TEARS OF A MAJESTIC WIFE

TEARS OF A MAJESTIC WIFE

last updateLast Updated : 2026-09-15
By:  ZintraZaniaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Miran Haquin has always been treated as the family’s bad luck. Living with her stepmother and sisters while juggling school and a night job, she learned to endure every hurtful word thrown at her. Until an unexpected accident brings her face-to-face with Zairon Adam Dela Vera, a cold, snobbish, and wealthy heir. Their first meeting ends in hatred, but fate has something more planned for them. Bound by an arranged marriage neither of them wants, Miran and Zairon are forced to live as husband and wife. But as they struggle to survive their new life together, hatred slowly begins to turn into something neither of them expected. Will Miran capture the heart of the cold man, or will she choose to walk away before she gets hurt?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

MIRAN’S POV

Nakatingin ako sa mga sasakyang mabilis na umaandar. Narito ako sa itaas ng building kung saan ako nagta-trabaho. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagkukuminang sa kalangitan. Napagdesisyunan kong pumunta rito na araw-araw namang ginagawa upang magpahangin. Tapos na rin ang oras ng trabaho ko kaya p’wede na rin akong umuwi.

“Miran!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Rasha. Siya ang unang naging kaibigan ko rito. Kami ang nagde-deliver sa mga gamit na ino-order mula sa iba’t ibang online shop. Mag-aapat na buwan na ako rito kaya kahit papaano ay nasanay na ako sa trabahong ito.

“Oh Rasha, uuwi ka na ba?” Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko.

“Alam mo Miran, samahan mo na lang ako. Kumain tayo sa labas,” saad niya.

“A-Ah Rasha, hindi muna ako makakasama. Alam mo na?” tinignan ko siyang diretso at kita ko ang pag-irap niya sa ere.

“Miran, saglit lang naman tayo. Kung nag-aalala ka sa sasabihin na naman ng nanay-nanayan mo, p’wede ka naman nang umalis do’n,” kunot-noong sagot niya.

Sa tagal na rin naming magkasama ay alam niya ang nangyayari sa akin—sa bahay. Kasama ko si Nanay Myrna at ang dalawa niya pang anak sa bahay. Si Papa ay may iniindang sakit kaya iba-ibang trabaho na ang aking pinasok upang masustentuhan ang pambili ng mga gamot niya.

“Hindi p’wede Rasha, hindi ko iiwan si Papa. Ayokong iwanan siyang mag-isa do’n.” Napatingin ako sa kaniya nang akbayan niya ako.

“Oh siya sige. Oo nga pala! Maaga ka pa bukas sa school, ‘di ba?” taas kilay niyang tanong. Tumango ako at nginitian siya.

“Oo salamat Rasha dahil lagi kang nand’yan para intindihin ako.” Ngumuso siya at pinisil ang aking ilong.

“Ano ka ba, wala ‘yon, tara na. Sa susunod huwag mo na akong tanggihan, huh?” Agad na niya akong hinila papunta sa hagdan.

***

“Miran! Nakauwi ka na pala, anak.” Nagulat ako dahil nasa labas pa si Papa na kumakaway sa akin.

“Mano po, Pa. Bakit nasa labas pa po kayo? Hindi ba ay bilin ko pong ‘wag niyo na akong hintayin, magpahinga na po kayo.” Ayokong napapagod si Papa, nakakasama sa kalusugan niya ang pagpupuyat kaya nagagalit ako kapag hindi niya ako pinapakinggan.

“Anak, hindi rin naman ako makakatulog nang hindi ka pa nakakauwi.” Kinuha ni Papa ang bag ko at naglakad kami papasok sa bahay.

“Pa? Masama sa kalusugan ninyo iyang pagpupuyat. Saka uminom na po ba kayo ng gamot?”

“Alam mo anak, hindi ako magsasawang hintayin ka kahit anong oras pa iyan. Oh siya nga pala, kumain ka na ba?” Natikom ko ang aking bibig at naluluhang umiling sa kaniya.

“Tara anak, ipinagtabi kita ng paborito mo.” Ngumiti siya sa akin at isinara ang pintuan.

