Biglang napabangon si Aria mula sa kama, "Talaga?" masiglang tanong niya sa kanyang ama.
"Kung ganon, bakit hindi sinabi sa akin ni Tita Regina kanina?" dagdag pa niya.
Mahinahong sinagot ni Eduardo ang kanyang anak, "Oo, ngayon palang naging malinaw ang sitwasyon at hindi ko pa ito nababanggit sa kanya."
Labis ang pagkatuwa ng batang si Aria dahil sa sinabi ng kanyang ama, "Sige po Daddy, wag niyo nalang po munang ipagsabi kay Tita Gina, sosopresahin nalang natin siya pag-uwi natin, okay po ba?" masiglang wika ng bata.
Maayos namang tumango si Eduardo sa munting kahilingan ng kanyang anak.
"Ang galing-galing mo talaga Daddy, mahal na mahal po kita." dagdag pa niyang sinabi.
Matapos ang pag-uusap sa telepono, ang batang si Aria ay halos mapatalon sa tuwa, kumakanta at sumasayaw pa sa ibabaw ng kanyang kama.
Ilang sandali, bigla na lamang niyang naisip ang kanyang ina. Dahil sa hindi pagtawag sa kanya nitong mga nakaraang araw, ay mas gumaan ang pakiramdam niya.
Sa katunayan, sinasadya pa nitong hindi makontak ang telepono niya, at ang hindi maagang pag-uwi galing sa paaralan nitong mga nakaraang araw, minsan pa'y inilalayo niya at sinasadya niyang patayin ang telepono pagkagaling niya sa eskwelahan.
Makalipas ang ilang araw, nag-aalala siyang mapagalitan siya ng kanyang ina kapag nalaman ang mga pinag-gagagawa niya, kaya't hindi na niya ito muling inulit pa.
Ngunit laking gulat niya na hindi siya tinawagan ng ina niya sa mga sumunod pa na araw. Akala niya'y alam na ng ina niya na sinasadya niyang hindi pagsagot sa mga tawag nito.
Pero nang mag-isip siya ng mabuti, naramdaman niya na batay sa nakaraang karanasan, kung alam ng kanyang ina na may nagawa siyang isang mali, tiyak na hinahayaan siyang iwasto ito sa lalong madaling panahon, sa halip na magalit at hindi tumawag sa kanya.
Bukod pa rito, siya lang ang laman at pinakamamahal sa puso ng kanyang ina. Hindi siya makapaniwalang ayaw na talaga siyang tawagan ng kanyang ina dahil galit ito sa kanya.
Nang maisip niya iyon, bigla niyang naramdaman ang pagkamiss ng kaunti sa kanyang ina.
Iyon ang unang beses na hinanap ni Aria ang kanyang ina sa loob ng maraming araw. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili, at naisip niyang tawagan ang kanyang ina.
Ngunit pagkadayal palang niya sa numero ng kanyang ina, bigla niyang naisip ang palalapit na pagkikita ng kanyang Tita Regina. Biglang naalala niya ang ugali ng kanyang ina, at tiyak na hindi siya papayagan nito na makipagkita sa Tita Regina niya.
Maaring hindi na niya makikita ang Tita Regina niya tulad ng dati. Nang maisip iyong ni Aria, biglang nagbago ang mood niya.
Sa lungsod ng Valley Heights ay maaga palang tulog na si Luna.
Ginising siya ng isang tawag mula sa anak niyang babae. Pagkagising niya, akmang sasagutin na sana niya ito ng biglang binaba ng bata ang tawag nang may galit.
Kahit na isinuko na ni Luna ang pag-aaruga sa bata kay Eduardo ayon sa kasunduan ng kanilang diborsyo, ay hindi maitatangging anak pa rin niya ito, at may pananagutan parin siya dito.
Malaking pagkabahala ang naramdaman ni Luna sa kanyang anak dahil sa biglaang pagtawag at pagbaba ng telepono nito, hindi niya lubos maisip kung ano ang nangyayari kaya't tinawagan niya muli ito.
