Allysa Chloe Hernandez
KinabukasanSaturday ngayon at maaga akong nagising dahil kailangan kong pumunta ng school, 6:00-10:00 am ang community service ko. Ayaw ko sanang gawin 'to dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan pero pumayag na si Mommy and I can't say no to her. Ayaw ko din naman siyang ipahiya kay dean kahapon at lalo lang akong mapapagalitan. Alam ko na medyo matigas ang ulo ko pero inilulugar ko naman iyon at dinedepende sa sitwasyong kinalalagyan ko.Inayos ko ang bag na aking dadalhin. Nagdala ako ng extrang t-shirt, towel at jogging pants. Nagbitbit din ako ng tumbler na may cold water at sandwich habang palabas ng bahay. Nang makita ko si Manong Jose ay nagpahatid ako papunta sa school.Nang makarating ako sa school ay wala pang masyadong tao maliban sa security guard na nakabantay sa gate ng aming university.Bago pumasok ay nagtanong ako sa security guard."Kuya ako lang ba ang naka schedule na mag cocommunity service ngayong araw?""Sa mga regular students, oo ikaw lang pero madaming scholars at volunteers ang naglilinis ngayon. Sino ba ang class instructor mo?"Tanong nito sa akin."Si ma'am Joy po.""Ah ikaw pala yung sinasabi niya. Oh eto pinabibigay niya."Sabay abot sa akin ng mga plastic bags na hindi ko alam kung ano ang laman."Salamat po."Nang makuha ko ang mga plastic bags ay puro gardening tools ang laman nito. Akala ko pa naman ay magwawalis lang ng garden pero bakit may paganito pa. Hindi pa naman ako sana'y sa ganitong gawain. Haysst mukhang mapapasubok ako nito.Nang makarating ako sa assigned garden na nakasulat sa aking time card ay nagsimula na akong gawin ang mga dapat kong gawin. Ang una kong ginawa ay ang pagbubunot ng maliliit na damo sa gardren. Inabot ako ng mahigit isang oras dahil malaki laki din ang garden na naka assigned sa akin. Pagkatapos kong magbunot ng damo ay nagwalis naman ako ng mga tuyong dahon sa paligid. At ang pinakahuli kong ginawa ay ang pagdidilig ng mga halaman. Habang hawak ko ang hose na ginagamit sa pagdidilig ng halaman ay nakaramdam ako ng hilo siguro ay dahil sa init ng panahon idagdag mo pa na medyo masakit talaga ang ulo ko kanina pang umaga pagkagising 'ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse ng may mga kamay na umalalay sa akin."Miss are you okey?"Nag-aalalang tanong ng lalaking kanina lang ay nakikita kong naglilinis sa kabilang garden."Medyo nahihilo lang ako. Salamat."Sagot ko naman sa kanya dahil pakiramdam ko talaga ay matutumba na ako."Samahan kita sa clinic. Namumutla ka na oh."Dagdag pa niya."Yes pleasee."Pakiusap ko sa kanya. Dahil wala na rin namang akong choice dahil pakiramdam ko ay matutumba na talaga ako.Pagkatapos ay inalalayan niya ako papunta sa clinic. Hindi pa kami nakararating sa clinic ay bumigay na ang talukap ng aking mata. At ang mga sunod na nangyari ay hindi ko na maalala.Nagising na lang ako habang nakahiga sa hospital bed sa clinic ng aming school. Nakabantay ang lalaking tumulong sa akin kanina. Nang mapansin niyang gising na ako ay lumapit siya sa akin pagkatapos ay lumabas ito saglit at pagbalik ay may kasamang nurse. Matapos akong iexamine ng nurse ay sinabi nitong ayos na ako at pwede ng makauwi mamayang alas dose.Kailangan ko lang daw pahinga.Nang makaalis na ang nurse ay lumapit siya at kinausap ako habang nakaupo sa upuan na nasa gilid ng aking kama."Kamusta na ang pakiramdam mo? Yung mga gamit mo dinala ko na din dito kanina. Ayun oh"Sabay turo niya sa bag na nasa upuan."Ayos na ako. Salamat nga pala."Nakangiting sagot."I'm Kent Liam by the way."Sabay lahad ng kanyang kamay."Allysa Chloe Hernandez."Nakangiting sagot ko sa kanya sabay abot sa kanyang kamay. Grabe ang soft ng hands niya.Maya-maya pa ay nagulat ako ng bumukas ang kurtina na tumatakip sa aking kwarto at pumasok si ate Helen."Nako ano bang nangyari