"Handa ba ang lupa na saluhin ang bituin?" ang hindi siguradong tanong ni Rada kung para ba sa sarili niya o kay Pael niya iyon sinasabi. Dahil wala naman syang partikular na pinatutungkulan. Muli ay bumuntong hininga si Pael. Saglit na nawalan ng imik at tila may kung anong iniisip. "Ba-baka nabibigatan ka na sa akin magsabi ka lang ha?" basag ni Rada sa pananahimik ng binata.Hindi na kasi ito muli pang nagsalita, hindi tuloy niya malaman kung may hindi ba ito nagustuhan sa sinabi niya. Bigla na lang ito nawawalan ng imik. Isa pa sa ipinagtataka niya ay kung bakit hindi dumating si Mang Kanor. Jusmiyo ni ha ni ho wala man lang abiso. Paano na lamang kung hindi dumating si Pael. Ano hahayaan na lamang sya ng mommy niya na maglakad pauwi? Imposible na gawin iyon ni Clara. Mawala nga lang sya saglit nag over react na ito tapos ngayon hahayaan lamang sya na umuwi ng walang kasama? Saka maliwanag ang usapan nila kanina na susunduin sya ni Mang Kanor ng ala- una. "Ayos lang, saka huwa
Maagang gumising si Rada kinabukasan kahit pa late na syang nakatulog nang nagdaang gabi. May ngiti sa labi na nag-inat pa sya ng mga kamay. Alas, sais empunto nang sumulyap sya sa orasan sa kanyang bedside table. Agad siyang bumangon sa kama at hinagilap ang malambot niyang pambahay na tsinelas. Diretso sya sa kanyang bintana upang buksan iyon. Pagkatapos ay hinawi niya ang puting lace na kurtina. Nakamulatan na niya ang paniniwalang pagkagising raw sa umaga ay buksan agad ang bintana para pumasok ang grasya. Pikit matang pinakiramdaman niya ang paligid. Nang may masamyo. There was a cool wind – a delightful morning breeze. She smiled. Pagkatapos ng ilang minuto ay minulat niya ang mga mata at tinanaw ang bahaging silangan. She saw the sun rising which made her gasping by the light of it. Everything around it was bright and peaceful. So beautiful that for her it must be one of the joyous things. Pagkalipas ng ilang saglit ay tinungo na ni Anya ang banyo para maligo. Wala
Hindi na naiwasan ni Lourdes na mapaluha. At habang pinagmamasdan niya si Clara na nakaluhod sa kanyang harapan ay tuluyang nanariwa ang sakit na dulot ng nakalipas. Ang poo't sa kanyang dibdib ay muling nagsumigaw at umaalpas. Hindi na sya nakatiis at mabilis na tumalikod. Kinuha niya ang basket na nailapag kanina pagkatapos ay inilang hakbang ang baitang paakyat sa kanilang bahay. Agad na pumasok sa loob at isinara ang pinto kung saan ay napasandal pa siya sa dahon niyon. Nag-unahan sa pagbuhos ang kanyang mga luha. "Senyora---?" Boses ni Pael. Agad na napalingon si Clara. Papasok na noon ng bakuran si Pael na sa hula niya ay kagagaling lamang sa taniman. Mabilis niyang dinukot sa dalang bag ang kanyang panyolito at pinahid ang mga naglandas na luha sa kanyang pisngi. Inu't-inot siyang tumayo subalit mabilis na nakadalo sa kanya ang binata na kinabakasan ng pagtataka sa mukha kasunod niyon ay lumarawan ang pag-aalala rito. "Ayos lang ho ba kayo Senyora?" ani Pael na ina
Ilang minuto nang nakakaalis si Clara sakay ng batlag nito ay naroroon pa rin siya sa dungawan at pilit na tinatanaw ang buntot ng sasakyan nito. Pilit niyang paglabanan ang samut-saring emosyon na nagsasalimbayan sa kanyang dibdib. Kaya naman ay pinuno niya ito ng sariwang hangin. Nakita niyang naglalakad na pabalik si Pael kaya't sinikap niyang pagaanin ang mukha at pinaporma ang isang ngiti sa mga labi. "Kumusta sa taniman anak? Hinog na ba ang mga bunga ng palay?" Naisip niyang itanong rito. Pumaroon kasi ang binata maaga pa lamang kanina para bisitahin ang mga pananim nitong palay. Nabanggit rin ng anak na aayusin nito ang patubig para magkaroon ng sapat na suplay ang mga tanim. Tumango si Pael na umaliwalas ang mukha. "Opo Inay, sitenta porsyento ng bunga ay hinog na. Baka sa susunod na buwan ay maaari nang gapasin ang mga ito. Sakto dahil hindi na ito aabutin nang darating na tag-ulan.” "Mabuti naman kung ganoon anak." masaya niyang wika sa binata. "Siya nga pala aasikasuh
