Share

Kabanata 34

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2025-07-16 23:55:12

"H—Huwag mong sabihing buntis ka, hija?" nauutal na turan ng kanyang mommy.

"Kaya nga ako narito, Mommy. Ang totoo, isang buwan na pong delayed ang menstruation ko," sagot niya sa ina. Pagdakay napasulyap siya sa doktora na ngayo'y makikita ang labis na pag-aalala sa anyo nito.

"Ilang taon ka na ba, hija?" tanong ng doktora sa kanya. Nagkatinginan sila ng kanyang mommy.

"She's 18, Betty."

"Napakabata pa niya upang magbuntis. Kabataan nga talaga ngayon, mas pinairal pa ang karupukan kaysa magseryoso sa pag-aaral. Huwag ka sanang magalit hija sa sinasabi ko dahil alam kong alam mo ang tinutukoy ko, hindi ba?"

"Tama rin naman po kayo doktora. Mapigilan pa ang malakas na baha huwag po lamang ang nag-uumigting na kalibugan po, alam kong mali ako sa mga desisyon ko sa buhay at inaamin ko po iyon," aniya na hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng kaibigang doktor ng kanyang ina.

"Umamin naman itong anak mo, kaya hija kung ako sa'yo sana magising ka na sa kahibangan mo. Sigurado akong wa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marilou Gomez Mars
Update please author ...
goodnovel comment avatar
gracie
update please
goodnovel comment avatar
gracie
please update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Gapangin Mo Ako Ninong Royce   Kabanata 67

    Dahil hindi ako makatulog sa aking kwarto tinungo ko ang kwarto ni baby Rio. Nagpasya akong doon na muna kami matutulog. Pinindot ko ang intercom sa kwarto ni Baby Rio upang ipaalam sa kawaksi na narito ako sa kwarto ng munti kong anghel."Dito mo nalang ihatid ang dinner ko sa kwarto ni Baby Rio.""Yes, ma'am," maagap na sagot naman nito.Marahas na pinalis ko ang mga luha mula sa aking mga mata. Walang kasing sakit ang ginawa ni Royce. Magpahanggang ngayon ay nag-echo sa aking pandinig ang bawat ungol ng babaeng nasa kabilang linya.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang aking dinner. "Ilapag mo lang diyan, Manang," utos ko. "Yes, ma'am."Mabuti na lang at manok na may sabaw ang ulam. Tamang-tama at gusto kong humigop ng mainit na sabaw. Lihim naman akong nagpasalamat dahil gutom ako. Ibig sabihin hindi ma-snob ang tinolang manok na luto ni Manang. Nilantakan ko kaagad ang naturang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay dinampot ko ang aking cellphone. Napansin ko kaagad a

  • Gapangin Mo Ako Ninong Royce   Kabanata 66

    Kinakabahan na nakatayo ako ngayon sa pinto ng opisina ni Royce. Gusto ko siyang makausap ng masinsinan. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago kumatok. Kailangan ko ba talagang gawin ito? Bagong kasal lang kami tapos ganito na kaagad, isa pa ay kapapanganak ko pa lang. Sa huli ay hindi ako tumuloy at nagpasyang umalis na lamang at umuwi ng bahay. Napahilot ako sa sariling sentido. Hindi ba't kaya ako pinakasalan para isalba sa kahihiyan at bigyan ng kompletong pamilya si Rio? "Are you okay?" takang-tanong ni Susan sa akin nang eksaktong nakauwi na ako sa bahay at nadatnan ko itong nakaupo sa living room."I'm fine," sagot ko. "Teka, ano iyang dala mo?" Maagap na iniwas ko kay Susan ang dala kong white folder. Kung saan naroon ang annulment paper."Kay Royce ito, may inutos lang siya sa akin," pagsisinungaling ko. Lihim naman akong nagpasalamat at hindi na nangulit pa si Susan. Pasimpleng inilapag ko ang white folder sa glass center table.Saka ko lang napansin n

