Mabilis siyang hinawakan sa batok ng lalaking boss sa grupong ito upang makaiwas sa umuulan na bala. Isang malaking barko ang sumalubong sa kanila at napakaraming armadong tao ang kasalukuyang tinatarget ang kanilang yate.
Kung hindi siya natatakot sa lalaking ito sa ligaw ng bala mas naratanta siya.
"Masyadong marami ang baon nila, boss, alanganin tayo!" sigaw ng isang lalaking kasalukuyang nakadapa.
"Tumawag ka ba ng back-up?" tanong pa nito, dinidiin nito ang mukha niya sa sahig. Mas lalo siyang nahihirapan pero hindi siya nagpumiglas. Kapag iangat niya ang ulo niya pabagsak lang na babalik sa sahig ang mukha niya dahil sa pwersa nito mas lalo siyang masasaktan.
"Yes, boss kaso hindi ko alam kung makakarating sila agad. Kailangan mo na talaga umalis, kami na ang bahala dito," sagot ng tauhan.
Ang loyal naman masyado ang taong ito, handang sumulay sa umuulan na bala mailigtas lang ang amo.
"How dare they rush into my territory. Naisip ba nila na once napasok nila ang Spartly, wala na silang malulusutan?" nanggagaliiti nitong sabi. Napasinghal pa ng hininga.
"Mukhang sila ang mga taong handang mamátáy para sa pinuno nila boss mabigyan ka lang ng damage," sagot ng tauhan.Hindi na lang siya umimik. Binaliwala niya ang galit na asta nito. "Kailangan mo na talagang sumibat, boss. Baka mapahamak ka dito!" suhestiyon pa ng tauhan.
"Wag mo akong utusan."
Bumangon ang supladong amo at gumanti sa pamamaril. Mas lalong naging magalaw ang yate na sinasakyan nila dahil sa paglapit ng malaking barko. Pinatay na rin ang ilaw sa deck na kinaroroonan nila. "Protektahan niyo ang babae, huwag niyong hayaang masaktan yan," matigas na utos nito.
"P-Pero boss—"
"Kilos!"
Walang magawa ang lalaki kundi ang lapitan siya. Hinawakan siya nito sa balikat at hinila patayo. Dinala siya nito papasok, at panay lang ang yuko nila para hindi matamaan ng bala.
"Nasaan si Boss? Anong ginagawa mo?" salubong ng lalaki na ngayon ay mahabang armas na ang hawak.
"Nagpaiwan sa deck, binilin niya sa akin to." Sinulyapan nito hawak na kamay niya. "Hindi ito pwedeng masaktan," sagot nito na parang manika lang siya na laruan ng boss ng mga ito.
Sumunod lang siya kung saan man siya nito dadalhin. Masyadong mabilis ang mga hakbang nito, sinisikap na lang niyang pantayan ang bilis para hindi naman siya madapa-dapa sa paghila nito. Nakarating sila sa stern ng yate, kaunti na lang maabot na niya ang tubig kung gusto niyang hawakan. Ngunit tila nakita sila ng mga nasa kabilang barko kaya pinaulan sila ng bala.
Napasigaw siya, napaupo sa sahig. Mabuti na lang nakapagtago siya agad sa hull, ngunit ang lalaking kasama niya ay napahawak sa braso at namimilipit sa sakit. Nabitawan nito ang armas. "Darwin!" sigaw ng isa pang lalaking nakakita sa kanila.
Tumakbo ito papalapit, ngunit sinalubong ito ng bala. Bumulagta ito sa sahig at ang lalaking kasama niya, pumalahaw ng sigaw, "Tangina Jayson!"
Napaawang na lang ang mga labi niya sa nasaksihan. Napunta kay Darwin ang mahabang armas na dala nito. Sa galit nito, nagpaulan ito ng bala. Nag-aalala siya baka matamaan ito, kaya agad niya itong hinila sa paa. Mabigat ito, pero nagalaw niya ito kahit papaano at saktong nabutas ang sahig sa parteng itaas ng ulo nito. Mabuti na lang nausog niya ito bago iyon matamaan.
"Umalis ka diyan!" sigaw niya rito.
Hindi na ito nagmatigas pa. Gumapang ito papunta sa kaniya at naiiyak na napapamura pa dahil natamaan ang kasama nito. May tama iyon sa dibdib, at isa sa ulo kaya siguradong wala na itong buhay.
Tuyong-tuyo na ang lalamunan niya sa sobrang pagkawindang. Tinatanong na lang ang sarili, paano siya nakapasok sa ganitong sitwasyon. "Dito ka lang, wag kang aalis kung gusto mong mabuhay..." Umiiyak nitong bilin. "Titingnan ko lang si Boss, baka napano na iyon, babalikan kita."
