공유

Kabanata 1

작가: KYOCHIEE
last update 최신 업데이트: 2025-09-29 12:27:02

Kabanata 1: Flashback

We were at the most luxurious bar in Iligan, owned by a close friend of one of my friends.

Katatapos lang ng finals namin. Just a few more days and graduation was coming.

I took Business Administration, a course so far from my dream. Hindi umabot ang average ko sa Form 137, kaya imbes na Nursing ang makuha kong kurso, napunta ako rito.

Bata pa lang ako, nai-imagine ko na ang sarili ko na nag-aaral sa kursong Nursing. Too bad, fate wasn’t on my side.

Wala rin akong sisisihin sa nangyari. Laging pasang-awa ang mga grado ko noong high school, kaya ganoon lang din ang naging resulta.

At sa kasamaang palad pa, hindi ako kasama sa list of graduates ngayong taon.

May naiwan akong dalawang subject. Nahuli kasi akong nangongopya no'ng finals kaya diretsong bagsak ako sa dalawang subject na iyon. Sinubukan ko naman pakiusapan ang dalawang instructor pero wala talaga.

So here I was, surrounded by friends who were drowning in joy because they were graduating, while I was just here partying with them.

“Dapat nag-educ na lang talaga ako, e. Ibabagsak ko talaga ang mga apo ng dalawang instructor na ’yon kapag naging teacher nila ako!” malakas kong sabi, dahilan para magtawanan ang lima kong kaibigan.

I didn’t even realize how loud I was until the table beside us turned their heads because of my big mouth.

“Good thing you didn’t. Those poor kids would suffer under you. Kung hindi mo jojowain mga tito nila, baka turuan mo pa sila maging bobo,” biro ni Sunny.

Pinakyuhan ko siya. Lakas mang-alaska. Akala mo, ’di inutang sa’kin ang pinangbayad niya ng graduation f*e.

“Ayaw mo no’n? Tuturuan ko sila paano magbayad ng utang, para naman hindi sila lumaking katulad mo,” balik ko sa pang-aalaska niya.

Sinimangutan niya ako saglit, pero parang wala lang din dahil nakangiti na niyang tinungga ang Grey Goose.

“Ano nang plano mo?” biglang kuha ni Suzy sa atensyon ko.

I shook my head and copied Sunny, gulping down my drink in one go.

“Wala. Maghahanap na lang ako rito ng boylet. You know, pampalubag-loob. Matinding sermon na naman aabutin ko kay Mama ’pag nalaman niyang hindi ako kasali sa graduation.”

Napailing si Suzy. Ginaya ko siya para mang-inis, pero mas lalo lang siyang napailing. Inikutan ko siya ng mata nang ako pa ang nainis dahil nakitaan ko ng kaunting awa ang tingin niya sa akin.

No. Wala dapat maawa sa akin. Hindi man ako ga-graduate kasama nila, at least, hindi mababago no’n ang katotohanang ako pa rin ang pinakamaganda sa aming lahat.

“Kayo, anong plano niyo after graduation? Magpapakasal na ba kayo sa mga jowa niyo?” ako naman ngayon ang nagtanong sa kanilang lima.

Binalingan ko si Sanaiah nang nagtaas siya ng kamay. Akala mo, e, kung sinong tinawag sa recitation sa classroom.

“I’m planning to take my master’s. Puwede ring mag-japan na lang ako. Depende,” sabi niya sabay kibit-balikat.

“’Di pa rin sawa mag-aral? Tibay, ah!” biro ko at inapiran siya.

Sunod na sumagot si Reign.

“Plano kong tumayo ng makeup line. Alam mo na, CEO vibes,” kindat niya sa akin.

"Oh, ikaw naman? Baka totohanin mo na ang paghahanap ng drug lord, ah?" biro kong baling kay Sunny.

"Mismo!" pagsang-ayon ng bruha, proud pang kumindat sa akin.

"Nananalaytay talaga sa'yo pagiging Chinese, 'no?" bigo ko siyang inilingan.

"Hinay-hinay sa pananalita. Baka nakakalimutan mong kambal kami. Ibahin mo 'ko."

Hindi ko na pinansin ang kaartehan ni Suzy sa gilid ko. Alam ko naman sa aming lahat, siya itong masyadong seryoso sa buhay.

Nakakainggit nga, e. She was graduating summa cum laude in the same course I failed at.

“’Di ba, iyon ’yong crush mo?” tawag sa akin ni Blessica.

