Share

Chapter Twenty Seven

"KAILAN natin sila papasukin, Russo? Naka-standby na ang mga bata, hudyat mo na lang ang kailangan nila."

Kalmadong itinapon ni Russo ang hawak na stick ng sigarilyo sa lupa at inapakan. Mariin ang ginawa niyang pag-apak na para bang iyon ang taong target nila.

"That house is a fortress. Bago pa tayo makalapit ay alam na nilang parating tayo, it will give them a chance to escape."

Tiningnan ni Russo ang tauhan na natahimik dahil sa kanyang sinabi at mabigat ang kamay na tinapik ang balikat nito. Kapagkuwan ay umalis siya mula sa pagkakasandal sa hood ng sasakyan na nakatigil sa gilid ng daan. "Let's go, may kailangan tayong puntahan."

Isang hiling sulyap ang ginawa ni Russo sa daan patungo sa bahay ni Eugene Lorenzo. Alam niyang may mga nakatagong kamera sa mga punong nakapaligid sa bahay nito. And the house itself was a state of the art. Sa mataas na pader pa lang na mahirap tibagin, puwera na lang kung gumamit sila ng malalakas na bomba na bubulabog sa mga naninirahan malapit sa lugar.

Russo stepped on the gas and his grip on the steering wheel tightened as he drove towards the big city.

"CAN YOU please listen to me before you do something drastic?"

Natigil si Vodka sa pagdampot ng damit upang ipalit sa hinubad nang marinig ang sinabi ni Eugene na nakasunod sa kanya sa loob ng walk-in closet. Marahas niya itong nilingon habang pigil pigil ang galit. "Drastic! You call it drastic?! My friend is at risk, Gin, and it is because of me. And you and Felix keep me in the shadow about what happened to Isabella! She could die because of me!"

"You don't know that. They might've got a different reason for harming her, it is not your fault."

"It is! It fucking is!" Vodka snarled and pulled out the cellphone that she hid under her pile of clothes. "Whoever that son of a bitch is, he had texted me when I got my phone back. He said he will kill anyone that is dear to me, tell me, Gin, how it is not my fault?!" Suddenly, Vodka felt stressed out. She weakly leaned on the shelves for support.

Kinuha ni Eugene ang cellphone sa kamay ng dalaga at binuksan. Mayroon ngang nagpadala ng mensahe ng pananakot ngunit mula iyon sa isang pamilyar na tao. "It's from Isabella?"

"They have her phone, that night when someone manipulated my car, I got a text from Isabella's number telling me that she wanted to meet me outside the city, I drove my car and you know what happened next. When I visited Isabella at the police station, she told me that she lost her phone that dawn when the murder took place."

Muling binasa ni Eugene ang mensahe habang nakakunot ang noo. Tatlong araw na ang nakalipas mula nang maibalik ni Eugene ang cellphone kay Vodka nang makuha niya iyon mula sa mga pulis na rumesponde noong nangyari ang pamamaril sa shop ng dalaga. Ang mensahe ay ipinadala isang araw pagkatapos niya iyong maibalik. Her brother, Felix, was already there but Vodka did not tell them about it.

"And you're telling me just now because? You shouldn't keep valuable information like this to yourself."

"I was... I was scared and it slipped my mind. And I thought that whoever that person is was just saying that to scare me."

"You're right, he's scaring you but that doesn't mean he doesn't mean it. People like them will do everything, everything to make their target surrender. Kung hindi ka nila makukuha then they will use the people around you as bait to make you come out from hiding. The exact reason why I didn't tell you about Isabella. I know you will want to see her even though it is too dangerous for you to come out."

"I'm sorry," she muttered in a low voice. "But I really need to see her. I will never be at peace knowing that my friend, my family, is out there with her life's at risk while I am here, hiding. Yes, Scarlet said Isabella's safe but I have to see it for myself. I won't forgive myself if anything happens to her because of me." Vodka tried to choke her sob when she remembered what Scarlet told her earlier when she asked her about Isabella.

Kung hindi pa sinabi ni Scarlet ang ginawang pamamaril kay Isabella ng kung sinuman ay hindi niya malalaman dahil walang balak ang dalawang lalaki na sabihin sa kanya.

Bumuntung-hininga si Eugene at pinalis ang pagkainis sa mukha nang makita ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata ng dalaga. Sa mahina ngunit mariing tinig ay sinabing, "You can't come out to the open without a plan. Sure, hindi ka nila papatayin agad dahil may kailan pa sila sa 'yo, but after they get what they wanted..." binitin ni Eugene ang salita habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"What plan? Tell me what plan do we have to see Isabella and get that goddamn phone? Maybe what's inside will give us an answer about why all of these are happening. So tell me what our plan is!"

Nilapitan ni Eugene si Vodka at hinawakan sa mga balikat upang pakalmahin. He then kissed her forehead. "We'll figure something out."

