Share

Chapter Five: Kane Talens

Galing si Gabriel sa locker’s room at papunta siya sa likod ng Gym, nang tawagin siya ni Teng.

“Sabay na tayo, pupunta rin ako do’n,” wika pa ni Teng nang makalapit ito at sabay silang naglakad patungo sa iisang destinasyon.

"Mag-isa lang ni Kiane do'n?" Tanong ni Gabriel sakanya.

"Hindi ko nga alam kung nandoon nga siya,” sagot naman ng kasama.

Baka kasama na naman niya si Kane.

Nang makarating ay pinihit na ni Teng ang door knob, at binuksan ang pinto. Nakaramdaman ng inis si Gabriel nang makitang magkaama nga ang dalawa. Kanina’y naiisip niya lang ang posibilidad na iyon, ngunit totoong pa lang magkasama sila, at sa tambayan pa talaga.

"You're late,” Kiane commented as he saw them. Pumasok na ang dalawa ang nakiupo sakanila. Halata namang inis si Gabriel sakanila.

"Bakit nandito iyang babae na 'yan?" tanong niya kay Kiane at nagbato ng nakakatakot na tingin sa kasama nito.

"Obviously, dinala ko siya rito. Nag-order na lang kami ng takeout lunch sa cafeteria,” sagot ni Kiane.

"Ang dami kasing tao,” sumunod namang nagsalita si Kane.

"Edi nakipagsiksikan ka sana! kaysa dito ka makipagsiksikan, hindi ka bagay dito," komento naman ni Gabriel.

"Mukhang may kesong ayaw magpatapak ng daga sa teritoryo niya,” ani Kane.

"Oh, and who's keso?" agad namang tanong ni Gabriel sakaniya.

"You, isn't it your name, Gabriel Keso?"

Tumawa naman ang dalawang pinapanood lang silang magbangayan na naman.

"And you are, Kane daga?" pang-aasar naman pabalik ni Gabriel.

"Kayong dalawa, tama na… kung hindi kayo titigil palalabasin ko kayo pareho,” sumabat na si Kiane.

"Pwede bang paalisin niyo nalang siya rito? Nakikipagkaibigan lang naman iyan kasi may hina-hunting siyang isa sa’tin,” sabi naman ni Gabriel na nag-udyok kay Kane para sampalin siya. Sa bilis ay hindi rin makapaniwala ang tatlo.

“Napakabastos ng lalaking pinag-iisipan ng ganyan ang isang babae. Wala ka bang nanay?” sabi niya, “I don't chase boys, especially the likes of you.”

"Gab, what do you think you're doing?!” Kiane shouted when Gabriel lost his temper and did something that shocked them.

"I’ll just leave, he has a problem about his attitude and I don’t want to stoop down my level,” Kane said. Kinuha niya ang bag niya at hindi nagpapigil umalis, kaya sinundan na lamang siya ni Kiane.

"Iba ka ngayon, Gab, ah? Hindi ko inasahang magagawa mo iyon at sa isang babae pa,” komento ni Teng nang sila nalang dalawa ang naiwan sa loob.

"You know I have anger issues, right? Masyado siyang pabida, halata namang may pakay na iyon kaya biglang gusto nang kaibiganin si Kiane,” wika ni Gabriel.

Hinawakan siya ni Teng sa balikat, kaya napatingin ito sakanya, "I pity her for knowing you Gab,” wika ni Teng.

“I’ll make Kiane feel that too by that, he will have no choice but to tell that human, just stay away,” Gabriel said smiling at Teng.

“Pero sana huwag mo ring kalimutan na d'yan kayo nagsimula ni Shian, and you are in a current relationship with her,” saad naman ni Teng at isiningit na naman ang girlfriend ni Gabriel.

“I know, Teng... stop telling me those things, because I'm aware of what I'm doing, and Shian? there's no way that rat can duplicate her, never!” Gabriel explained.

“Okay fine, ayoko na rin namang banggitin at baka magalit ka na naman sa akin. Forget about that,” sabi naman ni Teng.

Umalis na rin si Gabriel at si Teng at matutungo ngayon sa kanilang mga classroom. Habang naglalakad naman sila sa corridor, hinarang sila ni Eula. “Gab, did you forget something?” tanong nito sakaniya.

Teng looked at Eula and then averted his gaze to Gabriel, and said, “Una na ako, Gab malayo pa classroom ko.” Dali-dali siyang iniwan ni Teng.

“Hoy!” sigaw niya, akmang susunod ito nang hilain siya ni Eula.

“So about the deal, 5 PM tomorrow?” wika ni Eula na nakahawak na sa braso niya. Hindi nagustuhan iyon ni Gabriel, kaya inalis niya ang pagkakahawak nito. Para bang may sakit si Eula sa inakto nito sa dalaga.

“Forget about it, Eula,” Gabriel said.

Tila langsalubong nman ang kilay ni Eula at sinabi, “Now that you’re done? You must pay the price, Gabriel! Date me!” halos mapatingin ang iilang dumadaan sa lakas ng pagkakasabi ni Eula.

“Date me, or I’ll report you?” pagbabanta niya kay Gabriel.

