Share

Chapter Fifteen

Hinila niya ang braso ngunit hindi siya nito pinakawalan at pakaladkad na tinungo ang direksiyon ng itim na van. Nagpupumiglas siya nang kuhanin siya ng kasamahan nito at ipasok sa loob ng sasakyan. Sa loob ay may-isa pa uling lalaki na nakaupo sa backseat.

She kept on struggling but the man inside the car held her shoulders tightly. "Felix, nos envio."

"H-ha?" Natigil sa pagpupumiglas si Vodka nang marinig ang sinabi ng lalaki.

Inanggulo nito ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan. "Mirar." Napasinghap siya nang makita ang ginawa ng lalaking nasa labas sa driver ng taxing sinakyan niya. Walang kahirap-hirap nito iyong pinatumba gamit lang ang mga kamay.

"Como se si son realmente los hombres de Felix?" tanong niya rito kung paano siya makakasiguro na ipinadala nga ang mga ito ni Felix.

Nakahinga lang siya nang maluwag ng ipakita nito ang cufflink sa manggas ng suot na damit.

Pumasok ang lalaking nasa labas kanina at ibinigay ang bag niya sa kanya na kinuha pa nito sa backseat ng taxi. "Gracias."

Nahahapong sumadig siya sa upuan at ipinikit ang mga mata. Panatag na ang loob niya, salamat sa dalawa na tumulong sa kanya.

Hinayaan niya ang sariling magpatangay sa antok at sa pananakit ng ulo. Pagkagising niya ay nasa loob na siya ng isang hospital suite at wala na roon ang dalawang lalaki.

They must've been thoroughly brief by Felix. Her brother knew how much she valued her privacy and freedom. Ayaw niyang may umaali-aligid sa kanya. She was fine with having bodyguards with her situation right now but they should keep their distance, guarding her discretely and no interference from them.

She blew a ragged breath and looked at the door of her room when it open and a familiar face in a doctor's robe entered. 

"DID you find it?" kalmadong tanong ng isang lalaking nasa singkuwenta na ang edad. Mataman niyang tinitingnan ang target sa kanyang harapan at pulido ang pagkakahawak sa baril na nakatutok doon. Pang-apat na tira na niya iyon, wala siyang naging mintis sa mga nauna.

"Hindi pa namin nahahanap kung nasaan pero natukoy na namin kung sino ang may hawak."

Sunod-sunod na kinalabit ng lalaki ang gatilyo, tatlong bala ng baril ang tumama sa larawang nakadikit sa target board ilang metro ang layo sa kanya. Kapagkuwan ay nagtatagis ang mga bagang na itinutok niya ang baril sa lalaking kaharap.

"You know I don't like incompetency, Russo."

Hindi natinag ang lalaking nagngangalang Russo sa kabila ng may baril na nakatutok sa kanyang mukha. Nanatiling walang emosyon ang matangkad na lalaki na may malaking pangangatawan. Kung tutuusin ay kaya nitong patumbahan ang kaharap at agawin ang baril mula rito, pero hindi niya gagawin iyon sa taong pinagsisilbihan niya sa mahigit dalawang dekada.

"Hindi iyon puwedeng mapasakamay ng maling tao. Everything we worked hard for will gone into waste and the presidential election is just around the corner!" Hindi puwedeng mabulilyaso ang plano nila, ilang taon ng buhay niya ang ginugol niya upang maabot ang posisyong meron siya ngayon. Pero tunay na walang kakuntentuhan ang tao. He wanted more. He wanted to be the most powerful person in the country. Sa gano'ng paraan ay wala nang makakahadlang sa operasyon ng grupo nila.

Kung hindi dahil kay Patrick Castillo ay hindi manganganib ang pangalan niya at ang kanilang grupo. He had the guts to threaten him! Wala na dapat silang problema nang mamatay si Castillo, subalit isang bagay na pag-aari nito na kailangan nilang makuha ang nawawala.

Humigpit ang pagkakahawak ng matandang lalaki sa baril nang maalala ang ginawa ni Patrick Castillo. "'Wag mong hintaying palitan kita sa puwesto mo, Russo! I don't need a useless dog!" he roared and pulled the trigger of the gun.

Hindi nagbago ang mukha ni Russo, handa itong mamatay para sa taong pinagsisilbihan. Ngunit walang bala ang tumama sa alinmang bahagi ng kanyang katawan. Wala nang bala ang baril na itinutok sa kanya ng amo.

Parang walang nangyaring kalmado na muli ang mukha ng matanda. Muli niyang kinargahan ng bala ang kanyang 9mm pistol na gawa pa sa bansang Italya at ibinigay ng isang matalik na kaibigan.

"I'll give you five days to retrieve it. I want it on my hands after the month ends." Sabay tutok muli ng baril sa target.

"We have a little problem, Sir—"

Binalingan ng matanda si Russo sa malamig na mga mata kaya natigil ito sa pagsasalita. "Get rid of the problem!" Sabay kalabit sa gatilyo ng baril na nakatutok pa rin sa target kahit wala doon ang kanyang paningin.

Sapol ang mukha ni Patrick Castillo na halos hindi na makilala sa dami ng tama.

"HINDI ka pa ba uuwi?"

