Share

Chapter 46: P.2

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-06-23 09:07:45

Bumalik si Luna sa villa at sabay silang kumain ni Aria ng hapunan. Habang kumakain, mahinahong tinanong ni Luna,

"Anak, may gusto ka bang puntahan sa Sabado o Linggo?"

Saglit na nag-isip si Aria, saka umiling at sumagot, "Wala naman po, Mommy. Kahit saan po, basta kasama kita, okay na ako."

Tiningnan ni Luna ang mukha ng kanyang anak, at alam niyang hindi dahil wala talagang gustong puntahan ang bata, kundi dahil mas nais sana nitong makasama sina Eduardo at Regin sa weekend.

Ngayon na wala ang dalawa, tila nawalan narin ito ng ganang gumawa ng kahit ano.

Hindi na lamang pinansin ni Luna ang totoo at mahinahong tinanong muli si Aria, "Gusto mo bang sumakay sa kabayo?"

Matagal na ring hindi ito nagagawa ng bata, kaya’t nang marinig niya ito, agad siyang napatango at muling sumigla, "Gusto ko po, Mommy!" aniya.

Kinabukasan, dinala ni Luna ang kanyang anak sa rancho ng kabayo.

Pagdating nila roon, nagpalit ng damit si Luna. Pagkalabas niya, narinig niyang nakatalikod si Aria habang mas
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 46: P.2

    Bumalik si Luna sa villa at sabay silang kumain ni Aria ng hapunan. Habang kumakain, mahinahong tinanong ni Luna,"Anak, may gusto ka bang puntahan sa Sabado o Linggo?"Saglit na nag-isip si Aria, saka umiling at sumagot, "Wala naman po, Mommy. Kahit saan po, basta kasama kita, okay na ako." Tiningnan ni Luna ang mukha ng kanyang anak, at alam niyang hindi dahil wala talagang gustong puntahan ang bata, kundi dahil mas nais sana nitong makasama sina Eduardo at Regin sa weekend.Ngayon na wala ang dalawa, tila nawalan narin ito ng ganang gumawa ng kahit ano.Hindi na lamang pinansin ni Luna ang totoo at mahinahong tinanong muli si Aria, "Gusto mo bang sumakay sa kabayo?"Matagal na ring hindi ito nagagawa ng bata, kaya’t nang marinig niya ito, agad siyang napatango at muling sumigla, "Gusto ko po, Mommy!" aniya.Kinabukasan, dinala ni Luna ang kanyang anak sa rancho ng kabayo.Pagdating nila roon, nagpalit ng damit si Luna. Pagkalabas niya, narinig niyang nakatalikod si Aria habang mas

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 46: P.1

    Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang na ang ika-pitumpung kaarawan ni Matandang Ginang Santos.Kaya maagang nag-uusap sina Luna at Federico upang pagplanuhan kung ano ang maaaring ihanda upang mapasaya at maparamdam sa matanda ang kanilang pagmamahal sa kanyang espesyal na araw.Narinig iyon ng matanda ngunit tila wala siyang ganang pag-usapan ito. Sabi niya, "Huwag na 'yang mga pa-show-show. Ang mahalaga, kumpleto tayo at masaya sa isang hapunan."Pero sagot naman ni Brenda, "Eh pitumpung kaarawan mo na, kahit papaano, kailangan pa ring gawing espesyal…" aniya.Ganoon din ang iniisip nina Luna at Federico. At dahil iyon ay mula sa puso ng mga anak at apo niya, hindi na rin tumutol pa ang Matandang Ginang.Kailangan pang pumasok ni Aria sa paaralan kinabukasan, kaya matapos ang hapunan, umalis na rin sina Luna kasama ang anak niya pabalik sa kanilang bahay.Pagbalik nila sa villa, masayang bumaba ng sasakyan si Aria at tumakbong papasok ng bahay.Nanatiling nakaupo si Luna sa loob ng s

