FIVE SENSES
CHAPTER 3: THE DETECTIVE CLUB"Bat ako ang magtatanong?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy matapos niyang magising.Tila kinakabahan pa rin sa nasaksihan."Kasi ikaw ang maiintindihan nila." sagot ni Kino."Bakit? Hindi ba gumana sa kanila 'yung pakiramdam mo about sa kailangan nila?" tanong muli ni Andy.Umiling si Kino."I think they have a different reason on why they are still here. So, we need to help them.""Bakit natin sila tutulungan?" hindi pa rin nawawala ang kaba ni Andy."Kasi opisina natin ang pinamamahayan nila. Sinadya ng SSG na ilipat tayo sa room na iyon dahil alam nilang tayo ang makakalutas ng problema." paliwanag ni Kino kahit nahalata niya ang kaba sa mukha ng dalaga."So, sinadya nila iyon dahil naniniwala sila sa Paranormal activities?" tanong muli ni Andy.Umiling si Kino."No. Ginawa nila iyon dahil gusto nilang mabura ang Paranormal Club na tingin nila ay gumagawa ng kabaliwan at pinapahiya ang pangalan ng school."Umupo si Kino sa madamong lupa bago tiningnan si Andy na nakatayo at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari."Naintindihan mo naman siguro ang sitwasyon natin kaya kailangan mo akong tulungan na solusyunan ang problema dahil kung hindi, mamaliitin tayo ng ibang Club at wala na tayong magagawa kapag pinasara nila ang Club natin." wika ni Kino bago ayusin ang blue cap niya sa ulo.Umupo sa tabi niya si Andy bago inilibot ang tingin."May tanong ako," putol ni Andy sa namumuong katahimikan. "Bakit mo ba ginustong mabuo ang Paranormal Club? Gusto mo bang makilala bilang baliw na nakakakita ng multo sa paningin ng lahat? Bakit gusto mong ituloy ang Club na 'to kahit maraming disadvantages?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.Napaisip si Kino bago siya tiningnan."Kasi gusto kong patunayan sa sarili ko na may silbi ang kakayahan kong ito. Hindi ko inisip na sumpa ito dahil alam kong may rason ang diyos kung bakit ganito ako, ikaw.."Napatingin si Andy kay Kino na nakatingin pa rin sa kanya."Gusto kong ipaunawa sa mga gaya natin na may halaga ang anuman na meron tayo, makatao man o makakaluluwa. May espesyal tayong gampanin sa mundo at hindi tayo nag-iisa. At para sa mga taong humuhusga, gusto ko ipaunawa na walang kakaiba sa atin. Sa paningin lang nila, meron." mahabang paliwanag ni Kino.Walang nasabi si Andy bukod sa malakas na palakpak. Napakunot ang noo ni Kino."Para saan 'yan?" tanong ng binata."Wala, gusto ko lang gawin." natawa si Andy bago huminto. "Humanga lang ako sa sagot mo. On how you maintain the positivity behind this judgemental society. Hindi tayo normal, abnormal tayo sa paningin ng iba. Nabuhay ako na ganoon ang iniisip pero nang marinig ko ang sinabi mo, para akong nakarinig ng payo mula sa nakakatandang kapatid."Hindi maiwasang ngumiti ni Kino."Okay. I'll take that as a compliment bilang superior mo.""At bilang nakakatanda, kailangan mo ako bantayan dahil bago palang ako sa ganitong field. As a member of yours, sisiguraduhin ko na gagawin ko ang makakaya ko para sa Club natin.""So, gagawin mo na 'yung task ko?" tanong ni Kino.Tumango si Andy."Oo, basta hindi mawala ang Club natin. Ang panget naman kung mawawala agad ngayong kakapasok ko lang."Napailing na lang si Kino bago tumayo."Bumalik ka na sa klase mo, Third year. Bibisitahin kita kada isang oras. Kita tayo mamayang uwian sa harap ng opisina natin." huling sinabi ni Kino bago umalis."Sige, Senior." pahabol ni Andy. "Anong mamayang uwian? 