Share

Kabanata 12

Game of Love

Mario's POV

Minabuti kong dumaan muna sa kwarto ni Yumi para silipin s'ya saglit. Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan at nakita ko ang nakatulalang si Yumi. Nakatulala s'ya sa kawalan, alam ko namang nahihirapan s'ya pero gano'n paman kailangan n'ya pa ring magpakatatag at lakasan ang loob n'ya.

Naalala ko no'n, sa tuwing mag-uusap kami ni Yumi. Tinatanong n'ya sa'kin kung may Diyos ba talaga at kung may Diyos nga bakit hinayaan n'ya na dumating sa punto na mangyari 'to lahat sa kanya. Napakarami n'yang tanong sa 'kin na bakit, bakit ganito? Bakit ganyan? Ang daming tanong pero hindi ko naman alam ang isasagot ko.

Nakita ko na nakatitig s'ya sa gitara sa gilid ng kama n'ya. Lumapit s'ya dito, kinuha n'ya at naupo sa gilid ng kama. Noon pa man mahilig na sa music si Yumi. Isa rin ito sa mga nagpapagaan ng loob n'ya. Kadalasan, tumutugtog s'ya kapag magulo ang isip n'ya at hindi mapakali. Kapag tumutugtog na s'ya at hinahayaang kusang dumaloy ang liriko sa bawat pagtipa sa gitara, gumagaan na ang pakiramdam n'ya.

Umupo ako sa gilid at sumandal sa pader. Hahayaan ko muna si Yumi na tumugtog at kumanta para kahit papaano'y gumaan ang nararamdaman n'ya.

Now Playing : Panginoon

By: Author

Chords: G D Am C

Strumming: Down Up Down Up Down Up Down Up Down Up Down Up

Ang isip kong ito ay magulo,

Gulong gulong gulo na hindi alam gagawin,

Daming tanong na kung bakit,

Bakit ganito? Bakit ganyan?

Walang katapusan,

Luha'y malapit ng maubos,

Unti-unti na ring nawawalan ng pag-asa,

Mayro'n pa ba itong katapusan?

Kailan mawawala sakit na nararamdaman?

Hindi alam ang gagawin,

Hindi alam kung saan tutungo,

Hindi alam, di alam, hindi na alam,

Puro na lamang ba sakit?

Puro na lamang ba pait?

Kailan kaya masisilayan ang liwanag?

Chorus :

Tulungan mo naman ako,

Panginoon, tulungan mo,

Tulungan mo, tulungan mo

na mawala itong bigat

Panginoon...

O wooh O wooh O wooh Panginoon,

O wooh O wooh O wooh Panginoon,

Sa 'yo lahat itataas...

Lahat ng papuri at pagsamba,

Sa 'yo lahat itataas...

Lahat ng papuri at pagsamba,

Sa 'yo lahat ipapaubaya,

Patutunguhan ng buhay...

Sa 'yo lahat ipapaubaya,

Patutunguhan ng buhay...

(Repeat Chorus)

Tulungan mo naman ako,

Panginoon, tulungan mo,

Tulungan mo, tulungan mo

na mawala itong bigat

Panginoon,

Tulungan mo, tulungan mo...

Sana'y dingin lahat ng aking panalangin...

O wooh O wooh O wooh Panginoon

O wooh O wooh O wooh Panginoon...

Alam ko na may plano ka

Sa buhay kong ito,

Hindi ako susuko

Ikaw ang magiging lakas.

Alam kong nandyan ka lang

Panginoon sa buhay ko,

Naririnig mo ang lahat nang

Aking panalangin...

O wooh O wooh O wooh Panginoon

O wooh O wooh O wooh Panginoon...

Pagkatapos n'yang kumanta, ibinalik n'ya ang gitara sabay naupo ulit sa kama. Saka naman ako lumabas, lumapit na nakangiti sa kanya.

"Wala ka paring kupas, Yumi. Ang galing mo pa ding kumanta."

"Mario, kanina ka pa ba nandyan?"  tanong ni Yumi sa 'kin. Nginitian ko lang s'ya at naupo sa tabi n'ya.

"Okay ka na ba?"

"Okay na ako, salamat sa 'yo."

