Share

Chapter 4

"Thank you again for treating us to this wonderful dinner," nakangiting pagpapasalamat ng ina ni Javion.

Lumapit ito sa'kin at niyakap ako dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. Minsan nakakapagtaka kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga tao eh.

"Javion is quite hard to handle, Serene. Sana pagtyagaan mo siya," she whispered as she took a step back and smiled at me.

I don't know if that is helpful. Dumoble 'yong kabang nararamdaman ko. Kapag ba umatras ako sa kasal na 'to, ibang babae ang ikakasal kay Javion? Hindi ko naman yata kayang makita 'yon.

Isang tango at isang pilit na ngiti ang isinukli ko. Nagpaalam na sila Father at Mama sa magulang ni Javion at umalis na ang mga ito at saka iniwan na ang anak nila rito dahil may dala naman daw itong sariling sasakyan at kailangan niya daw bumalik agad sa ospital.

"Anak, ingat kayo sa pag-uwi. Si Javion na ang mag-uuwi sa 'yo sa condominium mo."

Kunot-noong binalingan ko ng tingin si Mama dahil sa tinuran niya. "Ha? Bakit niya ako iuuwi doon? Pupunta raw ng ospital si Javion, 'di ba?"

Si Father ang sumagot. "Just let him be, sweetie. It's him who insisted."

Dahan-dahan kong binalingan ng tingin si Javion na malamig at inip na inip ang matang nakatitig sa'kin. He raised his left eyebrow to me and that made my hands clasped together at humarap ulit ako sa magulang ko.

"Mama, kayo na lang mag-uwi sa'kin. Please," bulong ko para hindi marinig ni Javion.

Tumawa ng mahina si Mama at marahang hinaplos ang pisngi ko. "Serene, masasanay ka rin. Mabait naman iyang si Javion."

"Duda ako d'yan at saka sa susunod na lang ako sasama sa kaniya," pamimilit ko pa kahit alam kong hindi naman ako mananalo. Well, there's nothing wrong with trying.

Tumkhim si Father kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ojciec, please?"

He lightly shook his head. "Go now. You still have duty tomorrow, right?"

I pouted and slowly nodded my head. "Ingat kayo sa pag-uwi."

Father lightly pats my head. "You too, sweetie."

Nakipagbeso-beso naman si Mama sa'kin at tuluyan na nga silang umalis ng restaurant. Huminga ako ng malalim bago humarap sa lamesa kung saan naka-upo si Javion.

Iminuwestra niya ang kamay sa kaharap niyang upuan. "Take a seat."

"Akala ko ba kailangan ka sa ospital mo?" tanong ko habang naglalakad ako palapit sa lamesa at saka umupo sa upuang tinuro ni Javion.

He picked up the glass with negroni and took a sip before answering me. "It's a lie. Hindi naman ako umaalis ng ospital ng hindi ko natatapos 'yong mga kailangan ko gawin sa araw na 'yon."

I frowned. "Bakit hindi ka pa umuwi? For sure pagod ka rin naman. Why did you insist on sending me home?"

Humalukipkip ito. "Do I need to have reason?"

"Oo pero kapag nagpapakitang tao ka lang naman, pwede na ba akong umuwi ngayon?" iritableng tanong ko.

Gustong-gusto ko na talaga humiga at magpahinga dahil ilang oras na lang kailangan ko na naman bumangon para mag-aral tapos may duty pa ako ng hapon.

"Go ahead. You can leave."

Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Javion na inisang lagok ang alak na iniinom niya. I shook my head and stood up at nagmamartsang umalis ng restaurant.

"Darn that man. Ang sarap ilublob ng gwapo niyang mukha sa kumukulong tubig. Buti na lang idol ko siya kasi kung hindi nasapak ko na bibig niya," naiinis na sambit ko habang pumapara ng taxi.

Napasinghap ako ng may pumaradang pulang cadillac celestiq sa harapan ko kapagkuwan ay napatanga ako rito.

"Damn... ang gwapo," namamanghang wika ko.

Bumaba ang bintana ng sasakyan kaya naman medyo yumuko ako para silipin ang na sa loob non. I gasped as I saw a familiar face.

"Kazimir?"

