Mario's POV
Bababa sana ako para uminom ng tubig pero hindi pa man din ako nakakababa ng hagdan may narinig akong boses ng babae, sumisigaw. Nang mapagtanto ko na boses ni Yumi 'yon, mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto n'ya.
"Yumi! Yumi! " sigaw ko habang ginigising si Yumi. Binabangungot na naman kasi s'ya. Tinatawag ang Tatay n'ya.
"Tay... Tay..." patuloy na sigaw n'ya. Nag-aalala na ako dahil hindi pa rin s'ya nagigising kaya naman sinampal ko s'ya nang mahina.
"Junior! Naya!" muling sigaw ko katabi lang kasi nila ang kwarto ng Mommy nila. Pupungas-pungas pa ang mga ito nang pumasok sa loob.
"What's wrong Daddy Mario?" sabi ni Junior na nag-aalala.
Bigla silang nagising nang makita ang sitwasyon ng Mommy nila.
"Mamamee! " paiyak na sambit ni Naya.
" Junior kunin mo ang gamot ng Mommy mo! " Sumunod naman kaagad si Junior sa sinabi ko. Mabilis s'yang nagkalkal sa drawer ng Mommy n'ya.
"Naya, gisingin mo si Lola pati si Tito Kevin. Dali!"
Tumakbo si Naya palabas para puntahan ang Lola n'ya at si Kevin. Sa totoo lang, pati ako natataranta na rin sa nangyayari. Pero hindi ako pwede mag-panic, kailangan kong lakasan ang loob ko.
Nagtagumpay naman ako na magising si Yumi pero wala ito sa sarili n'ya. Nag-uumpisa na namang atakihin si Yumi ng depression n'ya sabayan pa ng panic disorder kaya naman inihanda ko na sarili ko.
"Ang T-Tatay kailangan kong puntahan ang Tatay, kailangan ko s'yang iligtas Mario! Please, Mario parang awa mo na iligtas mo ang Tatay!" sabi ni Yumi habang humahagulgol pagkatapos ay hinawakan n'ya ako sa damit at niyuyugyog.
Difficulty concentrating mind going blank and hallucinations 'yan ang nararanasan ni Yumi ngayon. Ang isip n'ya ay nasa insidenteng nangyari 7 years ago sabayan pa ng panic disorder.
Nagbuntonghininga ako ng maalim para kalmahin ang sarili ko.
"Mario, si Tatay! Ang Tatay! Puntahan mo si Barry, manghingi ka ng tulong!"
"Yumi, lumaban ka. Sabi mo magiging malakas ka para sa mga anak mo!"
Pilit kong ginigising si Yumi para bumalik s'ya sa katinuan n'ya."Yumi, boses ko lang ang pakinggan mo! Ako 'to si Mario."
Nanginginig ang buong katawan ni Yumi pagkatapos sumuka s'ya ng dugo.
"A-anong nangyayari?" humihingal na sabi ni Nanay Celine pagkadating n'ya.
"Jusko!" sabi ni Kevin na hindi alam ang gagawin.
Si Naya naman umiiyak na habang yakap ni Junior at pinapakalma.
Panic Disorder symptoms are heart palpitations-a pounding heartbeat, trembling or shaking, sensations of shortness of breath, smothering choking and out of control.
Ito pa ang isa sa pinagdadaan ni Yumi. Pag umatake ang anxiety kasunod nito ay ang panic disorder kaya naman wala na s'ya sa sarili. Naghahalo-halo na ang lahat hindi na n'ya alam kung ano ang totoo sa hindi.
Sinampal ako ng malakas ni Yumi, sumadsad ang mahaba n'yang kuko sa mukha ko kaya naman nagdugo ito pero tulad kanina hindi ko ito ininda. Nagpaabot ako ng towel kay Kevin para punasan ang katawan ni Yumi dahil sa sinuka n'ya.
"Buksan mo ang pinto ng cr, Kevin! " sigaw na utos ko ulit kay Kevin.
Si Yumi naman lalo lang nagpa-panic, inuuntog na ang ulo n'ya sa pader habang sumisigaw.