Nang makita ng bata ang isang tawag mula sa kanyang ina, agad niyang iniwas ang kanyang mukha, at tumanging sumagot.
Mas lalong nag-alala si Luna at agad na tinawagan ang telepono ng Villa doon.
Agad namang sinagot ng mayordoma ang telepono matapos itong makinig kay Luna.
"Ayos lang naman po si Aria madam, napagod siya kagabi dahil sa matagal na pagtulog, kaya ngayon ay tanghali narin siyang nagising. Hayaan niyo't pupuntahan ko siya at tatawagan nalang kita muli." mahinahong wika ng mayordoma.
Gumaan ang pakiramdam ni Luna matapos marinig ang sinabi ng mayordoma at mahinahon niyang sinabi, "Sige, salamat sa iyong tulong."
Nang umakyat ang mayordoma sa palapag ng hagdan, eksakto namang kakatapos lang maligo ng bata mula sa banyo.
Matapos ipaliwanag ng mayordoma ang sitwasyon, nagmumog siya habang nakayuko at halos pabulong na sinabi, "Hindi ko sinasadyang mapindut iyon."
Sa walang pag-aalinlangan matapos makita ang batang nagsisipilyo, ay agad na bumaba ang mayordoma upang ipaalam ito kay Luna mula sa tawag.
Tinitigan ni Aria ang mayordoma, umismid, at agad na nakaramdam ng ginhawa.
Sa kabilang linya, agad na nakahinga ng maluwag si Luna matapos marinig ang sinabi ng mayordoma.
Ngunit dahil sa biglaang pagkagising, ay nagtagalan pa bago siya muling makatulog. Kinaumagahan, nang bumangon siya para pumasok sa trabaho, wala sa mood si Luna.
Mula nang makatanggap ng tawag si Eduardo mula kay Regina nang araw na iyon, hindi na nito muling pinansin ang sobreng naglalaman ng kasunduan sa diborsyo na ibinigay ni Luna.
Sa araw ng pag-uwi, inilagay ni Eduardo ang huling dokumento sa kanyang maleta. Nang matiyak na wala nang naiwan, lumingon siya at kalmadong bumaba ng hagdan.
"Maayos na ang lahat, tayo na!" wika pa nito.
Mabilis na umalis ang mahabang sasakyan na lincoln sa Villa at nagtungo sa paliparan.
Tila ba isang malalim na katahimikan ang bumabalot sa puso ni Luna. Wala siyang kaalam-alam sa pagbabalik nina Eduardo sa Valley Heights kung saan kasama ang mga kaibigan niya. Ni isa ay walang nagsabi sa kanya.Kalahati na ng isang buwan mula ng lumipat siya sa Villa. At sa loob ng kalahating buwan na iyon, ay unti-unti na siyang nasanay na mamuhay ng tahimik at maginhawang pamumuhay ng mag-isa.Sabado ng araw, medyo nahuli ng gumising si Luna. Pagkatapos niyang maligo, binuksan niya ang mga kurtina at nakita ang maliwanag na sikat ng araw mula sa labas ng bintana. Nag unat-unat siya, dinidiligan ang mga halamang inaalagaan niya, at akmang magluluto na sana siya ng isang simpleng almusal ay bigla tumunog pindutan ng pinto.Si Mrs. Teresa pala, ang kapitbahay niya na nakatira malapit sa tapat niya."Miss Luna, naabala ba kita?" nahihiyang tanong nito."Ah...hindi naman gising na ako" mahinahong sabi ni Luna. "Mabuti naman, ito ang mga pansit at dumpling na inihurno ng pamilya namin