"Hello there, honey," nakangiting bati nito.

"No way."

He chuckled. "Wait me there. Magpa-park lang ako."

Tumango lang ako bilang sagot. Kazimir Zanders is my childhood best friend na mas matanda sa'kin ng isang taon at pumunta ito ng ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pagaaral niya ng college. It's been five years since we last saw each other kaya naman gulat na gulat talaga ako na nandito na siya ngayon.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ito. He changed a lot, gwapo na siya noon pero mas gwapo at manly ang dating niya ngayon.

"Nalunod ka na naman sa kagwapuhan ko."

Kusang tumaas ang isa kong kilay at saka natawa. "Grabe, mahangin ka pa rin."

Natatawang niyakap niya ako. "I was planning on surprising you tomorrow. I'm not expecting that I will see you here; nonetheless, I missed you."

Niyakap ko siya pabalik. "Namiss din kita syempre." Humiwalay na ako sa yakap. "Bakit ka pala nandito?"

Napatingin siya sa entrance ng restaurant. "I need to meet someone here. Interesado daw siyang maging parte ng kumpanya ko sabi ng pinsan ko."

"Talaga? Tara baka hinihintay ka na," pag-aya ko sa kaniya.

Tumango siya at saka kami sabay na pumasok sa loob ng restaurant. Unti-unting lumalakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa isang pamilyar na bulto ng lalaki.

"Mr. Axfor?" sambit ni Kazimir sa apelyido ng binata.

Pumihit ito paharap sa amin ni Kazimir. I froze when he looked at me or more like a glare.

"Kazimir Zanders? Ethan's cousin, am I right?" aniya Javion at saka binalingan ng tingin si Kazimir.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya pinansin ang presensya ko.

Tumango si Kazimir. "Yep, Javion Axfor, Kuya Ethan's friend?"

"Yeah, I didn't know that you're with someone. Nakapag-order pa sana ako ng isa pang coffee," aniya Javion at saka iminuwestra ang kamay sa mga upuan. "By the way, have a seat."

Kazimir smiled at saka ako iginaya paupo sa mga upuan na tinuro ni Javion. Napaangat agad ako ng tingin nang makaupo na ako ng maayos dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa'kin pero pakiramdam ko lang pala 'yon.

"I already have the papers. Pirma mo na lang ang kulang." Inilabas ni Kazimir ang isang folder mula sa briefcase na dala niya at saka inabot iyon kay Javion.

Javion opened and scanned the papers kapagkuwan ay nagtanong ito ng hindi inaalis ang tingin sa papel. "Are you two in a relationship?"

Nasamid ako sa sarili kong laway at napa-ubo. 'Damn, bakit naman ganon.'

Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Kazimir sa likod ko. "Serene, ayos ka lang ba? Nasamid ka ba?"

"She probably didn't expect me to ask you that type of question," komento ni Javion. Tumingin siya kay Kazimir at ibinuka ang kanang kamay niya. "Do you have a pen with you?"

Mabilis na inabot sa'kin ni Kazimir ang isang basong tubig bago niya abutan ng ballpen si Javion. Dahan-dahan akong uminom habang pasimpleng nakatitig kay Javion na abala sa pagprima ng mga papel.

"My salary would be dollars right?" Javion asked at saka ibinalik ang folder at ballpen kay Kazimir. "Nabasa ko kasi d'yan na dollars."

"Yes, that wouldn't be a problem, tama ba?"

Tumango si Javion at saka tumayo at namulsa. "Thanks for letting me work for your company, and do pay me well. It's nice meeting you, by the way."

Tumayo si Kazimir at nakipagkamay kay Javion. Tumayo na rin ako at inayos ang nagusot kong damit at sakto namang pag-angat ko ng tingin ay nakatingin sa'kin si Javion. Tumaas ang sulok ng labi niya at saka umiling.

"Call me if you need my service. One week before the actual photoshoot," aniya Javion at tumalikod.

"One week before the actual shoot? Hindi ba sobrang advance naman non?" nagtatakang tanong ko.

Javion shrugged his shoulders. "I'm a busy man."

Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay naglakad na siya paalis. 'That man.'

"Where shall we go? May three hours pa bago mag alas-dose, honey."

