Share

CHAPTER 4

Penulis: Mayoraeyri
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-18 15:29:10

FIVE SENSES

CHAPTER 4: SPECULATIONS

"So, sinasabi mo sa akin ngayon na isa sa tatlong iyon lang ang suspect. Wala na ba silang ibang miyembro?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy habang nasa isang bench sila.

Umiling si Kino.

"Wala dahil hindi sila tumatanggap basta-basta. Sa sobrang perfectionist ni Denum ay walang sumasali na estudyante."

Kumunot ang noo ni Andy bago tumango.

"Hindi naman pala tayo mahihirapan na mahanap ang salarin dahil dalawa lang ang lalake at obvious naman kung sino ang mas katiwa-tiwala sa dalawang iyon."

Naniningkit ang mata na tumingin sa kanya si Kino.

"Sinasabi mo ba na guwapo ang demonyo kong kapatid kaya siya ang tingin mong suspek?"

Napakibit-balikat si Andy.

"May itsura siya at desente tingnan kaya hindi imposible na pagkatiwalaan siya kaagad ng mga babae."

Napangisi si Kino.

"Kaya pala mukhang naattract ka sa kanya kanina."

Tumaas ang kilay ni Andy.

"What?"

Mahinang tumawa si Kino.

"You know what I mean, 'yung titigan niyo kanina. May iba." napanguso ang binata. "Bigla tuloy sumagi sa isip ko na kung aayain ka niya sa Club niya, iiwanan mo ako."

Napaawang ang labi ni Andy sa narinig.

"Adik ka ba? Ayoko sumali sa mamatay-tao." pagtanggi ni Andy.

"Pero paano kung hindi siya ang suspek?"

Nagpantay ang mga kilay ni Andy.

"Tapatin mo nga ako," hinarap niya si Kino. "Tingin mo ba ay siya nga ang pumatay?"

"Oo, demonyo siya eh."

Hinampas ni Andy si Kino kaya parehas silang masama ang tingin sa isa't-isa.

"Pwede bang umayos ka, Kuya?" naiirita na wika ni Andy.

Sumeryoso ang mukha ni Kino bago ipinatong ang kanang kamay sa likurang bahagi ng bench para maisandal ang mukha sa palad at makaharap kay Andy.

"Gaano ba kaseryoso ang gusto mo, baby?" tanong nito.

Napakagat ng labi si Andy bago nanginig na parang kinikilabutan sa narinig.

"Can I get my third request?" pinipilit na kumalma ni Andy.

"Ano iyon, baby? Papakinggan ka ni Kuya." nangingiting asar nito sa kanya.

Mariing pumikit si Andy bago dinilatan ng mata si Kino.

"Stop calling me 'baby' and don't ever flirt with me, hindi uso sa akin ang lumandi."

Tumango si Kino bago mahinang natawa.

"Gumana pala ang plano ko."

Tumaas ang isang kilay ni Andy.

"What?"

"I know that you're a decent woman. So, I grab the opportunity to flirt just to take your third wish para ikaw na lang ang may utang sa akin dahil ganoon naman talaga dapat."

Namilog ang mata ni Andy bago sinuntok ang braso ni Kino.

"G*g* ka! Fine. Do what you want but please, take this seriously. Gusto ko malutas ang kaso na 'to."

Itinaas ni Kino ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Okay, sorry na agad.. Pero huwag mo kalimutan na may isang utang ka sa akin."

"Nyenyenye~" pang-iinis ni Andy bago muling sumeryoso. "Sagutin mo yung tanong ko bilang lider ng Club."

"Oo na, seseryoso na.." pagsang-ayon ni Kino bago kunot-noo na iniwas ang tingin kay Andy. "Ano nga uli yung tanong?"

Huminga ng malalim si Andy para pakalmahin ang sarili.

"Ang tanong ko ay–"

"Natandaan ko na.." nakangiting aso na tiningnan siya ni Kino. "To be honest, hindi ako naniniwala pero dahil may galit kami sa isa't-isa. Mas lamang yung naniniwala ako."