Grabe, kahit nanganganib na ang buhay nito ang walang pusong boss pa rin nito ang iniisip. Pero kung sabagay, kung hindi ito kikilos para iligtas ang lahat baka malaki pa ang posibilidad na maubos sila doon. Imbis na may chance siyang mabuhay mawawala na lang.
Umalis ito sa tabi niya, kinuha nito ang baril at gumapang pabalik sa loob. Ngayong nag-iisa na lang siya, mas lalo siyang kinabahan. Ang mahabang armas ay malapit lang sa kaniya. Hindi rin niya namalayan na may mga luhang tumulo sa kaniyang mga mata.
"Tángíná, Darwin nasaan ka?!" boses naman ng lalaking biglang dumating, tarantang-taranta ito na lumapit sa kaniya. Hinawakan siya sa braso, at pinatayo pero pinoprotektahan rin. "Halika!"
"San mo ako dadalhin?" tanong niya.
"Ililigtas," sagot nito.
Ililigtas lang naman siya dahil kailangan siya ng boss nito na buhay.
"Anong nangyari? Nasaan si Darwin?" tanong pa nito.
"Umalis," sagot niya.
"Saan pumunta?!" balisa nitong tanong.
"Sa boss niyo." Hinihingal na siya sa kakatakbo. Dumaan pa sila sa gilid kaya tumama na sa katawan niya ang malayelong lamig ng ulan. Pumasok sila sa isang lugar kung saan bumungad sa kanila ang tatlong motorboat.
Binuksan muna nito ang dadaanan ng motorboat papunta sa tubig. Sobrang lakas ng alon, mabuti na lang malaki rin ang yate kaya hindi pa ito natataob. Nilabas nito ang isang motorboat at may kinuha ring lubid sa sahig, tinali nito iyon sa baywang niya at sa motorboat din. Hindi niya alam kung ano ang plano nito, pero hinayaan na lang niya. Tila wala naman itong ibang mission ngayon kundi ang panatilihin siyang buhay.
"Sakay," utos nito nang sakyan na nito ang motorboat na iyon.
Hindi na siya nagdadawang isip pa, umangkas siya sa likuran nito. Agad nitong pinaharurot ang motorboat ngunit natunugan yata sila, may sumalubong sa kanila na nakamotorboat din.
Natamaan ito sa dibdib. Napasigaw siya ngunit lumaban pa rin ito, natamaan nito sa ulo ang lalaking nasa isang motorboat. Dahil natamaan sa dibdib ang kasama niya, tila sentro pa sa puso, nawawalan ng direction ang pagpapatakbo nito ng motorboat. Natatakot siya na baka sumalpok ito sa kabilang barko. Kaya tumayo siya, at inabot ang hawakan para siya na ang magmamaneho.
"Kumapit ka, babalik tayo sa yate!" nakikiusap na sigaw niya rito. Pero bumulwak na ang dugo sa bibig nito at kahit anong hawak ng isang kamay niya rito, mahuhulog pa rin ito, dulot bigat nitong katawan.
"Ano ba?! Lumaban ka!" sigaw pa niya.
"I-Iligtas mo ang sarili mo," huling salita nito bago lumupaypay.
Kung sino man ang lalaking ito, nagpapasalamat siya sa effort nito para maprotektahan lang siya kahit utos iyon ng amo. Tulo ang mga luha niyang naalis sa kamay niya ang jacket nitong kinakapitan niya. Wala siyang choice kundi pagtuunan ng pansin ang pagmamaneho ng motorboat.
Alam niyang gumamit ng bagay na iyon. Shempre, may-ari siya ng Nautical company ng Alliarez. Sa harapan naman niya naiwan na nakapatong ang armas ng lalaki. Mahaba iyon, mas malakas ang pwersa ang pagtama ng bala. Hinawakan niya iyon at naisip na lang, sinakripisyo ng lalaking iyon ang buhay para sa kaniya. Maging si Darwin ay sinikap ng taong iyon para iligtas siya. Ang ilan sa mga tao roon, kaya lumalaban dahil bilin ng boss na protektahan siya.
Kung tutuusin pwede na siyang tumakas pero nakikita niyang dehado na ang yate. Hindi siya malakas, babae lamang siya. Minsan na rin siyang naisahan, ginawa pa nga siyang tángá, pero kung magtagumpay siya sa ideyang naisip niya magiging proud siya sa sarili niyang tawaging matalino siya.