“Salamat Papa!” Hindi ko mapigilang yakapin siya, alam kong nahihirapan na siya pero nand’yan pa rin siya para mapag-aral ako.

“Anak, may problema ba? Ba’t umiiyak ka?” Kumalas si Papa sa yakap at tinignan ako nang diretso. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Lalo lamang tumulo ang aking mga luha.

“W-Wala po, Pa. Napuwing lang po kanina sa biyahe. Akyat muna po ako.” Tumango siya nang dahan-dahan.

Umakyat na ako sa itaas upang makapagpalit ng damit.Dahan-dahan lamang ako sa pag-akyat dahil baka magising si Auntie Myrna. Bata pa lamang ako noong mawala si Mama kaya walang araw na hindi umiinom si Papa. Lagi siyang naglalasing ngunit unti-unti ring natigil nang makilala niya si Auntie Myrna.

“Miran?” Nagmadali na akong bumaba nang marinig ko ang boses ni Papa.

“Heto anak, kumain ka nang marami. Magpakabusog ka, ha?” Napangiti ako dahil sa inihapag na mga pagkain ni Papa. Lahat ay mukhang masasarap, alam kong siya ang nagluto nito dahil sa amoy pa lang ay kilala ko na.

“Salamat, Pa.” Umupo na ako at masayang kumain kasama si Papa. Nakatingin lamang siya sa akin at nakawawala ng pagod ang makita ang kaniyang matatamis na ngiti.

***

“Hoy, Miran! Gumising ka na d’yan ano ba?!” Napabaling-baling ako sa higaan nang may malakas na katok ang sunod-sunod na nanggaling sa pintuan.

“Bumangon ka na d’yan, hindi ka prinsesa. Ipagluto mo na kami at papasok pa sila Lorraine! Hoy!” Iminulat ko ang aking mata at tuluyan nang umalis sa higaan.

Nasanay na ako, ako ang laging gumagawa sa mga gawaing bahay. Maagang umaalis si Papa upang maglako ng pandesal kaya kadalasan ay hindi ko na siya naaabutan.

“Miran! Hindi ka ba nakikinig, ha?” Dinig ko ang malakas na boses na mula kay Auntie Myrna.

“Opo, heto na,” sagot ko pabalik. Sinimulan ko nang suklayin ang aking buhok. Ang sabi ni Papa ay hawig na hawig ko si Mama, dagdag pa ang kulay kayumanggi kong buhok.

Pagbukas ko ng p***o ay bumungad sa akin ang mga damit.

“Oh bakit ba ang tagal-tagal mong lumabas? Gutom na kami, papasok na ang mga anak ko! Nga pala, labhan mo rin ‘yan, ha?” Napadako ang aking tingin sa bunton ng mga damit sa sahig. Sa pagkakaalam ko ay nalabhan ko na ang iba pang marurumi.

“Pero, Ma?” Hindi ko malalabhan ngayon dahil maaga rin ang pasok ko sa school.

“Pupunta pa ako sa palengke para maglako ng paninda. At ano nga ang sabi mo? ‘Di ba ang bilin ko sa ‘yo... ‘wag na ‘wag mo akong tatawaging Mama?! Nasusuka ako kapag naririnig ‘yan sa ‘yo!” Napayuko ako nang duruin niya ako sa sentido.

“Labhan mo ‘yan, ‘wag mong kalimutan kun’di ay malilintikan ka talaga sa ‘kin!” Nakagat ko na lang ang aking labi dahil sa tono ng pananalita niya. Masakit siyang magsalita pero para kay Papa ay titiisin ko.

“O-Opo, Auntie.” Agad kong pinulot ang mga damit sa sahig nang tumalikod na siya. Mabilis akong dumeretso papunta sa hagdan. Kailangan kong bilisan dahil ayokong mahuli na naman ako sa klase.

“Hoy, babae! Nasaan na ang ulam? Ma-la-late na kami ni Ate Rina, oh!” Napatigil ako nang humarang sa harapan ko si Lorraine, kasing edad ko lang siya pero kung umasta ay parang mas matanda pa sa akin.

“Magluluto pa lang.” Nilagpasan ko na siya dahil nasasayang lang ang oras ko sa kaniya. Nakita ko pa ang pagkunot ng kaniyang kilay.

