Share

Kabanata 3

Cyprian’s Dissaperance from Dela Vega’s Masion 

Hindi na kami nagtagal sa seashore lalo na nang makaramdam ng antok at lamig ang mga kaibigan. Kaya nag kanya-kanya na kaming pasok sa mga kwarto. 

Nang makapasok sa kwarto ay agad akong naupo sa kama. Itinaas ko ang mga paa at hinaplos ito. 

It’s a bit painful and I’ve been feeling that for a while. Probably because of the time I stood earlier while talking to the guests. Saglit lang naman kasi akong umupo sa upuan nila Khael at tumayo din agad para mang entertain.

Hindi ko na namalayan ang sakit duon dahil masyadong natuon ang pansin ko sa usapan at nangyari kanina. Naramdaman ko lang ulit iyon habang naglalakad kami pabalik ng mansyon.

Hindi pa man nakakabawi sa pagpapahinga ay may kumatok na sa kwarto ko. With a sigh I stood up before going straight to the door and opening it. Tumambad sa harapan ko ang nag-aalalang mukha ni Pia.

"Pia, anong problema?" 

"Si Prian..." 

My forehead furrowed as she mentioned Prians  name."Bakit?"

"She's not in our room." kinakabahang sagot niya.

Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya kaya agad akong lumabas ng pintuan ng kwarto.

"What do you mean?" My forehead furrowed as I slowly closed the door.

"Pagkapasok ko kanina sa kwarto ay wala siya dun, kahit sa bathroom and sa terrace ay wala." 

Nanatili ang pagkakasalubong ng kilay ko. "Baka nandito lang naman siya sa mansyon, huwag na muna tayong mag-panick." 

"I'm not sure Thea, nakita kong umiiyak siyang umalis kanina. Baka kung saan na yun pumunta." She replied in a worried tone.

Nasulyapan ko ang nagmamadaling paglapit ni Khael. Kakalabas lang din nito ng kwarto.

"Nasaan si Al?" Salubong ko kay Khael. 

"Nagmamadaling umalis kanina, he said he would look for Prian."

Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nito pero pinilit kong kumalma.

"Baka nandito lang siya sa loob ng mansyon, wag na muna tayong magpanick. The mansion was too big for us to see her right away. Ang mabuti pa ay mahiwahiwalay tayo para mahanap siya. Magkita nalang tayo sa sala."

 

Sumang ayon naman sila sa sinabi ko so we hurriedly parted. I was with Khael when I went down the staircase. Pia went to the second floor.

When we finally got down, we searched the whole house. Sa receiving room, main living room, sa kitchen, sa dining room, sa comfort room, wine cellar, sa washing area. Pero hindi namin siya makita. Tinawag ko na din ang mayordoma at sinabihan ang ibang katulong na hanapin ang nawawalang kaibigan. 

Sumasakit na ang mga paa ko ng nagtungo sa sala pagkatapos ng ilang minutong paghahanap. I followed Khael's gaze as he kept dialing Prian's cellphone number.  

Bumaba si Pia galing sa staircase. "Wala, she's not upstairs. Not even in the library and study room. Wala din kahit sa ibang guests room." 

Napapikit ako at binalingan si Khael. "Khael, sinagot na ba?" Nagbabakasakaling tanong ko, but he just shook his head and put down the cellphone with a sigh.

"She's not answering my calls."

"I think she's not here, baka nasa labas or nasa resort niyo Thea." si Pia.

"Then let's look outside." I told them.

"Dito ka nalang, kami na ang maghahanap." pigil sa akin ni Khael.

"Namumula na ang mga paa mo. You should stay here and wait for us until we find her." dagdag pa nito.

Gusto Kong sumama sa paghahanap. Pero...napabaling ako sa mga paa na namumula. Naramdaman kong muli ang sakit at pangangalay duon.

"Sige, hihingi nalang ako ng tulong sa mga tauhan para hanapin si Prian." Suhestiyon ko.

