Share

Kabanata 2

Truth or Dare

Unti unting nabawasan ang mga panauhin sa hardin. Namalayan ko nalang na inililigpit na ng mga caterer ang mga pagkain sa lamesa. Papasok na sana ako sa bulwagan ng tawagin ako ni Pia.

"Thea! Saan ka pupunta?"

"I'll just change my clothes."

"Nagyayang mag-inuman sina Khael at Al. Let's go to the beach first--" 

Natigilan kami ng makitang lumapit si mama sa amin.

"Pia Hija, Althea is not allowed to drink, 16 palang ang anak ko maybe when she's on her legal age."

"Ay hehehe, Tita hindi naman po kami kasali. Sina Khael and Al lang naman po ang mag-iinuman, where just going to acompany them. Uuwi na din po kasi kami bukas."

I was surprised by what my friend said, I thought I could still be with them until I went home.

"Oh, ang aga niyo namang umuwi hija, kakarating niyo lang kanina. Why don't you just stay until Sunday. Para sabay-sabay na kayong umuwi ng anak ko." Suhestiyon ni Mommy.

Napabuntong hininga si Pia, "I hope I could stay longer Tita, but next week will be our final exam so we are going to be busy for our review. May family dinner din po ang family ko kasama ang pamilya ng mapapangasawa ng Ate ko."

"Well then my daughter can join you." Mama turned to me and smiled at me.

"You can join them anak maaga pa naman, magpapadala na din ako ng pagkain at maiinom niyo doon. If you still need anything just call the helpers. Matutulog na kami ng Papa mo." Aniya ni mama at hinaplos ang pisnge ko.

Tipid akong ngumiti bago tumango at hinalikan siya sa pisnge. "Good night ma." 

Ngumiti siya at nginitian si Pia bago kami iniwan.

I turned to my friend. "Why didn't you tell me?!" 

"I forgot to tell you earlier and I thought Khael already told you. Hindi niya sinabi?" 

Umiling ako habang magkasalubong ang kilay bago napakurap at hinarap ang kaibigan.

"Magbibihis lang ako then I join you after." Saad ko.

He quickly went to our friends, so I didn't hesitate to go straight to my bedroom to get dressed. I'm tired and my foot hurts too.

I felt sad while combing my hair. I wish I could still be with them. Today is Thursday at may pasok kami pero nag leave sila sa klase para lang maka attend ngayong birthday ko. Then tommorow is Friday we can still enjoy the beach but then they can't stay for long since we all have some things to do. Ang alam ko ay may review exam sila ngayon. Mabuti ako at ipinagpaalam na nang mga magulang sa mga lecturer kaya kahit paapaano ay pwede akong makapag-stay.

Nakaupo na ang mga kaibigan sa buhangin. May mga beach towel na din at maliwanag ang paligid dahil sa ginawang bon fire. 

Nilingon ko ang mga pagkain na inilagay sa lamesa at may mga mono block din duon, pero imbis na umupo ruon ay pinili nila sa buhangin.

I sat down next to Khael. He smiled and wrapped his arm around my waist. Inamoy niya ang pisnge ko kaya bahagya kong nailayo ang sarili.

"You smell good." 

Naamoy ko ang pinaghalong mint at alak sa kanya.

Lumayo ako ng bahagya at ibinaling ang tingin sa mga damit nila. Nakapag-bihis na din sila kagaya ko.

"Anong problema?" Hinarap niya ako at sinilip ang mukha ko.

"Uuwi na kayo bukas?" The sadness in my voice did not escape even though I tried to hide it. 

Sinundan ko ang pagbaba ng iniinom niya at saka ko siya binalingan.

"My father wants me to go home. May importante kaming pag-uusapan tungkol sa negosyo." 

I nodded and stared at the bon fire they made. 

They're business is something about the hotel like us and His Father is now training him to handle their business.

"Uuwi na din tuloy ako bukas." Walang pag-aalinlangan Kong sagot.

Narinig ko ang buntong hininga niya at kinalas ang pagkakahawak sa bewang ko saka pilit na inangat ng kamay niya ang mukha ko.

"Its ok, you can stay here for awhile and enjoy the rest of the day until you go home to manila."

I remained silent as I stared at him.

"Thea come on. Mas makakapag review ka kung dito ka muna." Binalingan niya ang paligid, "You also have time to have fun. You have a beautiful scenery, fresh air, and far from the city, besides we can still see each other on Monday."

"Tss. Its holiday on Monday duh!" Pagtataray ko sa kanya.

Natawa siya at kinurot ang pisnge ko. "Tuesday then?"

Inirapan ko siya pero sa huli ay napabuntong hininga.

Oo nga naman, intindihin mo nalang Thea at baka magalit pa si Tito na hindi mo pinauwi ang anak niya. Marami pa namang panahon para makasama mo siya. Maybe after the exam? Sem break is also coming, you also have time during Christmas, holidays and a lot of years to come. 

Napabuntong hininga ako dahil masyado naman ata akong posessive sa ginagawa ko. My cheeks warmed at the thought. Nakakahiya ka Althea!

