“Hindi na kailangan.” ang matipid na tugon ni Luna.
Karaniwan nang dalawang beses na lamang sa isang araw ang pagtawag ni Luna sa kanyang anak.
Minsan alas-singko ng madaling araw, at minsan naman ay umabot na ng bandang tanghali.
Lahat ng mga kasamahan ni Luna, ay alam ang tungkol sa kanya na may anak na siya.
Ngunit isang lihim ang itinatago niya, isang lihim na hindi pa niya naibubunyag sa mga kasamahan niya. Ang ama ng kanyang anak ay walang iba kundi ang pinakamakapangyarihang tao o nagmamay-ari sa kanilang kompanya.
Sa paglubog ng araw, matapos ang mahabang araw ng kanyang pagtatrabaho, nagtungo si Luna sa isang pamilihang bayan at naghahanap ng mga sariwang prutas at gulay at dinala niya ito pauwi ng kanyang tahanan.
Pagkatapos ng hapunan, nagtungo si Luna sa kanyang silid upang buksan ang kanyang laptop. Sa liwanag kanyang screen, hinanap niya ang mga balita patungkol sa eksibisyon ng teknolohiya.
Matapos mabasa ang mga balita, agad siyang nag dial ng numero at may tinawagan, “Paki save naman po ng isang tiket para sa eksibisyon ng teknolohiya sa susunod na buwan.” aniya, ng may malumanay na pakiusap.
“Segurado ka ba?” malamig na tugon ng nasa kabilang linya.
“Dalawang beses ka nang nag pa-reserve ng tiket, pero ni minsan ay hindi ka pumunta. Ilang pangarap na ticket ang nasayang dahil sa’yo.” wika pa nito.
Ang taunang eksibisyon ng teknolohiya sa bansa ay isang malaking kaganapan sa industriya ng teknolohiya, at hindi lahat ay nakakakuha ng mga tiket para sa eksibisyon.
Ang kanilang kompanya, ay isang malaking haligi sa mundo ng teknolohiya, at ang ilan sa kanila ay nabigyan ng mahalagang pwesto sa eksibisyon. At dahil dito, marami sa kanilang mga pinakamahusay na mga tauhan ang gustong makibahagi.
Para sa kanila, ang bawat pwesto ay napakahalaga.
“Kung hindi ako makakadalo sa pagkakataong ito, hindi na kita ulit kakausapin pa sa tinatahak.” kalmadong tugon ni Luna.
Hindi na muling nagsalita ang nasa kabilang linya at ibinaba ng maayos ang telepono.
Ngunit alam niya na ang katahimikan nito ay isang simbolo ng pagpayag.
Isang malumanay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Luna.
Sa likod ng ngiting iyon, ay ang hindi niya pagpapahayag sa kanyang pagnanais na bumalik sa kumpanya.
Bilang kasosyo ng kompanya, pinili ni Luna na magpakasal at manganak nang nasa umpisa pa lamang ang pag unlad ng kanilang negosyo. Dahil dito, unti-unting nawala ang kanyang atensyon sa kompanya at mas nagtuon siya ng oras sa kanyang pamilya. Ang pagbabagong ito ay nagdulot ng malaking kaguluhan sa plano ng kanilang pag-unlad at nagresulta sa pagkawala ng maraming pagkakataon para sa kanilang negosyo.
Dahil rito, bumalot ang galit at inis ng mga kasamahan niya. Sa mga sumunod na taon, tuluyan ng naputol ang kanilang ugnayan.
Totoo ngang binabalak niyang bumalik sa kumpanya. Ngunit ang katotohanan ay matagal na niyang inuna ang kanyang pamilya kaysa sa trabaho. Masyado ng nahiwalay ang kanyang mundo sa negosyo.
Kinakabahan siya. Natatakot siyang hindi na niya makasabay ang mabilis na pag-unlad ng kumpanya kung babalik siya nang walang sapat na paghahanda.
Sa mga sumusunod na araw, puspusan ang pagsisikap ni Luna sa trabaho. Pagkatapos niya sa opisina, abala naman siya sa kanyang mga personal na bagay.
Hindi na rin niya pinilit pang kausapin ang anak niyang babae at maging si Eduardo. Marahil ganoon din ito sa kanya, hindi siya kinakausap, at wala ring kahit na anong komunikasyon sa pagitan nila.
Hindi na siya nagulat pa. Halos kalahating taon na rin siyang laging siya lang ang may nais na makipag-ugnayan sa kanila.
Parang wala lang sa kanila, at halos walang pakialam ang mga ito sa kanya.
Sa bansang Villa Esperanza.