"Wag kayong lalapit! Lumayo kayo!"
Nahihirapan akong lapitan si Yumi dahil kung ano-ano ang binabato n'ya at sinasaktan pa ang sarili n'ya.
Sapilitan kong binuhat si Yumi para ipasok sa cr at inihiga ko sa bathtub.
"Kevin, buksan mo ang shower!" Mabilis naman akong sinunod ni Kevin, binuksan n'ya ang shower. Ang utos kasi ng doctor, ibabad si Yumi sa tubig tuwing aatakihin ito ng panic disorder. Nakakatulong daw ito para bumalik s'ya sa katinuan. Nakuha ito ni Yumi 7 years ago dahil sa isang insidente. Nag-iwan ito ng malaking trauma sa kanya at hanggang ngayon dala-dala n'ya. Ilang segundo ko pa s'yang ibinabad sa tubig bago tuluyang kumalma.
"Yumi, are you okay now?"
"M-Mario!" sabi ni Yumi sabay mahigpit akong niyakap at humagulgol. Marahan kong hinimas ang likod n'ya para kumalma.
*****************
"Aray! Aray! Dahan-dahan naman! " reklamo ko kay Kevin habang ginagamot n'ya ang mga kalmot ko sa mukha. Pinabayaan na kasi namin na si Nanay Celine na ang magbihis at mag-asikaso kay Yumi.
"Medyo malalim 'tong nasa mukha mo!"
"Kaya nga, dahan-dahan masakit eh."
"Mario, okay ka lang ba?"
Napatingin kami sa nagsalita, lumabas na si Nanay Celine at naupo sa harapan namin. Siguro ay tapos na n'yang bihisan si Yumi."Kamusta na po si Yumi, Nay?" tanong ni Kevin.
"Ang sabi n'ya, okay na daw s'ya. Gusto n'ya daw munang mapag-isa."
"Mabuti naman po at okay na s'ya."
"'Yang sugat mo sa mukha Mario, masakit ba?"
"Don't worry Nay, hindi naman masakit malayo sa bituka."
"Hindi masakit!" sabi ni Kevin sabay diniinan n'ya.
"Aaaaahhhhhh," napasigaw ako dahil sa sakit.
"Haha, hindi pala masakit huh."
"Loko ka talaga Kevin, ang sakit tsk!"
"Kayo talaga puro kayo kalokohan. S'ya nga pala Mario, maraming salamat huh. Kung hindi dahil sa 'yo baka kung ano ng nangyari sa anak ko."
Umayos kaming dalawa ni Kevin sa pagkakaupo at tumingin kay Nanay Celine."At sa 'yo din Kevin, maraming-maraming salamat."
"Wala po 'yon Nay, mahalaga sa 'min si Yumi parang nakababatang kapatid na namin s'ya, hindi ba Kevin?" sabi ko sabay tingin kay Kevin.
"Oo naman Nay, isang pamilya na tayo," sang-ayon naman ni Kevin.
"Tingin n'yo ba dahil sa pag-iisip ni Yumi sa pagbalik n'yo sa Pilipinas kaya nagkakaganyan na naman s'ya? Tama ba na babalik pa tayo do'n?"
Nagkatinginan kami ni Kevin dahil sa tanong ni Nanay Celine."Nay, kung habang buhay kaming magtatago mas lalong hindi s'ya gagaling. Kailangan naming harapin ang mga problemang dulot ng sakit ng nakaraan. Tingin ko, kung malalaman nila ang totoo. Makakagaan ito sa loob ni Yumi, mababawasan ang mga tumatakbo sa isip n'ya," paliwanag ko.
"Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa ni Kevin, Mario. Alam ko na lahat ng mga nagiging desisyon n'yo ay makakabuti para kay Yumi."
"Salamat Nay, ipinapangako ko po sa inyo hindi ko po pababayaan si Yumi kahit ano man ang mangyari poprotektahan ko s'ya."
