Mistulang lantang gulay si Divine nang pumasok siya sa sasakyan. Hinubad niya ang pulang sapatos na may mataas na takong bago sumandal at naglabas ng buntonghinga.
"Ano kaya ang problema ng lalaking 'yon ngayong araw?" bulong niya sa sarili habang naalala kung paano siya iniiwasan ng boss niya kanina. Alam niya naman na masungit minsan si Ziancio lalo na kapag stress ito sa trabaho pero mas mainit yata ang ulo nito ngayon. Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali na ikinagalit nito. Sa bawat araw na dumadaan, may napapansin siyang kakaiba sa boss niya na hindi niya naman maintindihan. Today was a very big and busy day for Divine that's why she's feeling really exhausted and loss of energy after her work. Ilang minuto muna siyang nagpahinga sa kotse niya bago nagmaneho pauwi sa kaniyang tahanan. Malayo-layo ang daan na tatahakin dahil malayo rin ang apartment na tinutuluyan niya mula sa kompanya. Sinadya niyang piliin ang lugar na malayo para masigurado na maitatago niya ang sikretong inililihim niya nang walong taon. Dumaan muna siya sa isang restaurant para bumili ng takeout orders bago dumeretso sa aprtment niya. Sabik na sabik na siya makauwi dahil batid niyang naghihintay doon ang makapagbabalik sa kaniya ng lakas at enerhiyang ginugol niya sa trabaho. Habang papalapit nang papalapit ay lumalawak din ang ngiti sa kaniyang labi. Binuksan niya ang pintuan ng apartment niya at parang bulang naglaho ang pagod na kaniyang naramdaman nang marinig ang matinis na boses ng dalawang anghel niya. "Mommy is here!" Mas tumamis ang ngiti niya nang agad siyang sinalubong ng pitong-taong gulang niyang kambal. Lumuhod siya para pantayan ang dalawa at inunat ang dalawang kamay para salubungin ang yakap nila. Tumakbo ang mga ito at mahigpit siyang yinakap. “Mommy! Welcome back!” "Na-miss kayo ni Mommy!" wika niya sa dalawang bata at binigyan sila ng tig-isang halik sa noo. "Na-miss ka rin namin, Mommy!" tugon ng anak niyang lalaki na si Zaurus. Mamula-mula ang mestizo nitong pisnge kaya nahahalata ang saya na nararamdaman nito nang makita ang ina na galing sa trabaho. "Hay naku, Mommy. Sweet lang 'yan ngayon kasi may ginawa nanaman siyang kalokohan. Hindi niya sinusunod si Ate Marie nung sinabi niyang kailangan niya nang tumigil sa paglalaro ng Ipad. Mas inuna niya ang paglalaro kaysa sa paggawa ng assignments niya!" sumbong naman ng kambal nitong si Zianccia Aurora. Nakahalukipkip pa ito at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kapatid. Napatingin si Divine sa babysitter na kinuha niya na si Marie Anne. Dahil palagi siyang abala sa trabaho at kailangan niya ng magbabantay sa mga bata, nag-hire siya ng bente anyos na katulong para alagaan ang mga bata kapag wala siya. Agad na ngumuso ang kambal na lalaki. "All my homework was very easy, Mom. Alam ko naman na matatapos ko rin 'yon agad kaya nag-play muna ako ng games." Nagtaas ang kilay ni Divine dahil sa pagdadahilan nito. Mahina at pabiro niyang kinurot ang ilong ni Zaurus kaya humagikhik ito. "Ikaw ha, masyado kang makulit. Pinapainit ba ni Zaurus ang ulo mo, Marie?" tanong niya sa babysitter kaya tumawa ito. "Naku, 'te. Hindi naman. Mabait naman ang kambal, natural lang na medyo pasaway sila minsan dahil mga bata pa sila." tugon nito kaya tumango-tango si Zaurus bilang pag-sang-ayon. "Tama si Ate Marie. Kaya Aurora, Mommy, huwag na kayo magalit sa akin. Let's eat na lang po ng food na dala mo, Mommy!" Walang nagawa si Divine kundi ang tumawa at pagbigyan ang paglalambing ng anak. Kinuha ni Marie ang pagkaing dala ni Divine at inihanda ito sa lamesa. Nagdasal muna sila para magpasalamat sa biyayang natanggap mula sa Diyos bago masayang nagsalo-salo. Pagkatapos no'n ay nanood muna sila ng paboritong palabas hanggang sa pare-pareho na silang nakaramdam ng antok. Napagdesisyunan nilang tapusin na ang gabi at magpahinga para sa susunod na umaga. Naghinaw muna si Divine at ang kambal bago humiga sa malaking kama ng kuwarto nila. Sa iisang kuwarto natutulog ang tatlo para kahit sa pagtulog ay makapiling ni Divine ang mga anak. Mayroon pang isang mas maliit na kuwarto sa apartment, doon naman natutulog si Marie. "Mommy, kailan