Sumang-ayon naman siya at nilingunan si Pia bago nilisan ang bulwagan.

Tinawag ko ang mayordoma na nasa tabi lang.

"Paki tawag si Rome at ang iba pang tauhan, hanapin nila si Prian sa buong resort at sa hotel. At kung pwede wag nang sabihin kila Mama at Papa at nagpapahinga na sila ngayon." Utos ko sa kaniya. Agad naman itong sumunod.

"Althea what's going on?" Napabaling ako kay kuya Kiel ng bumaba ito sa hagdanan at nagmamadaling makalapit sa akin. 

Sinundan nito ng tingin ang ka-aalis lang na katulong.

"Nawawala si Prian kuya, kaya pinapahanap ko sa mga tauhan." Sagot ko.

"Pa'nong nawawala?" Nagtatakang tanong nito.

"I dont know. Maybe because of what happened earlier. We thought she was just in ours guest room but she wasn't, and now we can't find her."

Nasulyapan namin ang mabilis na paglapit ni kuya Rome kasama ang iba pang tauhan nito. Sinalubong ito ni kuya at siya na ang kumausap dito. 

Kung kanina ay maayos pa ako, ngayon ay kinakabahan na ako. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung bigla-bigla nalang mawawala ang kaibigan. Kung umalis siya nang hindi man lang nagpapaalam sa dis oras ng gabi, ibig sabihin lang nun ay masyado siyang naapektuhan at nasaktan sa ginawa ni Al.

I stopped at the thought of remembering the security room. The CCTV!

Mabilis Kong binalingan ang isang tauhan. "Kuya paki check nga po ng CCTV." 

Mabilis namang umalis ang isa sa kanila. I walk back and forth and glance at the cellphone.

"Ma'am may picture po kayo?" Si Rome.

Tumango ako at inilabas ang picture namin kanina sa birthday party ko. Tumango naman si Rome at may tinawagan sa cellphone. I kept looking at him while waiting for an answer.

Tumango ito sa kausap at binalingan ako.

"Ma'am tumawag po kami sa security ng resort niyo. Sabi daw po may nakakita sa kaibigan niyo. Dumaan daw po ng resort. Umiiyak daw kaya agaw pansin." Sagot nito.

Binalingan niya si kuya Kiel ng magsalita ito ngunit hindi ko na iyon narinig.

Sa sobrang kaba at hindi mapakali, I hurried to the cabinets and looked for a flashlight. Mabuti nalang at nakita ko agad iyon. Sumulyap pa ako kay kuya Kiel na nanatiling kausap ang mga tauhan. Dinaanan ko sila at tuluyang lumabas ng mansyon. 

I heard Kuya Kiel calling me but I ignored him. Maging ang masakit na paa ay ininda ko. I just went straight to the beach. 

Nasalubong ko agad ang malamig na ihip ng hangin pero inalintana ko iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang dala-dala ang flashlight. 

Maliwanag sa parte ng resort pero dahil malayo iyon sa dalampasigan, ay hindi na ito inabot ng liwanag. Tanging ang mga buwan at bituin na lamang ang nagsisilbing liwanag sa tabi ng dagat.

Wala rin namang Tao.

"Prian!" Sigaw ko.

Itinutok ko ang flashlight sa tabi ng dagat. Maybe she's on the seashore, since I was often there whenever we had a misunderstanding with my parents or if I wanted to be alone.

"Prian!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad, nasa tapat na ako ng isa sa mga beach cottage house ng resort. 

"Prian!" Muling tawag ko sa pangalan nito, ngunit walang ni isang anino akong nakita.

"Cyprian Allaine Ortega!" Tawag ko naman sa buong pangalan nito.

Hindi man nakatutok ang flashlight ay napansin ko ang isang anino na nakaupo sa tabi ng dagat sa tapat lang din ng resort.

