Share

Chapter 3

Nag kibit balikat ako pabalik ng Hospital, maraming tanong ang umiikot sa aking isipan ngunit ni Isa walang sagot.

"Yella saan ka galing?" Sumalubong sa akin si Ari, naka kunot ang kanyang noo.

"Kay mama," walang gana kong sagot.

"Kamusta? Hay nako sinabihan na kita Yella huwag kanang humingi ng tulong sa kanila, wala rin naman silang Ibang gagawin kung hindi ang pagsalitaan ka ng masama!" suway niya sa akin.

Tears escaped from my eyes unnoticed, he hug me tight and I continued crying on his shoulder. After a few minutes of being in pensive mood, I sleep unnoticed.

Kinaumagahan, sa hospital na ako nag almusal, sobrang bigat ng aking mga mata, alas tres ng madaling araw na ako naka tulog.

"Yella bakit namamaga 'yang mga mata mo?" Itinuro ni Ate Maria ang aking mga mata, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pag alala.

"Puyat lang po Ate," sagot ko at binaba ang dala kong bag.

Inabutan niya ako ng ice, "Ilagay mo muna' yan sa mata mo, total wala pa naman si sir,"

Bumuo ng malakas na ingay ang mga papelis ng padabog na binaba ni Chase sa aking mesa.

"Kunin mo yung Iba sa first floor," walang emosyon niyang utos niya sa akin.

"Good morning," bati ng mga nakasalubong ko sa daan.

"Ma'am kailangan niyo po ba ng tulong?" tanong ni manong guard.

"Hindi na Kuya, kaya kona 'to," Binuhat ko ang dalawang box ng papelis at pumasok sa elevator, mabuti nalang wala akong kasabay sa loob.

Padabog ko ring binaba ang dala kong mga papelis sa aking mesa. I took a deep breath bago sinimulang suriin ang bawat papel na may sampung daang pahinga.

Hindi ko palang natapos ang aking ginagawa ng lumapit si Chase sa akin at muli akong inutusan,

" Buy me a coffee,"

Tumakbo agad ako pa labas ng building at pumunta sa malapit na coffee shop.

I chase my breath pag balik ko ng building, I wipe my sweat bago pumasok sa office ni Chase.

He sip his coffee at biglaan itong ibinuga, "Too much sugar, too cold to drink!" reklamo niya.

Bumalik ulit ako sa coffee shop para palitan ang coffee niya, ngunit sa pangalawang kape, tasteless naman.

"Maria!" Pasigaw niyang tawag Kay Ate Maria, agad namang pumasok ng silid si Ate.

"Sir?"

"I need to talk to the manager of Las piaz coffee shop, their coffee is tasteless!" Binato niya ang lalagyan ng kape sa sahig. Naka tayo lang ako sa gilid, hindi maka paniwala sa ginawa niya.

"Ikaw Yella, clean this fucking mess!" galit na utos niya sa akin, nangangapoy na rin ang kanyang mata dahil sa galit.

Pinulot ko ang basag na parte ng cup at hindi sinadyang masugatan ang aking kamay.

"What the fuck! Numpty !" sigaw niya sa akin.

Walang may gusto sa nangyari, pumunta muna ako sa comfort room para hugasan ang aking kamay .

"Yella pinatawag ka ni CEO," ani ng isang employee .

Lumabas agad ako ng silid.

"Bring this to Perez Company," Inabot niya sa akin ang papelis. Napatitig din siya sa kamay kong nasugatan, agad ko rin itong inalis sa paningin niya.

"Yella lalabas ka ng building?" tanong ng isa kong kasamahan.

"Oo, bakit?" Inayos ko muna ang papelis.

"Pwede favor, paki bilhan sana ako ng mineral water sa Kanto, if okay lang sa'yo,"

"Sure, basta akin na ang sukli," biro kong sagot.

"Sige sa'yo na ang sukli," she smiled at me so I did too.

"Yella pwede ako rin sana, kaso 2 pesos nalang din ang magiging sukli nito, " singit ng isa ko pang kasamahan.

"No worries, malaki na ang halaga ng dos pesos ," sagot ko at kinuha ang mga pera nila.

Medyo may kalayuan din ang Perez Company sa Company ni Chase.

Inabot ko sa assistant ng CEO nila ang papelis,

"Miss, pumasok raw po muna kayo sa loob tugon ni Madam. " Aya ng assistant na kausap ko. Nagulat ako ng makita ang CEO nila.

