Home / Romance / GENUINE LOVE IN DECIET / Chapter 5: TRUST ISSUES

Share

Chapter 5: TRUST ISSUES

Author: Heel Kisser
last update Last Updated: 2023-11-15 10:32:35

Lihim na nakahinga nang maluwag si Clary nang hindi kinalabit ng gwapong lalaki ang gatilyo ng baril kanina. Tinatawag itong boss ng mga lalaking kumuha sa kaniya. Ang babagsik ng mga ito, nakakatakot, ang bibigat ng mga hakbang, halatang kargado ng mga nakatagong armas ang mga katawan. Puro pa malalaking tao, pero ang boss ng mga ito, napaka-hot ng pangangatawan, matangkad at naroon ang aura ng katakot-takot.

Napakalinis nitong tingnan sa taglay ng kagwapuhan. Mas gwapo pa ito kay Tristan. Umiigting ang panga, kilay na parang ginuhit at ginawang perpekto, nanghihilang attention na mga mata, lalo na kapag titigan ito, tila may sarili itong salita at iyon ay 'hûbâd ka.'

Putok na putok ang matipunong katawan nito sa suot nitong black t-shirt. Napasimple ng porma pero nakakakaba. Parang nangingibabaw pa rin ang maawtoridad na pangangatawan nito sa suot na damit. Wala man siyang tinig na maririnig ramdam pa rin niya ang utos na lumuhod sa harap nito.

Ngunit hindi ganoon kahina ang fighting spirit niya. Binabalot man ng takot ang kalamnan niya kaya naman iyon takpan ng mapagpanggap niyang aura. Kasalukuyan siyang nasa deck, naka upo sa outdoor sofa, at kitang-kita niya ang ganda ng karagatan.

Ngunit hindi niya ito na-appreciate ngayon. Ang boss naman ng mga taong ito, natatanaw niyang nakatayo mismo sa bow, may katabi itong lalaki na gumagamit ng teleskopyo at tila kausap rin nito. Sa ibabaw naman ng lamesang nasa harapan niya, nahatak ng pansin niya ang nilapag na pagkain.

Napatingin siya sa lalaking gumawa noon at ang sabi nito. "Kumain ka, para bumalik ang lakas mo. Ang gusto kasi ni Boss, malusog ka, ayaw niya sa babaeng sakitin."

Kumunot ang noo niya. Curious siya sa mga sinasabi nito. "Bakit niya to ginagawa? Anong kailangan niya sa akin?"

"Deretsohin na kita ha," anito, tumayo ng tuwid sa harapan niya at nag-cross pa ng mga braso. "Kaya ka buhay pa ngayon, dahil may pakinabang ka sa kaniya. Hindi ka takot sa baril niya, ituloy mo lang iyan, dahil diyan ka maliligtas. Pero ang totoo niyan, kaya ka niya kailangan dahil gusto niyang magkaanak sa isang babaeng maganda at matapang."

Biglang pumutok ang kaba sa sistema niya. "Sinasabi mo bang kailangan ng lalaking iyon ang matris ko?" Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig rito. Napakuyom ng mahigpit ang kamao niya.

"Sa lugar na ito, kahit sinong taong mapadpad rito hindi na nabubuhay. Sa madaling salita, ang buhay mo ngayon ay utang mo na lang sa kaniya kaya wala kang choice kundi ibigay ang gusto niya. Kapag magmatigas ka, ibig sabihin, gusto mong mamatay. Choice mo na iyon."

Tumama ang masama niyang titig sa pagkain. Kaya nga niya hindi binigay kay Tristan ang pagkábábáè niya dahil gusto niya, ibigay niya lang ito sa lalaking iyon kung kasal na sila. Pero ngayon talagang pinagkakait na sa kaniya ang lahat pati sarili niya ginagawa nang pag-aari ng iba. Gusto niyang umiyak, nagagalit siya sa sarili niya kasi nagpakabulag siya sa pagmamahal. Kung hindi dahil sa pagmamahal niyang iyon hindi siya hahantong sa ganito.

"Kumain ka na, alam kong gutom ka," ani naman nito.