Matagal na panahon na ring pala noong huling nagkita sina Eloisa at Luna. Pero sa isang beses na muling nagkita sila, napansin ni Eloisa ang pagiging kakaiba nito, kumpara sa babaeng masigla na nakilala niya noon.Nang maisip niya ang isang Luna noon, hindi niya inakala na darating ang araw mararananasan pala ng babaeng ito ang pakiramdam ng pagiging hindi karapt-dapat.Wala ring kaalam-alam si Eloisa patungkol sa kasal nila ng lalaking si Eduardo.Ngunit may kaunting kaalaman siya sa katotohanan. Bagama't may mga hinala siya, pinili niyang huwag na lamang itong ipahayag. Sa halip, sinabi niya kay Luna nang may pagkaseryoso: "Hindi hadlang ang pagiging huli, ang iyong kakayahan ay natatangi. Luna, hanggat may pagnanais ka pang magpatuloy, hindi pa huli ang lahat." mahinahong wika ni Eloisa."Tandaan mong ikaw ang pinakanagpasaya sa akin bilang guro sa lahat ng taon kong pagtuturo." dagdag pa nito.Nakinig si Luna at bahagyang ngumiti, "Kung maririnig ito ng guro, natatakot ako na tata
Kahit na gustong-gusto ng anak ni Clara ang luto ni Luna, sa kanyang puso, minumukha siya nitong isang katulong. Halos utusan lamang siya ng bata, na parang isang yaya.Noon, dahil kay Eduardo, mabuti ang pakikitungo ni Luna sa anak ni Clara. Hindi niya nga pinapansin ang kawalang galang ng bata. Ngunit dahil sa nakapaghanda na si Luna sa diborsyo nila ni Eduardo, ayaw na niyang magkompromiso para sa kanya.Kaya diretsyong tumanggi si Luna at sinabi, "Pasensya na Clara, ngunit wala akong bakanteng oras bukas." Isang malinaw at matatag ang kanyang mga salita.Dahil babalik na siya sa kanyang propesyon, mas ilalaan niya ang lahat ng kanyang oras para sa hinaharap na negosyo.Kahit na si Eduardo man o si Clara, ay wala na siyang pakialam sa kanila pagkatapos ng diborsyo. Wala na siyang balak pang sayangin ang kanyang oras para sa kanila.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Clara sa unang pagkakataon ay tatanggihan siya ni Luna.Sapagkat noon, pinilit ni Luna na ibaba ang kanyang sarili para
Kinabukasan.Nang makarating si Eduardo sa kompanya, nakasalubong niya si Luna. Hindi pa alam ni Luna na nagbalik na pala sa Valley Heights ang lalaki kasama ang anak niyang babae.Biglang napatigil si Luna nang makasalubong niya ang lalaking sa loob ng kumpanya, at ganoon din si Eduardo, ang inakala nga niya'y kakabalik lang ni Luna galing sa isang business trip kaya't hindi na ito nag-isip pa ng kung ano-ano.Walang anumang makikitang ekspresyon sa mukha ni Eduardo, sa halip ay agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang opisina, parang isang estranghero lamang ang tingin niya kay Luna.Kung nuon, talaga namang magugulat at magugulat pa si Luna sa biglaang pagbalik nito sa Valley Heights. Sa sitwasyong kung saan kahit hindi niya magawang yakapin ang lalaki, tititigan pa rin niya ito ng masaya at masigla, habang ang mga mata'y puno ng pagmamahal sa kanya. Kahit malamig ang pakikitungo ni Eduardo sa kanya, ngingitian pa rin niya ito at babatiin niyang "Magandang Umaga." Ngunit ngayon,
Kung noon, talagang gagawin niya, pero ngayon na malapit na siyang makipaghiwalay sa lalaki, paano pa kaya niya nagagawa ang ganoong bagay? Ngunit hindi man lang nila binigyan ng pagkakataon si Luna na magpaliwanag."Pakiusap, umalis kana kaagad!" malamig na sigaw ng sekretarya.Namumugto ang mga mata ni Luna, bahagyang nanginginig ang mga kamay habang buhat ang tray. Ang mainit na kape ay halos natatapon na dahilan ng pagkapaso ng kanyang mga daliri, sa kabila ng matinding hapdi, hindi siya umimik at tahimik na tumalikod. Ngunit bago paman siya makalayo, muling umaalingawngaw ang boses ni Eduardo mula sa loob ng opisina: "Kung may susunod pang pagkakataon, huwag ka nang magpapakita pa rito sa kompanya." matigas na usal ng lalaki.Isinuko na ni Luna ang kanyang trabaho. Kahit hindi paman iyon nangyari, matagal na rin naman niyang pinagplanohan ang pag-alis ng kompanya agad-agad kapag nakahanap siya ng ipapalit niya.Lubos niyang naunawaan na wala siyang halaga sa mga taong naroon, an
Ang dalawang kasamahan ni Luna ay nagmamadaling umatras ng dalawang hakbang at sumandal sa pader. Para silang mga daga na natatakot sa pusa, habang nakasilip kay Regina.Nakita rin ni Regina si Luna. Ang mga mata nilang dalawa ay nagtama.Pero pagkatapos ay malamig siyang tumalikod, halatang hindi siya interesado. Deristyo ang tingin niya at walang pakialam na pamasok sa elevator habang pinapalibotan ng mga opisyal.Nang masara ang pinto ng elevator, nakahinga naman ng maluwag ang dalawang kasamahan ni Luna, at muli'y nag tsismisan ang dalawa habang kinikilig."Siya siguro ang kabiyak ni Boss Eduardo, di'ba? Grabe ang ganda niya! Lahat ng suot niya ang kilala sa lahat ng brand, halatang mamahalin, talagang mayaman siya. Ang kalmado at tiwala niya sa sarili niya ay mataas, iba talaga ang aura niya kompara sa ating mga ordinaryong tao!" ang sabi pa ng isang kasamahan."Oo nga!" sagot naman ng isa.Sabay na nagsalita ang dalawa at mahinang tinanong nila si Luna, "Luna, ano sa tingin mo?"
Nang makarating sila sa sulok ng lobby, ilang mga kaibigan nina Eduardo at Regina ang sumulpot sa dulo ng pasilyo.Mabilis na umiwas si Luna sa gilid, at narinig niya ang masayang tawag ng kanyang anak, "Tita Regina!" mabilis namang tumako ang batang babae, at yumakap ito ng mahigpit sa kanya.Si Luna ay nakatalikod na umupo sa isang sofa, at ginagamit niya ang mga halaman at ang sandalan ng upuan para bahagyang matakpan ang kanyang katawan at hindi makita ng sinuman."Aria, nakabalik kana rin?" masiglang tanong ni Regina."Kasi Tita Gina, nakabalik kana rin, hindi naman namin kaya ni Daddy ng wala ka. Kaya tinapos din agad ni Daddy ang kanyang mga gawain ng maaga para maisama niya ako pauwi rito! Sinasadya talaga naming bumalik kami sa isang araw bago ang kaarawan mo para makadalo kami sa iyong selebrasyon." masiglang wika naman ng batang babae. "Ito nga pala ang kwintas na ginawa namin ni Daddy para sa'yo. Happy birthday po Tita Regina." dagdag pa niya. Habang binabati ay makikita
May kung anung pamilyar na pigura ang kanyang nasulyapan, "Parang kilala ko siya..." mahinang usal ni Apollo sa sarili.Ang alaala mula sa pagkabata nila ni Eduardo, at ang tahimik na pagtingin ni Luna nito, ay muling sumulpot sa isipan ni Apollo, Isang alaalang alam ng lahat sa kanilang grupo.Maganda si Luna, walang duda. Ngunit ang kagandahang iyon ay tila naliligaw sa kanyang katahimikan. Wala siyang kapansin-pansing kakaibang katangian; isang uri ng kagandahang karaniwan, hindi ang tipo na karaniwang nagpapatibok ng puso ni Eduardo.Lagi siyang iniiwasan ni Eduardo, at dahil doon, hindi na nila gaanong napapansin si Luna. Bihira na rin nilang makasalubong ang dalaga, at kung minsan ay hindi na nila ito kinikibo. Para bang isang anino lamang si Luna sa kanilang mga buhay.Sa katunayan, medyo malabo na ang alaala ni Apollo sa mukha Luna, kaya't hindi niya tiyak kung siya nga ang nakita nito. Ngunit kung si Luna man ang kanyang nakita, hindi na niya ito gaanong pinansin, at ibinalik