Napairap sa kawalan si Andy.

'Bakit ba ito ang lider sa aming dalawa? Parang bata.' tanong niya sa kanyang isipan.

"E, ikaw? Naniniwala ka ba sa akusasyon mo o hindi ka pa sigurado. Baka naattract ka lang sa kapatid ko kaya gusto mo siya imbestigahan."

Umangat ang isang sulok ng labi ni Andy.

"Pwede ba? Tumigil ka na sa pangtri-trip sa akin. Hindi mo ako maaasar sa kapatid mo, he is not my type."

Nagkibit-balikat si Kino.

"Tinry ko lang.. Let's go to the topic, may naisip ka ba na plano para mapatunayan ang akusasyon mo sa kanya?" tanong ng binata.

Tumango si Andy.

"Sinabi sa akin ng kaluluwa na si Recca na may tattoo sa braso ang killer at ang tattoo na iyon ay salitang 'Cupid."

"Hindi ko alam kung may tattoo si Denum. Isang beses lang kasi kami nagkasama sa bahay at palaging mahahaba ang suot niyang damit."

Nagkatinginan silang dalawa.

"So, posibleng siya nga ang killer."

"Wala pa tayong ebidensya." giit ni Kino.

"Pero pwedeng dalhin siya sa mga kaluluwa para maitanong kung siya nga ang killer." bulong ni Andy. "Doon palang ay magkaka-hint na tayo kung siya talaga. Ebidensya na lang ang hahanapin.

Napapailing na tumawa si Kino.

"At sa tingin mo, maisasama mo siya sa Clubroom natin? Nasisiraan ka na ba ng ulo?"

Umiling si Andy.

"Hindi pa dahil ikaw naman ang gagawa."

Natahimik si Kino at hindi makapaniwala sa narinig.

"Inuutusan mo ako na papuntahin siya sa Clubroom? As in, ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Kino.

Tumango si Andy.

"We have no choice. Gumawa ka ng paraan na mapapunta siya at ako naman ay gagawin ang parte ko."

"Ang alin?" tanong ni Kino.

"Ang maging buhay na kaluluwa."

Ngumiti si Kino bago itinaas ang kamay.

"Isang apir nga para sa partnership natin."

Napangiti si Andy bago inapiran si Kino.

Akala niya kasi ay magrereklamo pa ang binata.

"Basta ako ang bahala na kumausap sa mga multo at ikaw ang bahalang papuntahin si Denum."

"Oo na, paulit-ulit." reklamo ni Kino bago tumayo. "Gagawa ako ng paraan para madala siya mamayang uwian. Sige, babalik na ako sa klase ko."

Iniwan siya nitong tulala.

"Parang ewan, hindi man lang nanlibre."

Natapos ang araw na iniisip ni Andy ang posibleng mangyari sa plano nila.

'Mapapapunta niya kaya yung Denum na iyon?'

'Anong gagawin ko kung hindi siya?'

'Anong gagawin ko kung siya ang killer?'

'Baka malungkot yung mga kaluluwa kapag nakita ang pumatay sa kanila.'

Nang makarating siya sa Clubroom ay kaagad niyang naramdaman ang hangin na nakapaligid sa kanya habang binabalot ng kadiliman. Ngumiti siya bago humakbang palapit sa isa sa mga iyon at sa isang iglap ay nahulog ang katawan niya sa sahig habang nanatiling nakatayo ang kanyang katawan.

Napangiwi siya nang marinig ang malakas na tunog ng pagbagsak ng kanyang katawan.

"Aww, mukhang may sasakit mamaya sa katawan ko." puna niya bago tiningnan ang mga kaluluwa.

"Kumusta?" bati niya sa mga ito. "May good news ako sa inyo."

Nagkatinginan ang mga kaluluwa bago lumapit sa kanya. Sa pamumuno ni Recca.

"Ano iyon, Andy?" tanong ni Recca.

"Tingin namin ay nahanap na namin ang pumatay sa inyo, kailangan lang namin ng kompirmasyon mula sa inyo."

Nabigla ang lahat sa sinabi niya.

"Talaga? Ang bilis naman." tanong ni Recca.

"Tingin palang naman dahil dalawa lang silang lalake sa Detective Club."

"Dalawa?"

Tumango si Andy.

"Pero isa lang noon ang lalake na miyembro ng Detective Club."

Natahimik si Andy sa sinabi ni Recca.

"Isa? Baka nadagdagan lang."

Tumango si Recca.

"Siguro, kung siya nga iyon.. Makikilala ko siya dahil ako ang huling pinatay sa aming lahat. Natatandaan ko pa ang itsura niya."

Tumango si Andy kahit may pagdududa na siya.

"Sana tama ka.."

Ilang minuto pa ay nakarinig si Andy nang pagpihit ng pinto kaya napatingin siya rito.

Dahan-dahan siyang lumapit para abangan ang papasok na si Kino. Ngunit napaatras siya nang makita na si Denum ang pumasok, ngunit hindi kasunod si Kino.

Kumunot ang noo ni Andy at dahan-dahang lumapit sa binatang may bitbit na flashlight.

"Nandito na ako." seryosong wika ni Denum.

Si Andy naman ay humarap sa mga kaluluwa habang itinuturo ang binatang walang malay sa nangyayari.

"Siya ang tingin namin na suspek sa kaso niyo, naaalala niyo ba siya?" tanong ni Andy habang patuloy na tinuturo si Denum na masama na ang timpla ng mukha.

"Pumunta ako rito dahil akala ko may sasabihin ka pero mukhang sinasayang mo lang ang oras ko." walang reaksyon na wika ni Denum at paalis na ng hawakan ni Andy ang braso niya.

"Sandali!"

Namilog ang mata ni Andy nang mahawakan niya ang braso ni Denum kahit kaluluwa siya. Napahinto ang lalake at tiningnan ang puwesto niya na parang nakikita siya. Nagkatitigan sila ng hindi sinasadya.

"Who are you?" seryoso pa rin na tanong ng binata.

Tumingin siya sa mga multo na umiling sa kanya.

"H-hindi siya yung pumatay sa amin." sagot ni Recca na parang kinakabahan.

Mabilis siyang napabitaw kay Denum at napaatras. Nakaramdam siya ng kaba nang humakbang ito palapit sa kanya.

"I said, who are you?" maawtoridad na tanong nito.

Tinaasan siya ng balahibo habang patuloy sa pag-atras.

'Nakikita niya ba ako?' kinakabahang tanong ni Andy.

Hihingi sana siya ng tulong sa mga kaluluwa ngunit mabilis itong nawala sa paningin niya.

'Saan sila pumunta? Nasaan si Kuya? Ang gago na iyon, iniwan ako.'

Pinipilit niyang hindi magsalita dahil baka naririnig siya ng binata na patuloy pa rin sa paghakbang. Maco-corner na sana siya nito ngunit tumigil ito at tumingin sa ibaba na parang may natapakan. Itinapat nito ang flashlight sa natapakan.

Napangiwi siya ng makita ang katawan niya na walang malay at naapakan ang kaliwang kamay.

"Hala, yung kamay ko." bulong niya.

Mabilis na inalis ni Denum ang pagkakatapak sa kamay ni Andy bago umupo para tingnan ang kalagayan nito.

"Humihinga pa siya.." bulong ni Denum bago balikan ng tingin ang puwesto ng kaluluwa na humawak sa kanya. "Hahanapin kita.." banta niya rito.

Naestatwa ang kaluluwa ni Andy sa narinig at sinundan ng tingin si Denum na buhat ang katawan niya. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Denum.

'Hindi siya ang killer.'

'Nahawakan ko siya.'

