Share

Chapter Fourteen

NAKAKUNOT pa rin ang kanyang noo hanggang sa makapasok siya sa loob ng kanyang unit. She wanted to punch Eugene for tempting her so bad. She was attracted to the man, yes, there's no point denying that, but she doesn't want to engage with him. Involving a man in her life means complication, she doesn't want that. She wanted to live peacefully, freely.

Eugene was nothing but a nuisance. Kung tutuusin ay ito ang dahilan kung bakit siya nadawit sa pagkamatay ni Patrick Castillo. If it wasn't for him, she wouldn't drink herself to oblivion that night when they first met. It all started with Eugene Lorenzo!

Ibinagsak niya ang katawan sa ibabaw ng sofa, pagkatapos ay pumikit nang mariin upang alisin sa isipan ang mga pinggagawa ni Eugene sa kanya, ang epekto nito sa kanya na hindi niya mahanapan ng kasagutan kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon dito. All right, he's gorgeous. Ngunit hindi lang naman ito ang unang halos perpektong lalaking nakilala niya.

Iminulat niya ang mga mata kasabay ng pagbuga ng isang marahas na hininga. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakipagtitigan sa kisame nang marinig ang pagtunog ng doorbell ng kanyang unit.

Nahahapong bumangon siya at tinungo ang direksiyon ng pintuan. Sumilip siya sa peephole bago binuksan ang pinto.

Akmang ibubuka niya ang bibig upang paalisin ang dalawang pamilyar na lalaki nang maunahan siya ng isa sa mga itong magsalita. Hindi niya alam kung mapapabuntung-hininga sa relief o mababahala nang malaman ang rason kung bakit naroon sa labas ng kanyang unit ang dalawang pulis na palaging nangungulit sa kanya ng mga bagay na may kinalaman sa pagkamatay ni Patrick Castillo. They were here for the incident that happened to her two days ago.

Pinapasok niya ang dalawa at pinaupo sa mahabang sofa sa may sala habang inukopa niya ang one-sitter.

"May kaaway ba kayo, Ms. Rodríguez? Sinadyang sirain ang preno ng sasakyan niyo ng kung sinuman," anang pulis sa himig na nagtataka.

Hindi rin mahanapan ng sagot ni Vodka ang tanong na iyon. Hindi niya maituturing na kaaway ang mga kaaway ng kanyang ama. Hindi siya marahil kilala ng mga ito. Wala naman siyang kilalang kaaway ni Felix na maaari siyang pagbalingan, isa pa, napakalayo ng Colombia sa Pilipinas. Wala rin siyang alam na taong naagrabyado niya kaya wala siyang ideya kung sino ang may gawa niyon sa kanyang kotse. Her poor Martini.

Ikiniling niya ang kanyang ulo sa dalawang pulis na naghihintay ng kanyang sagot. Sinagot niya ang mga tanong ng mga ito ayon sa kanyang mga naaalala.

"Wala ba kayong napansing kahina-hinalang tao na lumapit sa sasakyan niyo noong gabing 'yon?"

She shook her head again. Bahagya siyang napasinghap nang may biglang maalala ngunit muli rin niyang itinikom ang mga labi sa pagtataka ng dalawang pulis.

She remember it now, maayos pang gumagana ang preno ng sasakyan niya nang tumigil sa harap ng nightclub. Posible bang ng mga oras na nasa loob siya ng Tipsy Talk ay siya namang pagputol ng taong iyon sa kanyang preno?

"Bakit? May sasabihin ka ba, Ms. Rodríguez?"

"Wala," she answered abruptly. "I want to know whose threatening my life."

"Gagawin naming ang aming makakaya."

Pagkatapos malaman ng mga ito ang gustong malaman ay nagpaalam na ang mga itong aalis na.

"You'll not gonna ask me about Patrick Castillo's death?" pahabol niyang tanong na ikinatigil ng dalawa sa akmang paglabas.

Ilang sandaling hindi sumagot ang dalawa at nagkatinginan. "Sumuko na ang suspek," sa huli ay sabi ng pulis.

Nangunot ang kanyang noo sa pagtataka at kumabog ang kanyang dibdib sa gulat. "Sumuko? Sino?"

"Isang bartender ng nightclub ang pumunta mismo sa presinto at sinabi ang ginawa niya ng nangyari ang pagpatay kay Patrick Castillo."

"Who?" Subalit hindi na siya sinagot ng dalawang pulis at tuluyan ng lumabas. Akmang hahabulin niya ang mga ito pero pinigilan niya ang sarili. Isa lang ang maaari niyang gawin upang malaman kung sino ang taong iyon. She had to see that person.

Mabilis ang mga galaw na pumasok siya sa loob ng kanyang silid. Kinuha niya ang luma niyang pitaka at nilagyan ng cash, pagkatapos ay isinilid sa isa pa niyang handbag bago lumabas ng kanyang unit.

Pagkalabas niya ng condominium building ay agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa police station. Ipinagpasalamat niyang abala ang mga pulis na naroon kaya malaya siyang nakapasok. Lumakad siya papalapit sa seldang naroon, natuptop niya ang bibig nang makita ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa sahig at nakasubsob ang mukha sa mga tuhod.

Nanubig ang mga matang napahawak siya sa rehas at tinitigan itong mabuti upang alamin kung hindi ba siya pinaglalaruan ng isipan. "Bella..." tawag niya rito sa garalgal na boses.

Agad na nag-angat ng tingin si Isabella. Isang ngiting hindi umabot sa mga mata ang iginawad nito sa kaibigan. Tumayo ito at lumakad palapit kay Vodka, nakipagtitigan siya rito at tanging ang bakal na rehas ang naghihiwalay sa kanila.

