Share

Kabanata 13

Game of Love

Katulad ng usapan, nauna ng bumalik ng Pilipinas si Mario at ngayon naman pasunod na sina Yumi at Kevin. Nasa loob s'ya ng kwarto at nag-iimpake ng mga gamit habang pinagmamasdan s'ya ng kambal madaling araw kasi ang flight nila ni Kevin.

"Mamamee, are you going back to the Philippines now?" tanong ni Naya kay Yumi.

"Yes Baby Bunny pero don't worry after one or two weeks susunod naman kayo nila Lola n'yo eh."

Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Naya.

"Huwag ka nang masyadong mag-alala Mommy habang wala ka, akong bahala kay Naya at Lola. I can take care of them, hindi ko sila pababayaan," ang sabi naman ni Junior.

"Big boy na talaga ang Baby Bear ko, halika nga rito pa-hug ako," sabi ni Yumi at mahigpit na niyakap si Junior.

"Paano naman ato? Hindi mo ba ato love," naka-pout na sabi ni Naya kaya naman biglang napangiti si Yumi.

"Siyempre super love ko rin ang bulol kong Baby Bunny."

Nilapitan ni Yumi si Naya at niyakap nang mahigpit.

"Mommy, can you promise me one thing?" sabi ni Junior sa kanya na napakaseryoso.

"Sure, ano ba 'yon?"

"Please take care of yourself. Huwag mong kalilimutang uminom ng gamot, ayaw ko nang makitang mag-suffer ka.  Hindi ko kaya lalo na't wala kami sa tabi mo."

Saglit na napatitig si Yumi kay Junior. Minsan talaga iniisip n'ya kung 7 years old lang ba talaga si Junior.  Napaka-matured kasi mag-isip, feeling n'ya matanda ang kausap n'ya.

"Yes, I promise na aalagaan ko ang sarili ko."

At muli, mahigpit n'yang niyakap ang dalawa.

*********************

This is it, wala na talagang atrasan. Sakay na sina Kevin at Yumi ng first class airplane papuntang Philippines.

Nakatulala lang si Yumi, hindi pa rin kasi s'ya makapaniwala na babalik na sila. Babalik na sila sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat.

"Okay ka lang ba Yumi?" tanong ni Kevin kay Yumi.

"Yes, I'm okay medyo inaantok lang."

"Mas mabuti pa, matulog ka muna."

Nilagyan s'ya ni Kevin ng headset at inayos s'ya para makatulog ng komportable. Ilang minuto ang nakalipas, naramdaman n'yang bumibigat na ang talukap ng mata n'ya nagsisimula ng antukin si Yumi.

Pero bago tuluyang makatulog, mayro'n s'yang naaninag na sobrang familiar na mukha na ayaw n'ya mang aminin pero gustong-gusto n'yang makita. Nakangiti ito sa kanya puno ng pagmamahal.

"B-barry," bulong n'ya at tuluyan nang nakatulog.

***********Flashback*************

7 years ago back in college in Kugimiya University. Napapabuntonghininga si Yumi habang mahigpit na hawak ang libro at notebook na dala, kanina pa kasi s'ya paikot-ikot sa loob ng University. Nahihilo na s'ya kahahanap ng place kung saan s'ya pwedeng gumawa ng assignment.

Katatapos lang ng isang subject n'ya at one and a half hour ang susunod kaya may time pa s'ya para gumawa ng assignment. Hindi kasi n'ya ito nagawa kagabi dahil sa ingay at gulo ng mga kasama n'ya sa bahay. Para kasing laging may gera, sina Kim at Nychaa walang ginawa kung hindi mag-chismisan tungkol sa mga lalaki habang si Mint naman kulang na lang pumasok sa loob ng cellphone dalang-dala sa online games kaya naman hindi s'ya makapag-concentrate. Idagdag pa na paboritong pagtambayan ang kwarto n'ya.

Halos dito na nga sila natutulog, ang ending para silang sardinas dahil nagsisiksikan. Napabuntonghininga ulit  si Yumi, naisip n'ya masyadong malayo ang library para sa next subject kaya hindi pwede do'n. Muli s'yang umikot at may napansin, parang isang mini garden.

