"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
"Ibibigay mo sa amin ang yaman mo, o pâpâtâyîn ko itong boyfriend mo?" Kasalukuyang nakagapos si Clary sa isang wrought iron chair ngunit may sapat na bigat upang hindi siya matumba sa oras na magpumiglas siya. Sa harapan niya mayroong lamesa, kung saan nakapatong ang kasulatan na pinagawa ng mga ito upang makuha sa kaniya ang kompanyang iniwan sa kaniya ng kaniyang ama. Nasa loob sila ng silid na bakal ang sahig, green na makakapal na parang yero tingnan ang buong paligid. Ang lugar na iyon ay kasalukuyang gumagalaw na para bang nasa loob lang sila ng isang barko at hindi rin niya mawari kung saang parte ng dagat ito. Sa harapan niya, nakaluhod ang boyfriend niyang si Tristan, luhaan ang mga mata nito sa takot. Nakatali rin ang mga kamay nito sa likuran at namamaga ang kaliwang bahagi ng pisngi nito na halos sinakop na ang buong kaliwang mata. Punit rin ang kilay nito at kasalukuyang nagdudurugo. Si Jasper, kinikilalang kuya niya, ay kasalukuyang may hawak na kutsilyo. Hawak n
Hindi siya makapaniwalang magagawa ito ni Tristan sa kaniya. Sa loob ng mahigit isang taon na kasama niya ito, wala itong ibang pinakita sa kaniya kundi ang mahal siya. Ilang beses siyang napahamak at niligtas rin siya nito. Noong kaarawan rin niya, sinorpresa pa siya nito ng romantikong handaan at nandoon si Ruby, tuwang-tuwa pa ito sa nakamit niya sa lovelife niya. Ang lahat ng iyon nakikita niyang totoo. Nararamdaman niyang totoo. Tinuring niyang si Tristan ang lalaking para sa kaniya. Humantong na sila sa usapang kasal. Nag-propose pa ito sa kaniya at pumayag naman siya. Ngunit noong gabing nag-propose ito, dinukot rin silang pareho kaya nasa ganito siyang sitwasyon ngayon. Samu't saring emotion ang kumakastigo sa sistema niya. Durog ang puso niya ngunit umaapoy rin ito sa galit. Lumapit pa talaga si Ruby sa kaniya, at pwersahang kinuha ang singsing sa daliri niya. Pwede niyang ikuyom iyon para hindi nito makuha pero hindi na niya ginawa, para saan pa ba?"This is mine." Sinuot
Nakalayo na ang barko, ngunit abot tanaw pa rin ito ni Hake si Clary na kumapit sa salbabida. Alam niyang pinapanood nito ang barko na papalayo. Naawa siya sa babae, ngunit maliban tulong na ginawa niya, wala na siyang ibang naisip pa. Mabigat ang dibdib niyang huminga nang malalim, dinampot niya ang mga tali na nagkalat sa sahig at tinapon rin ito sa dagat. Saktong pagbato niya sa mga tali na iyon, may dumaklot sa kwelyo niya, sabay tanong ng pabulong sa mukha niya. "Anong ginagawa mo?" Nanlaki ang mga mata niya, hindi niya akalaing may makakita sa kaniya. "Isusumbong mo ba ako?" Tinitigan niya ito nang masama. Sa inis nito, binitawan siya nito sa patulak na paraan. "Paano kung may nakakita sa'yo?" Kinabahan siya sa tanong na ito, pero may bahid rin na pasasalamat ang nararamdaman niya dahil naamoy niyang hindi ito magsusumbong. Kaibigan niya si Ian at ang dahilan kung bakit magkasama sila sa ganitong trabaho dahil sa anak niya. Sa madaling salita tinutulungan siya nito. "Dapat h
Kakalabas lang ng tauhan niya nang bigla niyang mapagtanto ang sinabi nito. Naningkit ang kaniyang mga mata sa salitang torture na sinambit nito. Kung hindi psychopath ang nag-torture sa babaeng iyon posibleng may pinapaamin, o may gustong makuha.Binalot ng kuryusidad ang sistema niya kaya humakbang siya para lumabas. Malaki ang stronghold ng Dreadblood Consortium na teritoryo nila. Nasa tabi ito ng dagat at nasa bente na palapag. Secured itong gusali dahil sa dami ng mga aktibidad na pinapatupad niya sa loob. Iyon ay pampalakas pwersa ng grupo niya at sinisiguradong walang intruder na makakaligtas once pinasok sila. Punong-puno ito ng teknolohiya, bawat pintuan ay may scanner, mula sa loob palabas, awtomatikong nagbubukas ang pintuan at bumabalik pasara. Mula naman sa labas papasok, may scanner ito upang kilalanin kung myembro ba ng organisasyon ang papasok o hindi. Ganoon kahigpit ang teritoryo nila, kaya kahit sinong katulad nilang malalakas ay walang may nangangahas na pasukin
Lihim na nakahinga nang maluwag si Clary nang hindi kinalabit ng gwapong lalaki ang gatilyo ng baril kanina. Tinatawag itong boss ng mga lalaking kumuha sa kaniya. Ang babagsik ng mga ito, nakakatakot, ang bibigat ng mga hakbang, halatang kargado ng mga nakatagong armas ang mga katawan. Puro pa malalaking tao, pero ang boss ng mga ito, napaka-hot ng pangangatawan, matangkad at naroon ang aura ng katakot-takot. Napakalinis nitong tingnan sa taglay ng kagwapuhan. Mas gwapo pa ito kay Tristan. Umiigting ang panga, kilay na parang ginuhit at ginawang perpekto, nanghihilang attention na mga mata, lalo na kapag titigan ito, tila may sarili itong salita at iyon ay 'hûbâd ka.' Putok na putok ang matipunong katawan nito sa suot nitong black t-shirt. Napasimple ng porma pero nakakakaba. Parang nangingibabaw pa rin ang maawtoridad na pangangatawan nito sa suot na damit. Wala man siyang tinig na maririnig ramdam pa rin niya ang utos na lumuhod sa harap nito. Ngunit hindi ganoon kahina ang f