Share

Chapter Twenty Eight

Sandali siyang natigilan at pinagmasdan ang mukha ni Matthew. Ngayon niya napagtanto ang pagkakaiba nang dalawang lalaki kung ang pisikal na aspekto ang pagbabasehan habang tinititigan niya ito ng mabuti. Matthew was an inch, or maybe two, shorter than Eugene. Their eyes and lips were different though they both had that aristocrat straight nose like those of greeks.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Vodka sa pagtataka nang bigla siyang higitin ni Eugene at itago sa likod nito.

"We have to go," said Eugene to Matthew, with a little tinge of hostility in his voice.

Matthew nodded at the couple before going back to his job.

Hinawakan ni Eugene ang dalaga sa bewang at iginiya papasok sa elevator. Vodka was still frowning, she looked at Eugene's face and it was grim.

When they arrived at the parking lot, she saw Felix's car parked nearby. She nodded in his direction though she cannot see him through the tinted windshield.

"What's with you?" hindi mapigilang tanong ni Vodka kay Eugene nang makapasok sila sa loob ng sasakyan.

Bumaling si Eugene kay Vodka at sandali itong tinitigan. Bumaka ang bibig na para bang may sasabihin ngunit muli iyong itinikom. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at napabuga ng hangin nang maramdamang nakatingin pa rin sa kanya si Vodka at hinihintay ang kanyang sagot.

"Forget it."

"No, won't do. Ano nga?" Nilangkapan niya ng inis ang boses. Lalong nagsalubong ang mga kilay nang makita ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi ni Eugene. "I was right when I thought you're bipolar the second we met."

"You sound sexier in tagalog."

"I know right," she said to hide her smile. God, he was sexier when he smiled like that. And him staring at her as if she was the most beautiful woman on earth, she felt like shivering in pleasure. "But you're still not answering my question. Out with it."

It took him a minute contemplating whether to tell her or not what he felt a while ago. It was a sudden hit of emotion that he did not think he was capable of feeling towards Matthew. He never got jealous of him before. "Do you see Matthew as me? I mean, we're twin, you could be mistaken about who's whom."

"That's silly."

"I know right."

"Then why ask that question?"

"I don't know, I just feel a sudden hit of... doubt when you looked at him earlier as if he was the most interesting species there is."

"You said you like me?"

"Yeah," Eugene answered, frowning now.

"Then it is safe to assume that you were... jealous?" Vodka felt like smiling but tried to hide it.

"It is." Magaan na ang tinig ni Eugene at tila normal lang ang kanilang pinag-uusapan.

"Do you realize that we shouldn't be talking about this now? We are in a sort of a mission."

"Just don't stare at him like that or any man in particular."

"My, my, you're cute when you're jealous," Vodka then grinned.

"Stop! Or I'll kiss the daylight out of you." Sabay sulyap sa dalaga na nakaupo sa passenger's seat, may pagbabanta ang mga mata, pagkuwan ay muli ring ibinalik ang paningin sa daan.

"I'm shaking," she teased one last time. 

"IT'S CLEAR," salubong ni Scarlet sa tatlo pagkarating nila sa shop ni Vodka. "No bugs, no bombs, no goons... just a jackass," dagdag niya nang makita ang pagdududada sa mga mata ni Felix na nakatitig sa kanya.

Iniwan nina Vodka at Eugene ang dalawa sa ibaba upang magbantay habang tumuloy sila ni Eugene sa ikalawang palapag ng kanyang pag-aaring building kung nasaan ang kanyang opisina. 

"Help me with this." Pagkaalis nila sa isang may kalakihang painting na nakadikit sa pader ay agad na tumambad ang isang vault na naroon na mula nang bilhin niya ang gusaling iyon mula sa dating may-ari. 

Wala siyang sinayang na oras at pinindot ang six digit pin at tumapat sa iris scanner upang magbukas ang vault. The very reason why she had to come with them to retrieve the phone, they needed her iris to open it. Kung ang dalawang lalaki lang ang papipiliin ay mas gusto ng mga itong iwanan siya sa bahay ni Eugene dahil mas ligtas daw iyon sa kanya. 

