공유

Day 12- Confession

작가: BM_BLACK301
last update 최신 업데이트: 2025-10-06 08:37:28

ARIA

Panay lingon ko sa likod ko malayo na kami sa mansyon at hindi ko na alam kung saan na kami banda. Tahimik na umiiyak ako hindi ko alam kung sino ang mga tao na 'to nasa isip ko na sana si Regan nalang ang kumidnap sa akin pero kung iba.

Napapikit ako at inalala si Tatay at Inay, pati na ang mga kapatid ko at si Zage Pendleton. Ngayong kilala ko na siya saka naman nagkaganito, ano ba kailangan nila sa akin sino naman ang may balak sa buhay ko.

Mayamaya may kausap yung isang lalaki na nagmamaneho sa cellphone nito, ako lang mag-isa dito sa likuran naiisip ko na buksan at tumalon nalang pero hindi ko masisiguro ang buhay ko kapag ginawa ko yun.

"Masusunod madam."

Madam? Ibig sabihin babae ang may gawa nito? Sino naman? Wala naman akong kilala dito at...

Natigilan ako ng maalala si Margaret at ang mama nito at ayaw ko man isipin pero sila lang dalawa ang puwedeng gumawa nito sa akin.

"May nakasunod sa atin."

Napalingon ako sa likuran may itim na kotse at kung tama ako alam kong ko
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 12- Confession

    ARIAPanay lingon ko sa likod ko malayo na kami sa mansyon at hindi ko na alam kung saan na kami banda. Tahimik na umiiyak ako hindi ko alam kung sino ang mga tao na 'to nasa isip ko na sana si Regan nalang ang kumidnap sa akin pero kung iba.Napapikit ako at inalala si Tatay at Inay, pati na ang mga kapatid ko at si Zage Pendleton. Ngayong kilala ko na siya saka naman nagkaganito, ano ba kailangan nila sa akin sino naman ang may balak sa buhay ko.Mayamaya may kausap yung isang lalaki na nagmamaneho sa cellphone nito, ako lang mag-isa dito sa likuran naiisip ko na buksan at tumalon nalang pero hindi ko masisiguro ang buhay ko kapag ginawa ko yun."Masusunod madam." Madam? Ibig sabihin babae ang may gawa nito? Sino naman? Wala naman akong kilala dito at...Natigilan ako ng maalala si Margaret at ang mama nito at ayaw ko man isipin pero sila lang dalawa ang puwedeng gumawa nito sa akin."May nakasunod sa atin." Napalingon ako sa likuran may itim na kotse at kung tama ako alam kong ko

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 11- Kidnap

    ARIAMabilis na nakarating kami sa kama habang hinalikan niya ako kaya naman napahawak ako sa bewang niya upang hindi mawalan ng balance pero bigla siyang napapikit at napaungol na para bang nasaktan.Napatingin ako sa kaniya na bahagya siyang lumayo sa akin at kapit ang tagiliran niya. "Bakit? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala ko na tanong ngunit imbes na sagutin ako ay nakatitig lang siya sa akin.Ako na ang unang umiwasa sa kaniya at nilapitan ko siya dahan-dahan na inangat ko ang damit niya at nagulat ako dahil may benda yun at bumakat na ang dugo no'n."A-anong nangyari dito?" tanong ko pero hinawakan niya ako sa batok at saglit na tiningnan at kasunod ang isang maalab na halik.Balak ko sanang pigilan siya dahil sa may sugat siya pero siya na mismo ang huminto at naupo sa gilid nang kama."Ayos lang ako." Umupo ako na nakatingin parin sa tagiliran niya."Lutuan mo ako."Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya at agad na tumayo ako."Sige sandali dito ka lang ha huwag ka

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 10- Margaret

    ARIAMuli akong nagising na wala na ulit akong katabi pero ganun pa man ay masaya ang aking pakiramdam. Hinila ko pa ang kumot dahil ang lamig at sarap lang damhin nang kumot dahil ang lambot at mabango.Saglit lang rin akong nakahiga pero naisipan ko ng tumayo dahil nakaramdam na ako nang gutom dahil na rin siguro sa ginawa namin.Sinilip ko ang cellphone ko ay may message siya doon na may lakad siya at bukas na ang balik. Nag-reply lang ako ng okey at hindi ko na tiningnan kung may reply pa ito.Saglit na naligo ako at suot ang puting bistida lang ay lumabas na ako nang kuwarto dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. May napansin ako mula doon sa may gate dahil bumukas yon at may pumasok na puting kotse, nakababa na ako pero nandoon pa rin ang mata ko sa kakapasok pa lang na kotse.Sino kaya ang dumating? May bisita ba si Mr. Tattoo?Isip ko at lumapit ako papunta sa may pinto para salubungin yung bagong dating. Isang ginang at base sa kaniyang ayos ay masasabi mo na mayaman rin ito at