“Hoy, lumalaban ka na ngayon, huh? Baka nakakalimutan mong palamunin ka lang dito!” Napa-irap ako dahil palagi ko na lang naririnig ang linya niyang ‘yon. Nakakasawa na. ‘Ako pa ang palamunin?’

“P’wede ba Lorraine, ang aga-aga. Sinabi na ngang magluluto pa lang,” saad ko at humakbang palayo.

“Tignan mo, sumasagot ka pa!” Nabitawan ko ang mga damit nang biglaan niyang hablutin ang buhok ko.

“Aray ko Lorraine, bitawan mo ‘ko!” sigaw ko sa harapan niya dahil masakit ang ginagawa niyang paghila sa akin, dagdag pa ang matatalim niyang kuko.

“Ano, sino ka ngayon, huh?!” sigaw niya sa akin at humalakhak nang pagkalakas-lakas sa harapan ko. Sa sakit ay otomatikong hinablot ng aking kamay ang buhok niyang kulot.

“Tama na, Lorraine. Itigil mo na ‘to!”

“Ouch, ano ba bitawan mo ako!” Mas humigpit ang pagkakahawak ko dahil patuloy pa rin siya sa pagsabunot sa akin.

“Bitawan mo muna ako at bibitawan din kita!”

“Ayoko! Ikaw ang bumitaw! Mom?!” napatili siya nang hilahin ko ang buhok niya.

“Anong nangyayari—“ narinig ko ang mga yapak nila na pababa ng hagdan.

“Miran, inaaway mo na naman ang kapatid ko?!” matinis ang boses ang sumunod na narinig ko, hindi ako nagkakamali, si Rina.

“Ano ba Miran? Bitawan mo ang anak ko!” Naramdaman ko ang paghawak sa aking braso. Hindi ako umimik at lalong sinabunutan si Lorraine. Siya ang nauna kaya siya ang nararapat na maunang bumitaw.

“Miran bitawan mo si Lorraine! Ano ba?” hindi ako bibitaw! Naramdaman ko ang kamay ni Rina sa aking braso kaya mabilis ko siyang tinabig gamit ang isa kong kamay. Narinig ko ang mahinang pagmura niya.

“Tumigil na nga kayo?!” Napapikit ako nang malakas na puwersa nila akong itinulak sa pader. Napaupo ako at dahan-dahang hinawakan ang aking ulo. Ramdam ko ang pamamanhid dahil sa higpit ng hawak kanina ni Lorraine.

“Mom! Ang sakit ng ulo ko, kagagawan ‘to ng pesteng Miran na ‘yan! Palayasin niyo na kasi ‘yan!” tumingin ako kay Lorraine na panay ang pagmamaktol.

“Ano bang ginagawa mong babae ka? Sinaktan mo na naman ang mga anak ko! Gusto mo bang malaman ‘to ni Romil?” Nanlilisik ang mga matang napalingon ako kay Auntie Myrna. Hindi p’wede, ayokong malaman ni Papa ang nangyayari sa akin. Makakasama lamang ‘yon sa kalusugan niya kung dadagdagan ko pa ng problema.

“Oh, hindi ka na kumikibo? Ma, ano bang silbi niya? Dapat kasi hindi niyo na siya pinatuloy rito.” Napatingin ako kay Rina dahil sa hindi ko gusto ang tono niya.

“Anak, hindi p’wede. Kung hindi lang nga dahil kay Romil ay matagal na ‘yang palaboy-laboy sa kalsada, t’yak na magagalit ang Papa ninyo kapag pinaalis ko ‘yang anak niya!” nakangising tugon niya sa mga anak. Hindi ako kumibo, ayokong makapagsalita ng masama dahil tiyak na sasabihin nila kay Papa.

“Magluto ka na nga! Kumilos ka na d’yan!” Napapikit ako nang ihampas nila sa akin ang mga maruruming damit.

Nanatili akong nakaupo hanggang sa makalayo sila sa akin. Kung sana’y may sapat akong pera para makanap ng uupahang bahay ay hindi ako magdadalawang-isip na lisanin ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status