ulit bibisita si Tita Z sa atin? Miss na miss na namin siya kasi hindi na rin namin siya na-ca-call." tanong ni Zaurus habang inihahanda ni Divine ang kamang hihigaan nila. Inaayos niya lang ang mga unan para makatulog na sila. Maaga pa kasi siya sa trabaho at may pasok pa ang kambal sa eskwelahan. Si Zion ang tinutukoy nilang 'Tita Z', kasama na nila ito simula nang sila ay ipanganak kaya naman mahal na mahal nila si Zion at palagi nila itong hinihiling na makasama. Zion is part of their family. Tanggap nito ang tunay nitong kasarian kaya sobrang komportable rin ito kapag kasama ang mga bata. Kaya nga lang, hindi pa rin maiiwasan ang madalas na pag-alis nito sa bansa dahil sa trabaho nito bilang piloto. Matagal nang hindi nakakabisita si Zion sa tahanan nila kaya hindi napipigilan ng kambal na ma-miss ang Tita Z nila. Magsasalita sana si Divine para magpaliwanag kay Zaurus pero nauna nang magsalita si Aurora. "Ano ka ba, Zaurus. Nagpaalam naman si Tita Z na matagal pa siya makakabalik dito dahil busy siya sa trabaho. Huwag ka nang makulit. You must understand that Tita Z is always busy, just like Mom, so they can't always spend time with us!" panenermon ni Aurora sa kambal. Natahimik si Divine nang marinig ang sinabi ng kaniyang anak sa kapatid. Bigla siyang nakaramdam ng matinding konsensya dahil madalas siyang nasa trabaho at nakakasama niya lang ang kambal tuwing umuuwi siya o kapag walang pasok. Hindi niya rin ito masyadong napapasyal sa labas dahil sa dami ng kaniyang gawain. Walang taon na ang lumipas simula nang ipinanganak niya ang kambal at tahimik silang namumuhay ngayon. Naging mataas ang posisyon niya sa kompanya kaya mas malaki na rin ang sinasahod niya, dahilan para kaniyang matustusan ang mga pangangailangan ng mga anak. Malaki rin ang suporta ng best friend niyang si Zion sa kanila. Ito ang bumibili ng mga mamahaling damit, gadgets, at mga laruan ng kambal kaya komportableng-komportable sila sa buhay at nakakapag-aral ang mga bata sa isang tanyag na eskwelahan. Nahihiya na nga si Divine kay Zion dahil sobrang laki ng naigagastos nito sa pagtulong sa kaniya at pagbibigay ng pangangailangan sa kambal pero wala lang iyon kay Zion. Pamangkin nito ang kambal at si Divine ang pinakamatalik nitong kaibigan kaya naman malaki rin ang tuwa nito kapag nakapagbibigay sa kanila. At isa pa, sobrang lapit ng puso ni Zion kina Aurora at Zaurus, parang mga anak na rin ang turing nito sa mga bata kaya handa itong ibigay ang lahat para sa mga ito. "Hayaan niyo, mga anak. Kapag nakauwi na si Tita Z niyo, mag-t-take ako ng leave para makapagpasyal tayong apat sa Ocean Park! 'Di ba gusto niyo doon? Mag-sho-shopping din tayo sa mall at manonood sa sinehan." Tila naging mga bituin na nagkikislapan ang mga mata ng kambal dahil sa sinabi niya. "Talaga po, Mommy?" bantad sa tinig ng mga ito ang pagkasabik. Divine chuckled upon seeing their adorable reaction. "Yes, kaya matulog na kayo dahil may pasok pa kayo bukas. Mas mapapadalas ang pamamasyal natin kung pagbubutihin niyo palagi ang pag-aaral niyo, ha. Sigurado akong matutuwa rin si Tita Z at bibilhan niya kayo ng maramjng pasalubong kapag ginawa niyo 'yon." Mas lumawak ang ngiti ng dalawa. Hinalikan nila ang Mommy nila bago humiga sa kama para matulog. Divine stared at the twins who are slowly falling asleep. Nakikita niya ang wangis ni Ziancio sa dalawa. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ang boss na palagi niyang nakikita sa trabaho ay ang ang ama ng mga anak niya. Isang malaking pagbabago ang naidulot ng kambal sa buhay niya. Inaamin niya na natakot at pinagsisihan niya ang nangyari sa kanila ni Ziancio, pero hindi niya kailanman pagsisisihan na itinanggap niya ang bunga nito. Zaurus and Aurora gave her a wonderful meaning in life. Dahil sa mga anak niya, naging masaya ang buhay niya at naranasan niya ang magkaroon ng maligayang pamilya. Lumaki siya nang walang mga magulang na kinikilala pero nagawa niya pa ring maging mabuti at mapagmahal na ina sa mga bata. She could do anything for her children, kahit pa kailangan niyang ilihim ang katotohanan habambuhay, gagawin niya habang isinisiguro ang kasiyahan ng kambal. She has no