"THIS IS not a good plan. Why do we have to include the masked woman? We can't trust her just like that, she might double-cross us," mahinang sabi ni Felix kay Eugene ngunit narinig pa rin iyon ng dalawang babae.

Naikot lang ni Vodka ang mga mata habang si Scarlet ay parang walang narinig na sumakay sa motorsiklo nito. Vodka thought she was badass and tough for handling that big bike like a pro.

Pumasok si Vodka sa loob ng pick-up truck ni Eugene. She rolled the window in her direction when Scarlet stopped the big bike on her side.

"Stay alive." Iyon lang ang sinabi nito kapagkuwan ay isinuot ang helmet at pinaharurot ang motorsiklo paalis. Puwet nalang ng sasakyan ang nakita ni Vodka mula sa rearview mirror.

"Let's go," ani Eugene nang makapasok sa loob ng sasakyan. Si Felix ay pumasok na rin sa sasakyan nito. "Here."

Tiningnan ni Vodka ang inumang ni Eugene, ang kanyang cellphone, bago kinuha.

"I couldn't track the number and the phone, seems like they already discarded it after sending that message to you."

Tumango lang dito si Vodka at nanahimik habang minaniobra ni Eugene ang sasakyan paalis. Patingin-tingin siya sa side mirror, rearview mirror at sa magkabilang panig ng daan upang tingnan kung may sumusunod sa kanila. She felt anxious and scared for their lives and for Felix who was on their tail.

Pagkatapos ng isang oras at kalahati ay narating nila ang ospital na pinagdalhan kay Isabella nang walang nangyayaring aberya.

"Walk straight," bulong ni Eugene na nasa tabi ni Vodka habang naglalakad sila sa hallway ng ospital. Alerto rin ito nang sumakay sila sa naroong elevator, may dalawang mag-asawang matanda at isang lalaki na nasa mahigit trienta na marahil ang edad sa loob bukod sa kanila.

Pagkarating sa labas ng ospital room ni Isabella ay sinalubong sila ng dalawang pulis na nagbabantay. Isang matangkad at malaki ang pangangatawan na lalaki ang lumabas mula sa loob ng silid at pinapasok sila.

Pamilyar kay Vodka ang lalaki dahil ilang beses na niya itong nakita sa loob ng Tipsy Talk. If she remembered it right, he was one of the bouncers. And Scarlet said that he was there to guard Isabella, the man was competent and he can protect her.

Tulog ang kanyang kaibigan nang datnan nila, hindi na niya ito ginising, sapat na sa kanyang malaman na nakaligtas ito. Para tuluyang mapanatag ang kanyang loob ay kinausap din niya ang doktor ni Isabella, si Doctor Matthew Laurencio, ang kakambal ni Eugene.

"I love you," Vodka then kissed Isabella's hand. Napatingin siya sa kabilang kamay nito na nakaposas at bilang sinalakay ng lungkot. Hindi pa rin nalilinis ang pangalan nito, bagaman sabi ni Scarlet ay gumagawa ito ng paraan.

The family of Patrick Castillo was determined to put her behind bars. Ang ipinagpapasalamat lang ni Vodka ay hindi ganoong pinapiyestahan ang kaibigan ng mga taga medya. Ilang artikulo lang at mga balita sa telebisyon ang nakita't nabasa niya na nagsisiwalat sa pangalan ni Isabella sa mga nakaraang araw. Siguro ay gumagawa talaga si Scarlet ng paraan upang maprotektahan ito. Vodka doesn't know Scarlet that much but her gut feeling was telling her that she was capable of doing everything she desires, she was that strong. Scarlet had a mysterious and powerful aura around her, the woman was a walking mystery.

Nang dumako ang kanyang tingin sa lalaking bantay ni Isabella na nakasandal sa pader ay nahuli nya itong nakatingin sa kaibigan. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang emosyon sa mga matang iyon. Kapagkuwan ay muling bumalik ang tingin sa kaibigan at napangiti. Ngayon ay nasisiguro na niyang poprotektahan nga ng lalaki si Isabella. Somehow, it calmed her.

She kissed Isabella's cheek one last time before getting up from the chair and face the man.

"Vodka Rodríguez," pakilala niya sabay lahad ng palad.

Sandali munang tinitigan ng lalaki ang palad ng dalaga bago tinanggap. "Trojan."

Weird name, Vodka thought. Lumabas na siya pagkatapos ibilin ang matalik na kaibigan dito. Naroon pa rin ang dalawang pulis na nagbabantay sa labas, ang magkapatid na Lorenzo ay nag-uusap ilang metro ang layo roon.

Ngumiti si Vodka ng tipid sa dalawa nang makalapit. "Hi," bati niya sa kakambal ni Eugene nang tumango ito sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status