Share

Chapter 4

CHAPTER 4

SALUBONG ang kilay ni Bea nang biglang mag-ingay ang doorbell ng bahay niya. Nakakadisturbo ito dahil nabulabog ang mahimbing niyang tulog. Medyo paika-ika siyang maglakad dahil sa nangyari kagabi. Thanks to her loyal friend, may nangyaring kababalaghan sa VIP room. Actually, hindi naman iyon kababalaghan because that was just a plain ang simple kiss. Nothing more nothing less. Pero big deal na iyon sa kanya! She promised herself to stay away from men, well except to her friends dahil alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga ito, at ganun din ang mga ito.

That night was just a mistake! Hindi na dapat masundan iyon, hindi niya babaliin ang pangako siya sa sarili. It's for her own good.

Masama ang timpla ni Bea at hindi na nag-abalang silipin sa peep hole kung sinong damuho ang panay ng doorbell sa bahay niya at binuksan niya ang pinto.

"A fucking morning to you, fucktard---" biglang umurong ang dila niya ng makita ang mukha ng 'damuhong' sinasabi niya. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya, halos mabingi siya sa lakas ng tibok nun.

"A-Anong-- b--bakit, ahm... anong---" nauutal niyang sambit at hindi niya natuloy ang pagsasalita ng bigla itong tumawa at itinaas ang kabilang kamay na may dalang puting plastik na may laman.

He smiled and her heart flipped twice. Damn heart, stop your nonsense! Saway niya sa puso niya at pilit na pinapakalma ito.

"Ano yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Bea.

"Breakfast? I bet you still haven't eaten yet, so yeah, I brought you this." Nakangiti parin ang mga labi nito kaya sinimangutan niya ito.

"Stop smiling..." because my heart is flipping, "hindi bagay sayo." Of course it was just a lie. Napamaaliwalas ng mukha nito na mas lalong dumagdag sa pagkagwapo nito pero para itago ang mabilis na pagtibok ng puso niya, sinabi niya iyon. 

Nagkibit-balikat lang ito, halatang hindi naniniwala sa sinabi niya at walang hiyang pumasok sa kabahayan niya. 

"Hoy! Sinong may sabing pwede kang pumasok sa pamamahay ko?" Naiinis niya itong sinundan habang naglalakad ito papunta sa kusina. And he's not even listening to her! Inilabas nito ang pagkaing nasa loob ng plastik at binuksan ang tupperware.

Nanubig bigla ang bagang ni Bea nang maamoy ang mabangong aroma ng adobong manok. Kumalam bigla ang tiyan niya at tumingin sa milk tea na maingat na inilapag ng lalaki sa lamesa.

"Eat up." Utos nito at hindi na siya umangal pa at sinunggaban ang pagkain na nasa harapan niya.

Abala siya pagkain nang biglang magsalita ang lalaking nasa harapan niya. "How's your wound? Hindi na ba masakit?" Dahil sa sinabi nito, naalala niya ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi.

She, kissing back him and how her body burns. Biglang namula ang pisngi niya at papahiyang yumuko. How can she forgot about it? Hindi na nga niya kayang harapin ang lalaki, pumunta pa ito sa bahay niya. Is destiny playing with me?

Tahimik niyang ipinagpatuloy ang pagkain nang biglang magsalita na naman ang lalaki sa harapan niya. 

"Nakakalakad ka na ba?" Napataas ang magkabilang kilay niya sa tanong nito at tiningnan ang lalaki.

"Anong tingin mo sa akin, lumpo?" 

He immediately shook his head. "No, what I mean is--"

She chuckled as she saw his reaction at kaagad ding napatigil sa ginawa niyang pagtawa. Shit! This is not me! 

She cleared her throat. "Of course, I can. You can leave now, matutulog pa ako." Pagtataboy na dito. Ilang minuto siya nitong tinitigan bago nagkibit-balikat at lumabas sa bahay niya.

Nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya. I need to see Vivian! 

Vivian is one of her female friends. Katulad din niya itong bitter at may malaking galit sa lalaki. Vivian gives advice to every bitter woman like her. 

NANG MAKARATING si Bea sa cafe na pagmamay-ari ni Vivian. Nang makita niya ang kaibigan niya na nakaupo sa bakanteng upuan ay kaagad siya nitong kinawayan kaya naglakad siya papunta dito.

"What brings you here, Bea? Let me guess, guy problem?" Kaagad nitong tanong ng makaupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan nito.

"Vivian, hindi ko maintindihan ang sarili ko!" Reklamo niya. 

"Spill the tea, Bea."

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "There's this man that is freaking gorgeous and handsome, who kisses me and then my body reacts easily, like damn! I never been like this before, kahit sa gago kong ex-fiance. My body burns making me want for more. Tell me, Vivi, okay lang ba ako?" Halata ang frustrasyon sa mukha niya hanggang sa matapos siyang magsalita.

Natatawang napailing nalang si Vivian sa dire-diretsong pagsasalita ni Bea. "Ano ka ba. You're perfectly okay. Normal lang naman sa atin ang ma-attract sa isang gwapo at hot fafa, just make sure na hindi lalampas sa atraksyon ang pakiramdam mong 'yan. Baka nakakalimutan mo kung paano ka sinaktan ng mga kalahi ni Adan? O gusto mong ipaalala ko sayo ang mga kagaguhang ginawa ng mga lalaki sa ating mga babae?"

Nagtagis ang bagang ni Bea at nagsalubong ang magkabilang kilay nang maalala ang mga dahilan kung bakit ayaw na ayaw niya mapalapit ang loob niya sa mga lalaki.

"Of course I do remember it. Lahat. Thank you for your advice, Vivi. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko."  

Vivian shrugged as she sipped on the straw from her drink. "No biggies, I'm just helping someone like me, you know, yung mga babaeng umiyak ng balde-balde dahil sa isang lalaki na walang ginawa kundi ang magloko. Kaya ikaw, kung ayaw mong umiyak at madurog ulit, rendahan mo yang puso mo, ikandado mo tapos itapon mo ang susi. Secure your heart at all cost, Bea. Don't fall for man's sweet words, promise, it's a trap."

Napatango-tango nalang si Bea sa sinabi ni Vivian. She has a point. Actually, lahat ng sinabi nito ay may point. Ayaw na niyang umiyak sa mga kalahi ni Adan na walang ibang ginawa sa mundo kundi ang manloko ng babae. Ayaw na niyang maranasan ang sakit na dulot ng tinatawag nilang pagmamahal. Ayaw na niyang madurog ulit dahil sa hindi niya pakikinig sa sasabihin ng isipan niya. Ayaw na niyang maranasan ang umiyak gabi-gabi at magpakalunod sa alak dahil lang sa isang lalaki. Lalaki lang sila. Mabubuhay siya ng walang minamahal na lalaki. Hindi niya naman ikamamatay yun.

"Thank you ulit, Vivi. I'll keep that in mind. Hinding-hindi na ulit ako mahuhulog sa patibong ng mga kalahi ni Adan. Pangako."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status