Share

KABANATA 2:

last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-07 01:33:49

MADISON’S POV:

Paggising ko ay kinapa ko agad ang katabi ko. Ngunit wala na siya, baka pumasok na siya sa trabaho.

Nag-ipit ako ng buhok saka mabilis na naghilamos sa banyo at nagsepilyo. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na may tao pala sa sala. Nagulat ako nang naroon sina Megan at Brandon. Magkatabi sa sofa, habang masayang nag-uusap ngunit hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Kaya lumapit ako sa kanila.

“Oh, nandito ka pa pala darling. Akala ko ay pumasok ka na sa trabaho mo." saad ko.

Nang makita niya ako ay parang nakakita siya ng multo. Nanlalaki ang mga mata niya saka mabilis na binitawan ni Brandon ang kamay nila na magkahugpong ni Megan.

Kaya napakunot-noo ako.

Mabilis na tumayo si Brandon. “A-Ah, oo. Nakikisabay ulit kasi papasok ng trabaho si Megan. Kaya hinintay ko na siya. Diba, Meg?" saad niya nang balingan niya ang kapatid ko.

Nakita ko na napalunok-laway si Megan na para bang nahuli sa isang kasalanan.

“O-Oo! Tama si Brandon, ay este kuya." sabay ngiti niya sa akin. K-Kain ka na sa kusina ate, nagluto ako ng fried rice atsaka hotdog at itlog." sabay sulyap niyang muli kay Brandon.

Hindi ko alam pero parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng tinginan nila. Ayoko naman na paghinalaan sila dahil naging close friends ang mga ito, bago ako nakilala ni Brandon. Besides, kapatid ko si Megan kaya hindi niya ako tatraydurin, malaki ang tiwala ko sa kanila.

“Marunong ka nang magluto?" gulat na saad ko.

“Syempre naman ate! Kung kaya mo ay kaya ko rin." saad niya na para bang may tinatagong hinanakit sa bawat salitang binibigkas niya.

Saka may dumaang galit sa mga mata niya o baka guni-guni ko lang ‘yon?

Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Masyado ko lang sigurong binibigyan ng kulay ang lahat ng ikinikilos nila.

"Ganon ba? Nakaka proud naman kung gano'n. Sino ba ang dahilan kung bakit natuto kang magluto?” nakangiting saad ko.

Saka ko sila muling napansin na nagkatinginan ni Brandon. "W-Wala naman ate, naisipan ko lang na mag-aral. Alam mo na, para kapag nakapag-ipon na ako ay bubukod na ako sa inyo ni k-kuya.”

"Bakit naman? Welcome ka dito sa bahay namin, hindi mo na kailangang umalis pa.” saad ko.

"Gusto ko rin namang gawin ito, para sa privacy niyo. Nahihiya na rin kasi ako sa inyo.” malungkot na saad niya.

"Hay! Ano ka ba naman! Ba’t ka mahihiya sa amin, eh hindi ka rin iba sa akin,” saad ni Brandon, saka ako nilapitan at hinawakan sa baywang. "Hindi ba, darling?” sabay tingin niya sa akin.

“Oo, tama ang kuya mo." nakangiting saad ko.

“Lalabas na ako ate." paalam ni Megan.

"Sige, mag-iingat sa trabaho mo.” nakangiting saad ko.

“Kumain ka na doon, darling ko. Aalis na rin kami, ha." paalam ni Brandon.

“Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho ha. I love you." malambing na saad ko.

“Salamat, darling ko." nakangiting saad niya.

Dahilan para mapasimangot ako. “Sabi ko, I love you." ulit ko dahil hindi man lang niya sinagot ang pag I love you ko.

"Ay sorry na, darling. Masyado kasing occupied ang isip ko sa trabaho. Kaya hindi ko narinig. I love you too." malambing na sagot niya.

Akmang hahalikan ko siya sa labi nang biglang yumuko siya para punasan ang sapatos niya.