'Wag niya sabihing mamaya ko na gagawin?!" natatarantang tanong niya sa sarili.Tama nga ang hinala ni Andy dahil papunta sila ngayon sa Paranormal Clubroom."Handa ka na ba?" seryosong tanong ni Kino habang itinatapat sa mukha ni Andy ang hawak na flashlight.Naningkit ang mata ni Andy bago hinampas sa braso si Kino."Ano ba?! Nasisilaw ako." reklamo ni Andy.Tumawa si Kino bago pinatay yung flashlight na ikinapangamba ni Andy kaya napahawak siya rito."Ano ba? Buksan mo nga 'yan, Senior. Or should I say, Kuya." naiirita na wika ni Andy habang naglalakad sila sa madilim na pasilyo.Malalim na ang gabi at sila na lang ang tao."Ayoko, baby. Sayang battery nito." asar nito sa kanya.Napatingin si Andy kay Kino bago nanginig sa narinig."Stop calling me like that, mukha akong batang uhugin." mabilis niyang inagaw kay Kino ang flashlight bago buksan at itapat sa mukha nito.Napapikit si Kino dahil sa pagkasilaw."Bakit? Parang hindi totoo, ang laki muna para sa Horror stories." asar nito sa kanya.Napangiwi si Andy."Hindi ako takot sa multo, takot ako sa posibleng mangyari sa akin kapag humiwalay na yung kaluluwa ko sa aking katawan." paliwanag niya.Naunawaan ni Kino si Andy kaya tinanggal niya ang blue cap niya at isinuot rito."Mukhang natatakot ka dahil wala ka pang tiwala sa akin kaya suotin mo ang cap ko bilang pangako na hindi kita papabayaan, okay?"Parang bata na tumango si Andy sa nakakatandang kasama. Napalagay ang loob niya dahil sa pakiramdam na binibigay sa kanya ni Kino, pakiramdam na may nakakatandang kapatid.Tahimik nilang nilakad ang pasilyo hanggang sa makarating sila sa tapat ng itim na pintuan. Nagkatinginan sila bago pinihit ni Kino ang doorknob.Tumambad kay Kino ang mga kaluluwa ng babae na puro pasa at saksak sa tagiliran. Alam niyang walang nakikita si Andy kaya nauna na siya sa pagpasok.Nang makapasok sila ay kasabay nito ang pagsara ng pinto."Handa ka na ba?" tanong ni Kino kay Andy.Huminga ito ng malalim bago tumango."Wala na rin naman tayong takas kaya ituloy na natin.." kalmadong sabi ng dalaga bago humakbang paabante at inunahan si Kino sa paglapit sa mga kaluluwa.Kusang namilog ang mata ni Kino ng masaksihan ang paghihiwalay ng kaluluwa at katawan ni Andy sa ikaapat na pagkakataon. Mabuti na lang at nasalo niya ang katawan nito bago pa man lumapat sa sahig.Nang dumilat si Andy ay nilingon niya si Kino na buhat ang katawan niya. Tinanguan siya nito, kasiguraduhan na hindi siya papabayaan.Dahan-dahan tiningnan ni Andy ang mga kaluluwa na lumuluha sa harapan niya at humihingi ng tulong. Ito ang mga kinatakutan niya nung nakaraan, hindi na siya makakaatras ngayon.Nilapitan niya ang mga kaluluwa bago tiningnan isa-isa."Hi? Ako nga pala si Andy.. Isa akong Paranormal student mula sa Paranormal Club. Gusto namin kayong tulungan, sana pagbigyan niyo kami." pagpapakilala niya sa mga kaluluwang kaharap niya.Napahinto sa pag-iyak ang lahat at nilapitan siya. Hinawakan siya sa kamay ng isang maikli ang buhok na babae."Ako si Recca Mae Perez. Labing-limang taong gulang, narito kami