Tumango lang si Nanay Celine, lumapit s'ya sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit. Pagkatapos ay lumapit naman s'ya kay Kevin at niyakap din si Kevin.Ang gusto ko lang naman ay makaalis si Yumi sa trauma na pinagdadaanan n'ya. Seven years na kasi s'yang nagsu-suffer dahil dito. Simula pa ng pinagbubuntis n'ya ang kambal. Ang bilin ng doctor, makakatakas lang si Yumi at gagaling kung babalikan n'ya ang mga taong sobrang nanakit sa kanya at 'yong dahilan kung bakit ba n'ya nakuha ang depression na pinagdaraan n'ya.
Kaya gusto kong sumugal, alam ko na pareho kaming magiging dehado rito. Dahil maging ako ay kasama sa trahedya ng nakaraang ito. Ako ang nakasaksi ng lahat ngunit pinili kong tumahimik para sa kapakanan ni Yumi at ng kambal. Sarili kong kaligayahan ang isinakripisyo ko kapalit nito pero kahit minsan sa buhay ko ay wala akong pinagsisihan.
Alam ko rin na ang Kugimiya Mall ang nakakuha kay Yumi para maging image model. Sa katunayan, ako ang magiging Vice President nito. Inihanda ko na ang sarili ko para dito. Sa tingin ko, tadhana na rin ang nagpasya para bumalik kami sa Pilipinas at muling harapin ang pilit naming tinatakasan.
Ang sinasabi kong private property ay ang Happy House Village na pagmamay-ari ni Barry. May private property ako na ibinigay ni Daddy, ang bahay malapit sa tinitirahan ni Barry at nila Kim. Nasa plano ko na muling magkatagpo-tagpo ang aming mga landas para muling buksan ang nakaraan at matapos na ang lahat ng naipon na sakit sa loob ng pitong taon.
Isa pa, may karapatan si Barry na makilala ang kambal. Gusto ko rin malaman ng kambal kung sino ang totoo nilang ama.
At maski ako, gusto kong makapagpaliwanag ng maayos kay Mint. Naghiwalay kami ng hindi man lang n'ya nalaman ang buong katotohanan.
**************************************
Game of Love" Ano mang oras, Chad, darating na ang mga pulis! Mabubulok ka sa kulungan! "" Sino ba may sabi sa 'yo na makukulong ako?"" Sumuko ka na, Chad. Hindi pa huli ang lahat para sa 'yo. "" Sumuko? Nagpapatawa ka ba? Umabot na sa lahat ang ganito tapos sasabihin mo sumuko ako? "Barry's group had gone earlier to Chad's abandoned headquarter. They're able to escape the police dahil kahit anong pagpipilit nila ay ayaw silang pasamahin ng mga ito sa gagawing paghuli kay Chad. They also know the headquarter better so they can easily find Yumi and Naya.When they arrived, Barry and Mario quickly went to the back of the headquarter. Dahil ang hinala nila kung mayro'n mang pwedeng pagdalhan si Chad kina Yumi at Naya ay may posibilidad na sa likod ito dahil malawak ang likurang bahagi ng building kaya nagbakasakali sila." H
Game of LoveYumi remained silent and didn't tell any of them about what she and Chad had talked about, while Barry and Mario are preparing to go to the place where Chad is allegedly hiding. Nagsuot sila ng bulletproof para sa seguridad nila, 10:30pm exactly nang makaalis sila at tulad nga kanina sumama si Mark sa operasyon at si Masu naman ay nagpaiwan na lang para may kasama sila Yumi sa bahay.When the atmosphere was quiet, Yumi slowly left the house. Isa man ay walang kaalam-alam sa gagawin at binabalak n'ya, even the police guards who are so busy eating. They didn't notice Yumi while exiting the gate.Katulad nang napag-usapan nila ni Chad, mag-isang nagpunta si Yumi sa lumang building, sa headquarter.When she arrived at Chad's headquarter, it was very dark all around, the light of the bonfire only lit up the surroundings." Chad! " sigaw ni Yumi. Mabilis namang lumabas si Chad mula sa dil