sayong bata ka?"Nag-aalalang tanong nito habang lumalapit sa akin."Nawalan lang po ako ng malay kanina pero ayos na po ako ate Helen. Huwag na po kayong mag-alala."Sagot ko sa kanya."Bakit ba kasi nag community service ka pa eh hindi ka naman sana'y sa mga ganoong gawain? Pinag-alala mo ang Mommy at Daddy. Alam mo pinauna lang nila ako dito pero susunod na daw agad sila.""Kailangan po eh at isa pa. Mom agree to that kaya wala po akong ibang choice kundi ang gawin yun.""Nako ganoon ba. Teka sino 'tong kasama mo hija?"Sabay turo sa lalaking nakaupo sa gilid ng aking kama."Si Kent Liam po ate Helen siya po yung tumulong sa akin kanina.""Ah ganoon ba. Salamat hijo ha. Mabuti na lang talaga at tinulungan mo itong alaga ko. Salamat ha."Sabay lapit nito kay Liam at niyakap ito."Wala pong anuman."Magalang na sagot nito kay Ate Helen.Maya-maya ay nagpaalam na si Kent Liam dahil may gawain pa daw siyang kailangang tapusin. Nagpasalamat ulit si ate Helen sa kaniya at hinatid pa sa labas ng clinic.Nang maiwan kami sa loob ay nakangiti siyang sumulyap sa akin."Why are you smiling ate Helen?"Nagtatakang tanong ko dito habang nakaupo sa kama."Eh kasi naman Allysa ang cute ng savior mo ha tsaka ang galang na bata pa. Bagay kayo."Nang-aasar na sambit nito sa akin habang nakangiti."Ate Helen."Saway ko kanya.Pero infairness ang cute talaga ni Kent Liam kanina nga ay hindi ko mawala ang tingin sa kanya. Buti na lang at hindi niya 'ko nahahalata na tinitingnan ko siya.Those beady eyes framed with thick lashes are really cute for me. Kahit na nakasalamin ay kitang kita ko kung gaano kaganda ang kanyang mga mata. Na parang bang nagsasabing tingnan ko siya.Ipinaabot ko ang aking bag kay ate Helen at kinuha ang aking cellphone. Curious talaga ako sa kanya. I tried to search him on f******k pero walang lumalabas.Nagtry din ako sa i*******m and luckily I found his account. Kaso naka private naman. Tinap ko ang follow button to send a follow request, well I want to be friends with him. Ang cute ng i*******m icon niya. Graduation photo niya si*uro yun when he was a child. After 3 minutes inaccept na niya at finollow back niya ako. Napangiti naman ako. Dito pala siya active sa i*. Brinowse ko ang mga photos niya iilan lang ang pictures na nakapost sa account niya. Sa lahat ng pictures niya ang kanyang mata talaga ang nakakaagaw ng pansin. He's eyes are really expressive.Allysa Chloe HernandezNang makauwi sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto upang magbihis. Lunes ngayon at maraming school works na kailangang tapusin kaya't naisipan ko munang magmeryenda sa baba bago magstart sa aking mga gawain. Kumain lang ako ng cookies at uminom ng pineapple juice. Pagkatapos ay muli akong umakyat sa kwarto. Nagsimula na akong gumawa ng school works. Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko. Last day feeling ko nagugustuhan ko na si Dave Arkiel, and the next day si Kent Liam. Siguro ay dahil sa mga actions na pinapakita nila sa akin. Mabilis pa namang akong ma-attached sa isang tao. Yun pa naman ang bagay na pinaka ayaw ko sa sarili ko. Habang nagtatakedown ako ng notes ay tumawag si Kenny. Ano na naman kaya ang dalang chismis ng kaibigan kong ito. "Uy girl, may problema tayo."Sambit nito sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag niya."Ano namang problema yan?"Tanong ko naman sa kanya. Baka kasi mamaya nampaprank lang pala ito. "Eh kasi naman next we
