,” utos ko nang hindi binibitawan ang tenga n‘ya.

Yumuko siya para damputin ang mga gamit ko at maingat na nilagay sa kahon ang mga ito. Sa kalagitnaan ay sandali siyang natigilan.

“Engr. Anastasia Veda Sullivan,” bigkas n‘ya sa buo kong pangalan. Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa paraan niya ng pagbigkas. It was unusual with a hint of amusement.

Lumaki mga mata ko sa narinig. “Kilala mo ako?”

Madali n‘yang iwinaksi ang kamay ko kahit na may kahigpitan ang pagkakahawak ko sa tenga n‘ya. Napakagat ako sa ilalim na labi nang mapansin ang pamumula ng tenga n‘ya.

Tumuwid s‘ya ng pagkakatayo at pinakita sa ‘kin ang employee ID ko. Hinablot ko ito pero mabilis n‘yang iniwas.

“Engr. Anastasia Veda Monteverde sounds better,” aniya sabay tanggal ng suot na salamin at facemask. Mabilis na lumapit ang isa sa mga lalaking nakaitim at kinuha sa kaniya ang mga ito.

“S‘ya ang nag-iisang taga pagmana ng Monteverde ‘di ba?”

“Ang guwapo!”

“Naku lagot ka ngayon babae...”

He’s quite popular especially among the ladies pero ‘di ko s‘ya kilala. Pero pamilyar ang Monteverde at ang bastos niyang pagmumukha.

Pinulot n‘ya ang kahon at binigay sa ‘kin bago umalis sa harapan ko.

“I won’t say sorry. I already gave your things back appropriately.” Hindi n‘ya inaalis ang tingin sa ‘kin.

Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako. Kung makatitig s‘ya sa ‘kin ay daig pa n‘ya ang fiance ko. Uminit bigla ang magkabilang pisnge ko sa naisip. Napatingin ako sa kaniya nang mahina siyang tumawa.

“Xeonne, Huebert Sullivan is waiting for you,” paalala ng isa sa mga guwardya niya.

Tumango s‘ya saka tinungo ang entrada ng gusali.

Kilala niya si Dad? Napatitig ako sa likog niya hanggang sa may mapagtanto.

“Hoy! Ang ID ko!” sigaw ko sabay padyak ng paa.

Lumingon s‘ya at nginisihan lang ako. 

“I’ll keep this one, Engr. Monteverde.” Sinuot niya ang ID ko bago tuluyang pumasok ng gusali.

Napabuntong hininga ako at hinayaan na lang siya. Hindi ko naman na kailangan ang ID na ‘yon dahil kusa na akong umalis sa kompanyang pagmamay-ar* ng pamilya namin.

Tinawagan ko ulit si Zander, fiance ko, pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko. Wala akong magawa kundi ang pumara ng taxi. Habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalye ay napadpad ako kay Googl*. I searched Xeonne Monteverde. I immediately looked at informations about him but didn’t bother to look at his picture. I’m not interested, just curious. He is the only heir of the Monteverde’s, the wealthiest family in the city, CEO of Mont de Corp., and a billionaire bachelor.

No wonder he’s popular. Nagkibit-balikat na lamang ako at tinuon ang tingin sa labas.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
86%(31)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
3%(1)
4
3%(1)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
8%(3)
10 / 10.0
36 ratings · 36 reviews
Write a review
user avatar
Reden Labiao
The book is so good
2025-05-22 21:09:04
0
user avatar
Sam Raine Drake
update pls ms A ang tagal na wla parin hanggang ngayon
2025-04-26 10:22:50
0
default avatar
Luna Oraye
more update plz medyo mtagal n rin ako nag aabang
2023-03-01 21:20:38
1
user avatar
Sham Cozen
Updates will be posted tonight (Saturday night) and tommorow (Sunday). Overtime kami sa work eh :'<
2023-02-04 11:30:16
3
user avatar
Sham Cozen
Ang saya ko kasi maraming nagco-comment huhu. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong readership. Sobrang thank you. Kagabi sa sobrang tuwa ko ni-reply-an lahat ng mga comments niyo. Hindi ko lang sure kung nabasa ko. Anyways, nag-update na ako. Thank you talaga. Ingat kayo lagi mwuaaps!
2023-01-21 17:24:50
4
user avatar
KSJ
Ang ganda. Nakakaaliw basahin at mapupulutan ng aral.
2023-01-08 21:05:34
0
user avatar
Eil
Nakakainis, nakakastress, nakakagalit, nakakaiyak, nakakakilig lahat na talaga naramdaman ko sa story na to. Worth the wait!
2023-01-04 02:32:56
2
default avatar
Andrea Hilario
Highly recommended! Ganda!
2023-01-04 00:33:34
3
default avatar
Seokjinwifuee
Kawawa lagi si Anastasia :'<
2022-12-09 14:25:05
1
default avatar
Seokjinwifuee
Wala munang update, guys. Nag-ala Zander tatay ko haha. Nakakap*tangina!
2022-05-22 20:17:04
0
default avatar
Corazon
ang tagal naman nang update
2022-04-04 19:46:00
1
user avatar
Sham Cozen
Good day! Ma-dedelay ang update kasi fiesta namin bukas tagaluto ang lola niyo hshshsh. I'll make it up to you guys. Shout kay Lanie, salamat sa patuloy na pa-gems sa TB!
2022-03-02 23:35:00
0
user avatar
Sham Cozen
Para sa mga readers: Salamat sa pagtitiyaga at pananatili kahit na ang tagal kong nakapag-update. Magiging busy na po ako next week dahil sa advance review for the board exam pero tuloy pa rin po ang The Billionaire’s. Mag-a-update po ako ng 2 or 3 times a week (MWF, MW or WF). +
2022-02-25 21:48:50
0
default avatar
Corazon
mukhang na sayang ang perang ginastos ko dito .,,,,,para sa pag open nang lock para mabasa ko ,,,,ang tagal nang update grabe,,,ok pa ba to????
2022-02-24 11:40:24
1
default avatar
Corazon
maraming salamat po,,maganda pong story nya ,, matagal nga lang po update..
2022-02-21 04:15:14
1
  • 1
  • 2
  • 3
185 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status