Home / All / Game of Love / Kabanata 10

Share

Kabanata 10

Author: Dhine
last update Last Updated: 2021-08-12 09:01:26

Game of Love

Yumi's POV

Hapong-hapo akong naupo sa mahabang sofa pag-uwi namin ng bahay. Nakakapagod kasi sobra, may mga ilang photoshoot pa kasi kaming tinapos pagkatapos nag-guesting pa sa isang TV show. Tapos na nga ang contract ko, pinapagod pa nila ako ng ganito. Humiga ako at ipinatong ang paa ko kay Kevin, sinimulan n'ya naman itong hilutin.

"Yumi, may sasabihin sana ako sa 'yo," sabi sa 'kin ni Kevin.

"Ano?"

"About sa new contract mo."

Napaupo ako dahil sa sinabi ni Kevin, tinitigan ko s'yang maigi.

"Nakapili ka na ba ng new agency na may magandang offer? Saang bansa tayo lilipat?"

"Oo sana, alam mo kasi Yumi maganda ang offer nila. Nag-email sa 'kin 'yong isang Creative Director. Actually, no'ng una nagpa-audition sila pero wala silang napili para maging model."

"Model for what ba 'yan?"

"Image model ng Mall, lahat ng products nila ipo-promote mo plus magkakaroon din ng TV commercial at mapi-feature ka sa isang magazine. Ang bongga pa rito kasama sa top 10 ang pamilya nila sa pinakasikat. At wag ka, ang may-ari ng Mall sobrang gwapo at most influential businessman in the world."

"Wow bongga nga, sige sabihin mo pipirma ako ng kontrata sa kanila."

"Kaya lang Yumi ano eh..."

"Ano?"

"Ano nga kasi..."

"Ano  kasi..."

Sa bwisit ko, sinipa ko si Kevin kaya nalaglag ito sa sofa. Ayaw pa kasi sabihin eh.

"Siraulo naman neto eh!" reklamo ni Kevin habang hawak ang nasaktan n'yang puwet.

"Sabihin mo na kasi!" sabi ko kay Kevin. S'ya ay tumayo at naupo sa katapat na sofa.

"Sa Philippines 'yong offer."

"P-Philippines?" nanlaki sa gulat ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kevin. Ang daming lugar na pwede naming puntahan, bakit sa Pilipinas pa.

"Oo."

"No way!"

"Pero Yumi!"

"Alam mo namang ayaw ko nang bumalik sa Pilipinas hindi ba!" mariing tanggi ko. Ayaw ko nang bumalik sa Pilipinas. Ayaw ko nang bumalik pa ang sugat ng kahapon.

"Bakit ba ang ingay n'yo? Baka marinig kayo ng mga bata akalain nag-aaway kayo." Narinig namin ang boses ni Mario nakauwi na pala s'ya. Sinaway n'ya kami dahil medyo napalakas na ang pagsasagutan namin ni Kevin. Naupo si Mario sa isang sofa katapat ko katabi s'ya ni Kevin.

"Ito kasing si Yumi eh, ayaw tanggapin 'yong offer sa Pilipinas," sumbong ni Kevin kay Mario.

"As in, Philippines?" paniniguradong tanong ni Mario na sinadyang ulitin para ma-klaro kung tama ang pagkarinig n'ya.

"Oo, bakit?" sabay naming tanong ni Kevin sa kanya.

"May gusto rin sana akong sabihin sa inyo. Ako rin, I'm going back to the Philippines." Biglang akong napaayos ng upo dahil sa sinabi ni Mario.

"Seryoso ka, Mario?" tanong ko kay Mario.

"Alam mo namang matagal ng hinihiling ni Daddy na bumalik ako sa Pilipinas Yumi. Hindi ba? Gusto n'yang tumulong ako sa business ng pamilya namin. Isa pa, matanda na si Daddy. Gusto kong tuparin ang hiling n'ya."

"Pero kaya mo bang muling makita sila? Imposibleng hindi kayo magkita lalo na't iisang kompanya kayo magta-trabaho. Lalo na ako Mario, hindi ko pa sila kayang makita."