Sapagkat para kay Luna, ang tanging paraan upang matiyak kung may kubuluhan ang isang bagay ay ang pagdanas nito. Gaya rin ito ng pag-ibig hindi mo malalaman ang katotohanan hangga't hindi mo sinusubukang maramdaman.Mahal ni Luna si Eduardo. Kaya't naglakas loob siyang ipagsapalaran ang kanyang kinabukasan, iniwan niya ang pagkakataong makapagpatuloy sa pag-aaral at buong puso siyang nagdesisyong italaga ang sarili sa kaniyang pamilya.Ngayon na nasubukan na niya, alam niyang napakaataas na halagang kanyang ibinayad. Ngunit kahit kailan, hindi nakita ni Jeriko ang kahit katiting na pagsisi sa kanyang mga mata.Kaya nang sinabi ni Luna na ayos lang siya at nais na lamang kalimutan ang lahat, pinili ni Jeriko na maniwala.Ngumiti siya at marahang nagsalita, "Hanap na muna tayo ng maiinom?" ani ni Jeriko.Ngumiti si Luna at sinabi, "Okay sige." Habang karamihan ay patungo sa ibang direksyon, sabay silang lumihis ng landas at nagtungo sa lugar kainan."Gusto mong uminom?" tanong ni Jeri
Noong labing pitong taong gulang pa lamang si Luna, binuo na niya ang Technopath kasama ang kanyang koponan. Marami noon ang nagpapawalang-halaga rito, at itinuturing na ordinaryo lamang. Ngunit sa paglipas ng panahon, napatunayan nitong ito ang pinakamatibay na sandata ng kanilang kompanya, isang hindi matitinag na pundasyon ng kanilang tagumpay. Ngayon, kinilala na ng buong industriya ang kahanga-hangang kakayahan ng Technopath. Kaya naman tiyak na ang pagdating ni Regina ay dahil dito."Sa nakalipas na dalawa o tatlong taon, talagang napakaraming mahuhusay na indibidwal mula sa iba't-ibang larangan ang nagtungo sa aming kompanya, dahil sa wikang programming na ito." muling paliwanag ni Jeriko.Laking gulat ni Luna sa kanyang mga narinig.Mariing tumingin si Jeriko kay Luna, hinaplos ang kanyang ulo, at ngumiti habang sinasabi, "Kaya naman hindi ako nagkakamali kapag sinabi kong wala siyang halaga sa harap mo." Dagdag pa ng lalaki.Talagang napakagaling ni Luna sa larangang ito. Paa
Kinabukasan. Nakauwi lamang si Luna sa kanyang bahay matapos tuluyang humupa ang lagnat ni Eleanor.Pagkauwi niya, naalala niyang hindi pa pala niya nasisimulan ang paghahanda ng kanyang damit para sa gaganaping salu-salo bukas ng gabi.Kinahapunan, umalis si Luna.Pagdating niya sa isang mamahaling tindahan ng mga damit, abala pa ang tagapamahala at ilang mga empleyado sa isang damit. Dahil sa abala, napansin lamang nila ang presensya ni Luna nang lapitan niya ang mga ito."Paumanhin mis, ano po ang kailangan niyo?" boses ng babaeng tauhan."Ahh, titingin na muna ako." ani Luna."Sige po." malumanay na tumango ang tauhang babae.Bagama't ikinasal siya sa pamilya Monteverde, halos si Luna ay hindi nakakadalo sa anumang mga salu-salo sa nakalipas na mga taon.Kung tutuusin, hindi siya isinasama nina Eduardo at Marcela kahit pa kinakailangan nilang dumalo sa mga pormal na okasyon.Kung tungkol naman sa matandang ginang, matagal na siyang nanatili sa likod ng mga eksena at hindi na nag