Iniliko niya ang motorboat. Itinuon niyang sa gilid lang ng kalabang barko ito dadaan para doon siya mismo dadalhin. Sa bilis ng takbo nito, tumalon siya sa tubig nang mapansin niyang may nakakita sa kaniya. Alam niyang hindi sapat ang bala ng armas para mabutas ang barko pero ang gagawin niya ay pagbabakasakali lamang.
Pinaulanan niya ng bala ang katawan nito, tinadtad niya iyon nang hilain siya ng motorboat. Buti na lang naisip ng lalaking iyon na talian siya. Umaalog ang katawan niya sa pwersa ng armas bawat labas ng bala, pero binigay niya ang lakas niya. Pinapalobo lang ang bibig niya para makatagal sa ilalim ng tubig, at kahit madilim, since malaki ang barko alam niyang nakakatama siya. Nang lumagpas ang motorboat, hinatak niya ang tali para mapalapit siya roon.
Nakalayo na siya, pero umakyat siya sa motorboat at pinatakbo niya ulit iyon pabalik sa malaking barko. Tumalon ulit siya sa tubig at hinayaang hatakin ng motorboat ang tali sa katawan niya. Muli niyang tinadtad ng bala ang katawan ng barko. At nang maubusan siya, may mga tauhan ang malaking barko na nahuhulog sa tubig na paniguradong patay na, dala ang mga armas at bago pa iyon mahulog sa ilalim, sinikap niyang makakuha ng isa.
Paulit-ulit niyang ginagawa iyon, tintatadtad ng bala ang barko, hanggang sa napapansin niyang umipekto ang ginagawa niya. Iyon nga lang, ramdam niya ang pagod. Muling lumagpas ang motorboat sa malaking barko at hinayaan niyang hilain siya nito saan man siya mapadpad.
Ito ang pinakadelikadong gawain na nagawa niya sa buong buhay niya. Hindi niya akalain na saniban siya ng ganoong klaseng tapang.
_
"Anong nangyayari?" wala sa sariling tanong ni Knox nang mapansin niyang tila lumulubog ang barko na sumusunod sa kanila. Napansin niyang nataranta ang mga kalaban nila at huminto sa pamamaril ang ilan sa mga ito.
"Hindi ko alam boss," wala sariling sagot ni Darwin.
Napaigik na lamang siyang nakahawak sa braso niya dahil may tama ito. Unti-unti na rin silang lumalayo sa barkong iyon, tila hindi nito magawang humabol pa.
"Boss, nagkaroon yata ng problema ang makita ng barko nila," ani pa ng isa niyang tauhan. May tama ito sa paa, pero lumalaban pa rin.
Sinikap niyang makatayo, ganoon din si Darwin. Kahit may balang nakabaon sa braso niya, sinikap niyang makatayo ng tuwid. "Nakaalis ba ng ligtas sila Kaloy?"Iyon kasi ang inutusan niya para iligtas ang babae. "Nakita ko siya kanina, nailabas niya ang isang motorboat. Sigurado pabalik na iyon ng West York," sagot naman ni Peter.
Since kumbinsido siya, tumango siya. "Kamusta ang ilan sa inyo?""Patay na si Jason at Elmer boss, agaw buhay si Barth," sagot nito.
"Kailangan nating makabalik agad sa West York, asikasuhin niyo si Barth.""Okay boss."
_
Ngunit pagdating sa West York kung saan nandoon ang teritoryo niya, walang Kaloy na dumating roon, dahilan para mag-alburoto siya sa galit sa kabila ng sugat niya sa brasong hindi pa natatanggalan ng bala.
"Hindi ba't sinabi ko, salubungin niyo si Kaloy, anong ginawa niyo?!" Kulang na lang sumabay ang kidlat sa sigaw niya. Nagitla naman ang mga tauhan niya.
"S-Sinalubong naman namin boss, pero wala talagang motorboat. Tinawagan pa nga namin lahat ng grupo sa lahat ng isla ng Spratly, negative talaga boss. Tumulong din sila pero wala talaga boss," rason naman ng humarap sa kaniya.
Napamura siya nang malutong. "Ang hirap nito boss kung natunugan sila ng mga kalaban at doon palang natingga na si Kaloy. Paano kung pati ang babae—"
"Hindi pwedeng mamatay ang babaeng iyon Darwin, Kailangan ko iyon. Hanapin niyo! Kung wala dito sa Spratly, halughugin niyo ang buong Palawan! Hanapin niyo ang motorboat, hindi naman lulubog iyon kahit mauubusan ng gatong!" Napabuga siya ng hininga at sa sobrang stress, napahilamos siya ng mukha. "Maniniwala lang ako na pátáy siya kung may nakita akong katawan niyang wala ng hininga."
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg