Share

Chapter 5

Kinaumagan. Malapit na akong ma-late ng makapasok ako ng opisina. Nagpatuloy ako sa pag hakbang kahit ramdam ko ang makahulugan at mapanghusga'ng titig ng mga nandito. 

Nang makarating ako sa aking pwesto, hindi na ako nagulat ng sumalubong sa aking harapan ang tambak-tambak na papelis sa ibabaw ng aking mesa. Assistant lang ako pero parang ako na ang gumagawa sa gawain ng iba.

"Yella..." Natigilan ako sa ginagawa ng lumapit sa akin si Ate Maria.

"Anong nangyari jan sa pisngi mo?" tanong niya muli. 

"Wala lang ito Ate , may nakain kasi ako na bawal sa'kin ," pag-iwas ko sa tanong niya.

"Kamusta ang lakad mo kahapun ate?" pag-iiba ko sa usapan.

"Wala parin akong mahanap na papalit sa janitor, patay na naman ako  nito kay sir Chase," sagot ni Ate Maria na may paghihinayang at halong kaba.

Mayamaya rin ay pinatawag siya ni Chase. Hindi nga nagkamali si Ate Maria. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakikinig sa usapan nila sa loob , sapagkat rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Chase na umalingawngaw dito sa labas.

"I gave you 24 hours Maria and it lasted nearly six hours, but you didn’t get the janitor back or even its replacement!" singhal ni Chase kay Ate Maria.

Napahinto ako sa  pakikinig nang biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng aking mesa.

"Hello , this is assistant of Mr.Fernandez calling from  L.A company,  is this the Miller company?"

"Yes, what i can do for you?"

"I recieved your email last night and i'm calling to follow up the schedule for meeting later..."

Pagkatapos kong sagutin ang tawag, hindi agad ako nagdadalawang isip na pumasok sa office ni Chase. Malalim ang titig nito sa akin pag pasok ko sa kanyang opisina. Nakatayo lang si Ate Maria sa may gilid malapit sa pintuan , kung hindi ako nagkakamali- umiyak ito galing dahil sa namumugto niyang mata.

"Sorry for interrupting your privacy ," panimula ko, "Na ayos kona ang schedule ng meeting mo mamaya," patuloy ko at binaba sa kanyang mesa ang dala kong papelis.

Tahimik parin si Chase kaya napalingon ako sa gawi ni Ate Maria bago ibinalik ang atensyon sa kanya " Kung wala ng mahanap si Ate Maria na papalit sa  janitor ,pwedeng ako. Gagawin ko itong part time job," sambit ko.

"Maria get out!" madiin na tuos ni Chase kay Ate Maria na walang inilabas na reaksyon  sa kanyang mukha. Agad namang lumabas si Ate ng silid bago pa tuluyang mangapoy ang mata ni Chase dahil sa galit.

"Assistant ? Janistress? what kind of life is that yella? " mapangutya nitong tanong.

"Buhay pa rin sir, " pilosopo at pabagal kong sagot. 

"At bakit ba big deal sa'yo? may binubuhay ako Chase!"

"Lalaki, am I right?"

Natigilan ako dahil sa tanong niya. Ganyan na ba talaga ako kadumi sa paningin niya?

Bakit Hindi ka makasagot Yella?" mayhalong mapang- asar ang kanyang tono.

Tipid akong ngumiti, "May gagawin pa ako, excuse me."

 

Paglabas ko ng silid agad akong sinalubong ni Ate Maria.

"Yella , final na ba ang decision mo?" tanong niya, tumango lang ako at lumapit sa aking pwesto.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa. Ilang oras na akong naka-upo habang chine-check ang mga papelis may mga bago ring dating.

Dahil sa abala , Hindi ko namalayan ang oras .

"Yella , sumama ka na sa amin mananghalian," aya ni Ate Maria. Napatango-tango ako at niligpit ang mga kalat.

Napahinto ako sa labas ng mamahaling restaurant kung saan ako dinala ng aking mga kasamahan.

"Yella huy! Hali kana!" agaran akong nag balik realidad nang bangitin nila ang aking pangalan.

Kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag,

"Ate Maria, sorry Hindi po muna ako makakasabay sa inyo, susundiin ko pa po kasi yung kapatid ko..." pamamaalam ko sa kanila, nagmamadali agad akong umalis bago pa nila ako pigilan.

Lakad takbo ang ginawa ko at napahinto sa isang kainan malayo sa restaurant at kompanya . Hindi ko naman talaga susundiin si Abigail sapagkat na sa Hospital pa ito, Hindi na ako sumabay sa kanila, nakahihiya kung nakatingin lang ako sa kanila kumakain ng mamahaling pagkain, hindi ko gustong  gumatos ng pera . Tatlong itlog sapat nayon sa akin.

 Pagkatapos kung mananghalian. Bumalik agad ako ng opisina na may malalaking pawis sa noo. Pumunta muna ako ng cr para mag ayos ng sarili . Pagbalik ko sa aking pwesto , napakunot noo ako ng mapansin ang isang pack lunch sa ibabaw ng aking mesa. Wala akong ideya kung kanino ito galing o baka nagkamali lang .

Pagkatapos kong i-ayos lahat ng mga papelis, sumama muna ako kay  Chase , sa kanyang meeting at gabi na ng matapos ito.

"Drop Yella here," utos nito sa kanyang driver na ipinagtataka ko.

Malalim na ang gabi at bakit niya pa ako pinababa dito sa building ng company.

"Para saan?" 'takang tanong ko.

 

"Here," Inabot niya sa akin ang isang cartoon ng papelis, "Bring this to my office,"

"Pero Chase wala na akong masasakyan dahil malalim na ang gabi—"  he cut my sentence off.

"Find a taxi and go home , it's simple." Sinara niya ang pintuan ng sasakyan at tuluyan akong iniwan sa gitna ng kalsada.

Ako nalang mag-isa ang tao rito sa building, tatawagan ko sana si Ari para ipaalam kung bakit Hindi pa ako nakauwi kaso low bat na ang aking cellphone.

Pagkatapos kung magawa ang ini-utos ni Chase, napa-upo ako sa gitna ng kalsada . May kalayuan ang opisina sa hospital.

Ilang oras na akong nag habang ng masasakyan , pumapara ng mga sasakyan ngunit Hindi ako hinintuan. Napagpasiyahan kung simulan mag lakad kaysa mag abang sa wala.

Halos kalahating oras na akong nakayapak sa daan dahil maraming sugat na ang aking paa, Hindi na kasi kasya sa akin ang aking heels.

Naabutan kong gising pa si Ari pagdating ko ng Hospital.

"Yella...bakit ngayon ka lang?" tanong nito na may halong pag alala .

Hindi agad ako nakasagot dahil namamanhid na ang aking paa sa sakit at agad niya naman itong napansin.

"Hala shit! Ang dami mong sugat ," Agad kung tinakpan ang bibig nito dahil baka marinig ni Abigail.

Pinaupo niya muna ako habang ginagamot ang aking paa, " Grabe naman 'yang boss mo Yella, sino ba yan ha?susugurin ko talaga 'yan!" gigil at inis niyang sambit.

"Aray!  dahan-dahan Ari , may galit ka ata sa paa ko eh," I complained.

"Sis, alis ka na kaya Jan." Napa iling-iling ako sa sinabi niya. Ito nalang ang paraan . Kung aalis ako , mahihirapan pa akong makahanap ng ibang trabaho dahil second year college lang ang matapos ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status