'Iniwan ako ng mga multo na parang natatakot sa kanya.'

'Binantaan niya ako na hahanapin niya ako.'

"So, hindi niya talaga ako nakikita kasi kung nakita niya ako, bakit niya pa ako hahanapin?" tanging nabuong katanungan na nasabi ni Andy.

"Ayos ka lang?"

Pagkabukas na pagkabukas ng kanyang mata ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Kino.

Imbes na sumagot ay isang malakas na suntok sa braso ang ibinigay niya rito.

"Bwiset ka! Iniwan mo ako doon kung kailan kailangan kita?!" naiinis na sabi niya habang patuloy ang pagsuntok sa braso ni Kino. "Hindi mo alam kung anu-ano ang nalaman ko habang nawawala ka."

"Oo na, sorry na. But let me explain, Andy." pakiusap nito habang pinipigilan ang mga kamay niya.

Huminto siya sa ginagawa at nakahalukipkip ang mga kamay na tiningnan si Kino.

"Sige, you have one minute to explain. Kung hindi, wala akong sasabihin sa mga nalaman ko." banta niya sa binata.

Tumango si Kino bago inayos ang sarili.

"Sinabi ko kay Denum na may importante kang aaminin kaya pumayag siyang makipagkita pero dapat ay hindi ako kasama." panimula ni Kino.

"Aaminin? Like what? Na siya ang tingin ko na killer sa isang kaso." nakataas ang kilay na tanong ni Andy.

"Nope, sinabi ko na aamin ka about sa nararamdaman mo."

Natahimik si Andy at kaagad na binato ng unan si Kino.

"Anong nararamdaman ka diyan?! Hindi ako naniniwala na mapapapunta mo siya dahil lang sa ganoon na dahilan, gusto mo lang ako asarin." napapailing na sabi ni Andy.

Nangingiting umiling si Kino.

"Pero iyon nga lang ang sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit naniwala siya sa ganoon na dahilan."

Kaagad na namula ang mukha ni Andy at napatakip ng mukha.

"Argh.. Baka isipin niya may gusto ako sa kanya." nahihiyang sabi ni Andy. "Mas lalo akong matatakot na makita siya.."

"Bakit ka naman matatakot sa demonyong iyon?" tanong ni Kino.

Inalis ni Andy ang pagkakaalis ng kamay sa mukha bago kinakabahan na tiningnan si Kino.

"Sabi ng mga kaluluwa ay hindi siya ang killer."

Tumango si Kino.

"Anong nakakatakot doon? Hindi naman niya alam na pinagsususpetsahan mo siya."

Umiling si Andy bago huminga ng malalim.

"Habang kaluluwa ako napansin ko na natatakot sa kanya yung mga kaluluwa." kinakabahang wika niya.

"Demonyo siya, kahit sino matatakot." pagpapakalma sa kanya ni Kino.

"Pero hindi lang iyon ang nangyari," putol ni Andy. "Nahawakan ko siya habang multo ako at binantaan niya ako na hahanapin niya ako kahit hindi niya ako nakilala."

Natahimik si Kino na halos hindi makapaniwala sa sinabi ni Andy.

"There is something creepy behind that Denum Gozo and we need to know it." kinakabahan na sabi ni Andy. "I'm sure that he is the guy I saw in the mini market that time when I met you."

