"Ayaw kong masaktan si Rafael." pagbuo ng babae sa pangalan ng anak. "A---aling Lourdes..." aniya na hindi malaman kung ano ang sasabihin sa babae. Bigla syang nahiya rito, naisip niyang pasubalian na lamang ang sapantaha nito. "Hindi nagsisinungaling ang mga mata Ineng. Hindi ito marunong maglihim. Hindi mo man sambitin ang isinisigaw ng iyong damdamin ang iyong mata ang syang magsasabi. Pagka’t naisisiwalat nito ang nilalaman ng iyong puso." patuloy ni Lourdes na tila nahulaan ang kanyang nasa isip. Sa pagkakataong iyon ay hindi mawala ang titig ni Rada sa kaharap. Ang salita ni Lourdes at ng kanyang ina ay halos iisa. Hindi tuloy niya maiwasang manggilalas. "Hindi maitatatwa ang kislap ng iyong mga mata sa tuwing pinagmamasdan mo si Pael. At ang bagay na yan ay isa sa pinakamasayang pakiramdam para sa isang babaing umiibig. Ngunit kapara niyo ay langit at lupa, hindi aayon ang tadhana kahit na may katugon pa mula kay Pael ang iyong nararamdaman." Hindi napigilan ni Rada na ma
Pomorma ang ngiti sa mga labi ni Rada, nagkaroon din ng kislap ang mga mata nito. Bagay na nagpatigil kay Pael. Tila nahipnotismo na napatitig na lamang din ito sa dalaga. Wala na sa maayos na pagkakatali ang mga buhok ni Rada. Nakasabog ang ilang hibla ng buhok nito sa pisngi. Na nagbigay rito ng mala-inosenteng hubog ng mukha. Walang pintor na hindi ito gugustuhing iguhit. May namuo ring butil ng pawis sa noo nito na naengganyo sana syang pahirin gamit ang sariling palad. Subalit ay nagpakatimpi-timpi si Pael. Ang ekspresyon niya na nagbabadyang lumambot ay sinikap niyang maging pormal. Ito pa naman ang pinakaiiwas-iwasan nya ang maghugpong ang kanilang mga mata na animo namagneto. Hindi maaaring maapektuhan sya ni Rada. "I love it Pael." pagkuwa'y malambing na anas ng kaharap. Gumuhit ang kalituhan kay Pael. Inalis nya ang hangin na tila bumara sa lalamunan. "Anong ibig mong sabihin Senyorita?" tanong niya na gustong bahiran ng iritasyon ang tinig. Subalit pa
Hindi rin naman nakatiis, si Clara. She watched her daughter for some moments. Her face was calm and considerate. Rada knows her weakness. Alam na alam ng dalaga kung paano sya pakakalmahin. Isa pa hindi rin naman sya titigilan ng anak hanggat hindi sya nito napapaamo. And besides mukhang may natutunan naman ito sa pagkakamaling nagawa. Hindi na ito nagmamatigas katulad dati na walang imik at hahayaan lang sila na manermon. Makikinig subalit palalagpasin naman sa kabilang teynga. Recently pansin niya ay marunong nang tumanggap ng kamalian si Rada. Nagsasabi na rin ito ng totoo sa kanilang mag-asawa. Bagay na nagbigay kaluwagan sa kanya. Base sa kanyang nakikita ay mukhang may ginawa na namang kaintere-interesanteng bagay ang dalaga. Masaya ang bukas ng mukha at maging mga mata ay nakangiti. Kung anuman iyon ay sigurado syang nagbigay iyon ng labis na kasiyahan rito. Aamimin niya kahit na nakakaubos ng pasensya ang katigasan ng ulo ng kaisa-isang anak ay mapagbigay
Naka-apat na stick na sya ng sigarilyo subalit ay hindi pa rin sya makalma. At habang sinisindihan ni Clara ang pang-lima ay hindi maiwasang manginig ng kanyang mga kamay gawa ng nadaramang tensyon. Kasalukuyan syang nasa balkonahe at sinisikap na pagaanin ang lito at gulong isipan sa nagbibigat na pakiramdam. Tutal ay tuluyan na rin namang nagdamot ang antok sa kanya. Kanina sa higaan ay wala na siyang ginawa kundi ang magpabiling-biling. At kahit sinisikap niyang ipikit ang mga mata ay talagang nahihirapan syang hagilapin ang antok. Nag-alala syang baka maistorbo nya ang tulog na tulog na asawa kaya’t minabuti niyang magpalipas muna ng oras sa labas. Kaya heto sya ngayon sa balkonahe. Mula pa kanina pagdating nila sa asyenda ay labis nang binabagabag ang kanyang isipan. Sa kabila niyon ay pinanatili niya ang pagiging kalmado at normal upang hindi makahalata ang asawang si Ramon. Mabuti na lamang at maaga ring nakatulog ang lalaki. Dala marahil ng pagod sa maghapon nitong
