Share

Chapter 1

CHAPTER 1 ~ Goodluck

SALUBONG ang kilay ni Bea habang tinitingnan ang ina na may kausap sa telepono, her mother even smiled! What's going on here?

Hindi naman ngumingiti ang mommy niya kapag may katawag, kahit pa mga kaibigan nito. Now, she's curious who's that person is. A boyfriend?

No! Malakas niyang ipinilig ang ulo sa naisip niya. Her mother won't enter a relationship again, right? Ang tanda na nito para makipagrelasyon ulit.

"Ma! Sino ba kasi yang kausap mo?" Medyo iritadong tanong niya ng mapansing bumubulong-

bulong pa ito. And she's even smiling like a teenager!

"Oh sige, Glenn, ibababa ko na. Mukhang naiirita na naman si Bea, e." Pabulong na sabi niya sa telepono, sapat na para hindi marinig ni Bea.

"I can now imagine her irritated face," he chuckled after saying. "Okay, bye Mrs. Compassion, send my regards to your daughter." Pagkasabi ay agad itong ibinaba.

Her mother is smiling while walking towards her. There's something in her smile, she can tell. She smells something fishy.

"Who's that?" Kaagad niyang tanong sa ina ng makaupo sa gilid niya. They're sitting in a long, comfy sofa.

"Kakilala ko lang," kaswal na sagot nito.

Bea narrowed her eyes on her mother. "A male?"

Tumango ang ina niya. "My ghadd, mom! Akala ko ba nadala ka na sa ginawa sayo ni papa?" Hindi makapaniwalang sambit niya na ikinalaki ng mata ng ina niya.

Tinampal siya ng ina sa braso kaya naman ay mabilis siyang nag-react.

"Aray!"

"Ang OA mo ah...." pinandilatan siya ng ina, "at saka anong pinagsasabi mong nadala, ha?"

"I mean, hindi mo ba boyfriend yung kausap mo kanina?" Tanong ni Bea kaya naman ay nalukot ang mukha ng ina niya.

"Anong boyfriend ka d'yan, si Glenn yun—ay patay!" Tinakpan ng ina ang bibig nito na siyang ikinataka niya.

"Ewan ko sayo, Ma. Anyways, aalis na ako..." tumayo ito at h*****k sa pisngi ng ina niya bago umalis.

Para namang nabunutan ng tinik si ginang nang makaalis na ang anak niya. Bakit ba kasi niya sinabi ang pangalan ng binata at bakit parang wala lang si Bea?

***

"YOU'RE SO HOT TONIGHT, BABE." Inirapan niya ang binata pagkapasok niya sa loob ng bar. As expected, ang dami na namang nagahaharutan at halos walang pakealam sa ibang tao.

"Tingnan mo yung kaibigan mo..." he chuckled while looking at her friend, Jillian, dancing on the dance floor.

Napailing nalang si Bea bago umupo sa bakanteng upuan. Nasa VIP room sila, as in sila lang dalawa roon.

"You like her, do you?" May panunya sa boses ni Bea.

Tiningnan siya ng masama ng binata. "Of course not!" Mariing tanggi nito.

Nagkibit-balikat si Bea. Well, its obvious though.

"Okay, kunwari naniniwala ako. Kunwari hindi ko nakita kung paano mo titigan ang kaibigan ko." Kinuha niya ang chips na nasa lamesa at binuksan iyon.

"P-Paano ba ako makatingin sa kanya?" She smiled when she heard him stuttered.

"Tingin na parang gusto mo siyang lapain." Nanlaki ang mata ng binata at namula ang magkabilang pisngi sa sinabi niya.

Napuno ng tawa ni Bea ang buong room dahil sa nakita niya.

"It's my first time seeing you blushed again, Vain." Pinigilan niya ang pagtawa niya at tumingin ulit sa kaibigan niyang nakikipagsayaw sa isang estranghero.

"Tingnan mo, Jillian is dancing with a man. Mukhang alam ko saan mauuwi 'yang pagsasayawan nilang dalawa—" and expected, dali-daling naglakad ang binata palabas kaya napangiti nalang siya.