Sinundan ko ang direksiyon ng tinuro niya at agad kong nakita ang lalaki sa may dance floor.

Kung kanina ay nalulungkot ako sa sinapit ko, bigla akong nabuhayan nang makilala ko kung sino ang tinutukoy niya.

“Girls… I think I need to go there,” I said, shooting up from my seat, my eyes locked on the dance floor.

Hindi ko na hinintay ang mga komento ng barkada. Tumayo na ako at naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Rex.

Nakatayo lang siya sa gilid ng dance floor. He was wearing a black leather jacket paired with faded black jeans. Kahit nakatalikod siya, hindi kayang itago ng tindig niya ang pagiging guwapo niya.

At nang bahagya siyang lumingon, sapat para makita ko ang matikas niyang panga, isang bagay lang ang pumasok sa isip ko.

Magiging masaya ang araw ko na ito!

“Um… hi?” nakangiti kong bati sa kaniya pagkatapos kong tumayo sa mismong gilid niya.

Lihim akong napangisi nang suplado niya akong binalingan. Ang tama lang na kapal niyang kilay ay magkasalubong. At ang may kasingkitan niyang mga mata ay madilim na nakatingin na ngayon sa akin.

“Who are you?”

Medyo natameme ako nang marinig ko ang malamig niyang tinig.

Shit. Para akong hinangin ng malakas sa sobrang lamig ng pagkakadinig ko sa tanong niya.

“Ako ‘to, si Atasha? You don’t remember me?” kunwaring gulantang kong tanong.

Madrama ko pang tinuro ang sarili, sakto sa mismong nakalantad kong cleavage.

Bahagyang sumama ang mukha ko nang hindi man lang bumaba ang tingin niya roon. Pero ayos lang. Kaya ko nga siya crush kasi bukod sa guwapo at mayaman, nanunupalpal din ng magandang babae.

Ganoon kasi ang tipo ko. ‘Yong alam kong masasaktan ako sa huli. Lagi na lang kasi ako hinahabol. Nakakapagod rin kaya minsan ang ganoong ka-easy na lalaki.

"Wala akong kilalang Atasha," tipid niyang sabi bago ako tinalikuran.

Na-alarma ako nang magsimula siyang maglakad palayo kaya mabilis ko siyang hinabol.

"You're Renzo's cousin, right?" tanong ko pa rin na may pilit na ngiti habang nakabuntot na sa kaniya.

He didn’t even bother to answer. He just kept walking. Sa kasusunod ko sa kaniya ay may nababangga na akong mga nagsasayaw, pero tuloy lang ako.

Last year ko siya huling nakita sa university. Ngayon lang ulit nagtagpo ang landas namin. Baka pagkatapos nito ay wala na. Hindi ako papayag na hindi tumatak sa utak niya ang isang ako bago siya makawala ngayon.

Naapakan niya ang ego ko noon dahil para lang akong dumaan na hangin sa tabi niya. Hindi man lang ako pinansin kahit umamin pa ako sa kaniya noong araw na iyon na naguguwapuhan ako sa kaniya.

“Hey… where are you even going?”

Hinawakan ko na siya sa may siko. Ang bilis ng lakad, e.

Muntik na akong bumangga sa malapad niyang likod nang bigla siyang tumigil. Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis nang lingunin na niya ako.

“Look, miss. I like someone else. She’s the prettiest for me. Whatever you’re thinking right now, just stop,” he said straight to my face.

Hala. Gano'n ba ako kahalata para mabasa niya ang nasa utak ko?

"Huh? I don't know what you're talking about," maang-maangan ko. "Tinatanong lang kita kung ikaw ba 'yong pinsan ni Renzo. Namumukhaan kasi kita," ngiti ko pa.

He sighed, clearly annoyed.

“Yes, I’m his cousin. Now please, leave me alone.”

"Ayy? Biglang gano'n—"

Hindi pa ako tapos magsalita nang talikuran na naman niya ako. Shit naman, oh! Hinabol ko ulit siya at muling pinigilan sa siko.

Kaso, nagulat na lang ako nang bigla niyang padarag na iniwas ang braso niya, dahilan para masagi ako. Sa lakas niya ay natumba ako sa sahig.

"Ouch, ha?!" irita kong singhal habang napangiwi sa sakit ng pagkakabagsak ng puwet ko.

“I told you to leave me alone. Ang kulit mo," walang awa niyang sabi bago tuluyang lumakad palayo.