"Yella long time no see! "Nakangiti niyang sambit. Nakapagtataka lang kung bakit hindi siya nagulat ng makita ako.

" Hi Clare, it's nice meeting you again after a long time! " Bati ko pabalik sa kanya.

" Gulat na gulat ka ng makita ako ah, "I nodded as an response to her.

" I already know na ikaw ang bagong assistant ni Chase, " she added, my forehead furrowed because of what she said.

" Paano mo nalaman? " I confusely ask.

" Well! alam mona, HAHAHAHA,sinabi niya sa akin, " sagot niya.

My heart abnormally beat, umiikot sa aking tenga ang sinabi niya, Isa rin si Clare sa dahilan kong bakit kami nag hi-hiwalay ni Chase noon.

Umubo siya ng makahulugan,

" Is there something wrong about it? Dapat nga masaya ka dahil may future wife na ang boss mo, and of course supportive si Tita sa amin, " paliwanag niya , malawak ang ngiti sa kanyang labi, abot hangang tenga. Hindi Alam ni Clare na ex girlfriend ako ni Chase.

"Of course masaya ako para sa inyo." Ngumiti ako ng mapait.

"Btw I need to go, baka hinahanap na ako," I added.

"Wait, sabay nalang tayo, pupunta rin kasi ako sa company ni Chase para dalawin siya." Kinuha niya ang kanyang bag at sabay kaming lumabas ng office niya.

Bigla siyang huminto sa pagmamaneho sa tapat ng malaking bakery.

"Bibilhan ko muna siya ng pasalubong, para naman matuwa ang future husband ko," Nakangiting sambit niya.

Biglang kumirot ang aking puso, hindi ko nabilhan o nasupresa man lang si Chase noon gaya ng ginagawa ni Clare sa kanya ngayon. Bumili na rin ako ng water sa katabi nitong refel shop at hindi binahala ang nararamdaman.

Maraming nag bubulungan na mga employees pag pasok namin ni Clare ng companya, medyo naiilang din ako sumabay sa kanya, may kaartehan din kasi si Clare.

"Chase!!!" sigaw ni Clare at yumakap kay Chase sa harapan ko.

"Let go, what are you doing here?" gulat na tanong ni Chase sa kanya.

"Nah, I miss you," Clare puoted. Pasimpleng tumingin si Chase sa gawi ko.

He pinch Clare's cheeks, gaya ng ginagawa niya s'akin noon.

"Nag abala ka pang pumunta rito, ka gabi pa tayo nag usap diba-" Hindi kona pinakinggan pa ang dalawa dahil inggit at sakit lang din ang aking mararamdaman, It's been a long time pero yung sakit nandito parin. Lumabas ako ng silid at bumalik sa aking pwesto.

I counted those coins I collected from my co-workers, hindi na rin ako nananghalian para mag tipid ng Pera.

Nakaramdam ako ng presenya ng tao sa aking harapan, nag angat ako ng tingin.

"Nangungulekta ng barya? Ganyan kana ba kababaw?" he sarcastically ask.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at bigla siyang nag tapon ng barya sa harapan ko, mabuti nalang kami nalang ang natira dito. Pinulot ko ang mga barya na nag kalat sa sahig, at nilagay ito sa ibabaw ng aking mesa.

" Thank you Chase, malaking tulong na'to! sana malaman mo kung gaano ka halaga ang barya para sa Iba!" sumbat ko sa kanya at umupo muli sa aking upuan.

Pag uwi ko ng bahay, I listed all coins I collected this earlier, napatitig ako sa aking notebook, sobrang laki pa ng perang kailangan ko.

I cried ng maalala ko ang ginawa ni Chase kanina, Sobrang sakit, parang tinusukan ng karayom ang bawat sulok ng aking puso, ang hirap huminga.

"Yella bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Abigail," wika ni Ari. Inabot ko sa kanya ang dala kong hapunan, at pumasok ng silid na hindi umi-imik. Hindi kona naabutan na gising si Abigail.

Umupo ako sa sofa, tumabi naman sa akin si Ari, " Sis iiyak mo lang yan, " sambit niya.

" Ari sobrang naka-kapagod na, gusto ko ng sumuko," Hagulhol ko.

"No, hindi pwede sis, tignan mo 'yang kapatid mo, nahihirapan din siya sa kalagayan niya pero lumalaban parin para sa' yo, sa atin. Kaya ganon din dapat ang iyong gawin.''

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status