Allysa Chloe HernandezMabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang lunes- ang araw na aking pinakahihintay. Dahil bukod sa makukuha ko na ang book kay Kent Liam ay makikita ko pa siya. Papasok pa lang ako sa university ay para akong teenager na excited nang makita ang crush niya. Sabi kasi ni Liam lunch time daw ako pumunta sa Engineering Building dahil sure siya na hindi siya aalis during lunch time. Chinat na rin niya 'ko sa ig kung anong floor at room number, ang tanging gagawin ko na lang talaga ay pumunta roon. Isasama ko nga pala si Bea, para hindi masyadong nakakahiya. Pagdating sa university ay dumirestso agad ako sa Business Ad. building. Habang nagkaklase ang prof. namin sa Salesmanship ay inip na inip ako. Gusto ko ng bumilis ang oras para makapunta na lang agad ako sa aking crush. I can't wait to see him. After class, lunch time na dali dali kong hinila si Bea palabas ng room. Nagpaiwan na si Kenny dahil gusto na daw niya dumiretso sa cafeteria. Siguro ay nagugu
Allysa Chloe HernandezNang makarating ako sa park ay nagpunta ako sa paborito kong pwesto at doon naupo sa upuang naroon.Nagbabakasakaling makita ko ulit si Kent Liam, tulad noong nakaraang araw. Hindi ko alam pero kumportable akong kasama siya, hindi ako nahihiya, naiinis o kaya ay kinakabahan. Hindi tulad kapag si Dave Arkiel ang kasama ko. Habang nakaupo ako at nagbabasa ng librong binili ko sa bookstore kanina ay napansin kong dumaan yung lalaking binilhan namin ni Kent Liam ng ice cream noong nakaraan. Tumigil ito sa may gilid dahil may mag-inang nais bumili kaya naman lumapit din ako. "Kuya isang tig 20 pesos nga pong ice cream sa cup, yung cheese lang po ah."Sambit 'ko sa magtitinda ng ice icream.Nang iabot niya ang ice cream sa akin ay napangiti siya. Pagkatapos ay nagsalita. Siguro ay natatandaan niya ako. "Diba ikaw yung kasama ni Kent Liam noong nakaraan tama ba? Ako nga pala si Mang Bert.""Ah opo, ako nga po."Nakangiting sambit ko dahil mukhang mabait at approacha
Allysa Chloe HernandezDumiretso ako sa shower ng makaakyat ako sa aking kwarto. Ano bang iniisip nila? Na totoong inlove kami sa isa't isa. Hayss. Nakakainis, ano ba 'tong gulong pinasok ko. Kung hindi lang talaga magagalit si Daddy, hinding-hindi 'ko gagawin 'to. Pagkatapos 'kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba. Naabutan kong nakaupo sa couch si Dave Arkiel hawak pa rin ang red envelope na binigay ng parents niya. "Saan ka pupunta?"Tanong nito sa akin ng mapansin niyang bumaba ako. "Sa bookstore lang."Tipid kong sagot sa kanya. "Samahan na kita. Saglit lang magbibihis lang ako."Pagkatapos ay dali dali siyang umakyat pataas. Hindi man lang niya hinintay na sumagot ako kung papayag ba akong samahan niya. May pagkapaladesisyon pala ang lalaking 'to. Maya maya pa ay bumaba na rin siya. Naka sout ito ng khaki shorts, black shirt at white sneakers. Infairness bagay sa kanya ang sout niya. "So let's go?"Tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at sabay kaming luma
Allysa Chloe Hernandez"What do you think your doing?"Gulat kong sambit kay Dave Arkiel ng makita kong inaayos niya ang kama kung saan ako matutulog. Nagulat din siya ng makita ako at biglang tumalikod sa akin. My ghad I forgot naka bathrobe nga lang pala ako ng lumabas sa bathroom. Mabilis akong pumasok sa bathroom at malakas na isinara ang pinto. Nakakahiya, bakit ba kasi siya nandito. Lumabas ako ng may sout ng damit pang bahay. Ipinusod ko ang buhok dahil mamaya na 'ko magboblower ng buhok ko."Ano bang ginagawa mo dito?"Naiinis kong tanong sa kanya."Ano pa eh di matutulog."Sagot naman niya sa akin habang nakaupo sa couch sa loob ng kwarto."Dito ka matutulog? Sige ako na lang sa guest room."Sagot ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ko ang aking maleta at nagsimula ng lumabas sa pintuan. "Teka lang, ano bang iniisip mo? Dito tayo parehas matutulog."Paliwanag niya sa akin. Humarap ako sa kanya at nagsalita."Ano pang pinagsasasabi mo? FYI Mr. Enriquez hindi ibig sabihin na