Ni hindi man lang ako tinulungan tumayo. Grabe sa pagka-cold!

Hilaw akong ngumiti sa mga taong natigil sa pagsayaw at ngayon ay sa akin na ang tingin. Sa halip na bigyang pansin ang bulungan nila tungkol sa akin, minabuti kong subukang tumayo.

The fall was harder than I thought because I ended up sitting down again.

Pasalamat talaga siya't crush ko siya, kasi kung hindi—

"Are you okay, miss?"

Nilingon ko ang lalaking lumapit sa akin. Kinunutan ko siya ng noo sabay irap.

"Bakit laging ganiyan ang tanungan niyo sa ganitong sitwasyon?" pagtataray ko. "Hindi ba obvious? Malamang, hindi ako okay! Mema ka rin, e."

I looked away and tried to stand again.

"Let me help you..." sabi ng lalaki at basta na lang ako hinawakan sa magkabilang braso upang alalayan sa pagtayo.

Hindi na ako nagprotesta. Nang makatayo na ako, agad kong inayos ang medyo tumaas kong strapless tube.

“I don’t talk to strangers, but thanks,” I said without looking at him.

Inayos ko na rin ang hanggang balikat kong buhok dahil medyo nagulo ito, saka ko siya tuluyang binalingan.

“I’m Rex’s brother. Sorry about what he did,” tipid niyang ngiti sa akin.

Ako nama'y natigilan at napatitig sa kaniya. Sinuyod ko ang kabuuan niya at kinilatis kung may katotohanan ang pagpapakilala niya.

Hmm... malayo ang pormahan nila.

Itong isa ay halatang galing sa office. He was wearing a crisp white long-sleeve polo tucked neatly into black slacks. Nakasabit sa isa niyang braso ang tingin ko'y coat niya.

Nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang sadya niyang pag-ayos ng tayo sa harap ko. Doon ko lang din nasipat nang maayos ang mukha niya.

Oo nga. Mukhang magkapatid nga sila ni Rex. Malaki ang pagkakahawig. Pareho silang medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, at may mga panga na parang gusto mong i-headlock sa sobrang angas.

Ang pinagkaiba lang, medyo soft ang awra ng isang ’to. Mukha siyang mabait, tipong madaling utuin.

“Older brother?” I asked, raising a brow.

He nodded. “Two years gap,” he clarified.

"Hm..." tumango-tango ako, sabay kinindatan siya sa isip ko.

Paano kung siya na lang ang gawin kong boylet? Hindi na lugi, ah.

Guwapo siya, malaki ang katawan, siguradong mapera, at higit sa lahat, mukha talagang mabait. Hindi na masama.

“I’m Atasha, by the way. Not the best way to meet, but still, nice to meet you,” nakangiti kong pakilala, sabay lahad ng palad ko.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko bago niya tinanggap iyon para makipagkamay.

"Pasensya na ulit sa ginawa ng kapatid ko. Gano’n na talaga ’yon, pero mabait naman siya."

"Hindi rin," iling ko bilang hindi pagsang-ayon sa huli niyang sinabi. "Suplado nga, e. Mabuti na lang, mabait ka. Thanks for the treat, by the way," ngiti ko sabay taas ng baso ng alak na siya na ang nagbayad.

Sigurado na akong big-time siya. I mean, hello? Dinala niya ako rito sa VIP section. Sa tagal ko nang tumatambay dito, ngayon pa lang ako nakatungtong dito. Sobrang mahal kasi. Hindi na abot ng nakukuha kong pera ang bayad sa ganito.

“No, really. He’s nice. He just doesn’t know how to deal with people. Introvert things.”

I gave him a look that said I wasn’t buying it.

"Baka sa mga babae lang. He literally told me he likes someone else. Kita mo naman kung paano niya ako dinedma kanina. Loyal, a****a."

Mahina siyang tumawa. Akala ko ay idedepensa na naman niya ang kapatid niya, pero imbes na magsalita, nagbuhos lang siya ng alak sa baso niya. Nakigaya na rin ako, nilagyan ko ng laman ang akin.

“So you have a crush on him?” tanong niya makalipas ang ilang sandali.

Nakapikit na ako’t nakasandal sa backrest ng sofa nang marinig ko iyon. Dahan-dahan akong dumilat para sagutin siya.

"Oo. hindi pa ba halata?" prangko ko at mahina pang tumawa.

Muli kong ipinikit ang mga mata at sumandal nang maayos sa backrest ng sofa.

