Kabanata 2: Present
Sa tinagal-tagal kong pagkimkim ng galit ko sa lalaking iyon, hindi ko inakalang sobrang lapit lang pala ng kinaroroonan niya sa condo ko. Lumiko lang ang sasakyan sa pinakamalapit na kanto at agad tumigil sa harap ng isang matayog na gusali na palagi kong nadadaanan. "Ito na ba 'yon? 'Yan ang lungga ng walang bayag mong boss?" tanong ko kay Mr. Coat-and-Tie nang pagbuksan na niya ako ng pintuan ng sasakyan. At ang lalaki, imbes na sagutin ako ay dumiretso lang siya ng lakad papasok sa entrance ng gusali. Napairap ako sa hangin, sabay inambahan siya ng suntok sa likod nang hindi na niya ako nilingon. Sumunod na lang din ako sa kaniya nang makita kong medyo napalayo na ang lakad niya sa akin. Dire-diretso rin ang lakad ko, pilit kong sinasabayan ang bilis niya. Pero nang mapansin kong wala akong laban sa haba ng mga binti niya, agad kong inangkla ang braso ko sa braso niya. “What the—?” gulat siyang napatingin sa akin. Ako nama'y blangko ko sinalubong ang mga mata niya. "Pinapunta niyo ako rito ta's iiwan-iwan mo 'ko sa labas?" sabi ko na nagpakunot sa noo niya. He shot me a glare, his brows pulled together like he was trying to intimidate me. Cute. “Just to remind you, no one forced you to come with me. Kusa kang sumama sa'kin." Ano raw? Padarag kong tinanggal ang braso ko sa kaniya at saka siya pinameywangan. "Anong kusang pinagsasabi mo? Ginawa mo pa 'kong bobo. Sinong hindi mapapasama kung kapalit ay pasasabugin niyo ang condo ko? May ideya ka ba kung magkano bili ko do'n?" He let out a heavy breath and shook his head slowly like I was the biggest headache in his life. "Look, Miss Diaz. Will you please tone down your voice? Nakakaistorbo ka na sa mga empleyado dito. Tingin ka sa paligid." Napatingin naman ako sa paligid. We were on the operations floor where rows of cubicles stretched across the room. Nakatingin na sa akin ang mga empleyado at mukhang naistorbo ko nga sila katulad ng sinabi niya. Sa halip na tamaan ako ng hiya ay tinaasan ko lang sila ng kilay, at ibinalik ang tingin sa kasama kong lalaki. "Anong pake ko sa kanila? Eh, sa dinala-dala niyo ako rito, tapos ngayon, aayawan niyo bunganga ko? Nasa'n na ba boss mo?" Muli siyang napabuga ng hangin, tila nauubusan na ng pasensya sa akin. Wala naman akong pakialam. Totoong wala akong pakialam sa lahat ng nandito. Mula sa gusali, sa mga empleyado dito, at maging ang boss nila. Ang sa’kin lang, tutal nandito na rin ako, mas mabuti nang makaganti ako sa buwisit na Rev na ’yon sa ginawa niya sa’kin noon. Kung hindi ko man siya matupi sa walo ngayon, kahit isang sapak lang, okay na sa’kin ’yon. “Just follow my lead. We’re heading to his office,” sagot sa'kin ni Mr. Coat-and-Tie. Nauna na siyang naglakad. Saglit akong nagpaiwan para lingunin ulit ang mga empleyadong nakatingin pa rin sa akin. Natameme ang ilan nang pataray ko silang taasan na naman ng kilay bago ko sila tinalikuran. Pumasok kami sa elevator. Hindi na ako nagulat nang sa 30th floor ang pinindot niya. Sa taas ba naman ng gusali, marahil doon nga ang lungga ng walang bayag. Paglabas namin sa elevator, sinalubong kami ng mabango at mamahaling ambiance ng palapag. Doon ko lang din napansin na naka-pajama lang pala ako nang makita ko ang sarili ko sa repleksyon ng glass wall na nadaanan namin. Pero ayos lang. I didn’t care. Even in sleepwear, my beauty was unstoppable. Binilisan ko ulit ang lakad nang mapag-iwanan na naman ako ni Mr. Coat-and-Tie. Para masigurong makasabay na ako sa kaniya, inangkla ko ulit ang braso ko sa kaniya. Medyo natigilan siya sa ginawa ko, pero hindi naman siya nagreklamo. Habang naglalakad kami sa hallway, naagaw ng atensyon ko ang naka-bold na pangalan ng kumpanya na nakadikit sa pader. Kurozawa Corp. Mayroon din niyon sa labas ng gusali. Lagi ko pa nga iyong binabasa sa utak tuwing napapadaan ako roon kapag pumapasok ako sa trabaho noon. Sinong mag-aakala na ang walang bayag pala na iyon ang boss dito? If I had known earlier, maybe I would’ve planned to burn this place down long ago. "Hanggang dito lang ako, Miss Diaz. Dumiretso ka na lang ng pasok sa loob," sabi ni Mr. Coat-and-Tie nang huminto kami sa harap ng pinakamalaking itim na double doors sa dulo ng hallway. Ito na ata ang opisina ng walang bayag. "Siguraduhin mo lang na may uuwian pa akong condo mamaya, kundi—" Hindi pa man ako tapos magbanta ay tinalikuran na niya ako. Bastos talagang