MADISON'S POV:“Oh, darling! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Nag-alala tuloy ako, akala ko kung ano nang nangyari sayo." sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.“Pasensya na mahal ko, sobrang busy kasi sa trabaho. Eh deadline, kaya ang daming pinagawa ni sir Blakckwood." tila hinahapong saad niya.“Gano'n ba? Kumain ka na ba? Tara, ipinagluto kita ng paborito mong adobong pusit." saad ko sabay hawak sa kamay niya.Ngunit nagtaka ako dahil hindi man lang siya nagpatinag at nakatayo lang.Kaya nang lingunin ko siya ay napakunot-noo ako. “Ikaw na lang ang kumain, busog ako dahil nag-aya kasi ang mga trabaho ko na kumain sa labas. Pasensya na ha darling, mauuna na akong magpahinga sayo dahil pagod ako." saad niya.Akmang bubuksan ko pa lang sana ang bibig ko para magsalita, nang bigla na lang siyang umalis at iniwanan ako sa sala.“Hinintay pa naman kita para sana sabay tayo na kumain. Pero kakain na naman akong mag-isa ngayong gabi."
Last Updated : 2026-10-07 Read more