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 9- Home and Celebrate

    ARIA"He fuck you?" Napailing ako at nilingon ko siya at ganun na lang ang tuwa ko dahil nandito siya at sana hindi ito panaginip kaya humarap ako sa kaniya at ako na mismo ang humalik sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa kaniya, saglit ko lang siya hinalikan pero ang higpit nang yakap niya sa bewang ko. "Let's go home." Tumango ako pero biglang may nagdatingan na mga lalaki at mga nakapalibot sila sa amin ngayon at nakita ko si Regan. Titig na titig siya sa akin umiwas ako dahil ayoko siyang tingnan, humigpit ang yakap ko kay Mr. Tattoo at kahit alam kong hindi kami ligtas ngayon ay hindi ako natatakot dahil kasama ko na ang siya.Hanggang sa parehong mga natigilan ang mga naroon nang may marinig kami na tunog ng elekopter. Napatingin ako sa labas dahil sobrang hangin at mga nagtakbuhan ang iba habang mga nakatakip sa mukha ang iba dahil sa lakas nang hangin. Halos muntikan na akong madala pero kumapit ako ng husto kay Mr. Tattoo at may inabot siya na doon na makapal na tali at kinab

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 8- Last One Hug

    ARIANagising ako sa mahinang yugyog sa balikat ko at pagikot ko yung ginang ang nabungaran ko."Miss, Aria. Umaga na po, pinapatawag ka ni Mr. Gelmore sabay raw kayong mag-almusal, ito ang iyong damit." "Salamat ho," sagot ko lang at lumabas ito tiningnan ko ang paper bag na naglalaman ng damit.Kumpleto yun may bra at underwear isang bistida off-shoulder kulay silver ito hindi masiyadong mababa ang sa dibdib may sandals rin doon kulay itim. Ayoko na lang sanang lumabas nang kuwarto pero baka mamaya may gawin pang masama si Regan sa akin.Nagtungo na ako sa banyo at naligo mabilisan lang ang ginawa ko dahil baka mainip si Regan, matapos yon ay suot ko na ang damit lumabas na ako ng silid.Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko yung ginang sumenyas siya sa akin doon banda sa dulo at paglingon ko nakita ko sa labas si Regan paahaon ito sa swimming pool. Maganda rin ang pangangatawan nito pero pagdating sa iba ay inalis ko na agad ang tingin ko. Nakita ko siya dahil gawa sa babasagin ang pa

  • Fifteen Days With Mr. Tattoo   Day 7 - Regan Gelmore

    ARIANo'ng umandar na ang sasakyan ay doon palang sunod-sunod na pumatak ang luha ko at pilit kong tinatanong si Mr. Tattoo na nakadapa sa lupa at hindi gumagalaw hanggang sa hindi ko na ito makita."Hindi basta-basta mamatay ang isang Zage Pendleton." Natigilan ako at napalingon sa nagsalita sa likuran ko, isang lalaki at dahan-dahan nitong inalis ang salamin na suot at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko dahil natatandaan ko siya dahil nakita ko siya no'n sa birthday party na pinuntahan namin ni, Mr. Tattoo.Pero sandali sino ba ang tinutukoy niya si Mr. Tattoo ba si Zage Pendleton? Teka, tama iyon ang narinig ko na tawag sa kaniya."Ibig mo sabihin mo buhay pa siya?" Masayang tanong ko dito at napakunot noo siya sa akin."Masaya ka na buhay siya?" Tumango at ngiting-ngiti ako tila ba nawala lahat ng pag-aalala ko dahil sa isipin na hindi ko na makikita si Mr. Tattoo."Paano siya mabubuhay hindi ba tinamaan siya ng baril?" Inosente na tanong ko at napansin ko na napapangiti na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status