plan on telling Ziancio the truth. Masaya at kontento na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Ipinatay niya na ang ilaw matapos halikan ang noo ng mga anak niya. She closed her eyes with her hands hugging both of them. ... As usual, Divine woke up very early to prepare for her work. Malamig ang tubig pero hindi 'yon problema sa kaniya dahil nasanay na siya na maligo sa ganoong paraan. She wore black stockings, a black pencil skirt and a white top paired with a black blazer. Pinatuyo niya ang mahabang buhok na kulay tsokolate at kinulot 'yon. The twins are still asleep so she went out of the room without disturbing them. Nagluto siya ng breakfast at nag-plantsa ng mga uniporme nina Aurora at Zaurus. Tulog pa ang katulong na si Marie sa ganong oras kaya siya palagi ang nagluluto ng almusal at naghahanda ng mga gamit ng bata. She knew that she could just order Marie to do it because it was also part of her job but Divine chose to do it herself. Gusto niya na kahit lang ang responsibilidad na ihanda ang pangangailangan ng kaniyang mga anak sa eskwela ay magawa niya bago pumasok sa trabaho. Hindi niya na rin naihahatid-sundo ang kambal kaya kumuha na lang siya ng school service para sa kina Aurora at Zaurus. Nauna na siyang kumain ng almusal bago ginising si Marie sa kabilang kuwarto. Maaga pa rin naman at pasikat pa lang ang araw kaya ayaw niya munang estorbohin ang kambal na mahimbing pa ang tulog. "Marie, papasok na ako. Ikaw na ang bahala sa dalawa, ha? Mag-iingat kayo sa pagpasok at pag-uwi." Humihikab pa ang dalaga pero agad rin itong tumango. "Opo, Ate. Mag-iingat ka rin po sa trabaho niyo." Ngumiti siya at muling sumilip sa kuwarto kung saan mahimbing pa rin ang tulog ng mga bata. Isang pagsilay lang sa kanila at nagkaroon na siya ng gana para umpisahan ang panibagong araw at pumasok sa trabaho. Aurora and Zaurus are her strengths, kaya hindi siya mapapagod kumayod para lang mabigyan sila ng magandang buhay at kinabukasan. Sumabak nanaman siya sa mahabang byahe papunta sa trabaho. Malas lang ang araw dahil naabutan nanaman siya ng matinding trapiko pero mabuti na lang maaga siyang bumyahe kayahindi pa rin siya na-late sa trabaho. Haggard na haggard na siya nang makarating sa kompanya pero ngiti pa rin ang ibinahagi niya sa lahat nang pumasok siya sa malaking gusali ng Lionna. Baon niya ang ngiti na 'yon kahit sa kabila ng sobrang antok at pagod na nararamdaman niya. Everyone is admiring her professionalism and she wishes to inspire her co-workers by sharing a good atmosphere in their environment. Ayaw niya man pero kinailangan niya pa ring harapin ang boss niyang pakiram niya ay umiiwas sa kaniya. Sa mga buwang lumilipas, napapansin niya na tila may kakaiba na nangyayari kay Ziancio sa tuwing nararamdaman nito ang presensya niya. Palagi itong namumula at paiwas-iwas ng tingin kapag kausap siya. Hindi niya mapigilang mapaisip kung may sakit ba ang lalaki na nagdadahilan ng pagbabago nito. Parating na ang gabi at ramdam na ni Divine ang pananakit ng mga paa dahil sa paulit ulit na paglalakad para asikasuhin ang mga papeles na kailangan mapirmahan. Naisipan niya na magpahinga muna at timplahan ang sarili ng kape upang mawala ang antok na kanina niya pa nilalabanan. Inilabas niya ang ngiti niya at tila napawi ang kaniyang pagod nang maikita ang larawan na sinend ni Marie. Picture 'yon ng kambal na malawak ang ngiti sa camera habang hawak ang textbooks ng school nila. Masaya siya dahil nagsisikap ang mga anak niya matuto sa eskwelahan kahit wala siya doon para ibigay ang gabay niya. Sakto namang napadaan si Ziancio sa kinaroroonan niya at natigilan ito nang makita si Divine na may malawak na ngiti habang nakatutok sa phone. The sight of her lovely smile made his heart race but it also made him wonder who could be making her smile like that. Is she flirting with someone over the phone? The way she smiled made him feel a mixture of curiosity and jealousy. Was it a secret message from a special someone that brought about such a radiant smile on Divine's face? Hindi nito maiwasang mag-isip nang labis tungkol dito. Was she sharing a joke with a friend or perhaps receiving good news