Game of LoveA few days passed but Chad remain silent. This made them all even more nervous and frightened kaya naman lahat sila ay nanatiling alerto sa bawat oras na dumadaan." Hindi pa ba sila magpapahinga kahit saglit? " sabi ni Yumi, habang nakadungaw sa bintana at pinagmamasdan ang mga police guards na nakapalibot sa buong kabahayanan. Batid n'ya ang pagod ng mga ito pero alang-alang sa kaligtasan nilang lahat ay hindi nila alintana ang pagod at hirap." Ang alam ko nagpapalitan naman sila so don't worry too much about them, " sabi ni Kim sa kanya, hinawakan s'ya nito at pinaupo sa sofa. " Kailangan natin ngayon ng matinding seguridad lalo na't hanggang ngayon wala pa ring balita kay Chad. We don't know what his next plan so we have to be alert, " singit ni Mint sa usapan nila. Nasa sala sila ng bahay at naghihintay sa bagong balita, nagpunta kasi sina Barry at Mario kila Danika para pag-usapa
Game of LoveSinenyasan ni Danika ang mga kasamang pulis para palibutan ang nasabing location kung nasaan si Chad at tulad ng bilin ni Alan, naiwan sina Barry at Mario sa loob ng kotse ngunit sadyang matigas ang ulo nila. Dahan-dahan silang lumabas mula sa kabilang pinto ng kotse at sumunod kila Alan, tinakasan nila ang mga naiwang pulis para magbantay sa kanila." Search the area! " radyo ni Alan sa lahat." Clear, Sir! " report ng ilang mga pulis matapos dumaan sa likod ng lumang bahay." Clear, Sir! " sabi pa ng iba." Paanong nangyari to? " bulong ni Alan sa sarili pagkatapos lumabas din sila Danika kasama ang iba pang pulis." Malinis ang buong lugar kahit isang bakas ni Chad, wala. Naisahan na naman tayo! " sabi ni Danika sabay bato ng body armor na tinanggal n'ya sa katawan." Inuubos n'ya talaga ang pasensya ko!
Game of LoveHabang papalayo sila sa nakahigang si Junior ay naririnig pa rin nila ang patuloy na pag-iyak ni Yumi. Hindi sila makapaniwala na nangyayari talaga ang mga bagay na ito. Kung kailan nagiging okay na ang lahat, kung kailan naliwanagan na ang lahat at unti-unti nang nabubuo ang pamilya ni Yumi, ngayon pa nangyari ito." Junior, please, gumising ka na! " patuloy na yugyog ni Yumi kay Junior, hindi s'ya nawawalan ng pag-asa na maisasalba pa n'ya ang buhay ng anak. Patuloy s'ya sa pag-CPR dito at pagkatapos binubugahan ito ng hangin sa bibig, nagbabakasakaling magkaroon ng himala at muli itong bumalik pa kahit ilang minuto na ang lumipas.Hanggang sa..." J-junior! Junior! " nanginginig ang buong katawan ni Yumi at hindi makapaniwala. Bigla kasing gumalaw ang kamay ni Junior at kumunot ang noo nito kaya naman dali-dali n'ya itong iniupo at hinimas-himas ang dibdib at likod pagkatapos bi
Game of Love" Ano Barry, nakapili ka na ba kung sino sa kanila ang maiiwan at sino ang mamamatay? " Lumapit si Chad kay Barry, habang naka-poker face, wala s'yang pakeilam sa nararamdaman ni Barry.Barry looked at Naya and Junior again, he can clearly saw how difficult they were because of their condition. Ayaw n'yang mamili isa man sa kanila, hindi n'ya kaya.Tumakbo s'ya sa harapan ni Chad para magmakaawa. Wala na s'yang pakeilam kung maging katawa-tawa man s'ya sa harapan nito, ang mahalaga ay ang buhay ng kambal. Ngayon pa lang ulit s'ya nagiging masaya, ngayon pa lang s'ya nakakabawi kay Yumi at ngayon n'ya lang mapupunan ang pagkukulang n'ya bilang ama sa mga anak n'ya. Ilang taon n'yang hindi nasubaybayan ang mga ito kaya hindi s'ya makapapayag na may mawala sa kanila." Please Chad, parang awa mo na. Huwag mong idamay ang mga bata. "" Nadamay na sila, wala na ak