Home / Romance / Forbidden Affinity / Ang Plano Ni Janizza

Share

Ang Plano Ni Janizza

Author: AtengKadiwa
last update Last Updated: 2023-10-31 10:56:01

Bubuksan na sana ni Luisa ang kaniyang sasakyan nang tumawag si Suzette. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bag at sinagot ang tawag ng kaibigan.

"Suzette, napatawag ka? Na-miss mo agad ako at hindi mo na ako kayang hintayin diyan sa school?" biro niya. Narinig niyang umubo ito. Nakaramdam siya bigla ng pag-aalala.

"Ayos ka lang, bes?" nag-aalala niyang tanong.

"Puwede mo bang ipaalam ako sa teacher natin na hind ako makakapasok. Trinatrangkaso ako, Luisa," sabi nito sa nanginginig naa boses. Narinig niya ang boses ng ina nito na uminom na ito ng gamot pero sumagot si Suzette na sandali lang dahil kausap siya nito.

"Sure, bes. Ipapaalam kita. Bibisitahin kita mamayang gabi. Pakikamusta na lan ako kina tita," aniya at nagpaalam na. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at pumasok na sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon patungo sa unibersidad. Nang makarating roon, nagtungo muna siya sa library para tumingin ng libro na makakatulong sa kaniya para mas mapalawak ang kaalaman niya sa ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Forbidden Affinity   Ang Plano Ni Janizza

    Bubuksan na sana ni Luisa ang kaniyang sasakyan nang tumawag si Suzette. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bag at sinagot ang tawag ng kaibigan."Suzette, napatawag ka? Na-miss mo agad ako at hindi mo na ako kayang hintayin diyan sa school?" biro niya. Narinig niyang umubo ito. Nakaramdam siya bigla ng pag-aalala."Ayos ka lang, bes?" nag-aalala niyang tanong. "Puwede mo bang ipaalam ako sa teacher natin na hind ako makakapasok. Trinatrangkaso ako, Luisa," sabi nito sa nanginginig naa boses. Narinig niya ang boses ng ina nito na uminom na ito ng gamot pero sumagot si Suzette na sandali lang dahil kausap siya nito."Sure, bes. Ipapaalam kita. Bibisitahin kita mamayang gabi. Pakikamusta na lan ako kina tita," aniya at nagpaalam na. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at pumasok na sa loob ng sasakyan at pinasibad iyon patungo sa unibersidad. Nang makarating roon, nagtungo muna siya sa library para tumingin ng libro na makakatulong sa kaniya para mas mapalawak ang kaalaman niya sa ma

  • Forbidden Affinity   Sumisibol Na Damdamin

    Pagka-uwi ni Luisa, agad siyang nagtungo sa kaniyang silid. Nagbihis at nahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nangyari kanina. Ang ginawa nitong paghilot sa kaniyang paa. Iba talaga ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. May kiliti at kilig. Napabuntong-hininga siya."Lumalalim na ata ang nararamdaman ko para kay Sir Christian," hindi niya napigilang sabihin sa sarili. Sabagay, wala namang masama kung magkagusto siya sa professor niya. Ang mahirap lang doon ay kapag mas lumalim pa ang nararamdaman niya para rito na mauuwi sa pagmamahal. Iba kasi kong tumingin ang binatang professor sa kaniya. Napabuntong-hininga siya at akmang tatawagan na si Suzette pero napag-isip-isip niya na mas mainam na ikuwento na lang iyon kinabukasan. Bumangon siya at inabala na lang ang sarili sa pag-review ng mga notes niya. Sumapit ang gabi at dumating na ang kaniyang magulang, bumaba siya ng hagdan at nagmano sa mga ito."Kamusta ang pag-aaral?" tanong ng ka