"I'm sorry, I understand." Naiilang na aniya ko.

He smiled and stroked my hair lightly. "Good."

"Come on let's play truth or dare!" 

Sabay kaming napabaling kay Prian sa suhestiyon nito.

"Sus! Gusto mo lang malaman kung sinong crush ko." si Al.

Natawa kaming lahat sa sinabi nito.

"Eww! Don't even assume, Hindi nga ako interesado sa kung sino ang gusto mo." Nadidiring aniya ni Prian.

"Game!" Nakangising aniya naman ni Pia.

Inubos ni Sam ang laman ng isang maliit na bote saka inilapag sa buhangin at sinimulang ikutin ito.

Tumigil ito sa tapat ni Khael, nang binalingan ko ito ay nakataas na ang kilay nito habang nakatingin sa bote.

"Truth or dare?" Mabilis na tanong ni Al.

"Dare"

"I dare you to kiss Althea on her lips."

My eyes widened at what Al said. It's not new to me but I'll never do it in public, even infront of our friends. 

"That's easy." nagulat ako sa biglang pagsang- ayon ni Khael.

My eyes widened as he turned to me. Kumalabog ang dibdib ko ng maramdaman ang labi niya sa labi ko. Agad naman siyang lumayo. It's just a peck on my lips but I feel so embarrassed when we did it infront of our friends!

Uminit ang pisnge ko sa ginawa ni Khael lalo na ng marinig ang isang tili ng mga babaeng kaibigan at malakas na tawa ni Al. 

Malikot ang mga mata ko ng binalingan ang mga kaibigan. Nasulyapan ko ang ngisi ni Pia. Si Prian naman ay napapailing na tiningnan si Al habang tumatawa ito.

"Akin na nga!" Biglang bawi ni Prian ng bote kay Al.

"Ow bakit naiinggit ka, gusto mo rin ng halik?"si Al.

"No thanks, kung galing lang naman sayo wag na,  I can find another man who can kiss me better than you."

Humagalpak sa tawa si Pia lalo na itong katabi ko, samantalang umawang naman ang labi ko sa narinig sa kaibigan.

Nang binalingan ko si Al ay matalim na ang titig nito kay Prian.

"let's try it then." naghahamon na aniya ni Al.

Nagulat ako sa naging hamon nito.

Unti-unting naglaho ang tawananan. Nasulyapan ko pa ang magkasalubong na kilay ni Prian.

"Oh ano umuurong ka na, bakit?? Natatakot kang kapag hinalikan kita hindi mo ko makalimutan." Al added that made us gasp.

Padabog na itinapon ni Cyprian ang bote at ng tumayo ito ay nanlalaki ang mga Mata ko ng mabilis itong lumapit kay Al!

I covered my mouth with my hands at the sight. Pagkatapos lumapit ni Prian ay ang siyang pagtayo din ni Al dahilan para magkalapit ang mga mukha nila. 

Prian almost fell when Al stood up, so Al immediately grabbed his waist. Kitang kita ko ang kaba sa mukha ni Prian, pero hindi siya umurong at mas lumapit pa kay Al. Naghahamon din! Pinapakita na kaya niya itong gawin!

Narinig ko ang pagsinghap ni Pia. Napapalunok ko namang tiningnan ang dalawa. Hindi ko na narinig ang bulungan nila lalo na ng sa isang galawan ay hinalikan ni Al si Prian!

Oh my gosh!

Hindi pa man nagtatagal ay malakas na naitulak ni Prian si Al at narinig ang paglagapak ng kamay sa pisnge nito. Nakita ko ang namumulang mata ni Prian dahilan para mapatayo ako, ganun nadin Pia.

"P--Prian." mahinang tawag ni Pia, sinusubukang lumapit sa kaibigan. 

Lalapit na sana ako pero bago ko pa magawa ay nagtatakbo na ang kaibigan ko, hindi ko alam kung saan ito nagtungo. Nang binalingan ko si Al ay nanatili itong nakatayo at Tulala habang naka baling sa gilid ang mukha.

"Al." tumayo na ngayon si Khael at ambang lalapitan si Al.

"Let her go." Malamig na saad ni Al bago dinampot ang wine glass at isahan ininom iyon.

Nang maubos ang laman ng bote ay nagmamadaling umalis ito sa harapan namin.

Walang umimik sa amin.

"Shit! I didnt expect that." malutong na mura ni Pia. 

"Me too." I whispered softly.

"Ito na ata ang pinakamalalang away nila." dagdag ulit ni Pia.

Napabuntong hininga si Khael at napapailing.

"Teka puntahan ko lang si Prian." nagmamadaling paalam ni Pia bago umambang aalis.

"Wag na Pia, hayaan mo na muna, give them some space." napabaling ako sa sinabi ni Khael.

"Its better this way, ilang araw na din silang nagbabangayan. Kung makikialam pa tayo, baka lumala lang. Let them do their part and solve their own issues." dagdag pa niya.

Napabuntong hininga ako at tumango bago kami bumalik sa pagkaka-upo.