Kinagawian na ni Aria na tawagan si Regina tuwing umaga pagkagising niya.
Nang araw na iyon, gaya ng dati nang magising ang batang babae, agad niyang tinawagan ang Tita Regina niya.
Peri hindi pa man nagtagal ang usapan nila, bigla na lamang napahagulgol ang babae sa kabilang linya.
Dahil sa masamang ibinalita ni Regina: “Titi Gina, uuwi na sa Valley Heights.” malungkot niyang wika sa bata.
Lubhang nanlumo ang batang si Aria. Pagkatapos ng usapan nila ni Regina, agad niyang tinawagan ang kanyang ama, “Dad, alam mo ba to?” aniya.
“Oo, alam ko.” sagot ni Eduardo sa kanyang anak habang nasa opisina at nagbabasa ng mga dokumento.
“Kailan mo pa nalaman?” tanong muli ng batang babae.
“Ahhh, matagal na.” sagot ni Eduardo.
“Ang sama-sama mo naman Daddy,” yakap-yakap ni Aria ang maliit niyang kulay rosas na laruang baboy habang umiiyak.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi ko kaya ng wala si Tita Regina, ayaw kong mag-aral dito ng wala siya! Gusto kong umuwi sa Valley Heights.” dagdag pa nito sa kanyang ama habang humahagulgol sa pag-iyak.
“Aayusin nalang natin yan.” mahinahong tugon ni Eduardo sa kanyang anak.
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” nagtatakang tanong ni Aria.
“Uuwi tayo ng Valley Heights sa susunod na linggo.” kasunod pang tugon ni Eduardo sa kanyang anak.
Tinitigan ni Eduardo ang munting musmos, bahagyang napatigil bago marahang winika, “Maging ang tawag ni Daddy mo'y hindi sinagot ng Inyong Ina.”Napakunot ang noo ni Aria saka marahang umiling, “Marahil abala si mommy, at hindi pa nababatid ang tawag.”“At kung hindi man siya abala,” dagdaga pa niya, “hindi kailanman mangyayari na hindi niya sagutin ang tawag mo, lalo na ikaw, dad!.”“Marahil nga,” tugon ni Eduardo habang isinusuot ang kanyang amerikanang pormal at inaabot ang itim na balabal.“Maya-maya’y aalis na si daddy. Kung ibig mong magliwaliw, maaari mong iatas sa iyong tagapagbantay na samahan ka.”Ngunit mariing tugon ni Aria, “Ngunit nais kong si mommy ang kasama ko…”Bagaman hindi gusto ni Aria ang pagiging mahigpit na Ina, ninanais pa rin niyang maramdaman paminsan-minsan ang kanyang pagkalinga at presensya.Habang binibigkas ang mga salitang iyon, marahang hinawakan ni Aria ang sariling pisngi at nagtanong, “Dad, kayo po ba’y patungo sa ospital upang dalawin si Tita Regi
Ang totoo’y alam naman talaga ni Ricardo kung saan ang kinaroroonan ng cake shop.Pagkaalis ni Luna, hindi man lang siya nagtangkang dumiretso roon. Sa halip, nanatili siya saglit sa kinatatayuan, waring pinag-iisipan ang naging pag-uusap nila, tahimik, ngunit puno ng hindi mabigkas na kahulugan.Sumakay siya sa sasakyan, nag-aatubiling sandali, bago tumawag: “Apollo, nandito na ako. Kailangan kong sumakay ng eroplano mamaya. Tanungin mo si Eduardo kung libre siya. Kung hindi, maaari mo ba akong samahan sa ospital para dalawin si Regina mamaya?” aniya.Gulat na gulat si Apollo: “Nakapagbalik ka na? Kailan ka dumating?” Hindi na sinagot ni Ricardo ang tanong: “Tawagan mo muna si Regina, batiin mo, at tanungin kung maaari siyang mabisita mamaya.”Akma na sanang magtanong si Apollo kung bakit hindi na lang siya mismo ang tumawag kina Eduardo at Regina.Ngunit sa ikalawang pag-iisip, naunawaan ni Apollo na marahil ay may iba pang kailangang asikasuhin si Ricardo at nagmamadali ito. Hindi