  • Forbidden Affinity   Break-up

    Tahimik lamang si Luisa at Christian habang naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan. Habang naglalakad ay itinuturo niya ang mga departamento ng paaralan. Iyong ibang estudyante ay napapatingin sa kanila pero hindi niya iyon alintana. Hangga't wala siyang ginagawang masama, wala siyang dapat ikahiya. Tatlong palapag lamang ang eskwelahan pero maluwang iyon. Nalibot na nila halos lahat ng departamento. Hindi maiwasang mapakagat-labi si Luisa ng maramdaman ang pagkirot ng kaniyang paa. May heels kasi ang suot niyang sapatos. Hindi man iyon kataasan pero nakakangawit pa rin lalo na at nasa bente minuto na sila naglalakad at nasa ikatlong palapag na sila. Nang lingunin siya ni Christian, binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti."Pagod ka na ba?" nag-aalala nitong tanong. Mababakasan talaga sa mukha ng propesor ang pag-aalala sa kaniya. Ayaw niya magsinungaling dahil kanina pa talaga masakit ang paa niya. Pinagdikit niya ang mga labi. Napansin niyang napatingin roon si Christian pero agad

  • Forbidden Affinity   Tour

    Bahagyang natigilan si Luisa sa tanong na iyon ni Christian. Naalala nya bigla iyong pagkakataon na nagkasabay sila sa pagkain sa canteen kung saan humingi ito ng permiso na samahan siya na i-tour ito sa buong unibersidad. Kinuha pa nga nito ang cellphone number niya para kung sakali ay tawagan siya nito. Nang makabawi, ngumiti siya. Kitang-kita niya ang pagtitig ni Christian sa kaniyang mga labi. Hindi na lang niya pinansin ang ginawa nitong iyon pero ang totoo, nakaramdam siya ng parang may nagliliparang paro-paro sa kaniyang tiyan."Ahm.. Opo sir, pwede po kitang samahan mamaya pagkatapos po ng huli kong klase," aniya habang nakatitig sa mga mata nitong mapang-akit. Ngumiti ito. Lumitaw tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Napaisip tuloy siya kung anong toothpaste brand ang gamit nito at iyon ang gamitin niya."Okay, salamat. Tawagan na lang kita mamaya. See you later, Luisa," anito at tumalikod saka naglakad palayo sa kaniya. Napatitig siya sa likod nito. Malaking

  • Forbidden Affinity   Bilang Tutor

    Pagkatapos magpakilala ni Suzette at makabalik sa upuan nito. Si Luisa na ang susunod na magpapakilala. Tumayo siya at nagpunta sa harapan. Ramdam niya ang titig sa ni Christian na wari'y inaalisa ang kaniyang kilos, nasa likuran kasi ito. Nang nasa harapan na si Luisa, tumayo siya ng tuwid at nagsimula ng magpakilala. Nagsimula sa kaniyang buong pangalan, tirahan at edad. Habang nagpapakilala, ramdam niya ang matiim na titig nito sa kaniya. Na-cuncious siya bigla sa sarili. mabuti nalang maayos niyang naitawid ang pagpapakilala. Yumuko siya, katunayan na tapos na siya."Thank you po," aniya. Ihahakbang na sana niya ang paa pabalik sa upuan ng magsalita si Christian."Bakit mo kinuha ang Kursong BSBA, Ms. Serrano?" kuryos nitong tanong. Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata. He has a tantalizing eyes and thick eyebrows. Napakagat-labi siya. "Actually, hindi po ito ang course na gusto ko. Pinili ko po ito dahil kailangan lalo at ako ang mamamahala sa kompanya ng aking magula

  • Forbidden Affinity   Unang Araw Ng Klase

    Nang marating ni Luisa ang unibersidad sakay ng kaniyang Lancer ay ipinarada na niya iyon sa parking lot ng paaralan. Napakunot-noo siya ng makita si Drake sa tabi ng sasakyan nito habang nakahalukipkip at nakatingin sa sasakyan niya. Hinihintay ba siya ni Drake? Baka nga dahil wala namang ibang tao sa parking lot kung hindi siya lamang. Pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan, binuksan na ni Luisa ang pintuan ng driver's seat at umibis. Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Drake at ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Naglakad ito palapit sa kaniya."Bakit nandito ka pa sa labas? Hinihintay mo ba ako?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti si Drake at kinuha sa kaniyang balikat ang shoulder bag niyang dala na kaagad naman niyang ibinigay."Oo, hinihintay talaga kita Ihahatid kita sa silid-aralan mo. Pwede naman 'yun, hindi ba?" nag-aalangan nitong tanong na baka hindi-an niya ang alok nito. Nginitian niya si Drake. Wala namang masama kung ihahatid siya nito. Bagaman binasted niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status