Kaya naramdaman ko na parang piniga ang dibdib ko. Dahil sa kirot na nadarama ko. Hindi ko alam pero this past fews months ay parang may nagbago sa kanya.

Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang iwasan ako o talagang busy lang siya at stress sa trabaho.

“Aalis na ako ha." sabay halik niya sa noo ko.

“Okay…" maikling saad ko.

Saka na ako pumunta nang kusina para kumain.

— — —

BRANDON'S POV:

Paglabas ko ay nag-aabang na sa loob ng kotse si Megan, nakaupo sa passenger seat. Hindi na ako nagulat dahil gano'n naman palagi ang set up naming dalawa.

Nakaka thrill nga at exciting sa part ko dahil mas nag-eenjoy ako sa pagtatago naming dalawa.

“Ang tagal mo, naglandian pa yata kayo sa loob ng kusina ni Madison." napangusong saad niya.

"Hindi, umiwas nga ako nung hâhâlikan niya sana ako dahil para lang ako sayo, my love.” malambing na saad ko.

Mabilis na kinabig niya ang batok ko saka ako sinîîl ng nasasabik na hâlik.

Dahilan para tumugon ako, saka ko hinawakan ang baywang niya at iniupo ko siya paharap sa kandungan ko.

Sa bawat lapat ng mga labi namin ay mas lalo kaming ginaganahan sa isa't-isa. Rinig na rinig ang bawat paglapat ng labi niya.

“Dang it! Napakagaling mo talagang manghalik, my love. Gustong-gusto ko ang pagiging mapusok mo." saad ko sa pagitan ng halikan namin.

“Dapat lang! Dahil akin lang yang katawan mo, pati yang k*****a mo. Sa akin ka lang!" saad niya.

“Sayong-sayo lang ako. Promise!" malapad ang ngiting saad ko.

Makaraan ang ilang minuto ay bumalik na sa upuan niya si Megan. Habang ako ay nag-umpisa nang magmaneho papasok ng trabaho. Work mates din kasi ni Megan, mas gusto ko yon para mas mahaba ang oras naming dalawa.

Makaraan ang ilang minutong pagbiyahe ay huminto na ang sasakyan ko sa kumpanya na pinagtatrabauhan namin.

Bumaba ako para pagbuksan siya ng p***o sa passenger seat.

"Thank you, my love.” malambing na saad niya.

"You're always welcome, my love!” sabay halik ko sa kanya sa labi.

Nakita ko kung paano siya natuwa sa ginawa ko.

Saka may dumaan na katrabaho naming papasok na rin.

"Wews! Ang tamis naman ng mga mag shotang ‘to! Mas bagay talaga kayo ni Megan kesa ni Madison. Sêxy na, maganda pa! Ano pa bang hahanapin mo? Samantalang si Madison, mâtâba na, løsyang pa.” naiiling na saad ni Patrick.

“Ano ka ba, Patrick! Tigilan mo na nga yan. Masyado niyo nang bina-bâckstâbbêd ang ate ko." sabay nguso ni Megan.

“Tsk! Totoo naman ang sinasabi ko ah!" sabay baling sa akin ni Patrick. “Kaya pre, kung ako sayo ay hiwalayan mo na si Madison. Hindi kasi siya pang trophy wife." malokong saad niya saka na kami iniwanan doon at naunang pumasok sa kumpanya.

“Narinig mo ‘yon, my love? Mas boto ang mga kaibigan mo sa akin kesa sa ate ko." nakangiting saad ni Megan.

"Oo naman! Aware ako doon, humahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo. Pangako ko, bibigyan kita ng engrandeng kasal.” nakangiting saad ko.

"Siguraduhin mo lang talaga.” babala niya.