"W-what are you doing there? What did they do to you?" tanong ni Vodka na hindi napigilan ang panunubig ng mga mata nang makita ang kalagayan ng kaibigan. Maputla ang mukha nito, nanlalamin ang mga matang nangingitim ang palibot. She looked like she hadn't slept for days.

"Ma'am bawal kayo rito," sabi ng isang pulis nang makita si Vodka. Akmang hahawakan nito ang braso ng dalaga nang umiling ito.

"Please, just let me talk to her," pakiusap niya. Napabuntung-hininga nalang ang pulis at tinalikuran ang dalawang babae.

Inabot ni Vodka ang kaibigan na nasa loob ng selda at niyakap, agad naman itong gumanti sa kanya ng yakap sa kabila nang may mga rehas na nakapagitan sa kanilang katawan. Vodka considered Isabella as her family aside from her brother, she loved her like a sister she never had. They live together for five years before Isabella moved out and they had a lot of memories together.

Hinaplos niya ang mukha nito nang pakawalan nila ang isa't isa. She was trying so hard to hold her tears back. "What happened to you?"

"I... I couldn't sleep, Vod. I dreamt the same dream every night, it's making me sick and I don't want to lose my mind. I have to do this." Hindi man malinaw ang sinabi nito ay alam ni Vodka ang gustong tukuyin ng kaibigan. "I hid, I thought that it's the best thing to do, I'm scared..."

Nabaghan si Vodka nang makita ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nito. Niyakap niya itong muli at hinagod ang likuran.

"You should've called me, I could've been there for you..."

"Hindi kita gustong madamay sa ginawa ko."

"But you've texted me."

Umiling-iling si Isabella at kumawala sa yakap. "I've lost my phone, Vod. That dawn, bumalik ako sa nightclub upang kuhanin ang cellphone ko na naiwan sa loob. But I never had the chance to get it, I-I felt someone moved behind me... and I was scared, I s-stabbed him and I ran away."

Hindi niya masyadong naintindihan ang sinasabi ng kaibigan. Umiiyak ito habang paputol-putol na sinabi kung ano ang nangyari ng gabing iyon. It did not enlighten her, mas lalo lang siyang nalito sa nalaman.

Hindi niya malaman ang gagawin nang lumayo ito sa kanya at muling bumalik sa puwesto kanina at humagulgol. Hindi niya ito malapitan upang yakapin, naninikip ang kanyang dibdib kaya tinalikuran niya ito at nilapitan ang isa sa mga pulis na palagi niyang nadadatnan sa lobby ng condominium building na kanyang tinitirahan.

"How long she has been here?"

Hindi agad sumagot ang naturang pulis at sandaling pinagmasdan ang dalaga. Determinado ang kislap ng mga mata nito kaya walang nagawa ang pulis kundi sumagot. "Labindalawang oras na. Sumuko siya mismo kahapon. We'll be handing her tomorrow to the prosecutor's office."

"She... she couldn't be the killer. It's not her."

"Siya mismo ang sumuko, Ms. Rodríguez," matabang na turan ng pulis pagkatapos ay iniwan ang dalaga na nakatulala.

PAGKALABAS niya ng presinto ay umupo siya sa gutter sa gilid ng daan sa halip na umuwi. Hindi niya alam kung ano ang iisipin at gagawin.

Nang marinig ang pagdagundong ng langit ay pumara siya ng taxi at tumayo nang may tumigil sa kanyang harapan. Nahahapong sumakay siya roon at isinandig ang katawan sa upuan.

Sinabi niya sa driver kung saan siya ihahatid at itinuon na ang mga mata sa labas ng sasakyan pagkatapos. Okupado ang kanyang utak kaya hindi agad napansin ni Vodka na iba ang daang kanilang tinatahak.

Wala sa loob na napatingin siya sa rearview mirror ng taxi at nangunot ang noo nang makita ang kakaibang ngiti ng driver. Hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito dahil may suot itong cap. Doon niya naalalang tingnan kung nasaan na sila kaya itinuon niya ang mga mata sa labas para lang mapasinghap.

Dumadagundong sa kaba ang kanyang dibdib ngunit hindi niya hinayaang daigin siya no'n. Pasimpleng kinapa niya ang kanyang bag at binuksan. "Sino ka? Saan mo ako dadalhin?" tanong niya rito habang nilalabana ang panginginig ng kanyang tinig.

Wala siyang natanggap na sagot mula sa driver kaya sinubukan niyang buksan ang pinto ng sasakyan, ngunit ayaw niyong bumukas. "Let me out, bastardo!"

The man ignored her. Hindi man lang siya nito pinansin kahit na magwala na siya roon. She did not hesitate and pulled the pepper spray out of her bag. Dumukwang siya at inis-prayhan niyon ang driver sa mukha.

The man groaned painfully and muttered a series of unprintable expletives. She was about to press the button to open the door of the car when he slammed her to the door. She whimpered when her head hit the glass window, she felt dizzy and nauseous.

Everything became inaudible and blurry. She heard the driver talking to someone over the phone but she did not comprehend what they were talking about.

Naramdaman niya muli ang pag-andar ng sasakyan ngunit napakasakit ng kanyang ulo upang manlaban. "L-let me out!" she pleaded. But her pleas were landed on deaf ears.

Nilukob na ng takot ang kanyang buong pagkatao nang huminto ang sasakyan sa isang eskinita. Sa nandodobleng paningin ay nakita niya ang isang itim na van na nakaharang sa kanilang daanan. May isang lalaki sa labas niyon at nasisiguro niyang kasama ito ng dumukot sa kanya.

Lumabas ang driver, pagkakataon na niya iyon na makatakas. Mabilis din niyang binuksan ang pinto sa gawi niya at lumabas. Subalit bago pa siya makatakbo ay nahawakan na siya nito sa braso na siyang ikinadaing niya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status