Share

Kabanata Apatnapu

Ilang minuto nang nakakaalis si Clara sakay ng batlag nito ay naroroon pa rin siya sa dungawan at pilit na tinatanaw ang buntot ng sasakyan nito. Pilit niyang paglabanan ang samut-saring emosyon na nagsasalimbayan sa kanyang dibdib. Kaya naman ay pinuno niya ito ng sariwang hangin. Nakita niyang naglalakad na pabalik si Pael kaya't sinikap niyang pagaanin ang mukha at pinaporma ang isang ngiti sa mga labi.

"Kumusta sa taniman anak? Hinog na ba ang mga bunga ng palay?" Naisip niyang itanong rito. Pumaroon kasi ang binata maaga pa lamang kanina para bisitahin ang mga pananim nitong palay. Nabanggit rin ng anak na aayusin nito ang patubig para magkaroon ng sapat na suplay ang mga tanim. Tumango si Pael na umaliwalas ang mukha.

"Opo Inay, sitenta porsyento ng bunga ay hinog na. Baka sa susunod na buwan ay maaari nang gapasin ang mga ito. Sakto dahil hindi na ito aabutin nang darating na tag-ulan.”

"Mabuti naman kung ganoon anak." masaya niyang wika sa binata. "Siya nga pala aasikasuh
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status