Lasing na kami pareho. Tingin ko, isang shot na lang, bagsak na kami.

“Pati pala ikaw?”

“Huh?”

I forced my eyes open despite how heavy my eyelids felt. Kinunutan ko siya ng noo.

“Ano’ng pati ako rin pala?”

I caught the bitter curve of his lips as he looked at me, though my vision was already hazy from all the alcohol.

“Kung ang problema mo ay dahil wala ka sa list of graduates, sa’kin naman... babae.” Tumigil siya saglit bago muling nagsalita.

Kahit lasing na ako, umandar pa rin ang pagiging chismosa ko kaya umusog ako palapit sa kaniya para marinig nang malinaw ang sunod niyang sasabihin.

“I have this girl I really like… but the thing is... she likes Rex.”

My mouth fell open slightly in surprise.

Oh... spicy.

“Just like you, she’s got a crush on my brother. I can’t hate her for that because, well, he’s my brother,” kibit-balikat niya.

Bigla akong naawa sa kaniya. Hindi ko rin masisisi ang babae. Kagusto-gusto naman talaga ang isang ’yon. Alam mo ’yon, mabenta ang awra ng kapatid niya sa aming mga babae.

Pero teka... hindi ba’t sinabi kanina ni Rex na may gusto siyang babae? Hindi kaya...

“Good thing Rex doesn’t like her...”

Ay, mali pala.

"Somehow, that makes me feel better," he added.

Napangiwi ako at naiiling na tinapik-tapik siya sa balikat.

“Kawawa ka d’yan, be. Why settle for less when there are plenty of girls out there?” usal ko at bumalik na sa pagkakapikit at pagkakasandal sa backrest ng sofa.

“Unless, she’s as gorgeous as me, right? Mahirap talaga pakawalan ang mga kauri ko.”

Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya muli kong naidilat ang mga mata upang samaan siya ng tingin.

“Seryoso ako dito, ha?” Paglilinaw ko na tinawanan lang niya.

“Sorry,” paumanhin niya nang matigil siya sa pagtawa. “Natawa lang ako, kasi bakit parang hindi ka man lang nagseselos? ’Di ba, gano’n ang mga babae? Nagseselos kayo kapag may ibang nagkakagusto sa crush niyo?”

I frowned at that.

“Anong ganiyan kami?” pag-uulit ko, kunot pa rin ang noo ko. “Hindi, ah! Para lang ’yon sa mga pangit. Sa ganda kong ’to? Hindi sa’kin uso ang selos-selos pagdating d’yan. He’s just a crush. I find him attractive, that’s all. No special reason.”

Tumango-tango siya, tila nakuha ang punto ko.

“Kawawa ka naman,” sabi ko na lang at muli siyang tinapik sa balikat.

Inabot ko ang baso ko at sinalinan ng alak. Nilagyan ko na rin ang kaniya at nakangiting inabot ’yon sa kaniya.

“Cheers to your poor, miserable heart?”

Natawa siya sa sinabi ko pero sa huli ay sinabayan lang din ako sa trip.

“Cheers to your future who doesn’t have clear path,” aniya at marahang natawa.

“Loko ka, ah!”

Mas lalo siyang natawa nang makita ang reaksyon kong pagalit na. Sa huli ay napailing na lang ako at natawa na rin bigla.

Mali pala ako sa inakala kanina na isang shot lang ay matutumba na kami pareho. Nakailang order pa kasi kami ng alak bago tuluyang lumupaypay pahiga sa sofa.

Good thing he still had some sense left because, without him, I wouldn’t have made it out of that bar.

Ang kaso lang, imbes na sa condo ko niya ako iuwi, sa malaking bahay niya ako dinala.

At doon na nga nangyari ang hindi ko kailanman naisip na mangyayari.

I don’t even know how we ended up sharing the same bed, let alone having sex.

Sa pagkakaalala ko, naglalabasan pa kami ng hinaing sa mundo habang nasa loob kami ng kuwarto niya. Hanggang sa nagkakayaan ng halikan.

Iyon lang ang malinaw na naaalala ko. Ang mga sumunod na pangyayari ay malabo na, pero sigurado akong may nangyari talaga sa amin.

The moans, the sharp sting between my legs, the lingering heat all over my skin, it was all real.

Kinabukasan din ay may bahid ng dugo ang pagkababae ko, hudyat na may nangyari na nga sa'min.