Maybe its Prian.

"Prian ano bang--"

"Sh*t!" Malutong na mura ko ng tumama ang paa sa maliit na batong nakaharang sa dinadaanan ko.

"Sh*t ang sakit!" Anggil ko pa habang unti-unting napapa-upo at itinutok ang flashlight sa paanan ko.

Nakita ko ang pamumula nito, at feeling ko tumama sa bato ang koko ng daliri ko sa paa.

"Are you ok?" 

Natigilan ako sa narinig. I shivered and could not move immediately. Parang bulong lang ng hangin. Mahina ngunit malalim ang pagkakasabi noon. Wala namang ibang Tao sa dinaanan ko kaya agad Kong ini-angat ang flashlight at itinutok sa harapan.

"Ahhh!!" Napasigaw ako at tuluyan nang nabuwal sa kinauupuan. Agad Kong nabitawan ang flashlight. 

I didn't immediately stare at it because I was so shocked. But I saw a face. Duon ko lang napagtanto na Tao iyon. Nagulat lang talaga ako dahil naitutok ko ang flashlight sa mukha ng Tao. 

Nagmukha Tuloy itong multo!

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, feeling ko lalabas na ang puso ko sa sobrang gulat at takot. 

Narinig ko ang bahagyang pagngisi ng kung sino. My forehead furrowed and I tried to see who it was.

Una Kong nakita ang mga paa nito lalo na at nakatutok ang nahulog na flashlight sa mismong paanan nito. I slowly looked up. Natigilan lang nga dahil hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil madilim. Pero sigurado akong lalaki ang nasa harapan ko dahil sa postura nito.

"Why are you still outside and walking alone in the dark, Althea?" Tanong ng lalaki na bahagyang ikinagulat ko.

Nagulat ako dahil binanggit niya ang Pangalan ko!

"Who are you? H-how did you know my name?" 

Hindi niya ako sinagot. Imbis ay lumapit siya sa akin kaya bahagya akong napa-atras.

"Let me help you." he held out his hand but I did not accept it.

Sinubukan Kong tumayo pero agad ding napaupo ng mawalan ng balanse. 

"Tss." anggil niya. Ramdam ko ang pagkakairita niya sa ginawa ko.

Naramdaman ko ang muling paglapit niya kaya nataranta ako at muling sinubukang tumayo, pero bago ko pa magawa ay nahawakan na niya ang isang braso ko at ipinulupot ang kanyang braso sa likod ko saka ako marahang itinayo.

"Kaya ko!" I said in an annoyed tone. Ayaw Kong may humahawak sa akin ng hindi ko naman kilala.

"I know, I just want to help you since it looks like you hurt your foot." he said softly as he picked up the flashlight and pointed it at my foot.

Nagugulat ulit akong napa-atras ng yumuko siya at lumuhod sa harapan ko!

"Why are you here, it's already late?" tanong niyang hindi ko pinansin. 

Bago ko pa mabawi ang paa ay nahawakan niya na ito.

"Wh-what are you doing?" naiilang na sabi ko at pilit inilalayo ang paa mula sa pagkakahawak niya. 

He looked up at me. "I'm checking your foot." He looked down at my feet again. "Where's your boyfriend? He shouldn't let you roam around when it's already dark and late at night."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kilala mo 'ko?" Balik tanong ko sa kanya.

I felt him stop and slowly stand up, I followed him with my gaze.

"Kaylangan mo nang bumalik sa mansyon. Namumula ang mga paa mo." Aniya niya, hindi sinasagot ang tanong ko kaya bahagya akong nainis dito.

"Hindi, I need to find my friend first. Akin na ang flashlight." sinubukan kong bawiin ang flashlight na hawak niya ngayon pero inilayo niya ito!

Ano bang problema ng lalaking 'to!

"Ang kulit mo talaga." mariing anya niya.

