Share

Sumisibol Na Damdamin

Pagka-uwi ni Luisa, agad siyang nagtungo sa kaniyang silid. Nagbihis at nahiga sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nangyari kanina. Ang ginawa nitong paghilot sa kaniyang paa. Iba talaga ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. May kiliti at kilig. Napabuntong-hininga siya.

"Lumalalim na ata ang nararamdaman ko para kay Sir Christian," hindi niya napigilang sabihin sa sarili. Sabagay, wala namang masama kung magkagusto siya sa professor niya. Ang mahirap lang doon ay kapag mas lumalim pa ang nararamdaman niya para rito na mauuwi sa pagmamahal. Iba kasi kong tumingin ang binatang professor sa kaniya. Napabuntong-hininga siya at akmang tatawagan na si Suzette pero napag-isip-isip niya na mas mainam na ikuwento na lang iyon kinabukasan. Bumangon siya at inabala na lang ang sarili sa pag-review ng mga notes niya. Sumapit ang gabi at dumating na ang kaniyang magulang, bumaba siya ng hagdan at nagmano sa mga ito.

"Kamusta ang pag-aaral?" tanong ng ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status