Kailangan niyang makabawi ng lakas. Nanakit ang buong katawan niya dahil sa mga pasa at sugat niya pero nararamdaman niya rin na bumibilis ang paggaling nito, iyon ay dahil sa dagat. Hindi man siya sigurado kung ang dagat ba ay may halong gamot sa sugat pero iyon ang nararamdaman niya.

Nakahain ang sinabawang karne at kanin sa harapan niya. Tila masarap ang pagkaluto dahil sa amoy nito. Hindi na siya nagdalawang isip, nilantakan niya iyon. Sobrang nami-miss niyang kumain, daig pa niya ang nagutom ng isang taon.

_

Nang maging okay na ang pakiramdam niya, nagamot na rin ang gutom niya. Hindi niya alam kung saan patungo itong yatch na sinasakyan nila dahil may alas-tres na ng hapon, siguro nga baka alas-kwatro pa. Nag-isip naman siya ng paraan para makatakas. Alam niyang hindi madaling takasan ang mga ito. Kung tatalon naman siya sa dagat, hindi siya makakalayo agad, sigurado paulanan siya ng bala ng mga ito.

Ngunit papayag na lang ba siya na basta-basta na lang punlaan ng lalaking iyon ang sinapupunan niya? Shempre hindi, at naniniwala siya sa sarili niyang makakatakas siya. Ayaw niyang maging ama magiging anak niya ang lalaking iyon lalo na't halatang mâmâmâtay tao ito. Baka manahin pa ng anak niya.

Buti na lang pinagkatiwalaan siya ng mga ito kahit papaano. Hindi siya tinali o kinulong man lang sa cabin. May bantay nga lang siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Wag ka nang magtanong. Manahimik ka na lang diyan. Kung gusto mong humiga, sabihin mo lang dadalhin kita sa cabin," ani naman ng lalaki.

"Hindi ko ba pwedeng malaman?" tanong pa niya, bahala na kung mainis ito sa kaniya sa pangungulit niya.

"Umiwas lang tayo ng daan dahil may kalaban na paparating, ayaw ni Boss na matunton ang teritoryo niya."

"Saan tayo dadaan?" tanong na naman niya.

"Di ba sabi ko wag ka ang magtanong?" masungit nitong sabi.

"Sumagot ka rin eh," katwiran naman niya.

"Pwes wala ka nang sagot na makuha pa."

Huminga na lang siya nang malalim. Ilang oras na naman siyang nanahimik. Hanggang sa napansin niyang malapit na naman magdilim. Mas madaling makatakas sa gabi kaya iyon na lang ang hihintayin niya.

Humiga siya sa sofa at nakaidlip, hindi niya alam kung gaano katagal. Ngunit nakarinig niya ang tanong, "How's she?"

Iyon ang gumising sa kaniya. Nagmulat siya ng mga mata pero hindi siya bumangon, nakinig lang sa usapan. "Walang problema sa kaniya boss, mukhang wala naman siyang balak tumakas."

"Tinanong mo ang pangalan?" tanong pa ng amo.

"Hindi na boss, parang ayaw naman niyang sabihin."

"Hindi mo man lang ba narealize na kailangan kong malaman ang pangalan niya? Paano kung spy pala iyan? Gusto kong malaman kung anong klaseng organisasyon ang pinanggalingan niyan," ani pa nito.

Spy? Organisasyon? Anong pinagsasabi nito? Hindi na nakasagot ang tauhan nito. Naramdaman lang niyang humakbang ito palapit sa kaniya. Pumikit na lamang siya at nagpanggap na tulog. Ngunit nakarinig siya ng pagkasa ng baril at may malamig na bagay agad na dumikit sa noo niya. "Hindi oobra sa akin ang mga pagkukunwari mong walang may naalala, o ang mapangmanipula mong salita at mas lalong hindi oobra sa akin ang pagpapanggap mong tulog."

Nagbukas siya ng mga mata. Nakatutok na naman ang baril nito sa kaniya. Gumuhit ang takot sa sistema niya pero pilit niya itong iwinaglit. Kahit nakakatakot dahil alam niya anytime pwede nitong kalabitin ang gatilyo, bumangon pa rin siya at sinabing, "Lakas naman ng trust issue mo."