"Di mo pala gusto ah," bulong niya bago inubos ang chips at nagbukas ulit.

"Ikaw, Bea? Kailan ka magkakagustong muli?" Nabigla siya ng may biglang nagsalita sa likuran niya.

"Ginulat mo naman ako, daks." Sabi niya habang tinitingnan ang lalaking nagsalita kanina na umupo sa gilid niya.

She watched him pour the tequila on a shot glass and drink it directly.

"Bakit ka andito?" Tanong ng lalaki, ang tingin nito ay nasa malayo.

"Susunduin ko lang yung kaibigan ko," sagot naman niya. She knows that there's something wrong with him.

They keep on talking but the man never laid an eye on her. Not for once. Minsan natutulala ito habang nag-uusap sila, she keep on sharing her thoughts and etcetera but he seems not listening.

Hindi na nakatiis si Bea at tinanong ang binata.

"Are you okay, Raphael?" Tawag niya sa pangalan nito. His name is Guy Raphael and she's not used to calling him 'Guy'.

And finally, the man looked at him. There's an emotion in his eyes she can't name, or just afraid to name it. Matagal ng kinalimutan ni Bea ang emosyong iyon, she would never ever fall in man's trap, again.

"I saw her." May halong lungkot sa boses nito sabay iwas ng tingin at uminom ulit.

At dahil matagal na silang nagkaibigan ng binata, she easily gets what he just said.

"Yeah?" Tanging sagot niya lang. She doesn't know what actually happened between them but she hates that girl for hurting her friend.

Ang alam niya ay ikakasal na dapat si Addison at Raphael but something happened. This girl hang out with other guy and the worst is that she had sex with that guy! She really hates cheaters though, especially her ex fiancee. Ang sarap nitong balatan gamit ang nail cutter.

"May anak na siya..." pagpapatuloy nito which makes her frowned. 

"Ang kapal talaga ng mukha--"

"Shut the fuck up, Bea. Wala kang karapatang sabihin 'yan sa kanya," malamig na sabi ng lalaki sa kanya, halata sa boses nito ang pagkainis.

Nagsalubong ang kilay ni Bea inasal ni Raphael. Anong ikinapuputok ng butsi nito?  Wala naman siyang sinabing masama dahil katotohanan naman yun. Sino naman kasing matinong babae ang papatol at makikipagtalik sa iba kung may fiancee na ito. Like, hello? Kating-kati lang.

Napairap si Bea at sinamaan ng tingin si Raphael. "Eh talaga naman ah, alam niyang may fiancee na siya... pumatol pa siya sa iba--"

Napatigil siya ng biglang inihagis ni Raphael ang basong hawak nito dahilan para mabasag ito. 

"Holy... a-anong. . .bakit mo ginawa yun?" Tiningnan niya ng masama si Raphael at ganun din ito sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata nito at salubong ang magkabilang kilay.

"Addison is a good woman," diin nito.

Bea frowned at him. "Good? Matino ba yung babaeng nakipag--"

Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang tumunog ang cellphone ni Raphael. Kaagad iyong kinuha ng binata at inilagay sa kaliwang tainga niya.

"What?" Medyo iritadong sagot ng binata sa telepono. Hindi man lang ito nag-abalang dumistansya ng bahagya para sagutin ang tawag.

"Yeah? I don't care. . . Bahala ka sa buhay mo and, ahm... ihatid mo sa bahay ko ang napag-usapan natin." Napataas ang kanang kilay ni Bea sa tono ng pananalita ng kasama niya.

Parang may negosasyong nangyayari.

Ghad, he should have answer his call away from her. Kung anu-ano ba tuloy ang pumapasok sa isipan niya.

"Alright, man." Nakangiting sabi nito at sumulyap sa kanya. "Goodluck."

Hindi niya alam kong para saan yung 'goodluck' na yun. For sure para ito sa kausap niya pero bakit iba ang dating nun? Bakit parang para sa kanya ang salitang yun...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status