lalaki! "Pangit!" pikon kong sigaw sa kaniya, kahit guwapo naman talaga siya. Whatever. Hindi na siya lumingon kaya wala akong pagpipilian kundi sundin ang sinabi niyang pumasok sa pintuang nasa harap ko. Pero imbes na dahan-dahanin ko ang pagbukas, sinipa ko ito gamit ang buong lakas ko. To my surprise, it swung wide open without breaking. Mabilis akong nagmartsa papasok, handang makaharap ang walang bayag, pero natigilan ako nang makita kong walang tao sa loob. The room was empty. No Rev in sight. Nilibot ko ang tingin ko, pilit pinapaniwala ang sarili na nandito siya, pero bukod sa furniture at ilang mamahaling palamuti, wala talaga akong nakitang tao. Baka naman namali si Mr. Coat-and-Tie? Hindi kaya ibang opisina ito at hindi kay walang bayag? I marched toward the massive glass desk at the center of the room and glanced at the nameplate displayed on top. Tama naman. Nakaukit doon ang buong pangalan ng lalaki. Naningkit ang mga mata ko nang basahin ko nang maigi ang nakasulat sa ilalim. So he’s really the CEO here, huh? Unbelievable. Akala ko, simpleng boss lang siya rito. Pero kung iisipin, sa kaniya nga nakapangalan ang kumpanya. Pero teka... hindi ako nandito para mamangha sa kung anong mayroon siya ngayon. Siya pa rin ang lalaking walang bayag. I came here to make him pay. Nasaan na ba siya? As if on cue, the sound of a door opening from the left corner of the room snapped my attention. A door I hadn’t even noticed earlier. There he is. Kaya pala hindi ko siya makita-kita. Nag-CR pa ata, a****a. Napangisi ako nang bahagya siyang natigilan pagkakita sa akin. Tumuwid ako ng tayo, humalukipkip, at tinaas ang isang kilay para ipaalam sa kaniya na handang-handa na akong makipagsapakan. “So, you’re here,” he said, standing tall in the doorway like he owned the entire world. Hindi ako nagsalita. Hinihintay ko lang na humakbang siya palapit sa lamesa niya para malaya ko siyang mabugbog. Ngayon na kaharap ko na siya, masasabi kong walang pinagbago sa panlabas niyang anyo. Mukha pa rin siyang mabait. Tipong madaling utuin. Looks really can be deceiving. Imbes na siya ang mauto noon, ako pa ang naisahan. He was my first. And yet, the audacity of him to ghost me like I was some cheap one-night mistake. Ang kapal, kapal talaga ng mukha niya! How could he live like this, drenched in gold and power, while I was disowned by my family because of what happened?Kabanata 20: Naked"Nagawa ko ngang magpakatanga sa walang kuwentang babae, sa’yo pa kaya?"This man really had no shame.He bent down on one knee and, without hesitation, lifted one of my feet."A-anong ginagawa mo?!" gulantang kong bulalas."I’ll kiss your feet?" sandali niyang inangat sa akin ang tingin bago ibalik sa mga paa ko ang focus niya. "Damn. You didn’t even bother to wear your slippers."Mabilis kong nilayo sa kaniya ang mga paa ko. Pahalik na sana siya doon kaya muntik na siyang masubsob sa lupa."Baliw ka ba?!" sigaw ko na.Oo, sinabi kong lumuhod siya’t halikan ng salitan ang mga paa ko, pero hindi ko naman alam na kaya pala niyang gawin iyon. My God! Nakaka-stress talaga siyang tao!Tinawanan niya lang ako habang nakaluhod pa rin ang isang binti niya. May pailing-iling pa siya na akala mo ay nakakatuwa ang sitwasyon niya."You told me to kneel and kiss your feet. I’m doing it since you asked for it."Napahilamos ako sa mukha dahil sa kawalan ng pag-asa."Tumayo ka d’y
Kabanata 19: KneelI looked at him boredly. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang patulan ang sinabi niyang ’to, pero sige.“Bakit one month?”Napalunok siya. Nilapag niya sa mismong gilid niya ang inagaw sa akin na maleta bago ako muling tiningnan. Tinaasan ko siya ng kilay.“Just one month. You don’t have to ask for my reason.”That’s it.“Okay,” I said flatly, shrugging.Biglang nagliwanag ang mukha niya pero agad din nawala nang nagpatuloy na ako sa paglalakad.“Atasha…”Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero tuloy lang ako sa paglalakad. Nasa hambaan na ako ng front door ng bahay nang pigilan niya ako sa may siko.“Tumigil ka nga, Rev!” bigla kong sigaw na ikinagulat niya. “Kung wala kang magawa sa buhay, huwag mo na akong idamay! Ang ayos-ayos ng buhay ko, tapos guguluhin mo lang? Tapos ano? Para gawin lang kabet?”“I’ll marry you. We’ll just have to wait for Veronica to call off the wedding.”Napatitig ako sa kaniya na para bang siya na ang pinakabaliw sa balat ng lupa.