"Yumi, kailangan nating kayanin. Babalik tayo sa Pilipinas, dapat na siguro nating harapin ang mga problema. Hindi ka pa ba nagsasawa? Pitong taon na tayong nagtatago sa kanila ni hindi tayo nakapagpaliwanag sa kanila kung ano ba talaga ang totoong nangyari." Sa sinabi ni Mario bigla akong napa-isip. May punto naman s'ya, hindi kami nakapagpaliwanag ng maayos sa kanila kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Dahil hindi naman nila kami binigyan ng pagkakataon para depensahan ang mga sarili namin. Ayaw ko ng maulit pa ang nakaraan, halos magmakaawa kami ni Mario pero pinagtabuyan lang nila kami.

"Hindi ko kayang humarap sa kanila, ayaw kong bumalik sa Pilipinas," nakayuko kong sabi.

"Ganito na lang, be professional Yumi. Pupunta ka sa Pilipinas para sa work. Hindi ba? Ito na lang ang isipin mo. Gano'n din ako, trabaho ang iisipin ko para hindi tayo masyadong maapektuhan. Ayaw ko nang magtago." Tumahimik ako saglit para makapag-isip at pumayag na rin. Tama naman si Mario. Wala kaming kasalanan. Kung may dapat mang manghingi ng tawad, sila 'yon at hindi kami. Tama na ang pitong taon na pagtatago, haharapin ko na sila.

"Sige, payag na akong bumalik sa Pilipinas pero paano ang kambal? Paano kung malaman ng mga tao na may anak ako? Ayaw kong pati sila ay madamay. Kung ako lang sasalo ng lahat ng issue tatanggapin ko pero ang kambal ayaw ko na madamay pa sila."

Lingid sa kaalaman ng iba na may anak na ako. Halos karamihan sa mga pinipirmahan kong kontrata sa modeling world ay bawal ang may anak o asawa kaya naman todo pag-iingat at todo ang tago na ginagawa namin sa kambal. Walang nakakaalam na may anak ako bukod sa pamilya ko. Kaya naman malaking issue kapag nalaman ng mga tao lalo na ng mga reporters ang tungkol sa kambal. Ayaw kong pati sila madamay sa gulo.

"Don't worry mayro'n akong private property sa Pilipinas. Secured ang lahat do'n, walang makakapasok na kahit sinong reporters. Safe ang kambal do'n, family property namin 'yon."

Tumingin ako kay Kevin, saglit na nag-isip kalauna'y nagsalita.

"Beks sige na, sabihin mo tatanggapin natin 'yong offer. Teka? Ano nga pa lang pangalan ng Mall at may-ari?" tanong ko kay Kevin.

"Ang alam ko Kugi---" Hindi na natuloy ni Kevin ang sasabihin n'ya dahil muling nagsalita si Mario. Kaya naman napatingin kami sa kanya.

"Hindi naman tayo sabay-sabay na babyahe pabalik ng Pilipinas para makaiwas na rin sa mga tao. Mauuna ako tapos kayo ni Kevin ang sunod. Ang  pang huli sila Nanay at kambal kasama si Arah."

Si Arah ang matagal na naming kasambahay at s'ya rin ang nag-aalaga sa kambal.

"Mas mabuti pa nga para iwas gulo," sabi ni Kevin.

"Payapa tayong lahat na makakarating ng Pilipinas," sang-ayon ni Kevin.

Pakiramdam ko kapag bumalik kami sa Pilipinas babalik din ang nakaraan na pinipilit kong tinatakbuhan. Ang masalimuot na nakaraan na muntik ng magwakas sa buhay ko at ng kambal. Dahil din dito nawala ang Tatay, dahil sa hayop na trahedyang nagpabago ng lahat.

**********************

Malalim na ang gabi, masama pa ang lagay ng panahon. Malakas ang ulan at panay ang kulog at kidlat. Pawis na pawis ako habang hinahabol ang hininga, pilit nilalabanan ang bangungot na paulit-ulit na dumadalaw sa 'kin.

Nakita ko ang sarili ko na nakatali sa isang kahoy habang nakatayo. Duguan at sugatan, pilit kumakawala pero hindi ko kaya. Bawat sigaw na lumalabas sa bibig ko, walang lumalabas hindi ako makagalaw at nahihirapan akong huminga.