Tinitigan niya ito. Hindi niya gaanong makita ng buo ang mukha nito dahil nakaharang ang kamay at braso nito sa sentro ng kaniyang paningin. Bukod doon, madilim na ang paligid at lumalakas ang hangin, umuulan nang malakas na may kasamang kulog at kidlat na rin.

"Sabihin mo sa akin, anong kinalaman mo sa grupong nakasunod sa atin?" maawtoridad nitong tanong, binabaliwala ang kalagayan ng panahon.

May kaaway yata itong lalaking ito kaya siya pinagbibintangan na espiya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo," kalmado niyang sagot. Napapahigpit ang pagkuyom niya sa kamao dahil sa lamig ng hangin. Nanonoot kasi ito sa buong katawan niya.

Kaya lang naman niya nakokontrol ang takot niya dahil iniisip niya na ayos lang mamátáy, wala naman siyang pamilya. Traidor naman lahat ng minahal niya bakit pa niya sikaping mabuhay?

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko."

"Ikaw ang umuubos sa pasensya mo. Sinasabing wala akong alam, bakit ka ba mamimilit?" Sinamaan niya ito ng tingin. Sinulyapan pa niya ang dulo ng baril nito. "Kung spy ako sa paningin mo bakit hindi mo iyan iputok para wala kang problema?"

"Kung spy ka mas lalong hindi kita papatayin sa ngayon dahil sasabihin mo sa akin lahat ng impormasyon?" Nambabanta ang tono ng boses nito.

"Pwes hindi ako spy. Pwede mo na akong pátáyin," aniya.

Tumaas ang sulok ng labi nito. Gwapo ng dating nito kaso nga lang may hawak na baril, kaya ekis. "Alam kong handa kang mamatay para sa amo mo kaya okay lang sa'yo na pátáyin kita dito. Pero hindi ako ganoon katanga, sa inaakala mo. Sasabihin mo sa akin lahat sa ayaw at sa gusto mo. Magsasalita ka, kung ayaw mong isa-isahin kong tanggalin ang iba't-ibang parte ng katawan mo. Gusto mo bang unahin ko iyang mata mo? Kanina pa ako nagtitimpi diyan."

Mas gusto niyang patayin na lang siya kaisa parusahan ng ganoon. Mas nakakatakot iyon. Mukhang démónyo talaga ang lalaking ito. Sayang na sayang ang mukha.

Umiwas siya ng tingin. "Wala akong alam."

"Sabihin mo sa akin ang pangalan mo," utos nito.

"Clary," sagot niya. Mas maigi nang magbigay na lang siya ng impormasyon sa sarili niya kaysa naman tanggalan siya ng mata. Baka hayaan pa siya nitong mabuhay na kulang-kulang ang parte ng katawan.

"Clary what?"

"Alliarez," sagot niya.

Tumingin ito sa tauhan at tinanguan. Tumalima naman ang lalaki. Hinintay lang niyang makaalis ito at nagsalita siya ulit, "Kung gusto mong paimbestigahan ang pagkatao ko. Huwag ka nang magtaka kung madiskobrehan mong wala akong record."

Tila mas lalo itong nagduda sa sinabi niya kaya mas diniin nito ang baril sa noo niya. Nagpatuloy siya. "Kaya ako nandito dahil dinukot ako, pinapirma ng papeles para makuha ang mga pag-aari ko mula sa akin bago tinapon sa dagat. Kung iniisip mong spy ako, pwes nagkakamali ka. Biktima ako dito."

Saktong sinabi niya iyon, biglang may malakas na ugong na dumating. Napatingin siya sa gawing iyon, hindi pa niya naklaro ang malaking bagay na nahagip ng paningin niya sa karagatan may sumigaw agad ng, "Boss dapa!" Kasunod noon ay ang nakakabinging pútúkan ng mga baril.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 186: FINALE

    Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 185: REWARDS

    Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 184: SAVED

    "Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 183: AGAINST THEIR FATHER

    "You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 182: HIDE AND SEEK

    Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala

  • GENUINE LOVE IN DECIET    Chapter 181: TAKING KADE AWAY

    Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status