Share

CHAPTER 53

TURN OF TABLES

"Nasaan ang katawan mo?" tanong ni Kino matapos makalapit sa kanila si Andy.

Hindi na nila magawang makababa dahil sa nanghihina pa rin ang katawan nina Denum at Lylia.

Nagkibit-balikat si Andy, "Hindi ko na alam kung saan ko naiwan dahil sa pagtakbo ko."

Inulit ni Krem ang sinabi ni Andy kaya tiningnan siya ng apat. Nalukot ang mukha ni Lylia.

"Bakit ka ba tumatakbo?" takhang tanong ni Lylia bago hinahanap kung saan siya titingin dahil hindi niya makita si Andy.

Hinawakan ni Kino ang isang balikat ng dalaga at inalalayan sa pagharap kay Andy kaya nakaramdam ito ng pamumula.

Biglang bumalik sa isipan ni Andy ang nangyari kanina at tiningnan ang mga kaharap. Nagdadalawang-isip siyang banggitin iyon dahil sa sitwasyon nila.

"Dito lang kayo, hahanapin ko muna ang katawan ko..." pag-iiba ni Andy ng usapan bago mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan.

Naguguluhang pinanood siya ni Kino matapos ulitin ni Krem ang sinabi ng dalaga.

"Sundan natin siya.." wika ni Kino at hahakban
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status