He was totally messed up, and then he saw Kane that meant to pass through them. Gabriel suddenly find a way to get rid of Eula in the dilemma he's being in.

“I mean… forget about it Eula, because we fixed it,” Gabriel said while looking to Kane walking towards their direction.

“What? Paano mo nasasabi iyan, pagkatapos mong magawa ang gusto mo? You made a promise, Gab! you should give what’s due to that!” said Eula. Halos habulin nito ang kaniyang hininga pagkatapos magsalita.

Nang lalampasan na sila ni Kane at akmang papasok na ito sa classroom kung saan sa tapat n’on ay nag-uusap ang dalawa, walang pasabing hinigit ni Gabriel ang bewang ng dalaga at inilapit ito sakaniya. “What the?!” reaksyon naman ni Kane.

“Bati na kami, right, love?” Gabriel said and he smiled at Kane who’s now confused of what he just did.

“Ano?!” reaksyon niya pa.

“So this is your girlfriend, Gabriel? Seriously?” wika ni Eula habang pinagmasdan si Kane sa ulo hanggang paa. “Kailan ka pa naging cheap? come on, Gab, tumingin ka naman sa nasa harapan mo.”

“Hoy? para-” Gabriel cut her off and said, “Eula, okay, sorry for promising to date you. Ginawa ko lang naman iyon para pagbigyan mo ako.”

Nasampal naman ni Eula si Gabriel sa inis. “How dare you use me,” she said and after that, she entered the classroom.

Binitawan naman na ni Gabriel ang bewang ni Kane sabay sabing, “That’s disgusting.”

“So you negotiated with Eula, huh? I pity you, sasabihin ko sakaniya na hindi mo naman talaga ako girlfriend,” wika ni Kane at pinakita ang pag-ngisi kay Gabriel.

“You are,” Gabriel replied, which made her say, “Since, when? That’s disgusting!”

“It’s really disgusting… but I don’t have a choice, since sinira mo naman ang cellphone ko, tutulungan mo akong palayuin ang babaeng iyon,” saad naman ni Gabriel.

Kane’s eyes widened when she heard that. “No!” she said, “you just slapped me earlier tapos ngayon you’re asking for favor na para bang ako lang ang may atraso?”

“What’s the use of that? I don’t take ‘no’ for an answer, Kane daga! Gotta go, see you around,” Gabriel said then he left Kane.

Pumasok naman na siya sa loob ng classroom kug saan din pumasok si Eula. Wala pa naman ang subject teacher nila para oras na iyon kaya nagbasa-basa muna si Kane ng notes. Nakikita ‘man niya sa gilid ng mga mata na masamang nakatingin si Eula, hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin at tinuloy nalang ang kaniyang ginagawa.

Pagsapit ng uwian nagtungo na kaagad si Kane sa parking lot para makauwi na. Kaniya nang natanaw ang raider niya nang may grupo ng mga babae ang humarang sakaniya. “Ano’ng kailangan niyo?” tanong ni Kane sakanila.

Hindi niya kilala ang mga ito at masama ang kaniyang kutob dahil may mga hawak silang baseball bat.

“Ikaw ba si Kane Talens ng 12-B?” tanong ng babaeng may maiksing buhok sakaniya.

“Ako nga, ano ba’ng kailangan niyo?” aniya.

“Ah!” sigaw ni Kane na napadaing dahil hinampas ng babaeng ito ang baseball bat sakaniyang kanang braso. Napahawak siya rito at matiim na tumingin sakanila.

“What’s with the look, ugly duckling?” the girl who’s having a long hair asked her.

“What’s with you, frogs?” tanong naman ni Kane na siyang nagpapula sakanila, dahil sa inis.

“Ano’ng sinabi mo?!” singhal ng babae na may maiksing buhok.

“You should know you have to gone through something when you mess up with me,” wika ng babaeng kararating lamang.

“Eula…” sambit ni Kane nang makita niya ito. “Ano ba’ng kasalanan ko sa’yo, ha?”

“Since, hindi ko magantihan si Gabriel dahil sa ginawa niyang pangto-talkshit sa akin… girls? You know what to do!” sabi ni Eula na nag-udyok sa tatalo pang kababaihang nando’n upang atakihin nila si Kane gamit ang mga baseball bat na hawak nila.

“Ta-ma na,” nauutan na wika ni Kane nang siya’y bumagsak sa sahig at hindi na makayanan ang paghampas na ginagawa nila.

“You ruined my date, you deserve this one! Enough and let’s go,” wika pa ni Eula.

Tumigil na sila sa paghampas sakaniya. Hinang-hina si Kane na nakahandusay sa sahig ng parking lot.

Her sight is blurry and she barely moves, because of the pain she felt. She covered her eyes using her right hands and murmured. “Keso… nothing good happened since I met you.”

Unti-unting nagdilim ang paligid niya kasabay non ang pagbagsak ng kaniyang mga talukap.

“Kane!” sigaw ng lalaki na nagmamadaling lumapit sakaniya. She heard that familiar voice calling her name, but she can’t fight what she feels anymore.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status