dahil hindi kami matahimik." kalmadong pagpapakilala ng kaluluwa."Bakit? Anong dahilan kung bakit hindi kayo makaalis?" tanong niya.Natahimik ang babae bago lumuha."Gusto naming mahanap ang katawan namin, ganoon rin ang pumatay sa amin. Hindi kami makaalis dahil hinahanap pa rin kami ng mga pamilya namin." naluluhang sabi nito bago lumuhod sa harapan niya. "Tulungan mo kaming malutas ang kaso para makauwi na kami sa pamilya namin."Napaawang ang mga labi ni Andy ng makita ang pagluhod ng mga kaluluwa sa harapan niya at pare-parehong nakikiusap.Naluha siya sa nakikita kaya kusang-loob siyang tumango at pinatayo ang mga kaluluwa."Huwag kayong mag-alala, gagawin namin lahat para masolusyunan ang problema niyo. Pangako." naluluhang wika niya.Ngumiti sa kanya ang mga kaluluwa."Kailangan niyong ikwento sa akin ang mga nangyari sa inyo bago kayo mamatay. Alam kong mahirap pero iyon ang kailangan para mapadali ang problema." sabi niya sa mga kaluluwa ng makita sa mga mukha nito ang takot."Meron ba kayong ideya kung sino ang pumatay sa inyo? O kahit sa itsura niya. Gusto ko marinig lahat ng ideya niyo para mapadali ang kaso." paliwanag niya na parang isang abogado ng mga kaluluwa.Nagsimula ng magsalita ang mga kaluluwa sa pangunguna ni Recca. Habang abala sa pakikipag-usap, si Kino naman ay abala sa pagbantay sa katawan at kaluluwa ni Andy."So, sinasabi mo na estudyante rin 'yung pumatay sa kanila?" tanong ni Kino nang marinig ang kwento ni Andy.Napakibit-balikat ang dalaga."Iyon ang narinig ko sa mga kwento nila, isang estudyante mula sa Detective Club ang pumatay sa kanila. Iniimbitahan sila ng suspect para makuhaan ng statement sa mga nangyaring krimen sa school kahit wala silang kinalaman saka gagawin ang krimen." paliwanag ni Andy."Pero bakit sila sumasama?" naguguluhang tanong ni Kino. "Kakasabi mo lang na wala silang kinalaman sa krimen. Kung ako iyon ay magtataka ako."Napakagat ng labi si Andy."Magandang lalake raw kasi kaya nakakalimot na sila."Tumaas ang isang kilay ni Kino sa binigay na dahilan ni Andy."Seryoso ka? Iyon lang ang dahilan?"Tumango si Andy."When you meet a good looking person at first it means good impression. That's what our society is. Looks before character. Kaya maraming naloloko."Tumango na lang si Kino bago may naisip kaya bumalik ang tingin niya kay Andy."Siguro naman maganda ang first impression mo sa akin dahil guwapo ako." nangingiting tanong nito na ikinangiwi ni Andy."Kabaligtaran. Sorry, Kuya. Mukha ka kasing tambay sa paningin ko." sagot niya na ikinatulala ni Kino."Tambay? Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Kino. "You know what? You insulted my ego."Umirap si Andy sa kawalan."Pwede ba? Wala tayong oras para magbiro."Umawang ang mga labi ni Kino."But I'm not kidding, ininsulto mo ako. First time kong nainsulto." hindi pa rin makapaniwala na sabi nito.Napahalukipkip si Andy."Huwag kang mag-alala, dadagdagan ko pa 'yan." she said full of sarcasm.Napabuntong-hininga si Kino."Itong mukhang tambay na 'to ang amo mo at lider ng Club kaya kung ako sa iyo, baguhin mo ang first impression mo sa akin.""Yeah, first impression lasts. I don't think so." naiirita na wika ni Andy. "Enough, bumalik na tayo sa topic. Ano ang naisip mong gawin para mahuli ang