Nakahinga ng maluwag si Vodka nang makitang naroon pa rin ang cellphone na marahil ay pag-aari ni Patrick Castillo at ang kuwintas ni Isabella. "Here." Sabay abot kay Eugene ng aparato, mas alam nito kung ano ang gagawin doon. 

She was thankful now that she hid the phone the moment she came back to the city from Eugene's house during that time that she almost died inside her car. Kinabukasan nang magtungo siya sa presinto upang makita ang matalik na kaibigan at makaligtas sa taong nagtangkang dumukot sa kanya ay dinala niya ang cellphone at ang kuwintas sa kanyang opisina at tinago sa naroong vault na walang nakakaalam bukod sa kanya at ang dating may-ari. 

Pagkatapos nilang makuha ang kanilang sadya ay muling isinarado ang shop na ilang araw nang hindi nagbubukas at bumiyahe pabalik sa bahay ni Eugene. So far, nothing bad happened to them. They remained alert for the possible thing to happen, anticipating the worst. 

Nakaagapay sa kanilang likuran ang sasakyan ni Eugene at sa kabilang lane naman katapat nila ay naroon si Scarlet at nakasakay sa motorsiklo. 

Nakalampas na sila sa toll gate at palabas na ng lungsod nang mula sa gilid ng daan ay sumulpot ang tatlong sasakyan. Ang dalawa ay pumuwesto sa kanilang harapan, okupado ang magkabilang lane. Habang ang isa ay nasa kanilang likuran at nakapagitna sa sasakyan ni Eugene at Felix. 

"E-Eugene..."

"I know. Hold on tight and lower your head."

Ilang minuto na silang tumatakbo habang nakaagapay pa rin ang tatlong kotse. Sinubukan ni Felix na lagpasan ang sasakyang nasa harapan ngunit hindi nagbibigay ng daan. Pumakabila siya sa kabilang lane, sa likuran ng motorsiklo ni Scarlet at kapantay na ngayon ang kulay itim na Volvo na bumaba ang bintana at isang ngisi ang iginawad ng driver kay Felix. Iniinis ng driver ng Volvo ang binata kahit hindi niya ito makita mula sa heavily tinted na salamin ng sasakyan nito. 

"They're not going away!" Napahigpit ang kapit ni Vodka sa gilid ng sasakyan. She was a hundred and one percent sure now that these were the people who were trying to kill her. 

Tumingin si Vodka sa paligid upang maghanap ng maaaring mahingan ng tulong ngunit ang nagtataasang dahon ng maisan ang kanyang nakikita sa kanyang kanan. Inaasahan na nila ang ganitong eksena ngunit kailan man ay hindi siya magiging handa sa ganoon. Bumabalik sa kanya ang araw na muntik na siyang madisgrasya sa loob ng kanyang sasakyang nawalan ng preno. 

"Get the phone and call the director," sabi ni Eugene kay Vodka habang nanatiling nakatutok ang mga mata sa daan at sa mga sasakyan dumidikdik sa kanila. 

Sa nanginginig na kamay ay tumalima si Vodka. Inilagay niya sa loudspeaker ang tawag nang sumagot ang nasa kabilang linya. 

"Where are the team you sent? We're being cornered here!" si Eugene na pigil pigil ang galit. Kanina lang ay tiwala siyang gagabayan sila ng mga agents na ipinadala ng direktor nang tawagan niya ito at humiling ng kaunting pabor. Kaninang pagpasok nila sa lungsod ay agad niyang nakitang nakabuntot sa kanila ang mga agent ng NBI, sa ospital hanggang sa magtungo sila sa shop ng dalaga upang kuhanin ang kanilang pakay roon. 

"I'm still trying to reach them, I lost contact."

"Shit!"

"I'm sorry, Lorenzo. I get back to you as long as I get in touch with them... Good luck."

"Sir- Damn it!" he cursed when the line ended. "Get the gun in the compartment, now!"

Kahit natataranta ay ginawa ni Vodka ang inutos ni Eugene at inilabas ang baril mula sa glove compartment. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang hawak iyon. 