Bahagyang nalito ang katulong ni Atty. Quirante habang pinagmamasdan ang tahimik na palitan ng usapan sa pagitan nina Jeriko at Luna. Samantala, si Quirante ay masinsinang ipinapakita kay Luna ang nilalaman ng kasunduan, bawat detalye'y kaniyang sinuri nang buong ingat.Makalipas ang mahigit isang oras, tumingala si Quirante at mahinahong winika, “Paulit-ulit ko na itong sinuri, wala akong nakitang anumang butas o pagkukulang sa kasunduan.” aniya.“Masasabi ngang ang kasunduang ito ay pabor na pabor sa'yo,” mariing dagdag ni Quirante.Napahinto si Luna. “Anong ibig mong sabihin?”Ipinaliwanag sa kanya ni Quirante, “Bukod pa sa pera, malinaw na nakasaad na ang lahat ng mga ari-arian ay walang anumang kaakibat na alitan o kaso.”Nagpatuloy siya, “Tungkol naman sa mga sapi sa kompanya ni Mr. Eduardo na ibinigay sa’yo, malinaw na nakatala na hindi mo kailangang makialam sa pamamalakad. Taun-taon ka lamang makatatanggap ng dibidendo.”“Kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan sa kompa
Gayunpaman, ang guro niya ay labis na natuwa sa kanyang bagong ideya, at ilang araw na ang nakalipas buhat nang pinadalahan siya ng mensahi ni Mateo Lim upang hilinging ayusin ito. Kapag maayos na raw ang lahat, rerepasuhin ito ni Mateo at isusumite sa isang kilalang journal.Ngunit sa dalawang araw na sunod-sunod na abala sa mga usaping may kinalaman sa Novaley at Annex, halos walang naging galaw sa sariling gawain ni Luna.Ngayon na mayroon na siyang kaunting laya, nais na niyang tapusin ito sa lalong madaling panahon.Sa pag-iisip nito, inilapag ni Luna ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang kompyuter.Samantala, matapos ibaba ang tawag, agad muling tumawag si Ricardo kay Apollo at nagtanong, “Nais ni Eduardo ng diborsyo at nais din niya ang kustodiya kay Aria. Tiyak na hindi siya papayag, hindi ba? Balak ba nilang magsampa ng kaso?” Sa katunayan, tumawag lamang si Apollo kay Ricardo upang ibalita lamang ito.Aniya, “Hindi! Pumayag siya! Wala siyang pagtutol, maging sa dibo
Hindi rin nakawala sa paningin ng Matandang Ginang ang pagbabago kay Luna, na hindi na nga ito kasing aktibo kay Eduardo tulad ng dati.Dahil dito, hindi niya napigilang mapabuntong-hininga, saka tumingin kay Eduardo at sinabing: "Kasalanan mo 'yan, Eduardo!"Matagal nang si Luna ang nagpapakita ng pagsisikap, ngunit hindi pa rin tumugon ang lalaki. Hindi ba’t nararapat lamang siyang panghinaan at umurong?Pagkarinig nito, bahagyang ngumiti lamang si Eduardo at hindi nagsalita.Ngayon naman, si Luna ay pinipiling manahimik hangga’t maaari.Pagkarinig niya, tahimik lamang niyang inabot ang mga putahe at nagsimulang kumain, waring walang balak magsalita.Bago pa man niya matapos ang pagkain, nakatanggap ng tawag si Eduardo. Minsan niya pa itong sinulyapan, saka tumayo upang sagutin ang tawag.Ngunit agad din siyang bumalik.Pagkatapos maghapunan, sinabi niya kay Ginang, “May kailangan pa akong asikasuhin, mauna na ako.” magalang niyang tugon.Matalino rin itong si Aria, at wari’y nahinu
"Ipapasuri ko muna sa abogado ko ang kasunduang ito bukas. Kapag sigurado na akong ayos ang lahat, pipirmahan ko ito sa makalawa at ipapaabot ng abogado ko sa inyo." mariing tugon ni Luna.Nakalista roon ang napakaraming ari-arian na ibinibigay nito sa kanya, at habang mabilis niya itong binubuklat kanina, tila may nakita siyang ilang bahagi ng pagmamay-ari ng kumpanya nito.Sa kasunduan ng diborsyo na ibinigay niya noon, ni hindi siya humingi ng kahit ano mula rito. At ngayong siya na mismo ang nag-alok, hindi na rin niya ito tinanggihan.Matagal na silang mag-asawa. Bagamat hindi siya minahal ni Eduardo, hindi rin siya kailanman pinagkaisahan kahit pinagtaksilan siya nito. Kaya nang makita niyang handa itong ipasa sa kanya ang mga ari-arian, ang unang impulsong naramdaman niya ay pumirma agad. Ngunit sa huling sandali, napahinto siya. Nagdalawang-isip.Nabahala siya na baka may butas sa kasunduan. Kung sakaling malagay sa alanganin ang kompanya ni Eduardo, natakot siyang baka ang mg