suspek?"Inagaw ni Kino ang sombrero niya sa ulo ni Andy bago ibinalik sa ulo niya."We will go to the most prestigious and creative mindset Club.""Where?" tanong ni Andy."Our enemies, the Detective Club.""Paano natin mahahanap yung may sala?" tanong muli ni Andy."Wala pa akong naiisip, gusto ko munang ipakilala sa iyo ang mga kalaban natin." nakangising sabi ni Kino.Nakaramdam ng kaba si Andy."Okay?"Dinala siya ni Kino sa isang malaking kwarto na tatlong beses ang laki sa Clubroom nila. Fully air-conditioned ito at puro tambak na mga dokumento ang kaagad na makikita.Kakapasok palang nila ay sinalubong na sila ng tatlong tao. Isang kulot ang buhok na lalake, kayumanggi ang kulay na babae at ang lalake na maayos ang pagkakaplantsa ng damit pati suklay ng medyo gray na buhok.Natigil ito sa pag-uusap ng nakuha nila ang atensyon. Nakangiti itong tiningnan ni Kino habang papalapit."What brought you here, mr. I-can-see-a-ghost?" panimula ng kulot yung buhok habang nangingiti na tumingin kay Andy. "At sino itong kasama mo? Bagong baliw na isasama mo sa mental?"Kumunot ang noo niya sa inasal ng lalake kaya humakbang siya palapit dito."Watch your words, snakey head. That will consider as bullying if you continue talking as a snakey sh*t."Halata ang gulat ng binata sa sinabi ni Andy kaya tumahimik na lang ito."Narito kami dahil gusto kong ipakilala ang new member ng Paranormal Club, si Andy. So, it means na hindi niyo pwedeng ipatanggal ang Club ko kaya bumalik na lang kayo sa paglutas ng mga walang kwentang kaso at huwag niyo guluhin ang Paranormal Club." seryosong wika ni Kino.Nagkatinginan ang tatlo, samantalang si Andy ay walang ibang nasabi bukod sa 'Hi?'."Ano naman kabaliwan ang talento ng kasama mo?" tanong ng nag-iisang babae."Malalaman niyo rin sa mga susunod na araw." tipid na sagot ni Kino bago niyaya si Andy na umalis.Ngunit nahinto sila ng magsalita ang isang lalake na kanina pa tahimik."Siguraduhin mo lang na wala ng mamamatay sa Club mo, Angel in disguise."Nilingon nilang dalawa yung lalakeng nagsalita. Walang emosyon ang mukha nito."Basta hindi ka mangingielam, Devil in lies." nakangising wika ni Kino bago nagsimulang maglakad.Si Andy ay nanatiling nakatingin sa lalakeng kaharap, ganoon rin ito sa kanya. Tila may inaalala sila sa isa't-isa."Andy?"Nagsimula lang na maglakad si Andy nang marinig ang boses ni Kino."What's wrong with you?" tanong kaagad ni Kino.Umiling si Andy."May naalala lang ako sa mukha ng lalakeng iyon. Sino ba sila?""They are the three aces of this school dahil sila ang tatlong miyembro ng Detective Club at SSG officer. Si Rizalino Pablo ang vice-president, siya yung kulot. Si Entice Luna ang secretary." pagpapakilala ni Kino na ikinamangha ni Andy."Eh yung isa?"Napahinto si Kino sa paglalakad."He is Denum Gozo, the President. you need to stay away from all of them but more on him." maawtoridad na sabi ni Kino."Why?""Dahil siya ang demonyo na tinutukoy ko. He believes that Paranormal activities is just an act of abnormal thing, in short ay baliw ang tingin niya sa atin. He is a devil who prefer to believe in lies than to believe on us."Kumunot ang noo ni Andy."Bakit feel ko ay hindi lang iyon ang problema niyo sa isa't-isa?"Iritableng tiningnan siya ni Kino."Because in law, he is my younger brother. Kasal ang mama niya sa papa ko."Medyo nagulat si Andy sa nalaman niya."Ah ganoon." nalinawan na sabi ni Andy. "Kaya pala may nickname kayo sa isa't-isa, ang sweet niyong magkapatid."Sinamaan siya ng tingin ni Kino.