Allysa Chloe HernandezKinabukasanMaaga akong nagising dahil maaga sa bahay ang mga event organizer na kinuha ni Mommy at Daddy. Sila yung sinasabi ni kuya Allen na mga kaibigan niya, 6 am pa lang ay nagkakaingayan na sa baba halatang mas excited pa sila sa akin. Kaya kahit gusto ko pang matulog ay hindi na pwede dahil sigurado akong mapapagalitan ako ni Mommy at Daddy. Ayoko namang simulan ang araw na 'to na puro hindi pagkakaintindihan. Pagkatapos magshower ay nagbihis na ako at bumaba. Dumiresto ako sa dining area at naabutan kong masaya silang nagkukwentuhan, panigurado ako na naman ang topic nila. Well, sino pa nga ba eh ako lang naman daw ang may special na celebration. Hayysst special ba yun eh ngayon pa lang iniisip ko na baka maging bangungot 'to sa buhay. "There she is."Nakangiting sambit ni tita Amelia ng makita ako. By the way she's my favorite tita. Nalungkot nga siya ang malaman ang tungkol sa engagement party ko ngayon dahil kahit siya ay hindi ineexpect na magaga
Allysa Chloe HernandezAfter three months.Mabilis na lumipas ang panahon. Tatlong buwan na agad ang lumipas. Parang kailan lang nakikipagmatigasan talaga ako sa magulang ako para sa magaganap na engagement party pero hindi ko alam na aabot pa rin talaga kami ni Dave Arkiel dito. Marami akong ginawang paraan para lang hindi matuloy ang engagement party pero sa huli ay wala pa rin akong nagawa. Dumating pa nga sa punto na naglayas ako sa sarili naming tahanan huwag lang matuloy ang pinag usapang kasal pero sa huli'y wala pa ding nangyari. Tama nga si Mommy at Daddy hindi ko pa kaya ang sarili ko. Hindi ko kaya na wala sila sa tabi ko. Bukas na magaganap ang engagement party. Maraming bisita ang imbitado lalo na ang mga taong kasosyo ng dalawang pamilya sa negosyo. I know from the start na ang magaganap na engagement party ay para sa convinience ng dalawang pamilya. Nag-usap na kami ni Dave Arkiel tungkol dito. Kailangan lang naming maging mahusay sa pagpapanggap dahil kung hindi ay ma
Allysa Chloe HernandezPagkarating sa bahay ay nadatnan kong nasa sala si Mommy at Daddy. Agad akong lumapit sa kanila at binigyan sila ng tig isang halik sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ng dalawa kong kaibigan. My parents already know my bestfriends dahil simula grade school pa lang ay magkakaibigan na kami hanggang ngayong college na kami. We treat them like our family dahil hindi naman sila iba sa amin. "Where have you been anak. Kanina ka pa namin hinihintay. Tinatawagan din kita kanina kaso hindi ka naman sumasagot."Nag aalalang tanong ni Mommy. "I'm sorry Mom, nasa cafè lang po kami kanina. Nag-uusap po kasi kami about school stuff kaya po siguro hindi ko napansin na tumatawag kayo, diba girls?"Tanong ko sa mga kasama ko na agad naman nilang sinang ayunan. Shit, kailan ko pa natutunang pagsinungalingan si Mommy haysst ngayon lang 'to hindi na talaga mauulit. Kailangan ko lang talagang sabihin yun para maniwala siya. "Yes po tita, hindi pa nga po kami natapos kanina kaya b
Allysa Chloe HernandezSaturday 1pm. Binisita ako ni Kenny at Bea sa bahay. Nakahiga nga ako sa kama ng dumating sila at pumasok sa aking kwarto. Pagkapasok sa loob ay agad ko silang tinanong. Wrong timing naman eh nagsesenti ako dito tapos may biglang kakatok. What's wrong with these people. "Anong ginagawa niyo dito."Bungad ko sa kanila ng maupo sila sa couch na nasa gilid. "Namiss ka namin bakit masama ba?"Sagot naman ni Kenny. Namiss eh parang noong isang araw lang kami magkakasama."Wag niyo nga akong pinagloloko. Bakit nga?"Pangungulit ko sa kanila."Iniinvite kasi kami ni Kyla sa birthday party niya mamaya sa Knitz Restobar magcecelebrate. Pinuntahan ka namin dito para sure na makakasama ka kasi sabi niya isama ka. Sumama ka ha. Marami daw siyang invited na taga ibang department. Nako sis ha. Kailangan maganda tayo mamaya."Excited na kwento ni Kenny. Nako kapag talaga ganitong usapan hindi papahuli ang mga 'to."So what are we going to wear?"Tanong ko sa kanila. Wala din