  • Gapangin Mo Ako Ninong Royce   Kabanata 65

    Naalimpungatan at nagulat ako sa sunud-sunod na doorbell kaya bumalikwas ako ng bangon. Sigurado akong si Royce ang nambulahaw. Hindi man lang ba nito naisip na baka mabinat ako? Mabuti na lamang at kasalukuyang iniinom ko ang aking pain reliever para sa aking tahi sa tiyan. Ako lang at si Baby Rio ang narito sa rest house. "Sandali lang!" sigaw ko. Lumabas ako mula sa kwarto saka tinungo ang pinto. Hindi nga ako nagkamali at si Royce nga. Nakatayo sa gate at galit ang nakikita ko sa mga mata nito. Really, at siya pa ang may ganang magalit? Ang kapal din ng apog ng lalaking ito."Bakit hindi kayo sa bahay umuwi?" inis nitong tanong sa akin. "Mas gusto ni mommy na dito muna ako. Ayoko na ring abalahin pa sila ni Dad," sagot ko sabay bukas ng gate. Pumasok kaagad si Royce sa loob. "Gusto kong makita ang anak ko?" "Nasa kwarto, mas maigi ng narito kami dahil hindi mahirap para sa akin. Saka pumupunta naman dito every afternoon si Manang para ipag-laba, mag-linis, at mag-assist sa aki

  • Gapangin Mo Ako Ninong Royce   Kabanata 64

    Ilang araw pa ba ang hihintayin ko makita lang si Royce? Hindi ba ito excited na makita ang anak namin? "Come on, huwag ka ng umasa at sigurado akong masasaktan ka lang, Lorna. Ilang araw na rin ang lumipas at hindi siya nagawi rito."Inaamin kong tama si Susan pero sana naman hindi na lang nito sinabi ang bagay na iyon kahit man lang alang-alang sa sitwasyon ko."Susan, ano ka ba!" saway naman ni Mia. "Totoo naman, ayoko lang na umasa si Lorna."Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Susan. Alam ko na tulad ko ay nahihirapan din ang kalooban ng dalawa kong kaibigan para sa akin lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Hindi madali pero kakayanin.Kanina pa umalis sina Mommy at daddy. Nagsinungaling na lamang ako para hindi magalit o mainis man si dad para kay Royce. "Nang dahil sa lalaking iyon nagawa mo pang magsinungaling sa mga magulang mo. Palagi mo nalang siyang tinatakpan. Sa tingin mo ba tama ang ginagawa mo?" palatak ni Susan. "Ganyan naman talaga ang ginagawa ng taon

  • Gapangin Mo Ako Ninong Royce   Kabanata 63

    Ang malakas kong sigaw ang maririnig sa isang kwarto kung saan ako naroon para isilang ang sanggol na gusto ng kumawala sa aking sinapupunan."Mukhang hindi mo kayang manganak ng normal, Mrs. Sy. We need to conduct a Cesarian session. Hindi kasi umuusad, " ani ng aking doktora. "S—Sige po," nahihirapan kong sagot. Damn, mukhang mawawalan na ako ng malay pero kailangan kong lumaban."Doc, s—sobrang sakit na at baka hindi ko kayanin," ani ko sa nanghihinang boses. Narinig kong inutusan ng doktora ang nurse na kasama. Napansin kong sinuri kaagad ng nurse ang ilang mga vital signs ko. Lihim akong nagpasalamat at nilagyan ako ng oxygen mask medyo bumalik ang aking lakas.Mula sa kinaroroonan kong kwarto ay inilipat ako sa isang operating room kasama namin ngayon ang isang surgeon. Saka may itinurok sa akin dahilan para makatulog ako. Makalipas siguro ng ilang oras ay dahan-dahang iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nina Susan at Mia."Careful," ani Mi

  • Gapangin Mo Ako Ninong Royce   Kabanata 62

    Months later...Pagkatapos ng aming simpleng kasal sa huwes ay nagpasya si Royce na pasamahan muna ako ni Mommy since buntis ako. Si Dad naman ay ipinagpatuloy ang business na nasimulan niya sa Cebu. At sa awa naman at tulong ng Dios ay lumago ito ilang buwan pa lamang ang nakalipas. Dahil kasal na kami ni Royce napansin ko ang kakaibang pakikitungo ni Royce sa akin na siyang totoong nagbigay kulay sa aking buhay. Ayoko man na umasa pero sana nga tama ang kutob ko."Mabuti naman at okay na pala kayo ni Mr. Sy. Mukhang may happy ending ang story niyo. Baka na realize na niya na mahal ka niya. Ikaw ba bumalik na ang feelings mo sa kanya o natatabunan parin ng galit at poot?" Kausap ko sa kabilang linya si Susan. Kasalukuyang narito ako sa aking kwarto habang kaharap ang flat screen TV. Nasa harapan ko ang isang basong gatas."Hindi ko pa masasagot ang tanong mo, Susan.""Teka lang, nagkikita pa ba kayo ni Mia?""She's busy I guess," sagot ko. "Well, siguro. Lalo na at sobrang busy si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status