"Holy fuck!" Bumukas ang bintana ng sasakyan na nasa harapan ni Scarlet at nakita niya ang pagsungaw ng ulo ng isang lalaki. Mabilis niyang nakabig ang kaniyang motorsiklo patungo sa kabilang panig ng highway nang makita ang pagtaas nito ng baril at itinutok sa kanya. Muntik pa silang magkabangaan ng isang kotseng papasok sa lungsod at kasalubong niya.

Si Felix na hindi agad nakita ang ginawang pagbaril ng lalaki dahil nakatutok ang kanyang pansin sa Volvo na nasa kanyang tagiliran ay siyang tumanggap sa balang mula rito. Tinamaan niyon ang windshield ng kanyang sasakyan at nahagip ang kanyang braso. "M****a!"

"Oh god, Felix!" Sigaw ni Vodka nang makita ang mga pangyayari. Lalo siyang nasindak ng gitgitin ng Volvo na nasa kanilang likuran ang sasakyan ng nakatatandang kapatid. 

Sagitsit ng mga gulong at mga metal ang maririnig. Buong lakas na kinabig ni Felix ang sasakyan patungo sa kabilang bahagi ng highway ngunit binangga siyang muli ng Volvo kaya sumadsad ang kanyang sasakyan sa median strip. Sinubukan niyang bagalan ang pagpapatakbo upang makawala sa pangco-corner nito ngunit dinidiinan siyang lalo ng Volvo. 

"You drive!"

"What? H-How?" naluluhang tanong ni Vodka. Kinuha ni Eugene ang baril mula sa kanyang mga kamay at inilagay ang isa niyang kamay sa manibela. 

"You need to drive if you want to save your brother!"

"Okay!"

Nagpalit sina Eugene at Vodka ng puwesto kahit na hindi ganoong naging madali iyon. Mahigpit na hinawakan ni Vodka ng dalawang kamay ang manibela nang sa wakas ay pumalit siya sa driver's seat. 

"Be careful!" bilin ni Vodka nang buksan ni Eugene ang bintana at ilabas ang kalahati ng katawan doon. Ngunit huli na upang pigilan ang sasakyan sa panggigitgit kay Felix. 

Muling nagpaputok ang lalaking sakay ng kotseng nasa harapan. Sa pagsubok na umiwas at dahil sa kumikirot na braso na may tama ay nawalan ng kontrol si Felix sa manibela. Buong puwersang binangga ng driver ng Volvo ang kotse ni Felix dahilan upang tumagilid ang kanyang sasakyan at tuluyang tumaob. 

"No, Felix! No!" iyak ni Vodka na nakita mula sa side mirror ang nangyari sa sasakyan ng kapatid. "E-Eugene, what do we do?"

"Shit! Shit!" iyon lang ang tanging naitugon ng binata. 

Ngayon ay napapagitnaan na sila ng tatlong sasakyan. Wala silang ibang mapupuntahan. 

"Watch out!"

Dahil sa sigaw na iyon ni Eugene ay napasulyap si Vodka sa kotseng nasa tagiliran nila. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang pagtutok ng baril ng lalaki sa kanilang direksiyon. Kasabay nang pagkalabit nito ng gatilyo ay ang pagkabig ni Vodka sa sasakyan patungo sa nagtataasang maisan. 

Tumatalbog ang kanilang sasakyan at hindi niya alam kung saan banda magmamaneho ngunit patuloy siyang nakaapak sa silinyador dahil patuloy ang pagpapaputok ng mga lalaking humahabol sa kanila na sinuong na rin ang maisan. 

Dahil denisenyo ang pick-up truck ni Eugene na kayang suungin ang malulubak at mahihirap na daan ay bahagya silang nakalayo sa mga humahabol.

"G-Gin..." tawag ni Vodka sa binata habang hinihingal. Nananakit na rin ang kanyang palad at nangangalay na ang mga paa dahil sa pagmamaneho. Nasira ang mga tanim na kanilang nasasagasaan ngunit biglang nawala ang mga humahabol at natigil ang mga putok. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status