"Secret garden? Ano naman kaya to?" kausap ni Yumi sa sarili pagkatapos makita ang nakalagay na karatula sa isang mini garden. Sa curiosity n'ya, bigla na lang s’yang pumasok. Napanganga s'ya ng makita kung ano ang nasa loob. Isa itong maliit na garden na napalilibutan ng lavender sobrang bango ng paligid. Napakaganda, maaliwalas at very positive ang ambiance.

"A quite place, perfect. Makakagawa na ako ng assignment nito," sabi n'ya sa sarili.

Wala na s'yang sinayang na oras, pumunta s'ya sa kubo na nasa gitna ng garden. Pag-upo n'ya kinuha n'ya kaagad ang textbook at sinimulang sagutan ang math problems.

"Wow, you can solve math problems that fast!"

Napaangat ng paningin si Yumi dahil sa boses na narinig at bahagyang napaatras ng makita ang isang gwapong lalaki, ni hindi n'ya man lang naramdaman ang pagdating nito.

"Ang lakas ng loob mo na pasukin ang secret garden at mag-isa ka pa huh bago ka noh?" dugtong pa nito habang may pilyong ngiti sa labi.

She suddenly felt uncomfortable, there was something about his playful smile na para bang bihasa sa pagpapaikot ng damdamin ng mga babae.

"Hindi ka ba nagsasalita? By the way, I'm Mark Prim but you can call me Mark if you want." 

Biglang napaisip si Yumi. Para kasing familiar ang pangalan, parang narinig na n'ya. Tumayo si Yumi at niligpit na ang mga gamit n'ya, sino ba kasi ang lalaking ito at ginugulo ang katahimikan n'ya.

"Oy miss aalis ka na? Ang bilis naman,"  sabi nito sa kanya. Sasagot na sana si Yumi pero naglakad ito at nilagpasan s'ya sinundan n'ya na lang ng tingin at nakita ang parating na mga lalaki.

"Uy Mario! Masu! Tapos na ang klase n'yo?" tanong na sabi ng nagpakilala sa kanya na Mark ang pangalan. Parehong gwapo ang dumating na dalawang pang lalaki.

"Teka... Mark? Masu? Mario? Sila yata 'yong sinasabi nila Kim na dapat kong iwasan. Nako, lagot ako!" mahinang bulong ni Yumi sa sarili nang mapagtanto at maalala ang mga pangalan nila. Sila ang mga lalaking sinasabi nila Kim na dapat n'yang iwasan.

"Yeah it's suck, as usual," sabi ni Mario.

"Walang kwenta talaga ang professor na 'yon, kainis!" asar namang sabi ni Masu saka naman nila napansin si Yumi na kanina pa nakatingin sa kanila.

"Who's that girl? Bago mo ba s'yang babae, Mark?" tanong ni Mario.

"No, nakita ko lang s'ya dito gumagawa ng assignment, naligaw yata."

"Owww, so you're new here? Because no one in their right mind have the guts to come here miss because this is our territory," sabi ni Masu.

Napakunot noo lang si Yumi.

"Mabuti ikaw ang nakakita sa kanya Mark, naku kung si Barry 'yan aalis 'yang luhaan," sabi naman ni Mario.

"No doubt, that's what's going to happen," sagot ni Mark.

Naiiling na lang si Yumi habang pinapakinggan sila. Feeling n'ya kasi wala ng normal na tao sa paligid n'ya,  sa bahay may mga baliw tapos dumagdag pa sila. May pa-territory pang nalalaman mga abnormal yata, eh ang gusto lang naman ni Yumi ay gumawa ng assigment.

"Miss, I suggest na wag ka nang babalik dito delikado," sabi ni Mark.

Tuluyan nang nainis si Yumi, naguguluhan na kasi s'ya wala s'yang naiintindihan sa mga sinasabi nila. May pa-territory pang nalalaman eh hindi naman n'ya inaangkin, lamunin pa nila. She just want a place where she can be alone, malay ba n'yang mayroong nagmamay-ari nito.