Wala sa aming umimik at mukhang napansin naman iyon ni Khael kaya siya na ang gumawa ng paraan para mawala ang tensyon.

"Let's resume our play, just make sure na walang personalan para walang problema." Si Khael.

Umirap si Pia. "I'm fine with our game, laro lang naman talaga ito at walang personalan. For fun lang naman. Sila lang naman kasi itong laging binibigyan ng meaning ang mga bagay bagay--"

"Pia stop it--" pigil sa kanya ni Khael.

"What?! I'm just telling the truth, Al always want Prian's attention kaya lagi niyang inaasar and now what? Porket nasagot siya galit na agad siya, eh kasalanan naman niya."

Napabuntong hininga ako. "Pia, both of them have been wrong, hindi lang si Al. Pinatulan din naman ni Prian ang sinabi ni Al. Naapakan siguro ang ego nung Tao at..Alam naman natin na may gusto rin si Al sa kanya. In denial lang talaga sila."

"Aissh! Ewan ko sa kanila. Why don't they just stop from fighting and just once, be truth to themselves. Admit it! We all know the they have feelings for each other. Bakit kaylangan pang itago? I am 99.9 percent sure that if one of them try to confess, both of them will have the same answer."

Napabuntong hininga ako at tumango. "Right."

Pia begin to spin the bottle. Inaabangan naman niya kung sino ang huling matuturo nito. 

Halos matawa ako ng siya ang itinuro ng bote.

I smiled as I looked at Pia. "Truth or dare!".

"Truth." mabilis na sagot niya.

"Who is your campus crush?" I asked with a smile as I raised an eyebrow.

"Do you have nothing else to ask? Napaka common naman ng tanong na yan."

Nakangusong aniya niya pero umiling ako.

"Hindi pwede...Ano sino? Si Paul Costa na naman noh?" Nangingiting sagot ko sa kanya.

"No way! Turn off na ko dun, napaka playboy!" Nagugulat na sigaw niya sa akin.

I raised an eyebrow. "Sure?" 

"Hindi nga!" Inis na aniya niya sa akin.

"Edi sino nga!?" Pagpupumilit ko pa.

"Si Chris."

Naguguluhan ko siyang tiningnan, maging si Khael ay binalingan siya.

"Who's Chris?" kuryusong tanong ko napapataas ang kilay sa kaibigan.

Ngumuso ang kaibigan ko at namula ang pisnge. Confirm!

"You mean Christian Vaughan Villareal?" Si Khael sa kritikal na tuno.

I turned to him and frowned at his tone. He didn't look at me and kept his gaze on Pia.

"Pia are you serious?!" Mas nagulat ako sa naging reaksyon ni Khael. "That boy is a playboy!" Dagdag pa niya.

Binalingan ko naman ang kaibigan. Hindi makasabay sa kung sino ang tinutukoy nila.

"Hindi noh! Nuong una oo, ayaw ko talaga sa kanya but if you just try to know him more, you'll find out that His also kind and gentleman." Nakangising aniya ni Pia.

"I dont believe you--" si Khael.

"Bakit ba ganyan ka nalang maka react! Crush ko lang naman eh. Ganyan din ako nung una Khael but I realize that I shouldn't judge someone just because of what people are saying. We can't expect someone to be perfect." inis na aniya ni  Pia.

Napalunok ako. "Guys, I think we should stop this game." I said calmly, they both turned to me.

Napakurap ako. "Baka kasi mauwi na naman sa away ang ganitong simpleng tanong." sinamaan ako ng tingin ni Pia kaya humina ang boses ko sa huling salita.

"Yeah, your right. Let's stop this and stop mentioning about our love life, kanina pa natin pinagtatalunan yan." pagsang-ayon naman ni Khael.

Mabilis niyang kinuha ang bote at itinabi ito bago umusog sa akin at mabilis akong niyakap.

"Its cold, don't you wanna go inside and rest?" Mahinang bulong niya pero dahil sa yakap niya ay ayaw ko munang pumasok.

"Mamaya nalang, dito muna tayo. I want to spend this night with you. Aalis na kayo bukas."

Humigpit ang yakap niya kaya napabaling ako kay Pia na kinuha ang cellphone.

"I'm sorry, I didn't mean to offend you. Nagulat lang talaga ako." si Khael kay Pia.

Tinitigan ko si Khael bago binalingan si Pia na unti-unting ibinababa ang cellphone.

"Its ok. Sorry din." Nakangusong aniya ni Pia.

Nakangiti Kong tiningnan ang dalawa. Alam ko naman na hindi sila magtatanim ng sama ng loob dahil sa pinag-usapan. That's why I'm lucky to have them. We easily understand and forgive each other. Hindi din kami nagtatanim ng sama ng loob sa isat isa, at kung may problema man o hindi pagkakaunawaan ay pinag-uusapan namin iyon.

Sa loob ng apat na taon ay nabuo ang pagkakaibigan namin. Pero para sa akin...It’s not about how long the friendship lasts, it’s about how true we are to each other.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status