Ilang sandali lamang matapos ang pagpupulong, lumapit kay Luna ang sekretaryang si Miguel. Ang mga salita niya ay banayad, halos bulong ngunit sapat na upang marinig iyon ni Luna."Halos tapos na ang iyong paglilipat sa trabaho, mukhang hindi mo na kailangang bumalik bukas." boses ni Miguel, habang ang mga mata'y naglalaman ng isang hindi mabatid na emosyon.Isang simpleng "Alam ko." Lamang ang isinagot ni Luna rito. Walang anumang emosyon ang naririnig sa kanyang titig, isang patunay ng kanyang mahinahong pagtanggap sa balita.Nakapagdesisyon na si Luna na siya na mismo ang magpapaalam kay Miguel sa pagkompleto ng kanyang mga gawain, kahit hindi pa man ito binabanggit sa kanya.Dahil sa personal siyang pinuntahan ng sekretarya, nakaiwas si Luna sa pagod ng paglalakbay. Ngunit hindi inaasahan ni Miguel ang gaan ng pagpayag nito. "Ahh saka nga pala..." usal ni Luna, saka inunat ang kanyang kamay, "Salamat sa pag-aalalaga mo sa mga nakaraang taon." aniya.Hindi pa rin nakakabawi si Mig
Dahil sa kulit ng kanyang anak, wala nang nagawa si Luna kundi ang sumamahan na ito sa hapag-kainan at naupo sa tapat ni Eduardo.Marahan namang inabutan ng mayordoma si Luna ng isang basong tubig. Habang iniinom ito ni Luna, tahimik niyang pinakinggan ang kuwento ni Aria sa mga nangyari sa kanyang paaralan nitong mga nakaraang araw. Si Eduardo naman ay parang wala siyang nakikitang iba kundi ang kanyang anak. Sinasadya niya ba iyon? O sadyang wala lang siyang pakialam? Hindi masasabi, ngunit ang pagwawalang-bahala niya kay Eduardo ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Napansin ni Eduardo ang pagbabago sa pakikitungo sa kanya ni Luna. Naalala ng lalaki ang huling pagbisita nila sa lumang bahay. Ganoon rin ang pakikitungo ni Luna sa kanya noon. Ang pag-aalala na iyon ay nagdulot ng isang madilim na anino sa kanyang mukha. Napakunot ang noo niya, ang galaw ng kanyang mga kamay ay huminto sa pagkain.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Eduardo. Saktong napatingin si L
"Opo." mahinang bulong ni Aria, ang pag-puot ng kanyang mga labi ay bahagyang humupa, napalitan ng isang manipis na ngiti. Isang maliit na tagumpay laban sa lungkot. Ibinaba niya ang telepono at bumaba sa hagdan, ang mga hakbang ay mas magaan na ngayon, patungo sa hapagkainan, dala ang isang bagong pag-asa para sa nalalapit na katapusan ng linggo.Matapos ibaba ang telepono, bumalik na rin kaagad si Eduardo sa kanyang pribadong silid. Pagkapasok pa lang niya, isang mapang-asar na boses ang sumalubong sa kanya, "Ang dami naman yatang tawag si Mr. President." biro pa ng isang bisita.Dahan-dahang inangat ni Eduardo ang baso ng alak sa kanyang labi, ang pulang likido ay sumasalamin sa malamlam na ilaw ng pribadong silid. Isang mahinang pagsimsim para sa sandaling katahimikan bago siya nagsalit, at halos walang emosyon."Nagtatampo kasi ang anak kong babae at ayaw kumain. Kinulit ko lang saglit." aniya, isang simpleng sagot.Nang marinig iyon, iba't-ibang ekspresyon ang sumilay sa mga muk
