Share

MANILENYA 60

Penulis: ExDealers
last update Tanggal publikasi: 2026-09-09 15:44:12

“Mr. Reyes,” sabi ng abogado habang binubuklat ang isang panibagong folder na may pulang marka, “punta naman tayo sa mismong kalagayan at pag-uugali ni Amalia noong kayo ay nasa high school pa.”

Biglang nanigas ang buo kong katawan. Naramdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay. Napatingin ako kay Earl.

“May personal ka bang kaalaman tungkol sa lihim na paggamit ni Amalia ng mga ipinagbabawal na gamot o illegal drugs noong mga panahong iyon?”

Biglang tumahimik ang buong courtroom. Parang nawa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 86

    Na hindi lamang siya ang lalaking nagdadala ng pera sa mesa o tagakumpuni ng sira sa bahay. Na siya pa rin ang lalaking pinili kong makasama sa buong buhay ko—ang lalaking minahal ko nang buong-buo bago pa man dumating si Amiel sa aming mga bisig.“I'm so sorry, Denis...” mahina at tapat kong sabi.Agad siyang umiling, bahagyang napatawa. “Stop saying sorry, sweetheart.”“Eh, ikaw nga diyan... hindi rin tumitigil sa pag-hingi ng tawad!”Napatawa siya nang mas malakas, nagpakita ang mga dimple sa kaniyang pisngi. “Fair enough. Tabla na tayo.”Muli kaming natahimik habang nakatitig sa isa't isa. Pagkatapos, dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay at marahang hinawakan ang kaniyang pisngi, nadarama ang init ng kaniyang balat.“Pero may isang napakahalagang bagay na gusto kong malaman at itatak mo diyan sa isip mo,” sabi ko.Tumingin siya sa akin nang buong katapatan. “Ano iyon?”“Hindi ko kailanman ginustong maramdaman mong hindi ka na mahalaga sa akin... Hinding-hindi.” Nanginginig ang

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 85

    Napakunot ang noo ko. “Bakit naman naging iba?”“Dahil ako ang mas nagkamali... Ako ang gawa ng kalokohan at nagdala ng sugat sa pamilya natin.”Umiling ako nang mariin. “Hindi. Pareho tayo.”“Rendy, ako ang—”“Denis, ako ang may kasalanan kung bakit ka nagtampo at lumayo!”“Sweetheart, ako ang may kasalanan dahil hindi ako nagpakalelaki para kausapin ka!”Napatingin kami sa isa't isa, parehong hingal na hingal, parehong basa ang mukha ng luha, at parehong nakahawak sa mga kamay ng isa't isa.At sa gitna ng aming mga luha... pareho kaming biglang natahimik.Dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon ng sumbatan at lamig, hindi na namin sinusubukang itago ang aming mga pagkukulang. Hindi na namin sinusubukang magmukhang perpekto o magmukhang tama sa harap ng isa't isa.Pareho kaming umaamin sa aming mga kamalian.Pareho kaming nasasaktan sa mga sugat na naidulot namin.At higit sa lahat... pareho naming gustong buo at tapat na ayusin ang aming pagsasama.“Hindi, ako ta

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 84

    “May isa pa akong napakalaking bagay na gustong sabihin sa iyo... isang bagay na matagal kong ikinahiya at ikinubli sa loob ko.”Tumingin ako nang diretso sa kaniyang mga mata. Nakita ko ang pag-aalala at pagnanais niyang yakapin ako, ngunit nanatili siyang nakikinig.“Noong magsimula akong tumaba matapos kong ipanganak si Amiel at sa gitna ng matinding stress sa buhay...”Napahinto ako. Ang boses ko ay biglang naging napakahina. Ang lalamunan ko ay tila natuyuan. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagbubukas ng pinakamalalim kong sugat at insecurity bilang isang babae at bilang asawa.Ngunit kailangan kong sabihin. Kailangan niyang maunawaan kung bakit ako nagtayo ng pader.“Dahil sa walang katapusang pagod, puyat, at stress, unti-unting nagbago ang katawan ko, Denis. Unti-unting nawala ang dating hugis na ipinagmamalaki ko... At sa totoo lang, nahihiya ako nang sobra-sobra sa iyo.”Napayuko ako, naramdaman ang mabilis na pag-init ng aking mga pisngi sa matinding hiya.“Hindi