"Talagang hindi na ako babalik!" sigaw ni Yumi at nag-walk out pero bigla s'yang tumama sa isang matigas na bagay. Sa sobrang lakas ng pagkabangga n'ya, nabitawan n'ya ang mga hawak n'ya pati eyeglasses n'ya ay nalaglag. Muntik na rin s'yang matumba pero mabuti na lang may humawak sa magkabilang braso n'ya.

"S-sorry," hinging paumanhin ni Yumi. Pinasingkit n'ya ang mata n'ya dahil nag-blurred ang paningin n'ya. Hindi n'ya maaninag ang kaharap n'ya.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, bulag ka ba o sadyang tanga?" cold na sabi ng taong kaharap n'ya, na nagpatayo ng balahibo ni Yumi. Kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib n'ya. Saglit s'yang inilayo nito at may pinulot, kinuha ang kamay n'ya at nilagay ang eyeglasses.

"S-salamat," sabi ni Yumi at isinuot ang salamin.

Ipinikit-pikit ni Yumi ang mata para tuluyang aninagin ang mukha ng kaharap n'ya. Nagkasalubungan sila ng paningin and that guy infront of her has the most expressive eyes she had ever seen, lingered on his thick eyebrows down to his perfect nose, thin lips and square jaws. Then, something weird happened. Her heart skipped a beat, she find it weird. Gwapo rin naman 'yong tatlong lalake, sila Mario, Masu at Mark pero wala s'yang naramdamang kakaiba sa mga ito. Ang lalaking kaharap n'ya ngayon sobrang lakas ng impact sa kanya.

"Are you okay now?" cold pa ring sabi sa kanya ng lalaking kaharap n'ya.

Biglang napa-isip si Yumi baka grupo ito ng mga gang kaya may pa-territory pang nalalaman. But for her, they didn't look a gangsters. In fact, they were all good-looking. Maliban na nga lang sa lalaking kaharap n'ya ngayon. Mahirap kasing basahin ang pagkatao n'ya, emotionless ang mga mata nito at para bang maraming sikretong itinatago sa buhay.

"Barry, kilala mo ba s'ya?" tanong ni Masu. Hindi namalayan ni Yumi na nasa likod na pala n'ya yung tatlong lalaki kanina.

"Baka isa sa mga bagong babae mo, Barry nagbago na ba ang taste mo?" tanong ni Mark kay Barry.

"She's not my woman. She's not even my type tsk! Manang," mariing sambit nito kaya naman biglang kumulo ang dugo ni Yumi sa kanya.

"Mark! I told you not to bring other people here," dugtong pa n'ya.

"Eh, hindi ko naman talaga s'ya kilala," paliwanag ni Mark na kamot ulo.

"Hoy mister na antipatiko na hindi ko alam ang pangalan! Pwede bang huwag kang masyadong mayabang! Bakit? Tinanong mo ba ako kung type kita? You're not even my type too, gwapo ka nga kulang ka naman sa aruga! Bastard!" gigil na gigil na sabi ni Yumi kaya naman lahat sila ay napatulala. Pagkatapos ay walang lingon-lingon na nilayasan sila ni Yumi.

"I like her na," bulong ni Mario na napapangiti habang sinusundan ang papalayong si Yumi.

Nang makalayo na si Yumi, hindi n'ya mapigilang hindi mapahawak sa dibdib n'ya. Why her heart is still beating so fast? At sa mayabang na lalaki pa na 'yon! "He's not my type!" madiin n'yang sabi. Pumasok s'ya sa malaking University sa Manila para mag-aral hindi para humanap ng lalaki. Gusto n'yang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang Nanay at Tatay.

Hindi bale, sigurado naman s'yang hindi na n'ya makakasalubong ang antipatikong lalaki na 'yon, sa laki ba naman nitong university. With that thought in mind, nakahinga s'ya ng maluwag. She had a feeling that she won't get close to those guys especially Barry.

**************************************

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status