----END OF CHAPTER 3----TURN OF TABLES"Nasaan ang katawan mo?" tanong ni Kino matapos makalapit sa kanila si Andy.Hindi na nila magawang makababa dahil sa nanghihina pa rin ang katawan nina Denum at Lylia.Nagkibit-balikat si Andy, "Hindi ko na alam kung saan ko naiwan dahil sa pagtakbo ko."Inulit ni Krem ang sinabi ni Andy kaya tiningnan siya ng apat. Nalukot ang mukha ni Lylia."Bakit ka ba tumatakbo?" takhang tanong ni Lylia bago hinahanap kung saan siya titingin dahil hindi niya makita si Andy.Hinawakan ni Kino ang isang balikat ng dalaga at inalalayan sa pagharap kay Andy kaya nakaramdam ito ng pamumula.Biglang bumalik sa isipan ni Andy ang nangyari kanina at tiningnan ang mga kaharap. Nagdadalawang-isip siyang banggitin iyon dahil sa sitwasyon nila."Dito lang kayo, hahanapin ko muna ang katawan ko..." pag-iiba ni Andy ng usapan bago mabilis na tinalikuran ang mga kaibigan.Naguguluhang pinanood siya ni Kino matapos ulitin ni Krem ang sinabi ng dalaga."Sundan natin siya.." wika ni Kino at hahakban
CHAPTER 52“Bagay..” tanging nasabi ni Denum bago umiwas ng tingin matapos tanungin kung bagay ang hindi inaasahang gupit ni Lylia.Gumaan ang pakiramdam ni Lylia matapos marinig ang sagot ni Denum at muli ay nginitian ang binata.“Hindi ko inaakala na mabait ka pala, magkakasundo tayo...” natutuwang wika ni Lylia.Hindi na siya tinugon ni Denum dahil may narinig itong mga yabag. Natigilan sila sa pag-uusap at parehong nakiramdam.“A—ano iyon?” tanong ni Lylia.Itinaas ni Denum ang isang kamay para pigilan ang dalaga na kumilos.“Sshh.. Huwag kang maingay,” pabulong na sabi ni Denum.Hindi na kumilos pa si Lylia at pinakiramdaman ang pinanggagalingan ng yabag. Bawat yabag ay palakas nang palakas at mukhang papunta kung nasaan sila.“Baka bumalik sina Entice..” nagsisimula nang kabahan si Lylia dahil alam niya na hindi maganda ang mangyayari kung tama ang iniisip niya.Hindi tumugon si Denum at pinanood ang pagpasok ng liwanag mula sa bumukas na pinto. Marahan ang pagbukas nito at ang l
CHAPTER 51VOICEANDY run as fast as she could while touching every tree she can rely on to avoid losing her balance in the middle of the forest with a limited shed of light coming from the moon. Kahit nahihirapan dahil sa dilim ay mas pinanatili niya ang bilis sa pagtakbo upang matakasan kung anuman ang takot na nagsisimulang bumalot sa kanya.“Kanan...”Saglit na nahinto si Andy nang makarinig ng boses sa kung saan. Hindi niya makilala ang boses ngunit sinunod niya ito nang makaramdam nang kakaiba sa hangin.Halos matumba na si Andy sa bilis ng pagtakbo na halos makalimutan na niya ang sariling katawan na naiwan. Akala niya ay hindi siya matatakot sa kung anuman ang nasa itaas ng puno ngunit nang marinig niyang sabihin nito ang mga katagang, “Sino ang mamamatay? Si Denum o si Lylia?” ay tuluyan nang nawalan ng kontrol si Andy at mas minabuting tumakbo upang hanapin ang dalawang kaibigan.“Bangin!”Dahil sa pag-iisip at pagmamadali ay hindi napansin ni Andy ang susunod na daraaanan.