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 83

    Nakatayo ako sa gitna ng maliwanag ngunit tahimik na silid, nakatitig sa asawa kong basang-basa ng luha ang mga mata at nanginginig ang mga balikat. Ang bawat paghinga niya ay mabigat, tila ba dinala niya ang buong daigdig sa kaniyang dibdib sa loob ng napakahabang panahon.Inihinga ko nang malalim ang lahat ng takot, pag-aalinlangan, at hiya na matagal kong ikinulong sa aking dibdib. Ako naman. Sa pagkakataong ito, kailangan kong gibain ang pader na ginawa ko sa pagitan naming dalawa.“Denis, alam kong nasaktan kita...”Napayuko ako, hindi ko agad kayang salubungin ang kaniyang mga mata dahil sa matinding kirot na gumuguhit sa aking lalamunan.“Alam kong sa mga nakaraang buwan... o baka nga sa mga nakaraang taon, masyado akong naging abala sa lahat ng bagay. Naging abala ako sa mundo habang ikaw ay unti-unting nalulunod sa tabi ko.”Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang panlalabo ng aking paningin dahil sa luhang nangingilid.“Sa trabaho. Sa mga gawaing-bahay. Sa pagpapanatili ng

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 82

    Naramdaman kong marahang bumaba ang kaniyang ulo at inilapat ang kaniyang mukha sa aking balikat, tuluyang isinusuko ang kaniyang natitirang lakas.“Namimiss ko iyong kapag umuuwi ako galing sa mabigat na trabaho, sasalubungin mo ako sa pinto, yayakapin mo ako, at magtatanong ka kung kumusta ang araw ko...”“Namimiss ko iyong sabay tayong kakain sa mesa nang walang hawak na telepono at magkuwentuhan tungkol sa mga maliliit na bagay...”“Namimiss ko iyong kapag may gusto akong ikuwento o ipagmalaki sa iyo, ibababa mo muna ang ginagawa mo para lang makinig at tingnan ako sa mga mata...”Nanginginig at halos mawalan na ng boses ang kaniyang pananalita habang patuloy sa pag-tulo ang kaniyang mga luha. “At namimiss ko iyong pakiramdam na kahit gaano ako kapagod, kahit gaano kagulo ang mundo sa labas, may asawa akong totoong naghihintay at nagmamahal sa akin pag-uwi ko...”Napahikbi ako nang napakalakas. Naitakip ko ang aking kamay sa aking bibig upang pigilin ang labis na hagulgol.Dahil n

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 81

    Pagkatapos kong makatiyak na wala nang ni isang kulubot sa kumot at maayos na ang lahat sa silid, muli akong humarap sa cabinet upang ipagpatuloy ang pag-aayos at pagtatagpi ng aming mga damit.Masyado akong nakatutok sa aking ginagawa kaya hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala si Denis.Akala ko ay nagpapahinga na siya sa kama dahil sa kaniyang mahinang pangangatawan, kaya halos mapatalon ang puso ko sa gulat nang maramdaman ko ang dalawang mainit at nanginginig na bisig na marahang pumalibot at yumakap sa aking baywang mula sa likuran.Napahinto ako. Natigil ang aking kamay sa hangin.“Denis?” mahina kong bulong, halos ayaw lumabas ng boses sa aking lalamunan.Hindi siya agad sumagot. Sa halip, marahan at mabigat niyang inilapat ang kaniyang noo sa likod ng aking ulo. Naramdaman ko ang kaniyang mabilis at pira-pirasong paghinga na dumadampi sa aking leeg.At pagkatapos…“I'm sorry, sweetheart…”Parang may isang matalas na kutsilyo na dahan-dahang kumurot at sumaksak sa pinakam

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 5: Pagtakas

    HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 4: Swerte pero Malas

    Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 3: Linlang

    “TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 2: Unang Trabaho

    POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status