Sa pagkakataong iyon, ang sekretaryang si Miguel ay nakarating na sa silid ng tsaa. Nang marinig niya ang balita, natigilan siya.Si Miguel at ang isa pa nitong sekretarya na si Troy ay palaging naniniwala na si Luna ay hindi kailanman magiging handang talikuran ang kompanya. Matibay din ang paniniwala nilang makakahanap si Luna ng paraan para manatili. Kahapon, nang magsimula na si Melinda sa trabaho ni Luna, inaasahan nilang kikilos ito.Bukod pa rito, si Melinda ay mahusay at maganda. Paano nga ba magiging panatag si Luna na hahayaan ang dalaga na makasama si Eduardo?Ngunit ang mga pangyayari sa nakalipas na dalawang araw ay lubos na sumalungat sa kanilang inaasahan. Hindi lamang tinanggap ni Luna ang presensya ni Melinda, kundi isang hindi inaasahang pagiging malapit nito sa isat-isa. At tinuturuan pa niya ito kung paano gumawa ng kape?Ang kanilang nakikita ay tila hindi maipaliwanag na dahilan.Hindi alam ni Luna kung ano ang nasa isip ng sekretaryang si Miguel. Seryuso niyang
Isang mahabang, matinis na tili ang pumutol sa hangin, ang boses ni Aria. "Ahhh! Hindi pa pala ako nakapag hilamos at sipilyo, mom, mamaya nalang muna tayo mag-uusap muli!" anito, ang mga salita ay nagmistulang paro-paro, nagmamadaling lumipad.Pagkatapos noon, bago pa man makasagot si Luna, padabog na ibinaba ng bata ang telepono. Ibiniba na rin ni Luna ang kanyang cellphone at nag-almusal, at pagkatapos ay umalis patungo sa kompanya ng Monteverde para magtrabaho.May pagpupulong na gaganapin ngayong umaga, at si Eduardo ay dadalo rin.Pagdating nila sa silid, mahigit sampung minuto ng nakaupo si Luna at ang iba pa bago dumating si Eduardo.Isang iglap lamang at sa wakas ay naroon na rin si Eduardo. At sa sandaling iyon, tila huminto ang mundo para kay Melinda. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan, isang pag-amin sa matagal ng pagpipigil. Ang mga mata niyang nagniningning ay tila nakatuon lamang kay Eduardo.Maya-maya, nang opisyal ng magsimula ang pagpupulong,
Halos madaling araw na nang makauwi sina Eduardo at ang kanyang mga kaibigan matapos ang masayang pagdiriwang para kay Regina.Nakita ng mayordoma si Eduardo na pauwi ng hatinggabi, at karga-karga pa nito si Aria. "Bakit gabi na kayo nakauwi?" nag-aalalang tanong nito."Hmm..." tanging sagot lamang ni Eduardo sa mayordoma.Nang mailapag ni Eduardo ang kanyang anak sa kama nito, isang mabigat na katahimikan ang sumalubong sa kanya ng pumasok siya silid. Binuksan niya ang ilaw ang sinag nito'y sumasalubong sa katahimikan. Ngunit wala roon si Luna. Isang biglang pagkabigla ang dumapo sa dibdib ni Eduardo. Agad niyang tinawag ang mayordoma, "Hindi ba siya umuwi ngayong gabi?" tanong niya, ang boses ay may bahid ng kaunting pag-tataka."Ahh si Madam? Hindi." kalmadong sagot ng mayordoma.Bahagyang nagulat si Eduardo. Madalang na ngang umuuwi si Luna nitong mga nakaraang araw. Bihira na lamang itong magpalipas ng gabi sa labas ng kanilang tahanan. Isang bagay na hindi karaniwan sa kanya.Na