Rinig na rinig ko ang malakas na ulan sa labas, kulog at kidlat na lalong nakadagdag sa takot ko. Maya-maya pa, may nakita akong isang imahe ng lalaki papalapit ng papalapit sa 'kin nakakatakot ang itsura n'ya.

"Ang akala mo ba mahal ka ni Barry!  Kung mahal ka n'ya, nasaan sya?" sigaw ng lalaki sabay sampal ng malakas sa 'kin. Ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit ang sampal n'ya na halos nagpatalsik ng mukha ko. Dahil dito, medyo nahilo ako.

"Hahayaan ka lang n'yang mamatay!" dilat na dilat s'ya na para bang lulong na lulong sa ipinagbabawal na gamot.

"Pag pinatay kita ngayon, makakaganti na rin ako kay Barry!" sabi n'ya sabay tutok ng baril sa 'kin. Bigla akong napatingin sa sinapupunan ko, hindi ako pwedeng mamatay. Paano ang mga anak ko? Wala silang kasalanan, ako na lang. Ako na lang ang patayin n'ya.

"Hayop ka! Huwag mong sasaktan ang anak ko!" Napatingin ako sa taong dumating. Ang tatay, bakit s'ya nandito?

"Tay! Ano pong ginagawa n'yo dito? Umalis na kayo!" sigaw ko pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Ang mga sumunod na eksena na nakita ko. Duguan at halos wala ng buhay ang Tatay. Nakaluhod s'ya sa harap ng masamang lalaki at nagmamakaawa para sa buhay ko.

"Parang awa mo na buntis ang anak ko. Ako na lang ang patayin mo!" pagmamakaawa ni Tatay pero tumawa lang na parang demonyo ang lalaki.

"Buntis? Edi ayos pala mas lalo akong makakaganti nito kay Barry."

Kitang-kita ko kung paanong pinagbabaril ng lalaki ang Tatay at sa isang saglit nawalan na s'ya ng buhay.

"Taaaaaay!" malakas na sigaw ko pero katulad kanina walang ano mang boses na lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagulat na lang ako nang biglang may sumabog at nilamon ng apoy ang buong paligid. Nawawalan na ko ng pag-asa, iniisip ko ang mga bata sa sinapupunan ko. Nagdasal ako nang taimtim na sana ay may himala. Dinggin ang aking panalangin na may dumating na tulong para iligtas kami ng mga bata sa sinapupunan ko.

Nang biglang...

"Yumi! Yumi!" rinig ko na boses ng isang lalaki. Nanlalabo ang mga mata ko, pilit kong inaaninag kung kaninong boses ito. At nang luminaw na ang paningin ko, nakita ko si Mario tumatakbo s'ya papunta sa 'kin. Ngunit bago pa man s'ya makalapit sa 'kin, tuluyan na akong nawalan na ulirat.

**************************************

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Game of Love   Kabanata 88

    Game of Love" Ano mang oras, Chad, darating na ang mga pulis! Mabubulok ka sa kulungan! "" Sino ba may sabi sa 'yo na makukulong ako?"" Sumuko ka na, Chad. Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo. "" Sumuko? Nagpapatawa ka ba? Umabot na sa lahat ang ganito tapos sasabihin mo sumuko ako? "Barry's group had gone earlier to Chad's abandoned headquarter. They're able to escape the police dahil kahit anong pagpipilit nila ay ayaw silang pasamahin ng mga ito sa gagawing paghuli kay Chad. They also know the headquarter better so they can easily find Yumi and Naya.When they arrived, Barry and Mario quickly went to the back of the headquarter. Dahil ang hinala nila kung mayro'n mang pwedeng pagdalhan si Chad kina Yumi at Naya ay may posibilidad na sa likod ito dahil malawak ang likurang bahagi ng building kaya nagbakasakali sila." H