"A-anong ginagawa mo rito? Ang ibig kong sabihin ay—-“Natutuwa akong makita ka Pael.” putol ni Rada sa binata sa napakalambing na tono. Kumaway rin ito kay Carlito bilang pagbati na ikinaluwang ng pagkakangiti naman ng binata.Nahihiyang ngumiti si Rafael. “ Hindi ko inaasahan na makikita kita dito sa plaza.” “Nagkayayaan kami nila—-Hindi na natapos ni Rada ang sinasabi dahil agad na nakasunod ang mga kaibigan nitong sila Cathy at Bing. “Kumusta Ibarra?" bungad agad ng dalawa sa kanyang nobyo. “ Mabuti naman Cathy at Bing. Ikinasisiiya kong makita kayong muli.” “Kami’y nagagalak rin. Naku! May kutong lupa ka palang kasama." tukoy ni Cathy kay Carlito. Inismiran agad nito ang binata na napakamot naman sa ulo nito.“Nagkayayaan kaming manood at maglibot sa perya. Ikaw, buti at naisipan mong pumarito?." si Rada kay Rafael. “Ah nagyaya si Carlito." anito sabay sullyap sa kasama. “Pinayagan ka ng Senyor na lumabas?" habol nitong tanong.. Alam ng binata na hindi basta-basta pinapay
Habang pinagmamasdan si Pael na kausap si Aling marta ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Rada. Nang sulyapan siya ng dalawa ay kinawayan niya ang mga ito. Hays,kahit simple lang ang kasuotan ng nobyo nya ay hindi maitago ang kagandahan nitong lalaki. Katunayan ang mga ilang kababaihan sa kabilang lamesa ay naghahagikhikan habang nakamata sa kasintahan. Suot ng lalaki ay asul na kamiseta kaiba sa palagi nitong suot na puting t-shirt. Medyo may kaluwangan ang suot nitong pantalong maong. Naalala niya tuloy si Aga Mulach rito. Ganoon na ganoon kasi ang pormahan ng aktor. Purong maluluwang ang isinusuot. Napansin niyang naka-sandalyas ang lalaki. Maipagkakapuri niyang kahit babad ang mga paa nito sa bukid ay sadyang malinis ito sa katawan kaya naman ay kay-linis ng mga kuko nitong pantay-pantay ang pagkakagupit.Nang pabalik na si Pael sa kanilang lamesa bitbit ang dalawang plato ng pansit ay agad siyang tumayo upang salubungin ito. Ipit-ipit kasi nito sa kili-kili ang dalawang bo
Nang mga sumunod na araw ay naging abala na si Pael sa bukid. Inaasikaso niya ang pagpapatuyo sa palayan para sa nalalapit na paggagapas ng mga palay. Dalawang linggo mula ngayon ay maaari nang anihin ang mga hinog nang butil. Kaya naman ay ginagawa niya ang lahat ng paghahanda at dahil wala naman siyang makabagong makinarya ay manu-mano ang trabahong ginagawa niya. Mahirap pero hindi na niya inaalala ang bagay na iyon dahil sanay naman syang magtrabaho sa bukid. Isa pa talagang nag-iipon rin sya para naman makabili ng mga makabagong kagamitan. Para sa mga susunod na pagtatanim ay mapapadali na lamang ang kanyang trabaho. Nang sa gayon ay magkaroon sya ng mas mahabang oras para naman sa iba pang gawain at--- bigla niyang naisip si Rada. Lumarawan sa kanyang balintataw ang maganda at maamo nitong mukha. Kaya naman ay tila may isip na nagplaster ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Nais niyang magkaroon ng sapat na panahon sa dalaga.Tirik na ang araw nang magpasya syang huminto m
Puno man ng kasiyaha ay hindi maiwasan ni Lourdes ang mangamba para sa magkasintahan. Payak syang napangiti habang tinatanaw sila Pael at Rada na naglalakad na palabas ng kanilang bakuran. Kumaway pa muna ang dalaga sa kanya bago nagpatuloy na sa paglalakad. Ihahatid na ng anak si Rada sa hacienda. Pinayuhan niyang mag-ingat ang dalawa. Binilinan nya rin si Pael na bumalik agad. Mahirap nang magpang-abot pa ito at si Ramon.Kahit na ba sinabi ni Rada na wala ngayon sa San Isidro ang ama nito ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala. Pagkatapos nang pag-amin ni Pael sa pagkakaunaawaan nila ng dalaga ay kinausap niya nang masinsinan si Rada. Binalaan niya ito sa maaaring maging konsekwensya nang pagkakaroon nito ng relasyon sa kanyang anak.Subalit nangako si Rada na hindi ipapahamak si Pael. Mayroon mang pag aalinlangan sa bahagi niya ay pinili niyang magtiwala sa mga salita nito. Lalo na’t namamasdan niya si Pael na puno ng kasiyahanBatid na kaya ni Clara na ang kanilang mga anak