————END OF CHAPTER 4————

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Five Senses   CHAPTER 53

    TURN OF TABLES"Nasaan ang katawan mo?" tanong ni Kino matapos makalapit sa kanila si Andy.Hindi na nila magawang makababa dahil sa nanghihina pa rin ang katawan nina Denum at Lylia.Nagkibit-balikat si Andy, "Hindi ko na alam kung saan ko naiwan dahil sa pagtakbo ko."Inulit ni Krem ang sinabi ni Andy kaya tiningnan siya ng apat. Nalukot ang mukha ni Lylia."Bakit ka ba tumatakbo?" takhang tanong ni Lylia bago hinahanap kung saan siya titingin dahil hindi niya makita si Andy.Hinawakan ni Kino ang isang balikat ng dalaga at inalalayan sa pagharap kay Andy kaya nakaramdam ito ng pamumula.Biglang bumalik sa isipan ni Andy ang nangyari kanina at tiningnan ang mga kaharap. Nagdadalawang-isip siyang banggitin iyon dahil sa sitwasyon nila."Dito lang kayo, hahanapin ko muna ang katawan ko..." pag-iiba ni Andy ng usapan bago mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan.Naguguluhang pinanood siya ni Kino matapos ulitin ni Krem ang sinabi ng dalaga."Sundan natin siya.." wika ni Kino at hahakban

  • Five Senses   CHAPTER 52

    CHAPTER 52“Bagay..” tanging nasabi ni Denum bago umiwas ng tingin matapos tanungin kung bagay ang hindi inaasahang gupit ni Lylia.Gumaan ang pakiramdam ni Lylia matapos marinig ang sagot ni Denum at muli ay nginitian ang binata.“Hindi ko inaakala na mabait ka pala, magkakasundo tayo...” natutuwang wika ni Lylia.Hindi na siya tinugon ni Denum dahil may narinig itong mga yabag. Natigilan sila sa pag-uusap at parehong nakiramdam.“A—ano iyon?” tanong ni Lylia.Itinaas ni Denum ang isang kamay para pigilan ang dalaga na kumilos.“Sshh.. Huwag kang maingay,” pabulong na sabi ni Denum.Hindi na kumilos pa si Lylia at pinakiramdaman ang pinanggagalingan ng yabag. Bawat yabag ay palakas nang palakas at mukhang papunta kung nasaan sila.“Baka bumalik sina Entice..” nagsisimula nang kabahan si Lylia dahil alam niya na hindi maganda ang mangyayari kung tama ang iniisip niya.Hindi tumugon si Denum at pinanood ang pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pinto. Marahan ang pagbukas nito at ang l

  • Five Senses   CHAPTER 51

    CHAPTER 51VOICEANDY run as fast as she could while touching every tree she can rely on to avoid losing her balance in the middle of the forest with a limited shed of light coming from the moon. Kahit nahihirapan dahil sa dilim ay mas pinanatili niya ang bilis sa pagtakbo upang matakasan kung anuman ang takot na nagsisimulang bumalot sa kanya.“Kanan...”Saglit na nahinto si Andy nang makarinig ng boses sa kung saan. Hindi niya makilala ang boses ngunit sinunod niya ito nang makaramdam nang kakaiba sa hangin.Halos matumba na si Andy sa bilis ng pagtakbo na halos makalimutan na niya ang sariling katawan na naiwan. Akala niya ay hindi siya matatakot sa kung anuman ang nasa itaas ng puno ngunit nang marinig niyang sabihin nito ang mga katagang, “Sino ang mamamatay? Si Denum o si Lylia?” ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Andy at mas minabuting tumakbo upang hanapin ang dalawang kaibigan.“Bangin!”Dahil sa pag-iisip at pagmamadali ay hindi napansin ni Andy ang susunod na daraaanan.

  • Five Senses   CHAPTER 50

    CHAPTER 50It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.Habang sumusulat ay hi

  • Five Senses   CHAPTER 49

    CHAPTER 49"Andy..."May isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ni Andy. Tumigil siya sa pagpupunas ng lamesa na kinainan at luminga-linga sa malaking bahay para hanapin kung saan galing iyon ngunit wala siyang nakita. Tanging siya na lang ang gising ng ganitong oras dahil siya ang pinaglinis at pinag-urong ng mga pinagkainan ng mga katulong at mayordoma. Hindi pa siya kumakain dahil hindi maganda ang pakikitungo sa kan'ya ng mayordoma na masama palagi ang tingin, nahiya na siyang sumabay.Matapos magpunas ay dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang basong gatas. Nagluto rin siya ng pancit canton na nilagyan ng itlog. Imbes na ilapag sa mesa ay pumunta siya sa labas kung nasaan ang garden. Umupo siya sa damuhan at doon kumain."Panigurado na lilinisin ko na naman yung lamesa kapag doon ako kumain." pagod na sabi ni Andy sa sarili.Busog na busog siya habang nakahilata sa damuhan. Tila nawala ang pagod niya sa paglilinis ng mga kwarto nila ni Kino at ang pagkilos sa bah