CHAPTER 50It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.Habang sumusulat ay hi
CHAPTER 49"Andy..."May isang boses ng lalake ang tumawag sa pangalan ni Andy. Tumigil siya sa pagpupunas ng lamesa na kinainan at luminga-linga sa malaking bahay para hanapin kung saan galing iyon ngunit wala siyang nakita. Tanging siya na lang ang gising ng ganitong oras dahil siya ang pinaglinis at pinag-urong ng mga pinagkainan ng mga katulong at mayordoma. Hindi pa siya kumakain dahil hindi maganda ang pakikitungo sa kan'ya ng mayordoma na masama palagi ang tingin, nahiya na siyang sumabay.Matapos magpunas ay dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng isang basong gatas. Nagluto rin siya ng pancit canton na nilagyan ng itlog. Imbes na ilapag sa mesa ay pumunta siya sa labas kung nasaan ang garden. Umupo siya sa damuhan at doon kumain."Panigurado na lilinisin ko na naman yung lamesa kapag doon ako kumain." pagod na sabi ni Andy sa sarili.Busog na busog siya habang nakahilata sa damuhan. Tila nawala ang pagod niya sa paglilinis ng mga kwarto nila ni Kino at ang pagkilos sa bah
CHAPTER 48PAPASOK na mag-isa si Andy sa asul na gate ng Paaralan nang may sumiko sa kan'ya. Nagpantay ang kilay ni Andy bago nilingon ang dalawang binata na nakasunod sa kan'ya.Isa sa mga ito ay kasing-taas lang niya, kulay kahel ang ilalim ng buhok, kasing-kulay ng mabibilog nitong mata. Sa ngiti nito na abot hanggang tenga ay hindi maipagkakaila ang kapilyuhan. Ang vest na hindi madalas suotin ay nakasuksok sa kan'yang medyo bukas na bag na kasing liit lang ng isang libro at nakasabit sa isang braso.Tumaas-baba ang mga kilay nito bago pumantay ng lakad kay Andy na nagsisimula ng humakbang."Kumusta ang drama? Galit na galit si Mrs. Sanchez kahapon ah... Mukhang nag-cutting ka pa dahil hindi na kita nakita sa mga sumunod na subject." may pilyong ngiti na sabi ni Gus kay Andy.Sinamaan siya ng tingin ng dalaga."At paano mo nasabing nagcutting ako? Stalker ba kita?" nakangiwing tanong ni AndyMay pag-aalinlangan pa siya na kausapin ang mga ito dahil sa kumalat na balita tungkol sa
CHAPTER 47: MISSINGTAHIMIK na nilalakad ni Lylia ang school ground na may iilan lang tao dahil ang iba ay bumalik na sa silid-aralan at ang iba ay nasa Canteen.Kasabay nang pagbagsak ng mga dahon mula sa matataas na puno na dinaraanan ni Lylia ay ang biglaang pagtahimik ng buong lugar. Hindi ito pinansin ni Lylia at nagpatuloy lang sa paglalakad.Papalabas na si Lylia sa kanilang Paaralan at wala siyang dala bukod sa kan'yang sarili dahil alam niyang iuuwi rin naman ng kapatid ang mga naiwang gamit.Isang malakas na hangin ang nagpahinto sa kan'ya.Nilingon niya ang paligid at ngayon lang napansin na wala ang security guard sa Guard House. Maging ang ilang estudyante at school staff na nadaanan niya kanina ay nagsiwalaan. Tumalim ang tingin ni Lylia bago palinga-linga at hinahanap ang mga tao."Where the hell they are? Is this another stupid act from that girl? Hindi na ako makakapagtimpi pa kung sakaling saktan niya ulit ako." may inis na wika ni Lylia sa sarili bago iniyakap ang m
Chapter 46"If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?""If you don't want to befriends with anyone then, can I be your stranger?" Mabilis ang bawat hakbang ni Andy habang sinasalubong ang mga estudyante na papalabas palang dahil sa magsisimulang breaktime. Dahil sa bilis niya maglakad ay hindi na niya napapansin ang mga nakakabangga niyang estudyante.Ipinilig niya ang ulo habang mabilis ang bawat paghakbang. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Denum at ang ginawa nito na ilang minuto niyang ikinatulala.Hinawakan niya ang magkabilang pisnge at tinapik ito nang marahan. Ramdam niya pa rin ang pag-iinit nito kaya alam niyang namumula pa rin siya.Mariin siyang pumikit nang makapasok sa comfort room at mabilis na tinungo ang isa sa mga cubicle. Naisandal niya ang ulo sa pinto at dinama
CHAPTER 45: STRANGERAs the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.Monggii, wala na talagang nagbalak na