Kabanata 18: One monthAlam ko namang nakakatawa talaga ang posisyon ko ngayon.Nakayakap sa malaking puno na parang ewan, gulo-gulo na ang buhok, at higit sa lahat, gulat na nakatingin pa rin sa lalaking hindi na matapos-tapos ang paghalakhak.Oo, nakakatawa naman talaga, pero ang kapal naman ng mukha niya para pagtawanan ako?! Hindi ba niya alam na kaya ako nalagay sa katangahang ’to ay dahil sa kaniya?“Tigilan mo ’yan, nademonyo ka!” asik ko nang muli na naman niya akong pinicturan.Sinubukan kong iduro ang gawi niya pero dahil sa flash ng camera niya ay napapikit ako.“You’re planning to escape, aren’t you?”At may gana pa talagang mang-alaska, huh.“Oo!” pasigaw kong sagot. “Makababa lang ako dito, lalayasan talaga kita, punyeta ka! Ang pangit-pangit mo!”Natigil siya sa pagtawa at biglang sumeryoso ang mukha.“Go ahead,” he said in a low voice. “I’ll show these pictures to the authorities when I report you missing.”At muli na naman siyang nagsimulang humalakhak. Sa inis ko ay
Kabanata 17: FlashDinig na dinig pa rin ang mga sigaw ni Veronica sa labas. Padoble na rin nang padoble ang kaba ko.Luminga-linga ako sa paligid, sinusubukang maghanap ng puwedeng madaanan palabas. Seryoso, kailangan ko na talagang makalabas dito bago pa niya maisipang umakyat.Ngayon ko talaga napagtanto kung anong problema ang pinasok kong ’to.Ginawa akong kabet ng lalaking may fiancée! Putcha, kabet!Napilitan man ako, pero ang kinalabasan pa rin ay kabet ako!That girl might sue me or do any horrible thing if she wants. Siya ang legal, kaya may karapatan siya.Mas lalong lumakas ang sigaw niya. Literal na namilog ang mga mata ko nang palakas na nang palakas ito.Huwag niyang sabihing paakyat na siya rito?!“Get out of my way!”Tumigil ang puso ko nang marinig kong sobrang lapit na nga ng boses niya.“This is trespassing, Veronica! Leave now before I call my security!” Rev’s voice echoed.Tingin ko’y nagpupumilit si Veronica na pumunta dito, tapos todo pigil naman itong si Rev.
Kabanata 16: VeronicaSa huli, ako lang din pala ang nainis. Bumagsak ang mukha ko at inikutan ko na lang siya ng mata.Tsk. Akala ko naman type na talaga niya ako. Bakit ko nga ba nakalimutan ang tunay niyang rason kung bakit niya ako h-in-ire bilang mistress?Malamang ginawa lang akong wallpaper para pagselosin si Veronica. At kapag magselos, baka siya na ang umatras sa kasal nila. Eh 'di sasakses ang walang bayag! Iyon lang 'yon."Nakapag-dinner ka na?" Rev suddenly asked.Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko siya at gumapang na sa kama. Pero agad na naman akong napabalik sa harap niya nang maalala ko ang tunay kong sadya sa cellphone niya."Give me your phone," I said, holding out my hand again.He stared at it for a moment, but just like earlier, he eventually handed it to me."If you're going to put your picture again—""Hindi na. Kukunin ko lang number ni Renzo."Hindi ko inangat sa kaniya ang tingin ko, pero ramdam ko ang pag-alinsunod ng mata niya sa bawat pindot ko sa cellp
Kabanata 15: PictureKung ganito palang ako ang gagawin niyang wallpaper, sana sinabi na lang niya sa akin. Hindi 'yong cropped picture ko pa noong college ang ilalagay niya. Saan niya ba 'to nakuha?I unlocked his phone and went straight to the camera. Mabuti na lang, walang password.Tiningnan ko muna ang itsura ko sa camera, handa nang kunan ng litrato ang sarili. Pero nang makita kong medyo namamaga pa rin ang mga mata ko, naghanap ako ng concealer sa binili rin niyang makeup kit.Kailangan sobrang ganda ko sa picture. Tiwala naman ako sa itsura ko ngayon, pero para mas maging perfect pa lalo ang kuha, naglagay na rin ako ng kaunting makeup sa mukha.I even curled my hair and changed my pajamas into something nicer. Nang nakontento na ako sa kabuuan ko, ipinatong ko na ang cellphone kung saan maganda ang anggulong makukuha.Sanay akong mag-pose sa camera dahil may mga local brand akong na-endorse dati pa, kaya naman ang gagawin kong ito ay wala lang sa akin.Tumayo na ako at nag-p