I looked at Kazimir and smiled. "Anywhere, as long as we can catch up."

Kazimir smiled and wrapped his arm around my shoulders. "I know a place. Let's go."

************

Napabalikwas ako ng higa mula sa kama nang mag-ingay ang cellphone ko. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na inabot ko iyon mula sa vanity ko at saka sinagot ang tawag ng hindi tinitignan kung sino ito.

"Hello—"

"Where are you? Do you know what fucking time is it already, Zabawa?"

Inilayo ko ang cellphone sa tainga ka para tignan kung sino ang tumawag. Kumunot ang noo ko dahil unregistered number ito kaya ibinalik ko iyon sa tainga ko.

"Sino 'to?" humihikab na tanong ko.

I heard the man from the other line sighed. "Javion."

Parang nagising ang diwa ko at agad na tumuon ang mga mata ko sa orasan na nakasabit mula sa pader ng kuwarto ko.

"Shit. Wait nandyan ka na ba sa baba?" tanong ko habang umaalis mula sa higaan at kumuha agad ako ng isang kung anong dress mula sa aparador ko.

"One hour. I've been waiting for an hour already. Mind telling me the fucking passcode of your door so that I can get in and cook myself a breakfast? I skipped my damn breakfast to pick you up," iritableng aniya Javion mula sa kabilang linya.

"It's 0-4-2-8," sagot ko at saka binaba ang tawag at pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na rin ako maligo at nakapagayos na rin ako kaya naman lumabas na ako ng kuwarto ko. Bumungad sa'kin si Javion na kumakain ng toast. Bumaba ang mga tingin ko sa isang plato na may lamang toasted bread at may isang baso ng kape sa tabi nito.

Umupo ako at saka kunot-noong tumingin kay Javion. "Kanino 'yan?" I asked.

"Alay ko sa multong nagbabantay rito sa condominium mo—meron ba? Kapag wala, kainin mo na," sagot niya ng hindi tumitingin sa'kin.

Napa-irap na lang ako sa hangin at nagsimula ng kumain. Napatigil ako ng matikman ko 'yong toasted bread at hindi makapaniwalang napatitig kay Javion.

"Wow. Anong brand ng tinapay 'to?" I asked as I took another bite. "Ang sarap."

"You don't have real food here," he commented as he took a sip from the cup.

Nagkibit-balikat ako. "Bakit pa ako magtatambak? Hindi naman ako marunong magluto."

He looked at me. "What? Really?"

Tumaas ang isa kong kilay. "Oo, bakit? Porket babae ako kailangan marunong na ako magluto? What if I tried but cooking is really not my thing? Kailangan ipilit ko pa rin?"

"I didn't say anything like that." He wiped his lips with his handkerchief. "Nevertheless, you can still think that as the meaning of my reaction."

"Umalis na tayo, baka masapak ko bibig mo."

Hindi na siya umimik ulit at umalis na kami ng condominium ko. The whole ride has been silent. Wala rin naman ako sa mood makipag-usap dahil paniguradong kung hindi ako maiinis, ay mababara lang ako ni Javion. Lintek na 'tong idol ko na 'to eh, kung hindi lang talaga kita mahal at inspirasyon, basag na bibig mo ngayon.

"Boyfriend mo ba si Kazimir?"

Napatingin ako kay Javion. "Ha?"

He glanced at me. "Is Kazimir your boyfriend?"

Humalukipkip ako at ngumisi. "What if oo ang sagot ko sa tanong mo?"

He glanced at me again. "You should break up with him."

"At bakit naman?"

"We're getting married, Zabawa. Ayoko magkaroon ng bad issue with you, kaya as long as you can keep your name clear, do it without any hesitation." He rolled his eyes. "I don't like sacrificing the reputation of my name for someone who doesn't deserve it."

Parang may tumusok na maraming karayom sa puso ko dahil sa tinuran niya at kapag ako ay nasasaktan, paniguradong buong araw na magkasama kami ay hindi ko na siya masyadong kikibuin hanggang sa mawala 'yong sakit na naramdaman ko. So I am not worth the risk, of course. Sino ba naman ako, 'di ba? I'm just a mere student and a normal person whose name and existence have never been known by anyone.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status