"Oo, naman! Tara na, baka mapagalitan pa tayo ni sir Blackwood.” saka ko hinawakan ang kamay niya at ipinagsalikop ang mga daliri naming dalawa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • From Shattered Vows to Billionaire Dreams   KABANATA 23:

    MADISON'S POV:“Tulungan niyo kami! Gustong kidnap-pin ng babaeng ‘to ang anak ko!" sabay turo niya sa akin habang hawak niya ang kamay ng kanyang anak.Dahilan para magbulungan ang mga tao sa paligid habang tinitingnan ako, nang may halong panghuhusga sa paraan ng pagtitig nila.Napabuga ako ng hangin. “Seriously? Pwede pa nga kitang idemanda dahil sa paninirang puri mo sa akin." sabay ngisi ko.“Oh? Talaga? May pruweba na nga ako eh, sino sa tingin mong papaniwalaan ng mga tao sa ating dalawa ha?" paghahamon niya.“Bakit hindi mo tanungin ang anak mo, kung sino sa atin ang nagsasabi ng totoo? Ang mga bata, hindi marunong magsinungaling." malamig na saad ko.Dahilan para lingunin niya ang kanyang anak saka ko nakita kung paano niya hawakan ng mahigpit ang maliit na kamay niya.“Magsabi ka ng totoo Chloe! Diba gusto ka niyang kunin sa akin?" mahinang saad niya pero may kasamang pananakot.Dahilan para magsimulang humikbi na naman ang bata. “A-Aray! Mommy…Masakit po.” "Ano ba Megan! N

  • From Shattered Vows to Billionaire Dreams   KABANATA 22:

    MADISON'S POV:“Flowers po, delivery para sa inyo." saad ng delivery boy.Napakunot-noo ako. “Kanino galing? Magkano?" sunud-sunod na tanong ko.“Hindi po sinabi kung kanino galing eh, nagde-deliver lang po kasi ako. Saka bayad na po yan. Gusto niya raw po kayong i-congratulate sa opening ng cafe niyo," saka niya inabot sa akin ang papel at ballpen. “Pakipirmahan na lang po, katunayan na natanggap niyo na ang bulaklak." Kaya kinuha ko ito saka pinirmahan.Pagkatapos ay lumingon siya sa likuran niya saka biglang dumating ang mga kasamahan niya at may bitbit na bulaklak na may stand. Pero ang ikinagulat at nakakagimbal ay bulaklak ito na pang patay!Dahilan para matutop ko ang bibig ko sa gulat. Saka nanginig ang buong katawan ko sa takot.Maging ang mga tao dito sa loob ay nagsinghapan.“Damn it! Aalamin ko kung sinong nagpadala ng bulaklak na yan," saka niya kinabig ang baywang ko at niyakap ako ng mahigpit. “Itapon niyo yan sa basurahan, huwag niyo nang ilagay dito yan." ma-awtorida

  • From Shattered Vows to Billionaire Dreams   KABANATA 21:

    MADISON'S POV:“Okay na ba ang lahat? Make sure na walang maging aberya. Kailangang maging successful ang grand opening ng cafe ko." saad ko sa mga hinire ko na empleyado at ng event organizer na inupahan ko para dito."Yes ma’am everything is all set. Huwag po kayong mag-aalala.” nakangiting sagot ng event organizer.Napahinga ako ng malalim. "Good to know then. Thanks!” aligagang saad ko.Lahat kami ay abala dito sa cafe, alas kwarto pa lang ng madaling-araw ay gumising na ako para makapaghanda ngayon. May pumapainlalang pa na upbeat song dito at may mga lobo na kulay gold at puti sa paligid para sa disenyo."Maddy, relax. Nandito ako para tulungan ka.” sabay abot ni Zachary sa kamay ko at marahang pinisil niya ito.Napabuntong-hininga ako. "Thank you, Zach! Ninenerbyos lang ako, ayoko kasi na magkaro'n ng problema.” hindi mapakaling saad ko.“Shh… Just breathe in and out, slowly. That’s it. Hindi yan makakatulong, kaya kumalma ka, okay?" malambing na saad niya.Dahilan para mabawa

  • From Shattered Vows to Billionaire Dreams   KABANATA 20:

    MADISON’S POV:Pagdating sa bahay ay mabilis na dumiretso kami sa sala.“Saglit lang ha, kukunin ko lang ang medical kit. Upo ka muna diyan, feel at home!" nakangiting saad ko sa kanya.“Sure! Thanks!" sagot niya.Saka ako mabilis na naglakad patungo sa kwarto ko.Pagkakuha ko sa aking pakay ay mabilis din ako na lumabas saka ako dumiretso sa kusina para naman kumuha ng cold compress. Pagkatapos ay bumalik din ako sa sala at nadatnan ko siya na nakatayo habang nakatitig sa litrato ko na nasa picture frame. Marahil ay naramdaman niya ang presensya ko kaya napalingon siya sa direksyon ko.“Sorry kung pinakialaman ko ang gamit mo. I was just looking at your photo." saad niya.“Ayos lang ano ka ba! Sige na maupo ka muna, para magamot na natin yan." saad ko.Halos sabay kaming umupo sa mahabang sofa ng magkatabi."Pakilagyan mo muna ng cold compress yan, para mawala ang bugbog saka natin gamutin ang mga sugat mo.” saka ko binigay sa kanya ang hawak ko.Kaya tinanggap niya ito at idinikit

  • From Shattered Vows to Billionaire Dreams   KABANATA 19:

    MADISON’S POV:“Hi, Engineer! Kumusta na po yung construction ng pastry and coffee shop ko?” tanong ko nang nakabisita ako sa mismong construction site kung saan ginagawa ang magiging business ko.“Okay naman po, Ms. Madison. Tuloy-tuloy ang progress and on schedule pa rin tayo.” paliwanag nito.Saka ko nilibot ang tingin sa buong paligid. I can't believe na may panibagong negosyo na naman akong bubuksan. Ilang buwan na lang ang hihintayin ko.“Good to hear! So, confirmed po ba na matatapos na siya within two months?” excited na saad ko.“Yes Ms. Madison. If everything goes as planned, matatapos natin within two months.” pag-assure niya.“Nice! Please keep me updated sa progress para ma-prepare ko na rin yung next steps for the opening.” nakangiting saad ko.“Sure Ms. Madison! I’ll keep you posted.” palakaibigan niyang sagot sa akin.Naisipan ko na magtayo ng pastry shop na may kapehan. Para naman may pagkaabalahan ako sa buhay. Maliban sa negosyo kong commercial apartment.Naging aba

  • From Shattered Vows to Billionaire Dreams   KABANATA 18:

    MADISON'S POV:Habang abala ako na nag grocery ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtatakang kinuha ko ito sa aking bulsa saka sinagot ang tawag nang makitang si Zach ito.“Hello Zach! Ba’t napatawag ka?" saad ko sa kabilang linya.“Where are you?" seryosong saad niya.“Nandito sa MNX grocery store, bakit?” nagtatakang saad ko."Stay there, ako na ang maghahatid sayo pauwi.” saad niya sa kabilang linya saka naputol na ang tawag."Anong mayro'n? Bakit kaya biglaan naman?” nagtatakang saad ko.Mabilis na nagbayad na ako sa counter saka hinintay si Zachary sa may parking lot. Hawak ang push cart at nakabalot na ang mga pinamili ko.Ilang minuto ang nakalipas ay may humintong pamilyar na sasakyan sa harapan ko.Pagbaba niya ay suot pa niya ang itim na suit, slacks at leather shoes. Halatang nagmamadali pa ito galing sa opisina para makapunta lang dito.“Bakit biglaan naman ata ang pagpunta mo rito?" nagtatakang saad ko sa kanya nang nakalapit na siya sa akin.“May bumabalak na saktan k

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status