  • Game of Love   Kabanata 87

    Game of LoveYumi remained silent and didn't tell any of them about what she and Chad had talked about, while Barry and Mario are preparing to go to the place where Chad is allegedly hiding. Nagsuot sila ng bulletproof para sa seguridad nila, 10:30pm exactly nang makaalis sila at tulad nga kanina sumama si Mark sa operasyon at si Masu naman ay nagpaiwan na lang para may kasama sila Yumi sa bahay.When the atmosphere was quiet, Yumi slowly left the house. Isa man ay walang kaalam-alam sa gagawin at binabalak n'ya, even the police guards who are so busy eating. They didn't notice Yumi while exiting the gate.Katulad nang napag-usapan nila ni Chad, mag-isang nagpunta si Yumi sa lumang building, sa headquarter.When she arrived at Chad's headquarter, it was very dark all around, the light of the bonfire only lit up the surroundings." Chad! " sigaw ni Yumi. Mabilis namang lumabas si Chad mula sa dil

  • Game of Love   Kabanata 86

    Game of LoveA few days passed but Chad remain silent. This made them all even more nervous and frightened kaya naman lahat sila ay nanatiling alerto sa bawat oras na dumadaan." Hindi pa ba sila magpapahinga kahit saglit? " sabi ni Yumi, habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang mga police guards na nakapalibot sa buong kabahayanan. Batid n'ya ang pagod ng mga ito pero alang-alang sa kaligtasan nilang lahat ay hindi nila alintana ang pagod at hirap." Ang alam ko nagpapalitan naman sila so don't worry too much about them, " sabi ni Kim sa kanya, hinawakan s'ya nito at pinaupo sa sofa. " Kailangan natin ngayon ng matinding seguridad lalo na't hanggang ngayon wala pa ring balita kay Chad. We don't know what his next plan so we have to be alert, " singit ni Mint sa usapan nila. Nasa sala sila ng bahay at naghihintay sa bagong balita, nagpunta kasi sina Barry at Mario kila Danika para pag-usapa

  • Game of Love   Kabanata 85

    Game of LoveSinenyasan ni Danika ang mga kasamang pulis para palibutan ang nasabing location kung nasaan si Chad at tulad ng bilin ni Alan, naiwan sina Barry at Mario sa loob ng kotse ngunit sadyang matigas ang ulo nila. Dahan-dahan silang lumabas mula sa kabilang pinto ng kotse at sumunod kila Alan, tinakasan nila ang mga naiwang pulis para magbantay sa kanila." Search the area! " radyo ni Alan sa lahat." Clear, Sir! " report ng ilang mga pulis matapos dumaan sa likod ng lumang bahay." Clear, Sir! " sabi pa ng iba." Paanong nangyari to? " bulong ni Alan sa sarili pagkatapos lumabas din sila Danika kasama ang iba pang pulis." Malinis ang buong lugar kahit isang bakas ni Chad, wala. Naisahan na naman tayo! " sabi ni Danika sabay bato ng body armor na tinanggal n'ya sa katawan." Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko!

  • Game of Love   Kabanata 84

    Game of LoveHabang papalayo sila sa nakahigang si Junior ay naririnig pa rin nila ang patuloy na pag-iyak ni Yumi. Hindi sila makapaniwala na nangyayari talaga ang mga bagay na ito. Kung kailan nagiging okay na ang lahat, kung kailan naliwanagan na ang lahat at unti-unti nang nabubuo ang pamilya ni Yumi, ngayon pa nangyari ito." Junior, please, gumising ka na! " patuloy na yugyog ni Yumi kay Junior, hindi s'ya nawawalan ng pag-asa na maisasalba pa n'ya ang buhay ng anak. Patuloy s'ya sa pag-CPR dito at pagkatapos binubugahan ito ng hangin sa bibig, nagbabakasakaling magkaroon ng himala at muli itong bumalik pa kahit ilang minuto na ang lumipas.Hanggang sa..." J-junior! Junior! " nanginginig ang buong katawan ni Yumi at hindi makapaniwala. Bigla kasing gumalaw ang kamay ni Junior at kumunot ang noo nito kaya naman dali-dali n'ya itong iniupo at hinimas-himas ang dibdib at likod pagkatapos bi