Ang masaklap doon, hindi ko na siya nahagilap pagkatapos ng nangyari.

Bigla na lang siyang naglaho na parang bula kinabukasan.

No note. No goodbye. No trace of him anywhere.

Sinubukan ko siyang hanapin kay Renzo, maging kay Rex, pero wala akong nakuhang sagot sa kanila.

Tapos ngayon, bigla siyang eeksena sa buhay ko?

Ang kapal din ng mukha niya!

Dalawang taon na ang lumipas pero kailanman ay hindi humupa ang galit at inis ko sa kaniya.

Mas lalo lang itong nag-apoy ngayong papunta na ako sa opisina niya.

Hindi ko man nasingil kanina ang mga kaibigan ko sa mga utang nila sa akin, kahit man lang sa walang bayag na lalaking iyon, masingil ko siya sa naging kasalanan niya sa akin.

Rev Kurozawa Alcantara, huh?

Hintay ka lang diyan. Tutupiin kita sa walo, makikita mo!

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
HANIFAH
huh? eh sobrang linaw po na si Rev ang nakainuman niya
goodnovel comment avatar
Renzel Villano
Parang ang gulo. Kase si rex ang nakainuman nya. Edi si rex din ang nakasex nya ...
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)   Kabanata 60

    Kabanata 60: Groom "Are you okay? Pulang-pula na mukha mo." Agad akong napaiwas ng tingin nang mapuna niya agad ang mukha ko. Buwisit na ’to! May gana pa talaga siyang tanungin ako ng ganyan?! Malamang, namumula ako dahil sa sinabi niya! Pero dahil mukhang wala naman siyang ideya sa naging epekto ng litanya niya sa akin, napilitan akong magpanggap. "Alam mo, tutal sobrang yaman n’yo naman, palagyan n’yo na rin kaya ng aircon ang labas niyong ’to? Ang init dito masyado, e!" palusot ko at pinaypayan pa ang sarili gamit ang isa ko pang kamay. "Talaga?" waring kumbinsido niyang tanong. Tumango ako. Mukhang naniwala naman siya kaya sinamahan ko na rin ng hilaw na ngiti ang pagpaypay sa sarili. "Air-conditioned ang loob ng bahay. Pagpasok natin sa loob, baka mawala na ang pamumula ng pisngi mo," suhestiyon pa niya. Sandaling nawala ang pilit kong ngiti dahil sa pagpuna na naman niya sa pamumula ng pisngi ko, pero agad ko rin naibalik. "Oh, e ’di kung gano’n, tara na sa loob?" Agad

  • Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)   Kabanata 60

    Kabanata 60: Groom"Are you okay? Pulang-pula na mukha mo."Agad akong napaiwas ng tingin nang mapuna niya agad ang mukha ko. Buwisit na ’to! May gana pa talaga siyang tanungin ako ng ganyan?! Malamang, namumula ako dahil sa sinabi niya!Pero dahil mukhang wala naman siyang ideya sa naging epekto ng litanya niya sa akin, napilitan akong magpanggap."Alam mo, tutal sobrang yaman n’yo naman, palagyan n’yo na rin kaya ng aircon ang labas niyong ’to? Ang init dito masyado, e!" palusot ko at pinaypayan pa ang sarili gamit ang isa ko pang kamay."Talaga?" waring kumbinsido niyang tanong.Tumango ako. Mukhang naniwala naman siya kaya sinamahan ko na rin ng hilaw na ngiti ang pagpaypay sa sarili."Air-conditioned ang loob ng bahay. Pagpasok natin sa loob, baka mawala na ang pamumula ng pisngi mo," suhestiyon pa niya.Sandaling nawala ang pilit kong ngiti dahil sa pagpuna na naman niya sa pamumula ng pisngi ko, pero agad ko rin naibalik."Oh, e ’di kung gano’n, tara na sa loob?"Agad siyang su

  • Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)   Kabanata 59

    Kabanata 59: Holding Hands"Atasha, we don't need to do this. Kung 'di ka naman komportableng makita si Mama, kahit 'wag na muna."Mariin kong inilingan si Rev. "Nakabihis na tayo, oh? Ngayon pa ba tayo hindi tutuloy?"Naitikom niya ang kaniyang bibig, siguro ay natanto niyang wala na talaga siyang magagawa kundi sumang-ayon na lang.Today is Friday. Two days have passed since his sister, Erich, showed up at his office. Dalawang araw na ring naudlot ang lakad na ito dahil ayaw talaga niyang pumunta kami sa Mama niya."Hindi naman kailangang pumunta pa tayo doon. Believe me, my mom’s not sick. Alibi lang niya 'yon kasi alam na niyang aatras na naman ako sa kasal namin ni Veronica."Blangko ko na siyang nilingon bago ko siya sinamaan ng tingin."Nandito na tayo sa kotse mo. Hahawakan mo lang ang manibela para makalarga na tayo. Bakit ba ayaw mo?"He rested one arm on the wheel, then looked at me."Hindi naman sa ayaw ko..." mahinahon niyang sabi. "Wala akong trabaho bukas. We can just..

  • Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)   Kabanata 58

    Kabanata 58: SisterAt tama nga ako na mahaba-habang araw ito, kasi halos wala rin naman akong ginawa kundi panoorin siyang magtipa ng kung anu-ano sa kaniyang laptop, mag-sign ng mga papeles, at tumawag kung kani-kanino.Aaminin ko, hindi nakakasawa ang kapogian niya, lalo na ngayon na panay ang titig ko sa pagnguso, pagkukunot ng noo, at kung anu-ano pa niyang reaksyon sa mukha. Pogi talaga siya... pero seryoso, nauumay na ako rito.Mag-aalas-onse pa lang pero pakiramdam ko ay isang taon na akong nakaupo rito sa isa sa mga sofa niya. Gustuhin ko mang manood ng palabas sa cellphone o ‘di kaya sa malapad niyang TV rito, hindi ko rin magawa dahil baka maistorbo ko lang ang trabaho niya.Problemado akong bumuntong-hininga at tumayo na. Awtomatiko naman siyang napatingin sa akin."I'm bored here. Ito-tour ko lang sarili ko sa labas," paalam ko sa kaniya.Tumayo rin siya mula sa kaniyang swivel chair at lumapit sa akin."Samahan na kita. Magla-lunch break din naman na."Umiling ako. "Tapu

  • Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)   Kabanata 57

    Kabanata 57: StayI took another bite of the hotcake on my fork before finally speaking again."Ang hassle mag-aral ulit, Rev. Stable ka naman na, kaya hindi mo na siguro kailangan pahirapan ang sarili," sabi ko sa mahinahong boses.Hindi ko sa kaniya masabi nang direkta ang gusto kong iparating, pero sana ay makuha pa rin niya kahit papaano. Totoo naman kasing hindi na niya kailangang patunayan ang sarili sa pamilya niya, lalo na sa mapagkumpara niyang mama. He's doing well, actually.Hindi siya umimik sa sinabi ko kaya nilingon ko na siya. Bahagya akong nagtaka nang makitang tumigil siya sa kaniyang almusal at nakatitig lang nang malalim sa plato niya.Okay… that’s concerning."Hoy, Rev! Natahimik—""You know what? You’re right," putol niya sa akin, saka ako nilingon.Naitikom ko na lang ang bibig at lihim na napatikhim nang ngitian niya ako.“It’s not like I’ll gain anything by constantly competing with my brothers. Iba ako, iba si Riel at Rex sa akin," aniya, sabay tusok ng isang

  • Forced to be the BILLIONAIRE'S Mistress (SSPG)   Kabanata 56

    Kabanata 56: AbsThe moment I slammed the door, I leaned against it, panting like I had just run a marathon. My heart was pounding uncontrollably, and I swear I could still see his smug face in my head.“Punyetang Miss Universe,” tiim-bagang kong bulong sa sarili.Hindi ko na nga kinaya ang pa-save niya ng Ganda sa contacts niya, tapos may pa-Miss Universe pa siyang nalalaman ngayon?Ano nang kasunod? Miss Galaxy na, gano’n?Naihilamos ko na lang ang mga palad ko at mariing napakagat sa labi.Buwisit! Buwisit! Buwisit ka talagang kurimaw ka!Natigil ako sa kakasigaw sa isip nang kumatok siya sa pintuan. Pero dahil para na akong ewan dito, hindi ko siya pinagbuksan.Sa halip ay ni-lock ko pa ang pintuan at patakbong tumalon sa kama. Padarag kong hinigit ang isang unan at saka iyon niyakap nang sobrang higpit.Nakakabaliw, sa totoo lang!Gumulong-gulong na ako sa kama habang yakap-yakap pa rin ang unan. Ayaw ko mang mapangiti sa pa-Miss Universe niya, pero hindi ko talaga mapigilan.Oo

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status