Mula sa pagkatitig sa kawalan ay nag-angat ng tingin si Vodka nang marinig ang tanong na iyon ng kanyang manager na sumungaw mula sa nakabukas na pinto. Nakakunot ang noo nito dahil sa pagtataka at pag-aalala. Mukhang gusto nitong mang-usisa subalit pinili nalang itikom ang bibig.

"You go ahead, Helen. Susunod din ako, ako na ang magsasara ng shop," aniya na tipid na ngumiti rito.

"O—kay," sagot nito na mukhang nag-aalala talaga sa kanya at nag-aalangang umalis. "Get home safely."

Nang makaalis ito ay isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Vodka. Kanina pa niya iniisip kung ano ang gagawin sa sitwasyon niya. Lalong luminaw sa kanya ang katotohanang gusto siyang patayin ng kung sinuman. At kung bakit ay hindi niya alam.

Una ay ang nangyari sa kanyang kotse at ang halos pagkakadukot sa kanya kagabi. Hindi niya talaga alam at wala siyang ideya kung sino ang may gawa niyon sa kanya.

Inaalala rin niya ang kalagayan ni Isabella, nadala na ito sa prosecutor's office kanina at nasampahan na ng kaso ng pamilya ni Patrick Castillo. Sigurado siyang gagawin ng pamilya ng biktima ang lahat upang makamit ang hustisya. Isang beses lang niyang nakausap ang kaibigan at hindi malinaw sa kanya kung ano ang gagawin upang matulungan ito.

Pagkaraan ng ilang sandaling pag-iisip ay pinuno niya ng hangin ang kanyang baga bago dinampot ang kanyang bag. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumabas ng kanyang opisina, isang huling sulyap ang kanyang iginawad sa isang painting na bigay pa sa kanya ni Felix bago isinarado ang pinto.

Pababa na siya ng hagdan nang tumunog ang kanyang bagong cellphone na iniwan ng tauhan ni Felix kahapon nang dalhin siya sa ospital.

"Hello, Hermano," bungad niya nang sagutin ang tumawag.

"Where are you?" Nangunot ang noo ni Vodka nang marinig ang galit at pag-aalala sa boses ng nakakatandang kapatid.

"I'm at the shop. Why? Is something wrong?"

"Tell me you're not alone," he demanded.

Hinanap niya ang switch ng ilaw upang patayin iyon kasabay nang pagsagot sa kapatid. "I am a—" Hindi niya naituloy ang sasabihin, maging ang kanyang kamay na akmang papatay sa switch ng ilaw ay nabitin sa ere nang marinig ang tunog nang pagkabasag ng salaming dingding ng shop.

"Hello? What's happening?" tanong ni Felix sa kabilang linya nang marinig ang tunog na iyon. "Vodka, answer me!"

Sandali lang ang pagkatulala ni Vodka nang muling makita at marinig ang pagkabasag ng salaming dingding ng shop malapit sa kanyang kinatatayuan. Napatingin siya sa labas at nang mapagtanto kung ano ang nangyayari ay nabitawan niya ang hawak na cellphone at patakbong tinungo ang isang sofa at nagtago sa likod niyon.

Binaluktot niya ang katawan at tinakpan ang magkabilang tenga nang marinig ang sunod sunod na pagkabasag ng mga gamit sa shop at ang tunog ng humahaging na mga bala ng baril. Napapapitlag siya at napapasigaw sa tuwing may nababasag.

Nang maramdaman ang puwersa tumama sa kanyang balikat kasabay nang pagsigid ng kirot ay napahawak siya roon at napadaing. She bit her lip to stop herself from screaming as great pain engulf her system.

Tuluyan na siyang dumapa sa sahig habang nakatago pa rin sa likuran ng sofang nagkasira-sira dahil sa mga balang tumama niyon.

Humahagulgol siya dahil sa takot at sakit ng kanyang katawan. Ang mga kamay ay muling tumakip sa magkabilang tainga habang ang mukha ay nakasubsob sa semento.

Hindi alam ni Vodka kung ilang sandali na siya sa ganoong posisyon o kung wala na ba ang motorsiklong may sakay na dalawang lalaki at may hawak na baril sa mga kamay sa labas ng kanyang shop. Nandidilim ang kanyang paningin at nanlalabo ang kanyang pandinig dahil sa sakit na sumasalakay sa kanyang katawan.

Napapitlag siya nang maramdaman ang mga brasong humawak sa kanyang balikat at pilit siyang tinitihaya.

"It's okay, babe. You're all right."

Nang marinig ni Vodka ang pamilyar na boses na iyon ay may bahagi sa kanya ang nakalma. Tinulungan siya nito sa pag-upo sa sahig, hindi niya mapigilan ang mga hikbing kumawala sa kanyang mga labi nang maramdaman ang sakit sa kanyang katawan, partikular na sa kanyang balikat.

"Oh, shit! What happened to you?"

"G-Gin!" hindi niya pinigilan ang sarili at yumakap sa binata at humagulgol sa dibdib nito. Iyon ang pangalawang beses niyang umiyak sa mga bisig nito ngunit wala siyang pakialam. She loved the feeling of security from him. She needed it right now.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status