Share

Chapter 14

SECRET KEEPER

Pinalamigan siya ng kamay habang kaharap ang nakapamulsang lalaki. Kilala niya ito sa mukha subalit hindi sa pangalan. Tandang tanda pa niya na isa ito sa dumampot sa kanya sa pag-uutos ni Vincent noong nakaraan. Nakapagtataka na naririto ngayon ang lalaki sa harapan niya. Pinapasundan kaya siya ng kanyang boss?

"S—sino ka? At…anong ginagawa mo dito?" Nahintakutan niyang tanong. Humigpit ang hawak niya sa doorknob ng kwarto ni Kreios dahil sa tensyong nararamdaman.

"I should be the one asking you that. What are you doing here? You're supposed to be in your condo that Vincent provided you with," malamig nitong tugon.

Napalunok siya ng ilang beses at hindi alam ang sasabihin. Aamin ba siya? Pero paano kung bawiin ng mga ito ang pera at pagbayarin pa siya sa nagastos niya? Paano na ang anak niya?

"Based on the look in your eyes, I see that the kid lying in there is so important to you. He's your son.."

Hindi na siya nakaimik. Masyadong intimidating ang dating ng lalaki. Paki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status