  • Game of Love   Kabanata 83

    Game of Love" Ano Barry, nakapili ka na ba kung sino sa kanila ang maiiwan at sino ang mamamatay? " Lumapit si Chad kay Barry, habang naka-poker face, wala s'yang pakeilam sa nararamdaman ni Barry.Barry looked at Naya and Junior again, he can clearly saw how difficult they were because of their condition. Ayaw n'yang mamili isa man sa kanila, hindi n'ya kaya.Tumakbo s'ya sa harapan ni Chad para magmakaawa. Wala na s'yang pakeilam kung maging katawa-tawa man s'ya sa harapan nito, ang mahalaga ay ang buhay ng kambal. Ngayon pa lang ulit s'ya nagiging masaya, ngayon pa lang s'ya nakakabawi kay Yumi at ngayon n'ya lang mapupunan ang pagkukulang n'ya bilang ama sa mga anak n'ya. Ilang taon n'yang hindi nasubaybayan ang mga ito kaya hindi s'ya makapapayag na may mawala sa kanila." Please Chad, parang awa mo na. Huwag mong idamay ang mga bata. "" Nadamay na sila, wala na ak

  • Game of Love   Kabanata 82

    Game of LoveChad Headquarter..." Chad! Chad! " sigaw ni Barry pagdating n'ya sa lumang hide out ni Chad. Madilim kasi ang buong paligid, wala s'yang makita. Wala naman s'yang pakeilam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya, ang mas iniisip n'ya ngayon ay ang kambal.Biglang bumukas ang mga ilaw kaya naman napatakip s'ya ng mata dahil sa nasilaw s'ya at tumambad sa kanya ang nakangising si Chad, papalapit sa kanya kasama nito ang dalawang tauhan n'ya." Ang akala ko hindi ka na pupunta, late ka na kasi, " sabi nito sabay tingin sa relo n'ya." Nasaan ang mga anak ko! " sigaw ni Barry. Lalapitan n'ya sana si Chad pero pinigilan s'ya ng mga tauhan nito at tinutukan s'ya ng baril." Chill ka lang, masyado ka namang mainit eh pero sakto 'yang pagka-init ng ulo mo. Magpapalamig kasi tayo ngayon, hahaha. " Sinenyasan ni Chad ang dalawang tauhan n'ya at na-gets

  • Game of Love   Kabanata 81

    Game of Love" Barry! " sabi ni Masu, pagkatapos ay nilapitan s'ya." Ano na ang balita? " tanong ni Barry, sa mga pulis na nag-imbestiga sa loob ng bahay ni Mario." Tiningnan namin 'yong iniwan na cellphone kung may naiwan na contact number o kahit ano na pwedeng makapagturo sa kinaroroonan ni Chad pero wala eh, " sabi ni Alan sa kanila." Pinakikilos ko na ang mga tao ko para maghanap pa ng ibang impormasyon. Alam ko na gagawa ng paraan si Danika para makapagbigay ng signal kung nasaan man sila, " dugtong pa ni Alan. Nakumpirma rin kasi nila na isa sa mga bihag ngayon ni Chad ay si Danika, dahil magmula ng nakiusap si Kim kay Danika na pumunta sa bahay ni Mario ay hindi na ito nakabalik pa. Nagpaalam na si Alan sa kanila para gawin ang trabaho n'ya." Kamusta na si Yumi? "Lumapit si Mint, sumunod naman silang lahat." Tulog pa rin s'ya hang

  • Game of Love   Kabanata 80

    Game of LovePagdating ni Yumi sa bahay ni Mario, kaagad s'yang tumakbo papasok sa loob. Hindi na n'ya inintindi kung ano ang panganib na naghihintay sa kanya papasok sa loob.Nang marinig naman ni Chad ang boses ni Yumi ay kaagad n'ya uling pinindot ang Facebook live, inilagay n'ya ito sa makukuhanan ang buong paligid pagkatapos ay nilisan na nila ang bahay dala-dala si Naya." Nay! Nay! " sigaw n'ya sabay nang pagbukas ng pinto pero madilim ang buong paligid, wala s'yang makita. Kinapa n'ya ang switch ng ilaw at nang sumabog ang liwanag sa buong paligid nagulat s'ya sa nakita, ang nagkalat na dugo sa paligid, at ang walang buhay na si Arah. Pati na rin ang isa pang pulis na kasamahan ni Danika. " A-arah.... " Nanginginig ang buong katawan n'ya habang nilalapitan n'ya ito. Pilit n'yang pinapalakas ang sarili n'ya dahil pakiramdam n'ya anytime ay mahihimatay na s'ya. Pinunasa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status