that brightened her day? He couldn't help but be captivated by the mystery of Divine's smile and the possibility that someone was making her too happy. "Who are you talking to? Your boyfriend?" tanong nito at humalukikip habang diretso ang tingin sa kaniya. Divine was surprised when she heard his voice out of nowhere. Muntik pa siyang mapatalon sa gulat nang bigla niyang narinig ang boses ng kaniyang boss mula sa gilid niya. Agad niyang pinatay ang phone at itinago ito sa kaniyang bulsa. Why is he suddenly asking her about it? Hindi niya naman maaring sabihin na ang dahilan ng ngiti niya ay ang kambal na anak nilang dalawa. "I don't have a boyfriend, Sir." agad na tugon niya at pilit na ngumiti para hindi nito pagdudahan ang sagot na ibinigay niya. "Talaga? Then why are you smiling like that on your phone?" tanong nito at nagtaas ng kilay. Hindi ba't halos iwasan na siya nito kanina? Bakit sunod-sunod na ang mga katanungan nito? At bakit tila hindi nito nagugustuhan na may nagpapangiti sa kaniya? "I just saw a funny post online. Break ko pa naman kaya bumukas muna ako ng social media." she reasoned out as she looked away. Akala niya ay titigil na ito sa pagtatanong, pero muli nanaman itong nagsalita sa mas kalmadong tono. "Are you sure that you don't have a boyfriend?" Gusto sanang umirap ni Divine dahil sa tanong nito pero pinaalala niya sa sarili niya na boss niya ang lalaking nasa harapan. Paano pa siya magkakaroon ng boyfriend, eh binigyan na siya nito ng anak? Kambal pa nga, e. Wala na siyang oras para magkaroon ng love life. "Wala po akong boyfriend, nobyo, lover, o kung ano mang lalaki, Sir. Hindi ako interesado magkaroon ng relasyon." Ziancio smiled upon hearing her answer. "That's good to hear." "Huh?" Kumunot ang noo niya. Bakit biglang ngumingiti ang boss niya matapos niyang sabihin na wala siyang ka-relasyon? Is he making fun of her for being single? "It's good that you don't have a boyfriend. Huwag ka ring magpapaligaw sa kahit na sino, ha. That's an order." Naglaho ang ngiting pinipilit niyang iginuguhit sa labi niya at napalitan iyon ng pagkunot ng noo. She was about to ask him what he meant by that, but he just smirked and walked away. Mas nagsalubong ang kilay ni Divine dahil doon. Anong ibig sabihin ni Ziancio? She can't believe he left her with those confusing words she couldn't understand!Everything had been exhausting for both Divine and Ziancio. They both knew they needed space from each other, so they mutually agreed to take a step back—to talk less for now, focus on their work, and give their attention to the twins. Walang magagawa kung ipipilit nila, kaya mas mabuti kung kahit panandalian ay sila'y magpapahinga muna.A cool-off is normal for couples. Hindi naman porque may tampuhan o sama ng loob ang magnobyo ay hindi na nila mahal ang isa't isa. Sometimes, they just need to breathe and take a break. And when they're both ready, they'll find their way back, holding hands again, ready to talk about everything and give each other the forgiveness they both need."Mommy, is Tita Z coming soon? Sobrang miss na po namin siya!"Napalingon si Divine sa anak na lalaki dahil sa tanong nito. They are currently sitting in the living room, chatting as they wait for her best friend to arrive. They had planned to pick Zion up from the hotel he was staying, but he insisted on com
Abala sa pag-aasikaso ng mga mahahalagang papeles si Divine nang marinig niyang mag-ring ang kanyang phone. It was already lunchtime and everyone had stepped out to grab something to eat. Wala nang ibang tao kaya agad niyang sinagot ang tawag at inilagay sa loudspeaker. Inilapag niya muli ang phone sa desk saka muling binalik ang atensyon sa mga dokumentong tinatrabaho."Hello? How may I help you?""Divine!"She glanced at the screen and saw the name: Zion. A warm smile spread across her lips. It had been so long since she last heard from her best friend."Oh, Zion! Buti naman at natawagan mo rin ako," masayang tugon niya.Isang buwan ding walang balita si Zion mula sa ibang bansa. He had lost contact for almost a month after something happened during his trip abroad. He only found out about the abduction incident recently and panic overwhelmed him—especially after learning that Ziancio had discovered the secret they kept hidden for years."Nandito ako sa airport! Pauwi na ako ng Pili
