Share

Chapter Fourteen: Bag 2

Numipis ang mga labi ni Thera kasabay ng paniningkit ng mga mata nang makita ang babaeng sadya. Saktong kakaparada pa lang ng kotse niya sa harap ng mall nang makita niya ang pagpasok ni Kisses sa loob ng The Palace.

Sinundan niya ng tingin ang paghakbang nito papasok sa isang sikat na boutique shop. Hindi pa rin ito nagbabago kahit pagkatapos ng halos isang taong pananatili sa ibang bansa. Pareho pa rin ang fashion brand at style. Kinopya sa kanya.

Huminto si Thera sa entrada, hindi man lang sinulyapan ang mga staff ng boutique na nagkukumahog na batiin siya.

Nakita niya na natuon ang tingin ni Kisses sa isang pulang handbag. She walked towards her. Nang makitang akmang kukunin ni Kisses ang bag, sinunggaban din niya iyon agad. Nag-angat ng tingin sa kanya ang babae. Sinuklian niya ng ngisi ang pagkunot ng noo nito. Hinigpitan niya ang hawak sa handle ng bag, ganoon din ang ginawa nito sa parteng haw

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status