Share

Break-up

Tahimik lamang si Luisa at Christian habang naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan. Habang naglalakad ay itinuturo niya ang mga departamento ng paaralan. Iyong ibang estudyante ay napapatingin sa kanila pero hindi niya iyon alintana. Hangga't wala siyang ginagawang masama, wala siyang dapat ikahiya. Tatlong palapag lamang ang eskwelahan pero maluwang iyon. Nalibot na nila halos lahat ng departamento. Hindi maiwasang mapakagat-labi si Luisa ng maramdaman ang pagkirot ng kaniyang paa. May heels kasi ang suot niyang sapatos. Hindi man iyon kataasan pero nakakangawit pa rin lalo na at nasa bente minuto na sila naglalakad at nasa ikatlong palapag na sila. Nang lingunin siya ni Christian, binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.

"Pagod ka na ba?" nag-aalala nitong tanong.

Mababakasan talaga sa mukha ng propesor ang pag-aalala sa kaniya. Ayaw niya magsinungaling dahil kanina pa talaga masakit ang paa niya. Pinagdikit niya ang mga labi. Napansin niyang napatingin roon si Christian pero agad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status