"Mommy, you're going to be late for work! Mommy!"Nagising si Divine dahil sa malambing na boses ng nina Zaurus at Aurora. As she opened her eyes, she saw the twins gently trying to rouse her from sleep.Ilang beses siyang napakurap bago bumangon. The twins pointed to the clock on the bedside table, urging her to check the time. Her eyes widened when she saw it and realized she was already running late. Mukhang napasarap talaga ang tulog niya kagabi, lalo na't katabi ang buong pamilya at ang lambot pa ng kama.She looked around and quickly noticed Ziancio was no longer in the room. "Where's your dad?" tanong niya sa mga bata."He already left for work, Mommy," tugon ni Aurora. "He just left a while ago. He kissed us good morning before leaving."A pang of sadness struck Divine. Ziancio left without waking her. He could've at least nudged her awake—especially since they work in the same company. Why did he have to leave first?Today, of all days, they were scheduled to meet with an imp
The rustling of tape being pulled and the thud of boxes filled the quiet apartment. Sunlight streamed through the open windows, making the dust particles dance in the air like glittering motes. It was a strange mix of warmth and melancholy, one Divine wasn't quite sure how to name. Ilang taon nilang tinirhan ang apartment na ito at dito niya napalaki ang kambal, kaya may panghihinayang sa dibdib niya habang iniiwan nila ang lugar. If she only had a choice, mas gugustuhin niyang manatili rito. Ito ang nakasanayan nilang tahanan, saksi sa bawat hirap, saya, lungkot, at tuwa ng kanilang buhay. But she knew—life required changes. At matapos ang insidente, hindi na niya maipagkakatiwala ang kaligtasan ng kanyang mga anak. Their safety had to come first. At isa pa, basta't kung nasaan ang kambal, doon ang tahanan niya. She turned away from the half-sealed box she was taping and saw Zaurus staring quietly out the window, clutching his favorite stuffed toy. "Mommy, talaga po bang lilipat
Divine sat quietly on the small couch after calling the nurse. Exhaustion weighed her down, and before she knew it, unti-unti na siyang nakatulog habang pinapanood ang mag-ama niya. When she woke up, a soft warmth draped over her shoulders. A blanket. Blinking away the last traces of sleep, she glanced down at it, her fingers brushing against the fabric. It wasn’t there before. Slowly, she lifted her gaze and found Ziancio still seated across from Zaurus, who had also drifted off to sleep. Siguradong si Ziancio ang nagpatong sa kaniya ng kumot. She felt emotional. Kahit galit na galit ang lalaki sa kaniya, hindi pa rin siya nito pinapabayaan. That thought gave her hope. "Kumain ka na," Napalingon si Divine sa nobyo nang magsalita ito. He's still not looking at her but his voice was soft compared to earlier. "Ikaw, kumain ka na ba?" Tumingin siya sa orasan na nakadikit sa pader ng silid. She had been asleep for three whole hours, and now, sunlight streamed through the hospi
"Maayos na po ang lagay ng bata. He will soon wake up after a long rest."Agad na naglaho ang bigat sa dibdib ni Divine nang marinig ang sinabi ng nurse. Napangiti siya, saka huminga nang malalim, ramdam ang matinding ginhawa. Pumikit siya sandali at taimtim na nagpasalamat sa Diyos dahil maayos na ang kalagayan ng anak niya."Maraming salamat, nurse."Tumango ang nurse bago siya pinaalalahanan tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin kapag nagising na ang bata. Matapos no’n, tahimik itong lumabas ng silid.Pagkaalis nito, muling ibinaling ni Divine ang tingin sa anak niyang nananatiling walang malay. Ziancio payed for a very wide and quiet private room so Zaurus would be comfortable. Natutuwa siyang makita ang effort na binibigay ng nobyo sa anak nila.And speaking of Ziancio, hindi niya na ito muli pang nakita simula nang kuhanan ito ng dugo. She assumed that he has something important to do she didn't question him about it. Marami pa kasi itong kailangan asikasuhin sa opisina, at