"Minsan rin ba Yumi, naiisip mo na bumalik na ng Pilipinas?" tanong ko kay Yumi sabay tinitigan s'ya ng maigi.

"Naiisip ko rin naman kaso natatakot ako. Alam mo naman kung bakit, hindi ba?"

"Pwede ba akong magtanong sa 'yo Yumi?"

"Sige, ano naman itatanong mo?"

"Si Barry? Hanggang ngayon ba, mahal mo pa rin s'ya?"

"B-bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Galit ka sa kanya, hindi ba? Halos isumpa mo na s'ya dahil sa galit. Pag nagkita kayo ulit, ano ang mas mangingibabaw? Ang pagmamahal mo sa kanya o ang galit?"

Napayuko si Yumi dahil sa tanong ko. Alam ko na hindi n'ya ito sasagutin, kaya naman iniba ko na lang ang tanong.

"Ganito na lang, iibahin ko ang tanong. Bibigyan mo ba ng pagkakataon si Barry na makilala ang kambal?"

"Tingin mo Mario, may karapatan ba s'yang makilala ang kambal?"

"Nasa sa 'yo naman 'yan Yumi, kung gusto mo na makilala ni Barry ang kambal at ma-meet naman ng kambal ang totoong Daddy nila."

"Pwede din ba akong magtanong sa 'yo Mario?"

Napatingin ako kay Yumi dahil dito.

"Ano 'yon?"

"Anong gagawin mo pag nagkita ulit kayo ni Mint? Sasabihin mo ba sa kanya ang totoo?"

Sa tanong ni Yumi, saglit akong napaisip.

"Depende siguro sa sitwasyon. Mas mabuti siguro kung unti-untiin ko para maintindihan n'ya ng maayos. Pitong taon na ang nakalipas Yumi pero si Mint pa rin ang nasa puso ko. Nagsisisi ako noon dahil tumakas tayo. Nagtago, hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag. Sayang ang pitong taon. Kaya gusto ko itama na ang maling paniniwala nila."

Nginitian lang ako ni Yumi at niyakap ako nang mahigpit.

"Salamat Mario, pangako magiging malakas ako. Kakayanin ko lahat para matapos na ang lahat ng paghihirap natin. Sasabihin natin sa kanila ang buong katotohanan. Unti-untiin natin."

Kinalas ko ang pagkakayakap ni Yumi sa 'kin at mahigpit na hinawakan ang kamay n'ya.

"Pangako, hinding-hindi kita pababayaan."

Iniayos ko ang higaan ni Yumi at tinulungan s'yang mahiga. Kailangan na n'yang magpahinga, pagod na rin kasi ang katawan n'ya.

Pinatay ko ang ilaw sabay lumabas na sa kwarto n'ya. Hiling ko lang na sana ay tama ang naging desisyon ko na bumalik kami sa Pilipinas. Nangangamba ako na baka lalo lang gumulo ang lahat pero naniniwala ako na hindi kami pababayaan ng Diyos.

Isa pa miss na miss ko na si Mint. Gusto kong ayusin ang gusot naming dalawa. Sa loob ng pitong taon, hindi ako nagsawa na bantayan s'ya sa malayo. Ang totoo nag-hire ako ng mga tao para kuhanan s'ya ng picture patago. Lahat ng tungkol sa buhay n'ya ay alam ko. Patago ko s'yang minamahal sa malayo at pinapangarap na balang araw ay magiging masaya rin kami.

Alam kong magkakasama pa rin sila sa iisang bahay. Sina Mark at Kim ay kasal na, sina Nychaa at Masu naman live-in na, at ang mahal kong si Mint hanggang ngayon single pa rin. Gusto kong matuwa dahil dito pero sa isang banda nalulungkot ako.

Natutuwa ako kasi hanggang ngayon single pa s'ya, ibig sabihin may pag-asa pa ako. Nalulungkot ako dahil baka ako ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single s'ya. Masyado ko s'yang nasaktan at hindi nakapagpaliwanag. Sa mata nila, may mali kaming ginawa ni Yumi. Ni hindi nga nila alam na magkasama kami, baka pati ito maging malaking issue sa kanila at maging misunderstanding na naman.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nagpahinga. Maghahanda sa panibagong bukas na haharapin namin.

**************************************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status