Sabado at abala sa paglilipat ng mga punla si Pael sa araw na iyon. Hinanda na rin niya ang patabang gagamitin. Maaga siyang nagtungo ng sakahan. Umulan ng malakas ng nagdaang gabi kaya't nagmadali siyang pumaroon upang masuri ang mga pananim sa ginawang punlaan. Kanina ay sinipat niyang muli ang ginawang pilapil ng nagdaang araw. Nilinis iyon at binarahan ang mga butas na posibleng panirahan ng mga daga o pasukan ng tubig upang hindi malunod ang mga binhi at magkaroon lamang ng tamang suplay. Nauna na niyang naayos ang pagpapatubig. Mataas na ang araw at nakakasilaw na sa mata. Mahapdi na rin ito sa balat. Sa hula niya ay malapit ng mag alas-dose ng hapon. Inayos ni Pael ang suot na balanggot nang may marinig na pagtawag sa di kalayuan. "Pael!" anang sigaw. Natanaw niya ang inang si Aling Lourdes na paparating ngunit hindi ito nag-iisa. Awtomatikong nagdikit ang kanyang mga kilay nang makikilala ang pamilyar na bulto sa likuran ng ina. Isang linggo na ring wala syang nag
Ipinagpatuloy ni Rafael ang pag aasikaso sa mga punlang palay ilang minuto pagkaalis ng ina. Si Rada ay tahimik na nakamasid lamang sa may kubol habang nakaupo. Nakatanaw lamang ito sa binata habang pinanonood ito sa ginagawa. Tama si Aling Lourdes napakapalad nito kay Pael. Hindi maikakaila ang kasipagan ng lalaki. Ni hindi nito alintana ang init ng araw, ni hindi rin ito nakapag-pahinga manlang ng maayos dahil pagkatapos nitong kumain ay itinuloy na nito ang pagtatrabaho. Napakabait rin nitong anak, kita nya ang labis na paggalang, respeto't pagmamahal maging pagmamalasakit nito sa ina. Kaya masasabi niyang kay palad rin ng babaing iibigin nito. How I wish. I can be that girl. Hays! bulong ng dalaga sabay buntong hininga. Si Pael naman ng mga oras na iyon ay hindi magawang tumutok sa kanyang gawain. Ramdam niya ang mga mata ni Rada na sumusunod sa bawat kilos at galaw na ginagawa nya. Kaya hindi na sya nagtaka nang minsang tapunan niya ito ng sulyap ay kuntodo ito sa kakakaway
Mabilis na umibis si Clark sa sasakyan nito nang matanaw si Rada paahon sa may bangketa. Dali-dali niya itong sinalubong. "You okay brat?" tanong niya nang mapansin ang katamlayan nito. Matipid na tumango ang dalaga, bahagya na lamang sya nitong sinulyapan. Tuloy-tuloy ito sa marahang paglalakad patungo sa kinapaparadahan ng kanyang pick-up. Sinundan niya ng tingin ang kaibigan ng may pagkunot ng noo. Sinakmal siya ng pagtataka sa kakaibang ikinikilos nito. Sumunod siya sa dalaga at agad na ipinagbukas ito ng sasakyan. Tila naman wala sa sarili na pumaloob ang dalaga na lagpas-lagpasan ang tingin. Maingat niyang isinara ang pinto nang maayos na itong nakaupo. Pagkatapos niyon ay umikot na sya sa may driver seat. Ang akmang pagpasok niya sa pick-up ay naantala nang matanaw niya sa di kalayuan si Rafael. Sa tabi ay ang alaga nitong kalabaw. Hinatid marahil nito si Rada sa highway kung saan naman sya ay naghihintay. Saglit silang nagsukatan ng tingin ng lalaki. Siya sa paraang na
Ilang minuto nakahimpil ang kanyang oto sa harap ng bakuran ng mga Samaniego. Pinagmasdan ni Clara ang paligid tahimik ngunit sigurado sya na may tao sa loob ng natatanaw na kubo. Mayroon kasing usok na nagmumula roon. Pagkatapos niyang makumpirma na naririto na nga si Lourdes sa San Isidro ay hindi na sya mapagkatulog. Bawat araw na dumadaan ay takot at pangamba ang kanyang kinakaharap. Gusto niyang ignorahin ang pakiramdam na iyon, tanggalin sa isip ang kabalisaan. Subalit paano niya tatakasan ang bagay na nakakaapekto na rin sa kanyang anak? Kaya nagdesisyon syang harapin na si Lourdes. Isa pa hindi nga ba at matagal na niyang hinihintay at inaasam ang pagkakataong ito? Ang muli silang magharap ng babae? Para sa sariling kapayapaan ng isip. Kay tagal na rin ng bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib. Isang ubod lalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Pinuno ng hangin ang dibdib at mabilis na umibis ng sasakyan. Bago humakbang patungong kubo ay inayos niya ang sarili. Isang