I was surprised by what he said. Nang makita ang pagkakagulat ko ay napabuntong hininga siya.

"I saw your friend, I will find her for you. You should go home now, ihahatid na kita."

"I don't even know you so why should I believe you?"

"I am not a stranger.." mariing aniya niya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Ano bang sinasabi niya? Ang feeling close naman neto!

"I know you and your family, I was even at your birthday party awhile ago. Let's just go back to your mansion. Maybe they are now worried about you." Aniya niya.

Magsasalita pa sana ako pero tumunog ang cellphone sa bulsa ko kaya nagmamadali ko iyong kinuha. I glanced at the man in front of me as I quickly swiped my cellphone screen.

"Thea where are you?!" Narinig ko ang pag-aalala sa boses ni Khael.

"We told you to stay and wait for us, tapos ngayon malalaman ko na lumabas ka pala at sumunod sa amin. Ang tigas talaga ng ulo mo." ramdam ko ang galit sa tuno ng boses niya kaya kinabahan ako.

Ayaw ko na nag-aaway kami. 

I glanced at the man again and he remained staring at me. Nagsalubong ang kilay ko ng tuluyan ko nang maaninag ang mukha nito kaya agad kong naiiwas ang paningin ko.

"Thea, Thea?" Sunod-sunod na tanong ni Khael, bahagya akong natauhan.

"Khael I'm fine, nahanap niyo na ba si Prian?" Mabilis Kong tanong.

"Al called, He's with Prian now. Mamaya na daw sila uuwi at nag-uusap pa daw sila. Nasaan ka? pupuntahan kita--"

"Hindi na, wag ka nang lumabas. I'm going home now. Bye." pigil ko sa kanya at nagmamadaling binaba ang cellphone.

Binalingan ko ang lalaki, "Thank you for offering your help but Al has already found Prian and He's with my friend now." 

Dahan-dahan naman siyang tumango.

"I need to go." Pagpapa-alam ko dito.

"Ihahatid na kita." 

"Hindi na--"

"Ihahatid kita and I dont need your permission."

Nagulat akong muli sa sinabi nito sa akin. Napa-awang ang mga labi ko at napapatingin kung saan-saan. Sa huli ay hindi makapaniwala ko siyang tinitigan. Magkasalubong na ang kilay.

"Don't think of it in a wrong way, I'm just helping you out. Gabi na rin kasi at hindi pa maayos ang paa mo." Dagdag niya pa.

Ngayon lang ata ako nakakilala ng taong sobrang caring sa taong hindi naman niya ka-close.

Magpoprotesta pa sana ako dahil baka makita kami ni Khael. Baka isipin nun na umalis lang ako ay may iba na akong kasama pagbalik ko. Pero bago pa ako makatanggi ay muli akong namangha sa biglaang paghawak nito sa mga braso ko at inalalayan akong maglakad. 

Hahampasin ko sana ang pagkakahawak niya ngunit dahil muka naman talagang nakaalalay lang siya at wala naman ibang intensyon ay hinayaan ko na.

Si Khael naman talaga ang iniisip ko. I don't want us to fight. I'm tired so I just want to sleep and rest. Ayaw ko na din dadagdagan ang iniisip niya lalo na't ramdam ko na medyo galit siya sa pag-alis ko sa mansyon.

Nagpatuloy siya sa pag-alalay sa akin at kahit nakaalalay siya ay masakit padin ang paa ko. Nadagdagan pa ng tumama ang paa ko sa bato. Tsk.

Hindi nagtagal ay nasa tapat na kami ng walong baitang na hagdan malapit sa garden.

"Dito nalang, thank you." halos maibulong ko iyon sa kanya dahil sa pagod.

He nodded and stared at me for a moment."Your welcome, have a good night." napapaos na aniya niya.

I nodded and turned my back on him. Maglalakad na sana ako ng maalalang hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya. I turned around and looked for him, but I saw him walking away.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status