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 45: P.2

    Walang bakas ng gulat sa mukha ni Luna habang pinakikinggan si Eduardo.Matagal narin niya iyong inasahan. Hindi kailanman magkakaroon ng oras si Eduardo para sa kanya. Malinaw sa kanya na kapag si Regina ang may kailangan, kahit gaano pa ito ka abala sa mga gawain palagi itong naglaan ng oras para sa kanya.Napakunot-noo ang matandang ginang. "Ano bang napakaimportante niyan? Matagal na ring hindi ka umuuwi kasama si Luna!" "Grandma." Mahinahong putol ni Luna sa sasabihin pa ng matanda. Kalma ang tono niya, ngunit malinaw ang hangarin: "Ayos lang po. Kung may gagawin si Eduardo kami na lang ni Aria ang uuwi.""Naku, ikaw talaga!" napabuntong-hininga ang matandang ginang, halatang may sasabihin pa sana.Ngunit sinabi na iyon ni Luna hindi para makipagtalo, kundi dahil ayaw na niyang pilitin pa ang isang bagay na matagal na niyang binitiwan.Pero ang inakala ng matandang ginang, sinabi iyon ni Luna upang hindi mapahiya si Eduardo sa harap nila.Nang makita niyang nanatiling mahinahon

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 45: P.1

    Isang halik sa noo bilang pagbati ng umaga? Imposible.Hindi siya kailanman ginising ni Eduardo nang may ganitong lambing. Hindi kailanman siya niyakap ng ganito kainit, kahigpit, na tila ayaw pakawalan.Kaya’t nang maramdaman niyang muling hinigpitan nito ang yakap at may mariing halik na dumapo sa kanyang noo, isa lang ang pumasok sa isip niya, akala niya si Regina ang kaharap niya.Napakuyom ang kamao ni Luna, habang ang puso’y tila pinipilas nang dahan-dahan. Tahimik siyang nakahiga, nilunok ang pait, at habang nakayakap sa kanya ang lalaking asawa niya sa papel pero hindi sa puso, unti-unting namasa ang kanyang mga mata.Gayunpaman, masarap pa rin ang tulog ni Eduardo, sarap na sarap sa maling yakap.Tinitigan ni Luna si Eduardo ng tahimik, payapa, at walang kamalay-malay sa sakit na unti-unting bumabalot sa kanya.Pinigilan niya ang hapdi sa dibdib, pilit nilunok ang kirot na gumagapang sa lalamunan. Dahan-dahan siyang huminga nang malalim, saka unti-unting inilayo ang sarili. M

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 44: P.2

    Napansin ni Luna ang malalim na tingin ni Aria sa kanya at tahimik na pagkamasid.Bahagyang kumunot ang noo niya. "May problema ba?" tanong ni Luna, malamig pero mahinahon ang boses.Tahimik si Aria saglit, bago umiling. "Wala… wala naman," sagot nito, pero may halong pag-aalinlangan sa tono.Siguro nag-iisip lang siya ng sobra. O baka rin, nararamdaman niyang may bumabagabag sa kanyang Ina, kaya ayaw na lang niyang ungkatin.Pagkatuyo ng buhok niya, gumulong si Aria sa kama at nagtanong, "Mom, dito ka ba matutulog sa tabi ko ngayong gabi?"Saglit na natigilan si Luna. "Bakit anak, gusto mo bang si mommy ang matulog sa tabi mo?""Pwede naman kahit alin," sagot ni Aria, sabay lingon sa kanya. "Pero parang ang tagal nang hindi ka natutulog kasama si dad. Ayaw mo ba siyang tabihan?"Tahimik si Luna sandali bago sumagot, mahinahon, "Babalik din ako mamaya."Hindi pa man naayos ang papeles ng dibursyo nila ni Eduardo, kaya kung siya ang kusang magpapasya na manatili sa kwarto ni Aria nang

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 44: P.1

    Agad na sinagot ang tawag. Hindi pa man siya nakakapagsalita, nauna nang magsalita ang nasa kabilang linya."Nandiyan ako sa loob ng dalawampung minuto." boses ni Eduardo.Ngunit bago pa siya makapagsalita, sumingit din ang boses ni Aria."Paalam, Tita Regina." malambing nitong tugon.Nanigas ang katawan ni Luna sa kanyang narinig. Tama nga kanyang hinala, kasama nga nila si Regina.At parang lalong pinagtibay pa ang sunod niyang narinig. Malambing ang boses ni Lin Wu habang sinasabi: "Hmm, paalam din sa'yo Aria."Kasunod nito, narinig ni Luna ang malumanay na tinig ni Regina na tila sadyang ipinaparamdam ang presensya niya: "Sige, aakyat na ako." anito.Ilang sandali pa'y narinig niya muli ang malamig na boses ni Eduardo sa kabilang linya: "May kailangan ka pa ba?"Napabalikwas sa ulirat si Luna. "A-ah... Wala na," sagot niya, mahinahon ngunit mariin.Pagkasabi niyon, agad niyang pinatay ang tawag, wala nang balak pang marinig ang sagot niya.Sa katahimikan, bigla na lang nagsalita a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status