  • Five Senses   CHAPTER 48

    CHAPTER 48PAPASOK na mag-isa si Andy sa asul na gate ng Paaralan nang may sumiko sa kan'ya. Nagpantay ang kilay ni Andy bago nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kan'ya.Isa sa mga ito ay kasing-taas lang niya, kulay kahel ang ilalim ng buhok, kasing-kulay ng mabibilog nitong mata. Sa ngiti nito na abot hanggang tenga ay hindi maipagkakaila ang kapilyuhan. Ang vest na hindi madalas suotin ay nakasuksok sa kan'yang medyo bukas na bag na kasing liit lang ng isang libro at nakasabit sa isang braso.Tumaas-baba ang mga kilay nito bago pumantay ng lakad kay Andy na nagsisimula ng humakbang."Kumusta ang drama? Galit na galit si Mrs. Sanchez kahapon ah... Mukhang nag-cutting ka pa dahil hindi na kita nakita sa mga sumunod na subject." may pilyong ngiti na sabi ni Gus kay Andy.Sinamaan siya ng tingin ng dalaga."At paano mo nasabing nagcutting ako? Stalker ba kita?" nakangiwing tanong ni AndyMay pag-aalinlangan pa siya na kausapin ang mga ito dahil sa kumalat na balita tungkol sa

  • Five Senses   CHAPTER 47

    CHAPTER 47: MISSINGTAHIMIK na nilalakad ni Lylia ang school ground na may iilan lang tao dahil ang iba ay bumalik na sa silid-aralan at ang iba ay nasa Canteen.Kasabay nang pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno na dinaraanan ni Lylia ay ang biglaang pagtahimik ng buong lugar. Hindi ito pinansin ni Lylia at nagpatuloy lang sa paglalakad.Papalabas na si Lylia sa kanilang Paaralan at wala siyang dala bukod sa kan'yang sarili dahil alam niyang iuuwi rin naman ng kapatid ang mga naiwang gamit.Isang malakas na hangin ang nagpahinto sa kan'ya.Nilingon niya ang paligid at ngayon lang napansin na wala ang security guard sa Guard House. Maging ang ilang estudyante at school staff na nadaanan niya kanina ay nagsiwalaan. Tumalim ang tingin ni Lylia bago palinga-linga at hinahanap ang mga tao."Where the hell they are? Is this another stupid act from that girl? Hindi na ako makakapagtimpi pa kung sakaling saktan niya ulit ako." may inis na wika ni Lylia sa sarili bago iniyakap ang m

  • Five Senses   CHAPTER 46

    Chapter 46"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" Mabilis ang bawat hakbang ni Andy habang sinasalubong ang mga estudyante na papalabas palang dahil sa magsisimulang breaktime. Dahil sa bilis niya maglakad ay hindi na niya napapansin ang mga nakakabangga niyang estudyante.Ipinilig niya ang ulo habang mabilis ang bawat paghakbang. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Denum at ang ginawa nito na ilang minuto niyang ikinatulala.Hinawakan niya ang magkabilang pisnge at tinapik ito nang marahan. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit nito kaya alam niyang namumula pa rin siya.Mariin siyang pumikit nang makapasok sa comfort room at mabilis na tinungo ang isa sa mga cubicle. Naisandal niya ang ulo sa pinto at dinama

  • Five Senses   CHAPTER 45

    CHAPTER 45: STRANGERAs the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.Monggii, wala na talagang nagbalak na

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status